Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 27 - Laban lang

Chapter 27 - Laban lang

Biglang naging excited si Zombie(Yeman) dahil sa lakas ng atake ni Naol. Nahati sa dalawa ang kanyang katawan nang tamaan ng abilidad na iyon ng kalaban. Kaya lang, balewala ang ataking yun kung sa kanya ipatama. Habang tumatagal mas lalo yatang bumilis ang bilis ng paggaling ng kanyang mga sugat.

Ngunit, para sa mga taong walang alam sa kanyang kakayanan, ay hindi alam ng bawat isa kung anong iisipin sa sitwasyong ito!

Paanong walang pinsalang makikita sa payat! Lahat ay pare-pareho ang laman ng isip. At hindi lang yun, napatalsik pa talaga ng kanyang buto-butong kamao si Naol na bato bato ang muscle sa katawan.

Halos natamimi ang lahat. Pati si Yuya na nasa hindi kalayuan ay napatitig kay Zombie na hindi alam kung anong dapat isipin. Pero sa kalooblooban ay masaya siya na buhay pa ito.

Alam na niya na malakas si Zombie pero hindi sa puntong ganito. Kitang-kita ng kanyang mga mata nang kainin ang kanyang buong katawan ng liwanag na nagmula sa espada ni Naol.

"'Pero bakit kaya buhay parin si Zombie?! At walang pinsala o kahit kaunting sugat na makikita sa kanyang katawan? Maliban sa damit niyang parang sinadyang punitin mula sa kanyang kalewang balikat patungo sa kanyang kanang bewang," laman ng isip ni Yuya.

Ang dating pinagtagpi-tagping kasuotan ni Zombie, ngayon ay kalahati nalang ang natira.

Kitang-kita tuloy ang buto't balat niyang hubad na katawan. Ngunit, may napansin si Yuya sa katawan ni Zombie. May makikitang malaking hugis krus na piklat sa kanyang bandang dibdib.

Napalunok si Yuya at hindi alam kung tatawagin si Zombie. Pero bago pa makapag-isip ay: "Z-Zombie." Napabulong siya ng hindi sinasadya.

Kahit sila Pol ay hindi makapaniwala sa nasaksihan. Hindi nila maintindihan kung paanong nakaligtas si Zombie sa ataking iyon ni Naol. Ang ataking iyon ay napakalakas na kahit man ang mga espiya ng halimaw ay hindi basta basta makakaligtas.

O kung makakaligtas man sila ay siguradong malaking pinsala ang matatamo.

Pero si Zombie ay wala manlang pinsala! Kunot noo habang napalunok ng nagbarang laway si Pol.

Si Droy at mga kasama niya ay natahimik habang nakabuka ang bibig. Ilang sandali ay kumunot ang kanyang noo at nagpang-abot ang kanyang mga kilay sa gitna.

Walang nakakaalam kung ano ang kasalukuyan niyang iniisip sa pagkakataong ito. Pero mukhang wala na sa mood magbiro si Droy. Sinulyapan niya si Naol na sa ngayon ay hirap parin makatayo.

Napaubo ng malalapot na dugo si Naol habang pilit na tinutulak ang sarili para makatayo. Kitang-kita rin ang panginginig ng kanyang mga laman sa katawan.

"Nrgh!" Tiningnan ni Naol si Zombie habang malabo ang kanyang paningin. Nahihirapan siya na ipokus ang mga ito.

Namamanhid sa sakit ang kanyang katawan. Lalo na sa bandang dibdib kung saan siya tinamaan.

Kinagat niya ang kanyang mga labi habang iniisip na 'paano nalang kung yung espada ng kalaban ang ginamit niya para siya ay atakihin? Siguradong naging dalawa na siya sa mga oras na ito at isa na lamang malamig na bangkay.'

(Cough!)

Umubo ulit si Naol. Ilang sandali ay medyo luminaw narin ang kanyang paningin pero hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.

Wala manlang makikitang sugat sa kanyang kalaban na kitang-kita ng kanyang mga mata nang ito ay lamunin sa liwanag ng kanyang atake. Tanging ang damit lang nito ang nagkagutay-gutay?

'Tao ba talaga ang isang ito?!' Napatanong nalang sa isip si Naol.

Sinulyapan din ni Nail si Droy at napansin niya ang maasim na titig nito. Pero wala na siyang magagawa pa. Ayaw na sumunod ng kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit. Pero parang napinsala ang mga laman niya sa katawan.

Ilang sandali ay inabot ni Naol ang nakatagong bagay sa ilalim ng kanyang kasuotan. Isang bote na gawa sa kawayan ang bagay na kanyang dinukot mula sa ilalim ng mahabang kulay diliming asul na damit na kanyang suot. Sinapawan nito ang kulay itim na kasyang damit na walang mangas.

Bilis niya itong tinungga.

Sa di kalayuan ay kinabahan si Ben at Tiko. Medyo malaki pa naman ang kanilang pinusta kay Naol. Pero bakit si Naol ang tumilapon matapos nito magpakawala ng napakalakas na atake?!

"Nasaan na yung malakas na atake kanina? Bakit parang walang epekto?!" Biglang napatanong si Ben sa katabing si Tiko.

"Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Siguro nakaiwas ang payat." Nag-alalang sagot naman ni Tiko. Hindi niya akalain na napakasuwerte pala ng payat na ito. Hindi manlang tinamaan ng atake ni Naol. Naduling na ata si Naol.

"Puro tahol lang ata ang ataking yun pero walang kagat! Pwe!" Galit na pangdudura ni Ben.

"Kalma kalang Tiko, tingnan mo tatayo na si Naol siguradong maghihiganti yan." Bulong ni Tiko sa katabing si Ben.

Napangiti naman ang matandang merchant kay Zombie habang nanliit ang mga mata.

Mukhang hindi nga basta-basta ang payat na kalaban ni Naol. Biglang may liwanag na makikitang gumuhit sa mata ng matandang merchant.

Nakatayo lang si Zombie habang tiningnan ang kalaban na mukhang nahihilo parin mula sa kanyang suntok.

Napaisip siya na walang dudang maraming malakas na nilalang sa mundong ito. Pasalamat lang talaga siya kay System dahil sa abilidad nitong pagalingin ang kanyang katawan ng napakabilis.

Luminaw na rin ang paligid na kanina lang ay halos natabunan ng makapal na usok na gawa sa alikabok dulot ng malakas na atake ni Naol.

Cling!

Pinabaon ni Zombie ang dulo ng Bastard Sword sa lupa at dahan-dahan niyang ipinatong ang mga buto't balat na mga kamay sa hawakan.

Medyo nakakatakot ang mukha ni Zombie habang nakangiti ng bahagya. Lalo na nang dalhin ng hangin ang kanyang buhok na siyang dahilan kaya natakpan ng bangs niya ang kanyang mukha.

Naninilip ang mga pulang mata.

"H-Halimaw..." biglang napabulong ang isa sa mga nanonood. Pero walang pumansin dito. Nasa isip na ng bawat isang nanonood na mukhang halimaw nga ang payat na ito. Kinabahan tuloy ang iilan sa kanila.

Kreeeeeek! Biglang napukaw ang mga tao dahil sa tunog ng tela'ng pinunit. Pinunit ni Zombie ang gutay-gutay na kasuotan na nakalambitin nalang sa kanyang katawan, ginamit niya ito para itali ang kanyang medyo mahaba-habang buhok. Itinali niya ito sa likod ng ulo.

Sa totoo lang, kung hindi lang dahil sa kanyang mga napagdaanan ay gwapuhing binata sana siya. Kaya lang, dahil sa pagkapayat at puyat ay nagmistulang napagdaanan ng panahon ang kanyang hitsura.

Ilang gabi narin siyang kulang lagi sa tulog. At ngayon ay napapansin niya na kumukulog nanaman ang kanyang tiyan.

Tak-tak-tak!

Napatingin ang lahat sa pinagmulan ng mga yapak ng paa.

"Laban lang..." pabiro ni Zombie sa sarili habang tinitingnan ang kalaban na lumaki ang katawan na ngayon ay magkasinglaki na ng hob goblin na kanyang nakalaban sa may kweba. Bitbit nito sa kamay ang espadang ngayon ay may ibang kulay na na bumabalot.

Biglang tumindig ang mga balahibo ng mga nanonood. Karamihan ay napaatras dahil sa pressure na inilalabas ng katawan ng bagong Naol.