Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 22 - Papasok sa baryo

Chapter 22 - Papasok sa baryo

Mga kalahating oras pa ang lumipas bago nila marating ang baryong sinasabi ng mga kasama ni Yeman sa paglalakbay.

Kasalukuyan silang pumipila para makapasok dahil ang buong baryo ay pinalibutan ng matutulis na kahoy bilang bakod pang-kontra sa biglaang pag-atake ng mga mababang uring halimaw.

At sa pasukan ay may mga guwardiyang nagbabantay habang nakatayo sa tabi ng malaking pintong daanan. At paminsin ay sinusuri ang mga dumaraan.

Tinitingnan nila ang mga papasok sa lugar at hinayaan ang mga papaalis.

Kanilang pinatitigil at tinatanong ang mga kahina-hinalang mga tao. Kahit ang mga nakasakay sa kalesa at kabayo ay kailangan ding pumila bago makapasok kaya doble-doble at nagpang-abot ang mga tao hanggang sa parami ng parami ang mga pumipila.

Kahit isa lamang itong baryo ay mukhang marami ang dumaraan dito. Siguro ang baryong ito ay daanan talaga papunta sa ibang lugar.

Napansin ni Yeman na medyo maraming tao na ang nakapila. Buti nalang at maaga silang nakapila at malapit na ang kanilang pagkakataon. Tumango lang ang mga guwardiya nang makita ang grupo nila Pol. Sa isip ni Yeman ay mukhang kilala ang grupo nila Pol dito.

Ngunit nang mapansin nila si Yeman na papasok din kasunod kina Pol ay...

"Sandali lang," hinarang ng guwardiya ang hawak na sibat sa daraanan sa harapan mismo ni Yeman.

Dahil dito, ay napatigil siya sa paghakbang at hindi agad nakasunod kina Pol.

"May problema ba?" Tanong sabay lingon sa guwardiya habang asar na pinitik ni Yeman ang kanyang dila sa pagitan ng mga ngipin.

"Mukhang bago ka rito. Ngayon lang kita nakita. Maaari bang malaman kung anong pakay meron ka sa baryong ito?" Tanong ng guwardiyang may suot ng kasuotang gawa sa anumang klaseng balat ng hayop. At sa kanyang ulo may nakataling lumang pulang bandana. Kapansin-pansin rin ang piklat na nasa kanyang pisngi. May medyo malaki itong katawan at matangkad kunti kay Yeman.

Hindi alam kung anong klaseng pagtatanong ito. At bakit kailangan pa nilang malaman ang pakay na meron siya sa lugar. Pero napag-isip-isip siya na baka dahil nanaman ito sa mga halimaw na may mataas na antas.

Lagi nalang niyang naririnig ito pero wala pa siyang nakita ni isa sa kanila.

Kinamot ni Yeman ang ulo at ibinuka ang bibig.

"Gusto ko lang makahanap ng bagong matirhan," diretso niyang sagot sa guwardiya.

Tiningnan ng guwardiya ang lalaki sa kanyang harapan. Base sa kanyang pagsusuri rito, mukhang nasa labing pito o labing walong taong gulang lamang ito.

Napakunot lang ng noo ang guwardiya dahil walang ibang kapansin-pansin dito maliban sa kanyang masansang amoy at mapayat na pangangatawan. At pati narin ang gutay-gutay nitong kasuotan. Na para bang mula ito sa kung saang bundok at napadpad lamang sa kapatagan.

Hindi manlang napansin nila Pol at Yuya na nahuli sa pagpasok si Yeman. Akala nila nasa likod lang ang binata.

Tinanong ng guwardiya kung may permit ba siya o kahit anumang pagpapatunay na isa siyang tao at hindi halimaw.

Mahirap na baka mauto pa sila at mapasok ang baryo ng kampon ng mga halimaw na may mataas na antas. Wala pa namang paraan para sila ay tukuyin. Maliban sa kanilang kapangyarihan na tinataglay.

Pero dahil hindi naman pwede na basta bastang pakiusapan ang kahit sinumang gusto pumasok sa lugar na sugatan ang kanilang sarili para masigurado na hundi sila halimaw, ay tanging pagtatanong tungkol sa mga nakaraan nitong mga paglalakbay sa ibang baryo o siyudad nalang ang kanilang ginagawa.

Kung isa siyang tao o manlalakbay, siguradong may dalawa o kahit isa siyang maipapakitang papeles na magpapatunay na isa siyang tao.

Pero kung wala man, isa lang ibig sabihin nito, na siya ay isang halimaw. Pero depende parin sa sagot niya. At bahala na ang guwardiya na humusga.

Ganoon kasaklap ang buhay ng mga tao sa mundong ito.

Hindi lang para tukuyin ang mga halimaw ang tunay na pakay ng mga guwardiya sa kanilang pagtatanong, kabilang na dito ay para tukuyin ang sinumang kriminal gaya ng mga bandido na makapasok sa lugar.

Sa panahong ito, hindi lang naman talaga ang mga halimaw ang kanilang kalaban. Marami pang mga tao na may kasing samang adhikain gaya ng sa mga halimaw.

Naintindihan ni Yeman kung para saan ang mga tanong nito. At sa kasamaang palad ay wala nga siyang maipakita.

Hindi niya inasahan na ganito pala kahirap makapasok sa mga baryo sa mundong ito.

Sabagay, sa mundo kung saan may mga halimaw na naghahasik ng kanilang kasamaan ay natural lang na maging maingat ang mga taong naninirahan dito.

Kung alam lang niyang ganito ang mangyari ay tumalon nalang sana siya sa bakod sa likuran kung saan walang makakakita sa kanya. Sa lakas ng kanyang mga paa ay kayang-kaya niyang tumalon ng mas mataas pa sa limampung metro.

Bago paman makasagot si Yeman ay...

"Letse, bakit ang tagal? Kanina pa kami nakapila rito!" Galit na saad ng mamang nasa likod ni Yeman.

Sumulyap sila rito pati si Yeman.

Isang mamang may malaking katawan at may hikaw sa kanyang ilong sa mismong nose-line nito. Para siyang gangster na nakasuot pa ng vest na may parang balahibo ng anumang klaseng ibon sa may mangas banda ng kanyang vest.

Kapansin-pansin ang mga piklat at tattoo sa buo nitong katawan. Naka-dye ang kanyang buhok na mohawk sa kulay na pula. At gaya sa kanyang ilong, nakahilira naman ang hikaw sa kanyang tenga. Malaki ang bato-bato nitong pangangatawan. Mas malaki pa kay mamang guwardiya.

Sa kanyang mga kamao ay makikita ang mga knuckle na gawa sa tanso. May parang matutulis itong mga kuko. Napaisip si Yeman na pag-sinuntok nito ang kahit sinuman ay siguradong punit ang kanilang balat.

"D-Droy?!" Biglang sambit ng mamang guwardiya sa na-uutal at tila takot na bosses.

"Honey, wala pa ba? Kanina pa tayo rito masakit na ang mga paa ko kakatayo," sabi naman ng babaeng nakasuot ng mapang-akit na kasuotan sa tabi ng lalaking tinatawag na Droy.

Ang bosses nito ay katulad sa dati niyang napapanood na palabas kung saan ang mga babae ay nagsasabi ng 'Ara, Ara' sa mga MILF na genre sa mga website na malimit pinapanood ng mga katulad niyang isang NEET...

(A/N: huwag niyo na e-search pa ang 'ara, ara' for your own good;)

Napaka mapang-akit na nga ang pananamit nito, at mukhang pati rin ang kanyang bosses.

'Hmm, Droy pala ang kanyang pangalan, huh! Mukha bagay naman sa kanyang looks na mukhang hindi mapagkatiwalaan, puffft,' ngisi sa isip ni Yeman.

Naisip ni Yeman na tandaan ang pangalan nito.

Baka sakali mapakinabangan. Lalo na't mukhang kinatatakutan ang mamang ito rito.

"Pa-pasinsya na Droy at Miss Valin, p-pwede ba paki-hintay lang saglit..." takot na pakiusap ni mamang guwardiya. Habang pakisap-kisap at pinalipat-lipat nito ang kanyang paningin.

Ang tinatawag nitong Miss Valin ay ang mapang-akit na babae sa tabi ng lalaking tinatawag niyang Droy.

Sa isip ng guwardiya...

Sino ba namang hindi matatakot sa lalaking ito na tinatawag nilang Droy?

Siya lang naman ang nag-iisang taong miyembro ng tagatugis na may pinaka-mataas na ranggo.

"Hoy, hoy, hoy! Okay lang ba talaga sa inyo na paghintayin kami rito, huh?!" Sabi ng isa pang lalaki na dumungaw mula sa likod ni Droy. Ang lalaking ito ay isa sa miyembro ng grupo ni Droy, si Naol. Sa kanyang balikat nakasandal ang mahabang bagay na nakabalot sa itim na tela.

Pero sa tingin ni Yeman ay isa itong espada. Isang kakaibang espada. Naramdaman din ni Yeman na parang naglalabas ito ng kakaibang enerhiya. Pero mukhang siya lamang ang nakapansin nito.