Nagsimula na maglakbay si Yeman patungo sa direksyon kung saan dapat papunta ang mga nakalabang goblin. Makikita sa kanyang likuran ang Bastard Sword at kalawanging espada na nakakrus sa isa't isa. At sa bandang tagiliran sa may bewang nakasabit ang dagger na sinaklaw mula sa goblin.
May bitbit rin siyang parang backpack na gawa sa pinagkabit kabit na leather cloth. Ito'y gawa mismo ni Yeman mula sa mga sira-sirang leather armor at boots na nakita niya sa silid na may maraming buto at sandata.
Isang oras na paglalakad ang lumipas, ngayon ay nasa bandang kagubatan na siya kung saan walang makikitang dahon sa mga puno. Pakuwari niya, pagkalampas sa kagubatang ito ay makikita ang mga halimaw na una niyang nakasagupa.
Diri-diretso lang si Yeman at walang bakas ng pagkabahala na makikita sa kanyang mukha. Wala na siyang kakayanan pa para makadama ng pagkabahala, takot, kaba o kahit ano mang klaseng emosyon na magpapasindak sa kanya.
Patuloy lang siya sa paglalakad, at dahil hindi niya kabisado ang lugar na ito ay kinailangan niya tumalon ng mataas sa ere paminsan minsan para masigurado na hindi siya maliligaw. Noong unang pagpasok niya sa kagubatan ay hindi niya napansin ang kabuuang lapad nito. Dahil hinahabol siya nung mga oras na iyon at isa pa hindi siya makapag isip ng tama dahil sa halo halong nararamdaman. Gaya ng pagkagutom, uhaw at pati narin lungkot.
Pero ngayon napagtanto niya na hindi pala basta basta ang lapad ng kagubatang ito. Napakalungkot mabuhay dito ng mag-isa. Lalo na siguro sa mga normal na tao. Sa gitna ng kagubatan na wala manlang makikitang dahon sa mga puno. Tanging mga tuyong sanga lang ang masisilayan. Walang ibang naririnig si Yeman kundi lagitik ng mga tuyong sanga at dahon na kanyang naaapakan.
Napansin ni Yeman na unti-unting bumababa ang araw patungo sa kanluran. Kung hindi siya nagkakamali ay tatlong oras na siyang naglalakad.
WoooooOOOOOSSSSSSSHHHHH!!
Tumalon siya ng mataas sa ere, saktong nahagip ng kanyang paningin ang mga nag-uusok sa unahan. Pero mukhang malayo pa ito mula sa kanya. Tantsa niya aabutan siya ng gabi bago niya marating ang kinaroroonan ng nag-uusok kung hindi siya tatakbo ng mabilis. Pero walang balak magsayang ng lakas si Yeman. Okay lang sa kanya na magpalipas muna ng gabi rito.
Nagdaan pa ang ilang oras at ngayo'y madilim na ang paligid.
Nakahanap ng bakanteng pwesto si Yeman. At agad gumawa siya ng bonfire. Limang stick naman ang makikita sa tabi nito na may mga malalaking karneng nakatusok.
Karne ito ng tukatok. Nakasalubong niya ito kanina habang palubog ang araw. Mabilis makadama ng halimaw si Yeman. Pero yun ay kung hostile na halimaw. Sa mga kagaya ng tukatok na takot sa tao ay kinailangan pa niyang gamitin ang kanyang paningin, pang-amoy at pandinig para makahanap.
Paminsan minsan ay tinatapunan niya ng tuyong kahoy ang bonfire para panatilihin ang apoy.
Tanging kakaibang tunog lang ng nasusunog na tuyong kahoy at kakaibang huni ng mga insekto ang maririnig sa paligid.
Paminsan-minsan ay may kakaibang ungol naman na mula sa malayo ang nahahagip ng kanyang tenga. Para itong ungol ng mga lobo.
Ilang sandaling lumipas ay umabot sa kanyang ilong ang amoy ng nilulutong karne. Agad na kinuha ni Yeman ang luto na at sinunggaban ito ng malakihan.
.
.
.
Nom!
.
.
.
Nom!
.
.
.
Pagkatapos kumain ay kinuha ni Yeman sa backpack ang palayok na may lamang tubig. Dinala niya ito dahil wala siyang ibang mapaglagyan. At kailangan niya ng maiinom sa paglalakbay.
Gulp!
Uminom lang siya ng kunti dahil kailangan niyang tipirin ito. Lalo na't hindi siya sigurado kung kailan ulit siya makakahanap ng tubig.
Ilang sandali ang lumipas ay makikitang nakahiga si Yeman sa pinagdugtong dugtong na tela na ginawa niyang higaan at kumot. Masyadong tahimik ang paligid. Tanging tunog ng insekto lang ang maririnig.
.
.
.
Kinabukasan nagpatuloy sa paglalakbay si Yeman ng maaga. Medyo malayo pa ang kailangan niyang lalakarin kaya mas maaga mas mainam.
Wala manlang gaanong makitang mga hayop habang siya'y naglalakad sa kagubatang ito.
Lumipas pa ang mga oras,
Ngayon ay nakikita na ni Yeman sa unahan ang mga nag-uusok. Ito yung mga nakaumbok na mga bangkay na tinatapon mula sa taas. Dito sa lugar na ito itinapon ang katawan ni Yeman. Makikita rin ang mga busy sa pagkain na mga halimaw na parang lobo. Kaya lang, may mas nakakatakot lang itong mga hitsura.
Lumingon lingon siya pero hindi makita ng paningin ni Yeman ang pinuno ng mga halimaw.
Makikita sa unahang bahagi ang mga nag-uusok kung saan maraming nakaumbok na bangkay ng mga taong kinakain ng mga halimaw. Sa kanan naman ay makikita ang mataas na bundok. Kung saan nakikipag laban si Yeman sa pinuno. Tanging sa kaliwa lang pwede siyang pumunta. Kung saan walang makikita kundi malawak na kapatagan.
Pero kailangang kalabanin ni Yeman ang pinuno dahil nagtataglay ito ng kakaibang kapangyarihan na gusto niyang makuha.
Humakbang si Yeman sa direksyon ng mga halimaw sa kanyang unahan. Kung ayaw magpakita ng pinuno ay aagawin niya ang atensyon nito.
Nang nasa dalawampung metro nalang si Yeman mula sa mga halimaw ay agad itong nagsitinginan sa kanya. *worf!* *worf!* *worf!*
"Heeh-hehe, sugod."
Biglang nagsisugod ang mga ito kay Yeman. Ang naunang kamatayan ay tumalon ng limang metro papunta sa kanya habang nakabuka ang malaking bibig.
Zing!
Direkta itong nawalan ng malay nang tamaan sa noo ng flying dagger. Alam niya ang mga kahinaan ng mga halimaw na ito. Sa bandang noo may matigas na bagay na kapag tinamaan hindi na sila gumagaling.
Inabot agad ni Yeman ang kalawanging espada sa likod at tinalunan ang isang kamatayan na nagbabalak daganan siya. Mabilis niyang itinusok ang dulo ng espada sa noo ng halimaw.
Tumambling si Yeman sa isang kamatayan na may dagger sa noo at hinablot niya ang dagger sabay bato sa taas ng hindi nakatingin dahil isang kamatayan ang inapakan ang kasama nito para makatalon ng mataas sa ere at sunggaban ang taong kalaban. Pero bago pa man siya magtagumpay, bumaon sa kanyang noo ang dagger na kanina lang nasa noo pa ng kanilang kasama. Sobrang bilis gumalaw ng taong kabalan nila nahihirapan sila sundan ito. Tao ba talaga ito?
HaaAAAAARRRRGGHH!!
GwaaaAAAARRRRRRR!!
Dalawang kamatayan ang mabilis na sumugod ngunit nasaan na ang tao na dapat sugurin? Nawala ito at lumipat sa harap ng pangatlong kamatayan na nasa sampung metro ang layo sa dati nitong kinaroroonan. Hinawakan nito sa lalamunan ang kamatayan at dahan dahan na itinusok ang matulis na dulo ng kalawanging espada. Gustong gusto ni Yeman ang espadang ito dahil kahit mukhang kalawangin ito ay napakatulis ng dulo.
WoooOOOOOOSSSSSSHHHHHH!!
Nang wala ng maramdamang hininga si Yeman sa hinawakang kamatayan ay hinagis niya ito sa isa pang kamatayan na nasa dalawampung metro at mabilis na papunta sa direksyon ng mga naglalaban.
Pero bago pa ito makalapit ay nasapul ito ng inihagis na walang buhay na katawan ng kamatayan.
GyaaAAAAARRRGH!!
GyaaaAAAWW!!
GyaaaAAAW!!
Gumulong-gulong ang katawan nito paatras. Ngunit balewala ito sa kamatayan na may restoration ability.
Mabilis bumangon ang kamatayan at iginiwang giwang ang katawan para tanggalin ang mga alikabok. Nang matapos sa ginagawa ay naningkit ang kanyang mga mata sa kinaroroonan ng taong nanghagis.
Ngunit nawala ulit ang tao sa unahan. Nasaan na ito? Maya maya... may biglang pumatong sa likod niya ng dahan dahan. Napansin ng kamatayan na may dumudungaw mula sa taas. Nilingon niya ito sa pamagitan ng pagtaas ng kanyang ulo ng bahagya.
At yun!, nakita niya ang hitsura ng tao na nakadungaw sa kanya. May medyo payat at maputla itong mukha, mahabang buhok at nanlilisik na pulang mga mata. Nakangiti pa ito ng nakakatakot na para bang sa kanya ay pagkain lang ang mga kamatayang kinatatakutan ng lahat.
Bago pa makagalaw ang pinatungang halimaw ay bumaon ang dulo ng espada sa noo nito.
Nagpatuloy ang madugong laban. Pero wala manlang nagawa ang mga halimaw sa bagong lakas at bilis ni Yeman. Parang pinaglalaruan lang niya ang mga halimaw.
Ang dating mahigit isang daang bilang nila, ay nasa dalawampu nalang makalipas ng labing limang minuto. Mabilis itong naubos at walang kalaban laban.
Makikita ang isang kamatayan na nakabaon ang matutulis na pangil sa binti ni Yeman. Isa naman ang malakas na kinagat ang kanyang balikat. Pero parang wala ng buhay ang mga ito. Isa isang tinanggal ni Yeman ang mga nangangagat na halimaw. Pagkatanggal ng mga pangil ay mabilis naghilom ang mga sugat na para bang hindi nakaranas ito ng pagkagat.
Matapos tanggalin ang mga nakabaong pangil ay tiningnan niya ang mga natirang halimaw.
"Ayaw n'yo naba sumugod?" Malamig na bosses ng pagtatanong niya sa mga halimaw.
Nang mapansin na nag-alinlangan na ang mga itong sumugod ay humakbang palapit si Yeman.
Pero bawat niyang paghakbang ay siya namang pag-atras ng mga halimaw.
"Hehe, mukhang marunong din kayo makadama ng takot huh!"
Sheeeng!!
Nagulat ang mga halimaw at napaatras dahil sa tunog ng espadang hiniwa ang ere. Pinitik ni Yeman ng mabilis sa ere ang espadang kalawangin. Agad namang nagsitalsikan ang mga itim na dugo sa paligid. Dahan dahan naglakad si Yeman sa kinaroroonan ng mga halimaw. Bigla namang naalarma ang mga ito at tila hindi alam kung susugod o aatras.
AwwWWWOOOOOOOOOHHHHHH!!
Natigil ang paghakbang ni Yeman dahil nagpakita na ang kanyang pakay.
"Hehe, hinintay mo pa talagang maubos ang mga bata mo. Anong klase kang pinuno?" Malamig na tanong ni Yeman.