[New substance detected]
[Analyzing new substance]
[Corrosive element detected]
[Begun countermeasure]
[Analyzing corrosive elements]
1%... 20%... 50%... 90%... 100%]
[Done]
[Preparing resistance]
1%... 50%... 80%... 100%]
[Done]
[Analyzing continue]
.
.
.
[BLACK ENERGY SKILL DETECTED]
[SAVING]
.
.
.
[Saving complete]
[Install Black Energy Skill]
...[Done!]
Bago ma-i-save ang bagong kakayahan ay ini-scan muna ni System ang side effect nito, pagkatapos ay ini-analyze kung may resistance ba na dala para magamit ito ng hindi nakakasama sa katawan ng gumagamit.
Kitang kita sa mukha ni Yeman ang kasiyahan. Mga bagong kakayahan na nagpapalakas lalo sa dati niyang buto't balat na katawan. Hindi maiwasang mapangiti siya habang iniisip kung ano ano pang klaseng mga kakayahan ang pwede niyang makuha sa mga halimaw.
Dahil sa resistance nawala narin ang nagpapabagal sa kanyang Restoration skill. Ngayon ay kitang kita na mabilis na gumagaling ang kanyang mga sugat at pinsalang mga natamo. Bumalik ang mga laman at buto sa katawan na para bang walang nangyari. Sa isang iglap lang ay buo na ulit siya na para bang hindi pa sumabak sa laban.
Kaso nga lang ay hindi rin magamit ang corrosion sa kanyang kalaban na may parehong kakayahan. Siguradong may resistance rin ito. Pero malaking tulong ang resistance na dala ng black energy para balutin ang kanyang Bastard Sword na nagsimula nang magkalatay. Sira sira ang talim dahil sa corrosion at nagmistulang bungal na ngipin.
Biglang naalarma ang halimaw nang makitang buo na ulit ang kalabang tao. Napansin niya na kaya nito mangopya ng kakayahan. Pati ang malaking espada na hawak nito ay nababalutan ng itim na enerhiya katulad ng enerhiyang lumalabas sa kanyang katawan. Naningkit ang kanyang mga mata at pinagsalubong ang mga pangil. Ilang saglit ay...
RaaaaaAAAAAWWWWWWWRRR!!
Naglabas ng malakas na sigaw ang halimaw. Kahit anong pang mangyari ay wala siyang balak umatras at magpatalo ng basta basta.
Siya ang pinuno rito at teritoryo niya ang kanilang kinaroroonan. Samantalang ang tao sa kanyang harapan ay isang dayuhan na nambubulabog at isa isang pinagpapaslang ang kanyang mga tauhan.
Hindi ito kayang tanggapin ng kanyang pride. Sa harap nakangisi habang dinidilaan ang natutuyong labi, ito ang mga nagrereplika sa tatlong mata ng pinuno. Makikita ang tao na nakatitig sa kanya na may halong pangmamaliit sa kanyang kalaban. Kung sa laki ang pagbabasihan ay kitang kita na mas maliit sa kanya ang tao. Pero hindi ito sukatan kung sino ang mananalo sa laban, at alam na alam ng pinuno yun. Kaya kailangan niyang gumawa ng paraan at ihanda ang sarili para sa sunod na atake.
Mula sa bibig ng pinuno ay nagsilabasan ang usok at hangin. Dahil dito ay tumaas ang mga alikabok sa ere. Ibinaba niya ng kunti ang ulo. At ilang saglit mabilis itong sumugod habang maririning ang tunog na *Worf!*.
Balak ng pinuno na banggain ang tao sa harap na nasa sampung metro lamang mula sa kanya. Halos kisapmata lang ay nasa harap na nila ang isa't isa. Malakas na tinadyak ng pinuno ang apat na mga paa para humugot ng lakas.
BaaaAAAAAANNNNGGGG!!!
Isang malakas na tunog ang sumunod na sinundan ng nagliparang itim na balahibo sa ere.
Bago pa tamaan ng pinuno si Yeman ay malakas at mabilis niyang pinalo ang malapad na parte ng bastard sword sa kaliwang bahagi ng mukha ng pinuno.
Makikitang lumipad ng mabilis ang katawan nito sa kaliwa at dumagusdos ng labing limang metro sa lupa. Sa sobrang lakas ng pagpalo ay tumabingi ang mukha nito at nasira ng bahagya. Hindi alam ni Yeman kung bakit napakatigas ng balat nito lalo na sa parteng noo. Nahihirapan tuloy siyang patayin ang halimaw. Dahil hindi matamaan ang kahinaan na nasa bandang noo nila.
Dahan dahan bumangon ang pinuno pero halata na nasasaktan ito. Nahihirapang bumangon at tila nahihilo. Ngunit ilang sigundo ay bumalik na ulit sa dati ang mukha nito at buo na ulit na parang walang nangyari. Gaya ni Yeman ay mabilis din gumaling ang mga pinsala ng pinuno.
"Oi oi, maaga pa para sumuko. Hindi pa nga ako nag-e-enjoy mahal na pinuno." Sabi niya sabay patong sa balikat ng Batard Sword na nababalutan ng itim na enerhiya pangkontra sa corrosion na dala ng itim na enerhiyang bumabalot sa katawan ng pinuno.
Nang mahimasmasan ang pinuno ay nilingon niya ang tao. Ngunit nasaan na ito? Nawala sa dating kinatatayuan. At ilang saglit ay...
BaaaAAAAAAANNNGGGG!!
Tumilapon ulit ang pinuno at gaya kanina ay nasira at tumabingi ang mukha. Dahil sa bilis ni Yeman ay nahirapan itong sundan ng pinuno. Ngayong wala nang corrosion na nakakabahala ay wala ng rason pa para patagalin ang laban. Kung hindi nito kayang tusukin ang noo, bakit hindi nalang paulit ulit na atakihin sa ibang parte ng katawan. Ito ang nasa isip ni Yeman.
Kaya bago pa makabangon ang pinuno ay sinundan agad niya ito ng malakas na sipa sa mukha.
BaaaAAAAAAANNNNGGG!!
Nagpaikot-ikot ang katawan ng pinuno habang dumadagusdos sa lupa dala ng malakas na sipa.
Bago pa ito mahinto ay sinundan niya ito ng sipa na mula sa taas diretso sa katawan ng pinuno. Ngunit sinalo ang kanyang sipa ng malaking bibig na lumitaw sa katawan ng kalaban. Dahil dito ay naputol ang paa ni Yeman. Pero mabilis naman itong bumalik.
Sa labanan ng dalawa na parehong may abilidad na kayang pagalingin at ibalik ang kahit anumang matamo na pinsala ay tanging basihan ang stamina at endurance; para manalo kailangan lang paulit ulit itong saktan at bugbugin hanggang maubusan ng lakas. Tumagal ng limang oras ang kanilang laban. Makikita na sira sira at nagkabuwal buwal ang mga lupa't bato na makikita sa paligid. Malalaking butas sa lupa at nagliparang walang katapusan na alikabok sa ere.
Pati ang mga bangkay at buto ng tao at halimaw ay nagkalat sa paligid. Mapapansin na nagkadurog durog ang mga laman. Kitang kita talaga ang tindi ng kanilang paglalaban. Ngunit para sa dalawang naglalaban ay wala manlang makikitang pinsala sa kanilang katawan.
Kung may makakakita sa dalawang ito ay akalain nila na magsisimula palang ang laban pero sirang sira na ang paligid. Ang tanging palatandaan lang na may naganap na laban ay ang malalim na nilang paghinga.
Napansin ni Yeman na mabagal na ang paggaling ng pinuno sa kanyang mga pinsala. Siguro dahil dala narin ng kapaguran. Pero si Yeman ay ganun parin kabilis ang kanyang pag-galing. Dahil hindi naman niya sakop ang skill na Restoration. Hawak ito ni System. Tanging mga active na kakayahan lang ang hawak ni Yeman. Gaya ng Sneak at Black Energy. Pag passive naman ay si System na ang bahala.
Kahit nakadama narin ng kapaguran si Yeman ay patuloy parin siya sa pag-atake at patuloy din na nakakatanggap ng samot saring pinsala ang dalawang naglalaban. Ngunit dahil lugi sa lakas at bilis ang pinuno ay mas marami itong natanggap na pinsala.
Lumipas pa ang dalawang oras at ngayo'y makikita na nakatagilid na sa lupa ang pinuno at humihinga ng malalim. Hindi na nito kinaya ang pagod dala ng matagal na laban. Makikita rin ang mga sugat nito sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Dahan dahan itong naghihilom pero masyado na itong mabagal. Si Yeman naman ay nakatayo sa bandang ulo ng pinuno. Wala na siyang hawak na sandata, mukhang nabitawan dala ng matinding laban.
Kapansin pansin din ang malalim niyang paghinga. Ilang oras na rin silang naglalaban at paulit-ulit na nakatatanggap ng mga pinsala. Pero kahit ganun paman ay sa huli nakatayo parin siya. Habang nakahiga nalang ang pinuno at naghihintay nalang na kanyang tapusin. Pero dahil sa tigas ng balat nito ay hindi manlang mabasag ang matigas na bagay na nasa likod ng kanilang noo. Ang matigas na bagay na ito ang kanilang kahinaan.
Dahan dahang itinaas sa ere ni Yeman ang kanyang kamao. Isang saglit ay...
BaaaAAAAAAANNNGGGG!!
Isang malakas na suntok ang diretsong tumama sa mukha ng dambuhalang halimaw. Nagkabitak bitak ang lupa na animoy bahay na sapot ng gagamba. Sa gitna ng bitak ay ang malaking ulo ng pinuno na bumaon sa lupa. Dahil hindi parin nito nagawang durugin ang ulo ay pinasundan pa niya ng sunod sunod na malalakas na suntok.
Dahil sa lakas ng kanyang mga suntok ay palaki ng palaki ang butas na makikita sa lupa kung saan silang dalawa ng pinuno naroroon. Patuloy lang sa pagsuntok si Yeman.
*bang!* *bang!* *bang!*
Ilang sandali ay may napansin siyang tumilapon mula sa ulo ng pinuno. Tumigil muna si Yeman at nilingon ito. "Mata?" Napatanong nalang siya nang makita ang bagay na tumilapon. Ito ay ang ikatlong mata na makikita sa noo ng pinuno.
Matapos tingnan ay binaling niya ulit ang atensyon sa pinuno. At nagpakawala ng huling malakas na suntok.
BaaaAAAAAAANNNNGGGG!!
*Splat!*
Biglang nadurog ang ulo ng pinuno at dahil dito ay hindi na ulit ito gumaling. Napansin din ni Yeman na tumigil na ito sa paghinga. Pagkatapos mapatay ang pinuno...
[STRENGTH INCREASE!]
[AGILITY INCREASE!]
[DEXTERITY INCREASE!]
[VITALITY INCREASE!]
[STAMINA INCREASE!]
[SENSE INCREASE!]
[Obtained Third Eye of Virupaksha]
[Obtained Devouring Mouth of Apep]
Biglang may lumabas na question mark sa ulo ni Yeman nang marinig ang dalawang huling notification.
"Obtained?"
"System anong ibig sabihin ng huling dalawang notification?" Hindi niya napigilan ang sarili na magtanong.