Dahan-dahan humakbang ang mga pulang mata. Nagulat si Yeman nang matamaan ng liwanag ng buwan ang mga ito.
"What-T?! Hindi yung kaninang mga halimaw?! G-Green skin and skinny head? Gob-goblins!" Gulat na napasigaw sa kaloob-looban si Yeman.
Nakilala agad ni Yman ang mga ito. Dahil sa mga isekai genre anime na minsan ay nakita niya. Pero ang kaibahan lang ng mga goblin na ito sa mga anime na nakita, ay mukhang mas nakakatakot ang mga hitsura ng mga goblin na ito. Mapulang mga mata. Mahahaba at matulis na mga ngipin.
"At may pakpak ang iba sa kanila?!" Napasigaw si Yeman sa nakita.
Patuloy parin sa paglapit ang mga ito sa punong kinaroroonan ni Yeman. Bilis na pinutol ni Yeman ang mga medyo maliliit na sanga ng puno na kanyang pinatungan gamit ang kalawanging espada sa kanyang kanang kamay.
"Tsk! Bilis!" Sigaw ni Yeman sa kanyang kaliwang kamay.
Buti nalang at sa wakas ay natapos na rin ang pag restore ng kaliwang kamay niya. Tatlong kasing kapal ng patpatin na braso ni Yeman ang sangang nakolekta. Nang nasa sampung metro nalang ang mga goblin. Napansin ni Yeman na may bagay na mabilis na paparating sa kanyang direksyon.
*Wooooosh!*
"Dagger?!" Napasigaw sa isip si Yeman nang masilayan ang bagay na paparating ng mabilis sa kanyang direksyon. Pero sa bagong bilis at lakas ni Yeman.
*Snap!*
Balewala ito at sinaklaw niya ang dagger na ibinato sa kanya. Kahit maputol ang mga daliri, kamay at braso, or bumaon ng malalim ang patalim sa kanyang katawan ay wala siyang paki!
?!
Pati ang mga goblins ay nagulat din sa ginawa ni Yeman. Hindi nila lubos akalain na kakaiba ang tao sa kanilang harapan.
*Woosh!* *Woosh!*
Nakarinig si Yeman ng pagpapagaspas ng mga pakpak. Bilis niya itong nilingon, at nakita niyang nagbabalak na lumipad sa kanyang direksyon ang mga goblins na may pakpak.
Tinastasan niya ng kunti ang tela na kanyang suot. Itinali ni Yeman ang kalawanging espada sa likod niya gamit ang tela na pinambalot niya sa kanyang katawan. Mabilis na pinatulis ni Yema ang mga dulo ng sanga na kanyang nakolekta gamit ang sinaklaw na dagger.
Bago pa man makalapit sa kanyang kinaroroonan ang unang goblin na may pakpak.
*Woooooosh!*
*Pok!*
Tunog ng pagtama ng matulis na bagay sa noo ng isang goblin na may pakpak.
[Strength Increase!]
[Dexterity Increase!]
[Agility Increase!]
[Vitality Increase!]
[Stamina Increase!]
[Sense Increase!]
Sunod Sunod naman na notification ni system ang sumunod na tumunog. Pagkatapos ay ramdam na ramdam ni Yeman ang mga pagbabago ng kanyang katawan. Lumakas, bumilis, lumiksi at tumalas ang kanyang katawan at isipan.
*Blag!*
Bumagsak ang katawan ng goblin na may pakpak sa lupa. Nagtinginan naman ang iba pa sa direksyon ng bumagsak na goblin.
*GWaRr!*
Sumigaw sa galit ang ibang goblin nang makita ang walang buhay na nilang kasama. Na bumagsak sa lupa. *GWaRr!* *GwArR!* *GwArR!* Agad naman na sumugod pa ang ibang goblin.
Dinumog ang puno na pinatungan ni Yeman at mabilis siyang tumalon sa mga katabing puno. Habang nagpapakawala ng mga lumilipad na sanga sa mga lumilipad na Goblin. *Woooosh!* *Pok!* *Blag!* Bagsak na naman ang isa pa.
[Strength Increase!]
[Dexterity Increase!]
[Sense Increase!]
Habang nakakapatay si Yeman ay lalo lang nagiging malakas at asintado ang kanyang tira.
*Pok!* *Pok!* *Pok!*
Mabilis na pinagtataga ng mga goblin sa baba ang puno na pinatungan ni Yeman. Pero bago pa man maputol ng tuluyan ang puno ay mabilis namang tumalon sa katabing puno si Yeman. Nawala narin ang kanyang antok. "Sino ba naman ang aantokin sa sitwasyong ito!" Sigaw ni Yeman sa sarili. Pero sa bawat pagbagsak ng katawan ng mga goblin ay umiinit naman ang kanyang katawan. Na tila binibigyan siya ng panibagong lakas!
Imbes na matakot ay naeexcited pa si Yeman sa nangyayari. Para sa kanya ay grasya ang mga ito. "Kuku, kung hindi ako nagkakamali ay may malapit na kweba o kung hindi man ay village sa lugar na ito." Tama ang sinabi ni Yeman sa kanyang isip. Dahil ang mga goblin ay nagkakampo sa mga malapit na village or siyudad ng mga tao. Dahil mahilig sila mangnakaw ng mga pagkain at lalong lalo na, mang'gahasa ng mga kababaehan! Kaya madalas nasa isang kilometro ang kampo nila sa target na Village. At hindi lang iyon, dahil sa isip ni Yeman, ay kung makikita niya ang kweba ng mga goblin, ay siguradong may mga pagkain at inumin doon!
Malang mala na ang labi at lalamunan ni Yeman. Kahit pawis ay ayaw na lumabas sa kanyang katawan. Siguradong matagal na sana siya na dehydrate kung hindi lang abnormal ang katawan niya.
"Hehe lapit!" Nasisiyahang sabi ni Yeman.
Pakiramdam ni Yeman ay buhay na buhay ang kanyang dugo. Feeling niya ay para lang siyang nakikipaglaro ng habulan, kaso ngalang ang taya nila ay buhay!
*Wooosh!* *Pok!* *Blag!* paulit-ulit na pagkamatay ng mga goblins na may pakpak.
[Dexterity Increase!]
Nakailang patay na ng goblins si Yman pero napansin niya na hindi na gaano lumalabas yung notification na pag'increase ng lakas niya. Bihira nalang ito lumalabas. Sampung goblins nalang na may pakpak ang natira. Halos dalawampu't lima na ang napatay niyang goblins na lumilipad. Gamit lamang ang pagbato ng mga sanga ng kahoy na pinatalim ang dulo. Dahil sa sobrang asintado ni Yeman, ay halos sapul lahat sa noo ang mga goblins na may pakpak.
May isang kahinaan ang mga goblins na ito. Hindi gaanong mabilis ang kanilang paglipad. Kaya hindi sila makaiwas sa mga atake ni Yeman. Mabilis lang lipad nila kung straight line pero mabagal sila sa pagliko sa kanilang kaliwa at kanan. Dahil kailangan pa nila humarap sa direksyon kung saan sila lilipad. Hindi nila kayang lumipad ng pahalang.
"Hehe!" Hindi mapigilan ni Yeman na mapahagikhik. Damang dama niya ang bagong dagdag sa kanyang lakas. Feeling niya ay kaya niya tumalon ng limampung metro mula sa lupa. Kaya niya rin takbuhin ang isang kilometro sa loob lang ng ilang minuto. Lalo na sa lakas! Tingin niya ay kaya niyang durugin ang mga bato gamit ang kanyang kamao. Pati senses niya naging matalas. Mahaba at malinaw ang kanyang paningin. Kunting tunog mula sa malayo ay abot sa tenga ni Yeman kung e-concentrate niya ang kanyang sarili. Pati pandama niya ay hindi narin basta basta.
Madali nalang kay Yeman magpalipat-lipat sa mga puno.
*Wooosh!* *Pok!*
Nahulog at nakalambitin sa malaking puno ang katawan ng huling goblin na may pakpak.
Ngayon ang natira ay ang mga nasa baba nalang. Nasa dalawampu mahigit ang bilang nila. Nakatingin silang lahat kay Yeman at tila naalarma. Hindi nila lubos akalain na ganito kalakas ang taong ito. At mukhang lumalakas pa ito habang tumatagal. Pinalibutan nila ang puno na pinatungan ni Yeman. At hindi na nila pinokpok pa para putulin. Dahil mabilis makapaglipat lipat sa ibang puno ang taong ito. Lalo na at maraming puno sa paligid.
Nakakatakot tingnan ang hitsura ni Yeman habang nakadungaw sa ibaba. Medyo mamulamula ang mga mata. Dahil ilang araw na siyang walang tulog. Tapos parang bungo pa sa pagkapayat ang mukha at katawan. namumutla pa ang kulay niya at makikita ang marka ng dugo sa kanyang bibig at buong katawan. Dahil pinahid niya kanina ang dugo ng kamatayang halimaw na unang pinatay. Pati ang tela na nakabalot sa kanyang katawan ay pinahid din niya sa dugo ng kamatayan. Alam ni Yeman na pati ang amoy niya ay hindi kaaya-aya. Pero sino pa bang mag-iisip unahin ang hitsura sa kalagayan niya ngayon! Pati bangs ng itim niyang buhok ay tinatakpan ang kanyang mata.
Pag may makakitang tao lang talaga sa kanya ay siguradong magkarandapa sa pagtakbo.
"Ehehehehehehe!"
"Ahahahahahaha!"
"Haha.....!"
Medyo nawala na ang pagkapaos ng kanyang boses, ngunit pati katinuan ay malapit na mawala sa kanya. Sa isip ni Yeman. Ay parang sinasapian siya ng kung ano man. "Bakit ang sarap sa feeling kapag pinapatay ko kayo?" Malamig na tanong ni Yeman sa mga goblin. "Hey! Pwede ba magpatayan tayo hanggang magkaubusan?" Tinatanong niya ang mga goblin na hindi nakaintindi sa kanya.
*GwaRr* Napaatras ng hakbang ang ilang goblin dahil nakadama sila ng hindi maganda sa taong nasa harap nila.
Tumingin si Yeman sa maliwanag na buwan. Gusto niya maiyak. Gusto niya magwala. Bakit siya nandito? Bakit siya pinapahirapan? Bakit kailangan niya magdusa sa kamay ng mga taong yun? Gusto niya lang ng tahimik na buhay! Gusto na niya umuwi sa apartment niya! Pagod na rin ang katawan niya. Gusto niya matulog ng mahimbing. Gusto niya kumain ng tamang pagkain at hindi halimaw. Gusto niya uminom ng maraming tubig at hindi dugo ng halimaw. Pero ang kinalalagyan niya ngayon, ay pinagkait ang lahat ng ito sa kanya.
Sa isip ni Yeman, ay sana hindi nalang niya niligtas si Marie. Dahil umalis naman ito ng walang paalam noong highschool sila. Nasaktan siya sa pagkawala nito. At hindi na umasa pa na makikitang muli. Kaya itinuon nalang niya ang sarili sa mga libangan. Otaku na kung tawagin. Pero masaya siya at hindi naghihirap ang buhay niya.
"Sana hindi ko nalang nakita pang muli si Marie!"
Bigla ay isang luha ang pumatak mula sa kanyang mata.
"Mula ngayon ang sino mang gusto manakit sa akin, ay mapait ang sasapitin." Pagkatapos sambitin ng malamig ito ay nagliwanag ng kunti ang mata ni Yeman. At wala narin ang dating maamong tingin nito. Napalitan na ito ng nakakatakot na tingin. Na para bang sa mga tingin niya ay pagkain ang lahat ng nakikita sa kanyang mga mata. At ang mga dugo nito ay inumin.
Tumingin si Yeman sa mga goblin. Hinulog niya ang isang sanga na may matulis na dulo sa lupa. Napaatras naman ang mga goblin sa gulat. Hinawakan ni Yeman ang dagger sa kaliwang kamay at kinuha ang kalawanging espada na nakatali sa kanyang likuran. Ngayon sa kanyang kaliwa ay may hawak na dagger at sa kanan naman, ay ang kalawanging espada. Tumingin si Yeman sa mga goblin at ngumiti ng nakakatakot.
*Woooooosh!*
Biglang nagdive ng napakabilis si Yeman sa direksyon ng mga goblin sa kanyang harapan. Sinundan naman ito ng nagliparang ulo ng dalawang goblin. Dahil sa bilis ay hindi manlang masundan ng mga goblin ang atake ni Yeman. Bilis na tumalon si Yeman sa sunod na goblin. Gamit ang dagger at kalawanging espada, ay kumakalas ang mga ulo nila sa leeg. Pitong ulo agad ng goblin ang nahiwalay sa kanilang katawan. *GwARr!* sigaw ng isang matapang na goblin. Bigla namang pinalibutan nila si Yeman. Ngunit bago pa sila makaatake ay nawala na ang tao na kanilang pinalibutan. Na sinundan naman ng mga ulong nagliparan. Ilang sandali lang ay lima nalang ang natirang goblin. Maraming nagkalat na bangkay ng mga goblin na walang ulo sa paligid, at maraming ulo ng goblin na walang katawan.
Dahil sa takot ay hindi na kinaya ng mga goblin at napatakbo para tumakas. Lihim naman na ngumiti ng masama si Yeman. Dahil siguradong uuwi ang mga ito sa lungga nila. Bago makaalis ang mga goblin ay pinatay ni Yeman ang apat pa. Ngayon ay isa nalang ang natira. Nagkarandapa ito sa pagtakas papalayo.