Chapter 12 - Tukatok

Plok, plok, plok!

Tunog ng pagpatak ng tubig na mula sa bubungan ng kweba diretso sa nakasahod na palayok sa baba. Ang palayok na ito ay nakita lang ni Yeman dito sa loob ng kweba mismo. Hindi niya alam kung sino ang may gawa nito. Siguro gawa ito ng mga goblin? o di kaya ay nakaw mula sa mga tao.

Thump!!

Isang tunog nang ibinagsak sa lupa ang katawan ng walang malay na malaking ibon. Ang ibon na ito ay tinatawag na Tukatok. Ang dating tawag talaga sa ibon na ito ay Tuka-Tuka, dahil sa kapansin pansin nitong malaking tuka. Pero dahil sa mga tao na madalas ay nagmamadali sa pagsasalita ay napagdugtong ang dalawang salita at naging Tukatok nalang. Ang mga Tukatok ay hindi nakakalipad ng mataas sa ere. Madalas ay tumatalon talon lang sila at nasa sampung metro lang ang taas na kaya nilang pagtalon. Malaki ang mga Tukatok, kasing laki sa katawan ng kalabaw. Mayroon itong kulay abo na balahibo. At bihira lang ito makita sa mga mataong lugar. Ito lang ang halimaw na takot sa tao at madalas nitong kinakain ay dahon ng puno. Kung makakita ka ng mga punong walang dahon ay siguradong makikita mo ang mga halimaw na ito. Pero hindi alam ni Yeman ang lahat ng tungkol dito.

Dalawang linggo na ang lumipas simula nung makipaglaban si Yeman sa mga goblin. Para mabuhay ng ganito katagal ay kailangan niya mangaso sa gubat ng makakain at dahil mayroon na rin siyang tubig na maiinom ay bumalik balik na ang kanyang hitsura. Pero nagulat siya nang matingnan ang mukha mula sa replika na nasa tubig. Dahil hindi ito hitsura ng ibang tao, kundi ay hitsura niya mismo noong labing pitong taong gulang pa lamang si Yeman.

Sabi ni system nasa iba akong katawan pero paanong hitsura ko parin ito? Tanungin ko na nga lang.

"System paanong pareho parin ang hitsura ko sa dati?"

[User00000000000 soul was no doubt tranfered to a new body with similar...blah blah blah]

Base sa sinabi ni System, walang duda na nilipat ang aking kaluluwa sa bagong katawan na may kaparehong hugis, anyo at iba pang similarities sa dati niyang katawan.

So pwede ring sabihin na nasa loob ako ng iba kong katauhan. Kong totoo man na may parallel world o di kaya ay multiverse. Siguro ang taong ito na dating nagmamay-ari ng katawan ko ngayon ay ako rin mismo, na mula sa ibang planita. Hmm, medyo komplikado kung iisipin. Malaki rin ang tiyansa na iba ang katauhan ng taong ito pero nagkataon lang na marami kaming pagkapareho. Edi kung marami kaming pagkakapareho, posible rin kaya na pareho rin ang mga magulang ko sa magulang niya? mag kamukha rin ba ang tatay at nanay ko sa tatay at nanay niya? Kung pareho man ay siguradong nasa parallel world ako, pero kung hindi, ay ibig sabihin nagkataon lang ang lahat ng pagkakapareho namin.

Pero bakit kaya hindi ko nakuha ang mermorya niya? Gaya ng mga isekai MC na aking nabasa sa mga webnovels. After nila ma-transfer sa ibang katawan sa ibang mundo, ay nakuha rin nila ang mga natirang memorya ng dating nagmamay-ari ng katawan. Haha, mukhang sa mga novels lang ata yun gumagana. Hindi ko sinasabing hindi totoo ang nakasulat sa mga novels about isekai. Dahil isa na ako sa mga naging isekai. Kaya lang hindi ko kasing cool at swerte ang mga MC na yun. Wala akong maganda at seksing leading lady. Wala akong goddess na may malaking dede. At higit sa lahat hindi ko nakuha ang memorya ng dating may-ari ng katawang ito.

Pagkamulat ko pa lamang sa mundong ito ay binati na agad ako ng gulo. Napagbintangan sa hindi ko alam na kasalanan. Hindi lang yun, pinahirapan pa araw at gabi. Kaya kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikita ko ulit ang mga taong yun, magdasal na sila na mabilis silang malagutan ng hininga. Dahil kung hindi ay pagsisihan nila na nabuhay pa. At pagsisihan din nilang hindi nila siniguradong paslangin ako.

Dalawang linggo na ang nakalipas nang akoy naninirahan sa lugar na ito. Pero wala parin akong nakitang malapit na tirahan ng mga tao sa lugar. Mamaya ay susubukan kong sundan ang direksyon ng mga goblin mula dito sa kweba papunta sa direksyon kung saan nila ako nakita. Pag-kakaalam ko ay nasa timog na bahagi iyon ng kweba. Pero makikita rin ang mga halimaw na parang lobo sa direksyong yun. Sabagay kahit makasagupa ko sila ngayon at siguradong balewala na sa akin ang mga iyon. Lalo na at nasa magandang kondisyon na ang aking katawan. Hindi lang yun, mas lumakas pa ako dahil sa pakikipaglaban sa goblin. May sandata narin akong maaasahan ngayon. Ang tanging hadlang lang ay ang pinuno nila na naglalabas ng itim na enerhiya kung saan nagdudulot ng corrosion sa katawan na isa sa mga natatanging kahinaan ko.

Base sa aking nalaman mula kay system mismo. May kakayanan akong kopyahin ang taglay na kapangyarihan ng mga halimaw sa pamagitan ng pagtikim saan mang parte ng kanilang katawan, dugo man o laman. Kung ganun ano kayang mangyayari kung matikman ko ang pinuno ng halimaw? Makukuha ko kaya ang kanyang itim na enerhiya? Siguradong posible yun!

Hehe nakaka excite isipin na madagdagan ulit ako ng lakas.

Bakit kaya hindi ko nalang sakupin ang mundong ito?

Kung magiging mas malakas pa ako hanggang sa wala nang makapantay sa akin ay pwede ko ng umpisahan ang pagsakop.

Dahil mahilig naman sa labanan ang mga taong naninirahan rito, ay okay lang na maging madugo.

Pero sa ngayon ay pag-aralan ko muna kung paano namumuhay ang mga tao sa mundong ito.

Para magawa yun ay kailangan ko muna mahanap ang lugar kung saan may mga taong namumuhay.

Sa isang maluwag na espasyo ng kahariang puting bato.

Ting, ting, ting!

Mabilis na iwinasiwas ng isang lalaking may maamo at gwapong mukha ang kanyang hawak na espada na may dobleng talim. Sinangga naman ito ng babaeng nakasuot ng itim na baluti. Mabilis ang kanilang mga galaw sa pagwasiwas ng kanilang mga espada. Para bang nag-dodoble o triple o higit pa ang bilang ng kanilang hawak na espada dahil sa sobrang bilis nila. Halatang mga eksperto ang mga naglalaban. Kitang kita rin sa pawisan nilang mga mukha na ilang oras na sila naglalaban. Pero kahit puno na ng pawis ay tila wala paring balak tumigil ang dalawa sa pagsasanay.

Ang babaeng naka baluti ng itim ay walang iba kundi ang tanyag na pinuno ng tanyag na grupong Black Pegasus at personal na sundalo ng hari na si Amaria Hustisya.

Ang lalaking may maamo at gwapong hitsura naman ay ang personal na tinuturuan ni Amaria, si Regor ang kababata at kaibigan ng prinsesa. Dahil mag-uumpisa na sa susunod na buwan ang sinasabing pasukan sa akademya ng emperyo kung saan tinuturuan ang mga estudyante kung paano gamitin ang kanilang mahika. Maraming gamit ang mahikang ito. Gaya ng paghahalo nito sa sining ng espadahan. Kung saan lalong lumalakas ang iyong kakayanan sa pag-eespada. Dahil sa paghalo ng mahika at sining ng espadahan ay nagkakaroon ng kakayanan ang kahit sino man na lumaban sa mga halimaw na may mataas na antas.

May iba rin na mas gustong magpokus sa sining ng mahika. Kung saan pinapalakas nila ang kanilang taglay na purong mahika. Ang mga taong ito na nagtataglay ng mga purong mahika ay tinatawag na Mahiko or Mage. May iba ibang gamit ang mahika, gaya ng pagpapagaling sa mga sugat o karamdaman. Pero mas kumon na gamit nito ay pagpaslang sa mga kalaban, halimbawa nito ay ang mga mapanira na uri ng mahika. Gaya ng bolang apoy, yelong punyal, matalim na hangin at iba pa.

Pero ang dalawang nagsasanay ay hindi kabilang sa mga tinatawag na Mahiko o Mage, na nagsasanay sa sining ng mahika. Ang dalawa ay nabibilang sa sining ng espadahan at mas tanyag sa tawag na swordsman o Magic Swordsman.

Tiiing!

Weng, weng weng!

Isang malakas na tunog ng banggaan na sinundan ng tunog ng bagay na mabilis na umikot palayo.

Zing!

Nakawala ang espadang hawak sa kamay ni Regor mula sa malakas na atake ni Amaria Hustisya.

Clap, clap, clap!

Tunong ng palakpak mula sa maputing mga kamay ng magandang dilag na kasalukuyang nanonood ng pagsasanay.

"Magaling Regor, kunti nalang at maabutan mo na ang magiting na pinuno ng Black Pegasus na si Binibining Amaria" seryosong pagpupuri ng magandang dilag na animoy ang kanyang balat ay gawa sa mahahaling crystal, nagrereplika ang matinding sikat ng araw habang tinatamaan ang mga balat nito.

"Ahaha imposible yun Princess. Malayo pa ang aking kakayanan para malampasan ang maestro ko" pakumbaba ni Regor habang nakangiti ng matamis sa prinsesa.

"Kukuku, huwag kang maniwala sa batang ito mahal na prinsesa, kitang kita mo naman na muntik na akong tamaan kanina. Siguro kunting pagsasanay pa ay malalampasan na ang aking kakayanan ng mapagkumbabang binatang ito." Sabi ni Amaria sa prinsesa habang tinapik sa balikat ni Regor ang kanyang kanang kamay. Alam ni Amaria ang lihim na pagtingin ni Regor sa prinsesa at botong boto rin siya sa dalawa. Kaya tinutulungan niyang lumakas ito para maging karapat dapat sa prinsesa.

"Narinig mo na ang sinabi mismo ng tagapagsanay mo Regor. Wala ka nang lusot pa kuku" nakangiting sabi ng prinsesa.

"Hah! Pero kulang parin ito. Gusto ko pang maging mas malakas. Hanggang sa wala nang makapantay sa kakayanan ko." Taas noong sabi ni Regor habang namumula.

"Hahaha magaling, magaling! Kaya simula bukas mas maaga na ang iyong pagsasanay at dagdagan ko pa ng mga bagong pagpapahirap para maabot mo ang iyong bituing pinapangarap." Nakangiting sabi ni Amaria habang sinusulyapan ang prinsesa nang banggitin ang bituing pinapangarap. Lalo namang namula ang pisngi ni Regor sa panunukso ng maestro. Habang ang prinsesa ay napuno ng question mark sa ibabaw ng kanyang ulo.

Sa kabilang dako naman ay nagsimula na si Yeman maglakbay patungo sa direksyon kung saan dapat patungo ang mga goblin.