"Sa tingin mo basta basta lang kami maniniwala sa pinagsasabi mo huh!" Galit na sabi ng lalaking may hawak na dagger.
"Heeh-hehe, wala akong pakialam kung maniwala kayo o hindi. Pero wala kayong magagawa kung gusto kong pumunta dun." Sabi ni Yeman sabay pakawala ng hangin sa bibig.
"Matalim ang tabas ng iyong dila halimaw ka!" Galit na sumbat ng lalaking may dagger. Hindi nito nagustuhan ang pagsagot ni Yeman at bigla itong sumugod sa kanya.
"Hehe, makakatikim kana ng ibang putahi." Nakangiting sabi ni Yeman sabay himas sa ulo ng munting kasama.
Dahil walang killing intent na nararamdaman ang lalaking may hawak na dagger naisip niya na mahina lang ang halimaw na nasa harap. Lalo na't ang mga halimaw na may mataas na antas ay nakakaparalisa at nakakalunod ang lakas ng kanilang killing intent. Pero ang isang ito na nasa kanilang harap ay wala manlang killing intent na lumalabas. Wala rin silang nararamdamang bloodlust.
Sa isip ni Yeman ay mukhang maraming baliw na tao sa mundong ito. Pero okay lang, magalit pa kayo at sumugod sa akin. Hehe! Mas mabuti narin ito dahil mahirap mangumbinsi ng tao. Kaya daanin nalang sa marahas na paraan. Dahil sila naman ang naunang umataki ay, sabayan!
Biglang ngumiti si Yeman nang mapansin nasa likod na niya agad ang lalaking may hawak na dagger.
Ngumiti naman ang lalaki at mabilis na inihampas paibaba ang dalawang hawak na dagger. Ang punterya nito ay ang magkabilang balikat ni Yeman.
"Paalam halimaaaw!!!" Sigaw niya.
Thump!
Ngunit bago pa tumama, kahit hindi nakatingin sa kanya ang sinasabing halimaw ay sinalo nito ang dalawang kamay na may hawak na dagger.
Nakataas ang mga kamay ni Yeman habang nakatingin parin sa unahan kung saan naroroon ang mga kasama ng lalaking umatake sa kanya.
Sinalo niya ang mga kamay ng kalaban ng hindi nakatingin dito. Sinubukang kumawala ng lalaking may dagger ngunit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi nito magawang bawiin ang mga kamay. Masyadong malakas ang mga kamay na nakahawak sa kanya. Sinapa niya ang sinasabing halimaw para makawala pero parang balewala lang ito.
Ngumisi si Yeman at ilang sandali ay,
Swooosh!
Bang!
Guwaaahh!!!
Sumuka ng maraming dugo sa ilong at bibig ang lalaking may hawak na dagger nang inihampas ito ni Yeman sa lupa. Wala manlang nagawa ito sa lakas ni Yeman.
Geyaa—aaaaaahhhh!!!
Malakas niyang iyak. Kumunot ang mga mukha ng mga kasamahan nito. Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi sila naka-react agad. Hindi rin nila inakala na matalo ang kanilang kasama ng ganun ka bilis.
Tiningnan ni Yeman kung may balak sumaklulo ang mga kasamahan nito pero, mukhang natigilan sila habang nagmarka sa kanilang mga mukha ang pagkagulat. Na shock ang mga ito sa ginawa niya.
Bumitaw sa pagkakapit ang kanang kamay ni Yeman sa kanang braso ng lalaking may dagger. Ngunit ilang sandati ay *Swoosh!* pinutol niya ang kaliwang braso ng lalaki at pinakain sa kanyang kasamang halimaw.
Waaaaaaaahh!!
Tulooooong!!
Umiyak ng napakalakas ang lalaki at humingi ng tulong sa mga kasama ngunit isang malakas na Intimidation skill ang pinakawalan ni Yeman. Nanginig ang katawan at nanlambot ang mga tuhod ng mga tinamaan sa kanyang Intimidation.
*Burp!*
Naglabas ng hangin sa bibig ang munting kasama palatandaan ng pagkabusog. Nawala ang galit nito sa mga tao sa harapan at dumapa sa balikat ni Yeman habang dahan dahan na ipinikit ang mg mata. Sa isip ng munting halimaw ay |hindi nga umubra ang ama ko na mas malakas sa inyo kayo pa kayang mga mahihinang tao. Kuku goodluck sa inyo|. At ipinikit na nga nito ang kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata habang pinagpawisan ang mukha ng mga tao sa harapan ni Yeman. Nabitawan nila ang mga sandata at napaluhod sa lupa. Hindi nila akalain na sobrang lakas ng nilalang na ito. Sa isip nila ay isang mataas na antas na halimaw si Yeman.
Siguro may mataas siyang katungkulan sa grupo ng mga halimaw. Dahil sa lakas niyang taglay| ito ang kasalukuyang laman ng mga isip nila.
"S-sandali p-payag na kami na dalhin ka sa baryo o kung saan may mga taong naninirahan." Isang boses ng babae ang biglang pumasok sa tenga ni Yeman.
Nagpakawala ng ngiti si Yeman sa mga taong nasa harapan. Pero kakaiba ang ngiti na kanyang pinakawalan, hindi ito simpleng ngiti lang. Ito ay ngiti na may halong pananakot.
Tiningnan niya muna ang mukha ng babaeng nakahood. Ito yung nagpapaulan ng mga bolang apoy sa halimaw kanina.
Dahan-dahan na tinanggal ng babae ang kanyang hood para ipakita na hindi siya nagsisinungaling sa kanyang tinuran.
Pero para kay Yeman kahit na magsinungling pa ang mga ito sa kanya ay wala siyang paki. Wala rin namang magagawa ang mga taong ito kung may balak silang masama.
Para sa kanya na may katawan ng hindi mawari. Ay wala siyang kinatatakutan na may magtangka ng hindi maganda sa kanya. At isa pa, naaamoy niya ang mga kasinungalingan ng tao. Lalo na at malakas ang kanyang pandama sa panganib.
Medyo nanglaki ng bahagya ang mata ni Yeman nang masilayan ang mukha ng babae. Dahil medyo bata ito. Nasa 17-18 taong gulang lamang. May hitsura ito at magandang kaakit-akit ang mukha. Naka ponytail ang mahabang kulay pulang buhok. May matangos itong ilong at mapusyaw na labi. May maganda itong mga mata at makinis na mukha.
Tiningnan din ni Yeman ang mga kasama ng babae na nakaluhod parin mula sa Intimidation Skill na kanyang pinakawalan nitong nakalipas na ilang sigundo.
Nakita niyang balesa parin ang mga ito at nanginginig. Sa kanilang mga mata makikita ang takot.
Pero sa isip ng mga taong nasa harap niya ay—siguradong katapusan na nila kung aatakihin sila ng halimaw na ito. Kitang kita sa kapangyarihang pinakawalan kanina na wala silang laban dito.
Tiningnan ni Yeman ang kanyang alaga. Ngunit napansin niya na busog na ito at mukhang pagod. Sabagay sino ba naman ang hindi mabubusog kung ginagawang snack ng halimaw ang kanyang tenga. Paminsan-minsan ay kinakagat nito ang kanyang tenga kung nagugutom. Pero dahil manhid siya sa sakit at mabilis naghihilom ang kanyang sugat, a balewala sa kanya ito.
Dahan-dahan na binitawan ni Yeman ang lalaking may dagger at ngumiti sa direksyon ng babae.
"Kung ganun maraming salamat," mahina pero malamig niyang tugon sa babae.
Nakahinga ng maluwag ang babae. At nang mapansin nito na humakbang ng ilang hakbang papalayo sa lalaking pinutulan ng braso si Yeman, ay dali-dali nitong nilapitan ang kasama at agad tinanggal ang gwantis na kulay itim sa kanyang mga kamay. Pagkatapos ay ginamitan ng...
"O merciful deity..." Nagbigkas ito ng mga kataga na parang nagdarasal. Hindi alam ni Yeman kung sinong deity ang tinutukoy nito pero pagkatapos ng ilang sigundo ay nagliwanag ng kulay dilaw ang mga kamay ng babae. Tila biglang nag-umaga ang paligid dahil sa matinding liwanag na dulot nito. Ilang sandali ay unti-unting naghihilom ang sugat. Kaya lang, putol parin ang kanyang braso.
Humina narin ang pag-iiyak nito hanggang tumahimik na nga at nawalan ng malay. Siguro dahil sa maraming dugo ang nawala sa kanya.
Nakahinga naman ng maluwag ang dalawang lalaki nang makitang pumayag sa sinabi ng babae ang nilalang na nasa kanilang harapan.
Pagkatapos pagalingin ang kasamahan ay agad na lumapit kay Yeman.
"Pasinsya na kung napagkamalan kang halimaw ng mga kasamahan ko. At salamat— dahil hindi mo tinapos ang buhay ng kasama namin." Sabi niya kay Yeman habang nakayuko.
Ngumiti ng bahagya si Yeman at sinabing...