Hinawakan ng pahalang ni Naol ang espada sa kanyang mga kamay. Habang may binibigkas ng dahan dahan ang kanyang bibig. At may mga mahiwagang letra na makikitang lumalabas sa kanyang bibig habang nagbibigkas ito.
Pina-ikot niya ang pagkawak ng espada ng dahan dahan. Ilang sandali ay lalo pa itong nagliliwanag.
Ang kaninang matinding sikat ng araw ay unti-unting natatabunan ng ulap.
Habang ang mga tao sa paligid ay tutok na tutok kay Naol. Nasasabik ang lahat na makita ang isa sa mga tinatagong kakayanan ni Naol. Ang isa sa sikat na tagatugis ng nayong ito.
Ilang sandali ay makikitang nakataas ang dulo ng espadang hawak ni Naol. Ang matulis na bahagi ay nakatutok sa taas na tila ba gusto nitong tumagos sa kalangitan.
Ang kanyang mga mata ay nagliliwanag rin na parang nasasapian ng kung anong klaseng elemento.
Ilang sandali,
Parusa ng Kalangitan!
Sumigaw siya ng napakalakas habang ipinalo patungo kay Zombie ang espada nabalutan ng matinding liwanag. Kitang-kita ng lahat na parang humaba ito habang inihampas paibaba mula sa ibabaw ng ulo ni Naol.
"Huwaaaaaag!!!"
Parang kinain ng matinding liwanag ang imahe ni Zombie na nakatayo habang pinagmamasdan ang atake ni Naol. At isang nahuling pagsigaw ang humalo sa malakas na pagsabog dulot ng atake ni Naol.
Napapikit at napatakip sa kanilang mga mukha ang ibang nanonood dahil sa tindi ng liwanag at lakas ng pwersa na humapas sa kanilang mga katawan na para bang itinulak ng imbisibol na pwersa ang bawat isa.
Naghalo ang mga nagliparang mga alikabok at butil ng mga lupa sa paligid. Nagmistulang ulap na usok ang mga ito habang tinatakpan ang imahe ng payat na lalaking kalaban ni Naol.
Kumunot at nanlaki ang mga mata ng iba sa mga nanonood. Walang duda, na ang ataking ito ay mula sa natutunan ni Naol pag-akyat niya sa ranggo sa unang bahagi ng ikatlong antas ng kanyang sining ng espadahan.
"P-Panalo na tayo..." bulong ni Ben sa katabing kaibigan na si Tiko. Na hanggang sa mga oras na ito ay tila tulala parin sa lakas ng ataking pinakawalan ni Naol.
"....."
Hindi nakasagot si Tiko at nakatingin parin sa espasyo ng pinaglalabanan. Mula sa kinatatayuan ni Naol patungo sa payatot na kalaban ay kapansin-pansin sa lupa ang malaking bitak na parang dinaanan ng malakas na lindol.
Dulot ito ng malakas na ataking tinatawag niyang Parusa ng Kalangitan!
Napalunok nalang ang matandang merchant habang nasaisip na talo na naman siya sa pustahan. Pero kahit ganun paman ay masaya siya na makakita ng magandang laban. Kahit na hindi tumagal ang payatot na lalaki.
Sino ba naman ang makakaligtas sa lakas ng ataking iyon ni Naol. Sayang lang dahil akala niya may ibubuga ang payat. Mukhang mali nanaman ang nasagap na impormasyon ng kanyang mga kaibigan.
Nanlaki naman ang mga mata ng isang dilag sa tabi. Ang mga namumulang mata ay nakatitig sa matinding ulap na gawa sa alikabok at butil ng lupa na lumamon sa buong imahe ni Zombie.
Kanina nang mapansin ni Yuya ang paglapit ng grupo ni Droy kay Zombie ay agad nakadama siya ng pagdududa.
Kaya agad siyang bumalik nang mapansing mabilis na nagkumpulan ang mga tao sa paligid nila Zombie.
Pero mukhang huli na siya. Kitang-kita ng kanyang mga mata nang kainin ng matinding liwanag ang buong imahe ni Zombie.
Biglang pinanghinaan ng loob si Yuya. Kahit na hindi pa katagalan nang sila'y magkakilala. Pero sa tingin niya parang okay naman kausap si Zombie.
Pero huli na ang lahat. Siguro mas okay na rin na nawala siya kasama ng halimaw. Biglang may kamay na ipinatong sa balikat ni Yuya. Mula ito kay Uncle Pol. Lumingon siya at nakita niya ang pag-iling nito.
"Wala na tayong magagawa, mas mabuti nga ganito ang nangyari." Mahinahong sabi ni Pol kay Yuya. Alam ni Pol na nakadama lang ng pagka-guilty si Yuya. Dahil feeling niya ay tinaksilan nila ang binatang si Zombie.
Ngunit masyadong delikado kung papasukin nila sa nayon si Zombie kasama ng kanyang halimaw. Kaya mas okay na na ganito ang kinahinatnan.
Bago pa humupa ang mga alikabok sa paligid ay una ng nagsisigawan ang mga taong nanonood. Lalo na yung mga nanalo sa pustahan. Bilis ng pera. Nanood lang ng laban nagkapera agad.
Kaya lang, ang iilan sa kanila nagkagutay-gutay ang mga damit at nagkasugat-sugat. Lalo na yung mga nasa unahan. Dulot ito ng malakas na enerhiyang sumabog sa espada ni Naol. Kahit nasa distanya siya ay inabot parin sila ng maliwanag na enerhiya.
"Hahahaha! Magaling!" Malaki ang tawang makikita at maririnig mula kay Droy. Habang nakangisi naman ang mapang-akit na babaeng kasama nito na si Valin.
Hindi siya nag-alala sa anumang kinahinatnan ng espadang hawak ng payat na lalaki. Dahil hindi basta bastang nawawasak ang sandatang gawa ng mahiwagang panday. Alam din niya ang sekreto para ito patalimin ulit ng walang tulong ng ibang panday. Ang mga mahiwagang sandata na iyon ay may kakayanan na patalimin gamit lamang ang dugo ng taong pinili ng espada na maging tagapagbantay niya.
Malalaman ng taong mayhawak kung siya ay pinili ng espada kapag nakadama siya ng dagdag bilis, liksi, at lakas kapag unang beses niya itong hinawakan.
Humakbang ng dahan dahan ang mga paa ni Droy habang pinagsalubong ng marahan ang mga palad para sa tagumpay ni Naol.
Bang!
Pero bago pa siya makahakbang ng tatlong beses at bago pa humupa ang mga tila ulap na alikabok sa paligid ay nakarinig sila ng malakas na tunog na sinundan ng isang imahe na tumilapon ng mabilis.
Napahinto sa paghakbang si Droy at lumingon sa pinagmulan ng tunog.
Bumangga ang imahe sa tuyong batong nasa hindi kalayuan na siyang naging dahilan kaya't nawasak ang tuyong bato at sumadsad ang katawan ng imaheng tumilapon.
"Hehe, astig nun. Sinong mag-aakala na makikita ko ang sikat na ataking iyon. Excalibur ba yun? Sana matutunan ko rin yun..."
Sabi ng bosses habang nakangisi. Biglang napalingon ang lahat sa pinagmulan ng bosses. Halos mahulog ang kanilang mga mata mula sa socket nito.
Nang makita ang payat na lalaki na nakaunat ang manipis na kamay at ang kamao ay nakatutok sa dating kinatatayuan ni Naol. Biglang napalingon ang lahat sa lalaking tumilapon. Nakita nila ang duguang mukha ni Naol na nahihirapang makatayo.
Hindi makapaniwala at biglang natahimik ng lahat na tila binuhusan ng yelo ang buong paligid.
Worf~
Napahikab lang ang tutang Kamatayan sa kanyang balikat habang ibinalik sa pagpikit ang mga matang tila pagod.
"A—nong klaseng pandaraya ito..." bulong ni Droy.
Pati ang grupo nila Yuya sa hindi kalayuan ay napatunganga habang hindi makapaniwala sa nakita.