Napanganga lang ang mga nanonood ng laban. Hindi nila akalain na may ibubuga pala ang payat na kalaban ni Naol.
Kahit gaano kalakas at kabilis ng mga atake ni Naol ay tanging mga matutulis na tunog lang ang maririnig na ang ibig sabihin ay bumangga lang ito sa malapad na sandatang hawak ng payat na kalaban niya.
Nagsitaas na ang mga alikabok at medyo mainit pa ang paligid. Makikita rin na nagsisimula na'ng bumilog ang mga pawis sa noo ni Naol.
Ngunit ang payat na kalaban ay parang wala lang. Ganun parin, parang iwinasiwas lang niya ng mabagal ang kanyang malaking sandata na unti-unting natatanggal ang telang nakabalot.
Kumunot ang noo ni Naol at nanliit ang kanyang mga mata. Naisip niya na hindi maganda ang sitwasyon kung magpapatuloy. Siguradong una siyang mapapagod. Napapansin niya ang kalaban na puro sangga lang ang ginawa nito.
Sumigaw si Naol at umataki ng napakalakas mula sa kanyang tagiliran. Isang horizontal slash na napakabilis at napakalakas.
Swish!
Ngunit hindi ito tumama. Nakaatras ang kalaban bago pa tamaan. Nanlaki ang mga ni Naol. Isa yung surprisang atake! Pero hindi tumama?
"Imposible to! Wala pang nakailag sa ataking iyon ni Naol."
Napasigaw ang mapang-akit na babaeng katabi ni Droy.
Ang atake na yun ni Naol ay kabilang sa kanyang natutunan sa sining ng espadahan. Isang mapanlinlang na atake na itinago mula sa tagiliran.
Ginugulo muna ang kalaban sa pamamagitan ng mga mapanlinlang na mabilisang mga atake. Tapos isang nakaw na mula sa tagiliran. Ang tawag sa ataking yun ay UNANG ANYO NG MAPANLINLANG NA ATAKE: Horizontal Strike!
Kaya lang, hindi ito tumama.
Kahit ang mga nanood ay hindi napansin ang ataking iyon ni Naol. Kahit na nailagan ng kalaban ang Horizontal Strike ay hindi huminto si Naol at nagpakawala ulit ng sunod-sunod na mabilisang paghampas ng kanyang espada.
Ngunit gaya kanina ay sinangga lang ulit ito ng payat ng lalaki gamit ang kanyang galaw na parang mabagal kung tingnan pero nakapagtataka na nasasangga niyo ang mga hindi makitang atake ni Naol.
Ilang sandali ay...
Swish!
Isa nanamang nakaw na atake na ngayon ay mula sa baba at saglit na inihampas paakyat. Ito ay PANGALAWANG ANYO NG MAPANLINLANG NA ATAKE: Vertical Strike!
Ngunit gaya ng dati ay hindi parin ito tumama. Mas mabilis na nga ito keysa sa unang anyo. Pero sablay parin ito. Pati si Droy ay hindi mapigilan na magduda sa payat na ito.
Kahit sablay parin ang pangalawang anyo ay hindi natinag si Naol at diretso lang ulit sa pag-atake ng mabilis. Muli ay nagsalubong ulit ang kanilang mga sandata.
Sa di kalayuan ay nagbubulungan ang mga kaibigan ng matandang merchant.
"Tiko, anong ibig sabihin nito? Bakit hindi pa natatalo ni Naol ang payat na kalaban?" Tanong ng isa sa kaibigan ng matandang merchant sa kaibigan nilang may pangalang Tiko.
"Sa tingin ko sadyang pinapahirapan muna ni Naol ang payatot. Tingnan mo naman hindi nga makaganti ng atake ang payat. Sigurado akong nanghihina na yan, Ben." Bulong na sagot naman ni Tiko sa kaibigang si Ben.
"Ah, ganun ba? Hm...sabagay ganun naman kadalasan ang mga malalakas. Madalas ay pinaglalaruan muna nila ang mga kaawa-awang kalaban." Sabi ni Ben sabay sigaw ng, "tapusin mo na yan si pay—" hindi natapos ang kanyang pagsigaw dahil siniko siya ni Tiko.
Sininyasan agad ni Tiko si Ben na tumahimik at baka marinig ng matandang merchant na pumabor sila kay Naol. Agad namang tinakpan ni Ben ang bibig.
Tiiing! Ilang sandali ay nakarinig sila ng malutong na salpukan ng metal.
Napatingin ang lahat at natigil sa pagsisigaw ang ilan. Sinangga ng payat ang IKATLONG ANYO NG MAPANLINLANG NA ATAKE: Diagonal Slash! Na pinakawalan ni Naol.
"Put—!"
Gusto na magmura ni Naol. Parang imposible na ang nangyayari. Although hindi pa naman niya ginamit ang totoo niyang lakas. Pero napaka hindi kapani-paniwala ang mga nangyayaring ito!
"Hmm... mukhang may ibubuga ang kalaban ni Naol." Biglang pakawala ng misteryosong tao na kasama nila Droy.
"Hayop na patpat na ito. Kahit sa katawan niyang iyan na mukhang ilang linggo nalang ang itatagal ay hindi parin matinag-tinag. Humihina naba si Naol? Baka puro pangbabae at alak lang ang itinatupag ng gunggung na ito nitong nakalipas na mga araw!" Kunot noo habang nakatitig sa naglalaban si Droy.
Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tila natagalan si Naol na talunin ang patpat. Kitang-kita naman na mas mabagal ang galaw nito kaysa sa kanya.
Ilang sandali ay tuluyan na ngang natanggal ang telang nakabalot sa espada ni Zombie.
Gulp!
Biglang napalunok ng laway si Droy nang makita ang sandata ng payat. At ilang sandali ay kumurba habang bumitak ang malaking ngiti sa kanyang labi.
'Hehehe, mukhang tama nga ang hinala ko. Hindi ordinaryong sandata ang hawak ng patpat na ito! Isa ito sa mga sikat na sandatang gawa ng mahiwagang panday.' Sa isip ni Droy habang nakatitig sa espada na hawak ni Zombie.
Sa totoo lang ay nakatutok siya sa marka na nasa sandata na makikita sa bandang dulo ng malapad na espada. Hindi alam ni Droy kung bakit parang nagkasira-sira ang talim ng espadang ito.
Pero dahil sa markang makikita sa sandata ay lalo siyang naging interesado na makuha ito.
"Naol! Huwag mo na'ng patagalin pa ang laban!" Biglang napasigaw si Droy sa pagka-excited.
Nang marinig ang sigaw ni Droy ay napatigil sa pag-atake si Naol. Umatras siya ng sampung metro mula sa kalaban.
"Hindi ko akalain na may tinatago ka palang galing kaibigan. Ikinararangal ko na makalaban ang isang manlalakbay na kagaya mo. Pero pasinsya na dahil kailangan kona na tapusin ang laban. Baka sa akin pa magalit si Boss." Mahinahon na sabi ni Naol.
Ilang sandali ay tila nagdilim ang kalangitan. Parang sumasabay ito kay Naol habang unti-unting nagliliwanag ang kanyang sandatang hawak.
Nanliit ang mga mata ni Zombie nang makita ito. Ganito rin yung nakita niya sa mga sandata nila Yuya. Noong nilabanan nila ang halimaw sa may gubat.
Unti-unting umihip ang malamig na hangin sa paligid. Maririnig rin ang mga paglunok ng mga taong nakapalibot sa kanila.
Marami sa kanila ay napaatras ng sadya. Mukhang alam na nila kung ano ang susunod na mangyayari.
Kuminang naman ang mga mata ni Yeman alyas Zombie. Napakaganda kasi tingnan ng mga sandata ng mga tao rito habang kumikinang. Hindi niya mapigilang maisip ang mga MMORPG na kanyang nalaro sa dating mundo.
Pero sa mga larong iyon ay kailangan pa na i-enhance ang iyong sandata ng makailang ulit para ma-achieve ang pagkinang nito. Pero dito sa mundong ito, ay tila pinapakain lang nila ng enerhiya ang kanilang mga sandata.
Bigla tuloy naging excited si Zombie.