Walang halos makikitang pag-iiba sa emosyong makikita sa mukha ni Zombie. Ilang sandali ay, isang bahagyang tamad na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
Kahit ano pang sabihin ng mga taong nasa kanyang harapan, wala rin naman siyang ibang maisasagot kundi tanggapin ang kanilang alok na duwelo.
"Haha, huwag kang mag-alala patpat. Hindi ako ang lalaban sayo. Kahit paano ay hindi naman ako ganun kasama para apihin ka."
Sabi ni Droy habang malaki ang bitak na tawang makikita sa kanyang bibig. Kitang kita na minamaliit ang payat na taong nasa harap. Kahit ang mga tao sa paligid nila ay iniisip na inaapi ni Droy si payat.
Hindi na nagsalita pa si Zombie at naghintay nalang kung kelan matapos ang kanilang tawanan dahil kung sasagot pa siya at mag-re-react baka lalo lang matatagalan na mag-umipsa ang laban. Atsaka out of character na siya kung ganun.
Ngunit nang marininig ang sinabi ni Droy na hindi siya ang lalaban ay napatanong siya kung sino ang kanyang ka duwelo.
"Siya ang magiging kalaban mo, hehe."
Sabi niya sabay turo sa kasamahan na may bitbit na bagay na nakabalot ng tela. Kung hindi nagkakamali si Zombie, ang pangalan ng taong ito ay Naol.
Tumango lang si Zombie bilang pagsang-ayon.
Ilang sandali ay bilis na tumabi ang mga tao at nakabuo agad sila ng espasyo sa gitna na animo'y malawak na ring. Habang nakapalibot naman ang mga taong gusto manood sa laban.
Yung iba ay dali dali na nagpupustahan.
Pero sa kanilang pustuhan, kitang kita na walang pomabor sa payat. Natural lang yun dahil sino ba naman ang gusto pumusta sa dihado. At kilalang kilala si Naol sa lugar na ito. Lalo na't kasamahan ito ni Droy. Na isa sa pinakamalakas na miyembro ng tagatugis.
Ilang sandali ay may isang matandang lalaki na inuto ng iba para sa payat na lalaki pumusta. Ang matandang lalaking ito ay kilalang merchant sa lugar. Alam na ng lahat ang kanyang kinahiligan. Madalas itong pumupusta sa mga ganitong klaseng duwelo. At kapag siya ay pumusta siguradong malaking pera ang kanyang pinupusta. Kaya makadalas siyang biktima sa pang-uuto ng iba para pagkaperahan.
Sa ngayon, tanging siya lang ang pumusta sa payat na lalaki. Pero lingid ito sa kanyang kaalaman. Sinasabi ng mga kaibigan niya na kilala nila ang payat na iyan at malakas siyang mandirigma kahit na ganyan ang katawan. Mula siya sa lugar na blah blah blah. Isang lugar kung saan maraming malalakas na mandirigma. Ganito utuin ng kanyang mga kaibigan ang matandang merchant na ito. Pero sa totoo lang, ang kanyang mga kaibigan ay sa kalaban pumupusta.
Sinasabing si Naol ay dating inalok ng mga taga Banal na Black Pegasus para sumali sa grupo. Pero hindi ito pumayag dahil mas gusto niya ang buhay ng pagiging isang tagatugis.
Minsan narin niyang naging kasama sa pagsasanay si Rasim ng Banal na Black Pegasus. Kaya hindi matatawaran ang kanyang husay sa espadahan.
Nasa unang bahagi ng ikatlong antas ang kanyang sining ng espadahan. Mas mababa lang ng isang antas kung ikompara kay Rasim. Pero kahit ganun paman ay hindi masusukat sa isang antas na deperensya ang husay na kanyang tinataglay sa espadahan.
"Hoy hoy... pasinsya kana kaibigan, hindi naman sa gusto ko na ipahiya ka. Pero kailangan ko lang talaga sundin ang sinasabi ni Boss. Mas okay na rin na ako ang makakalaban mo. Dahil siguradong hindi kaayaaya ang magiging hitsura mo kung si Boss ang iyong makakalaban. Pasalamat ka nalang na may kunting awa ako sa mga katulad mong manlalakbay. Dahil minsan ko narin naranasan na maging isang manlalakbay." Sabi ni Naol sabay posisyon ng kanyang sarili sa harap ni Zombie.
"....."
Kinuha rin ni Zombie ang Bastard Sword na nakasabit sa kanyang likuran at inihinarang sa harapan. Hindi na rin siya nag-abala pa na sumagot sa sinabi ni Naol. Hindi rin niya pinag abalahan na tanggalin ang telang nakabalot sa espada.
Biglang tumahimik ang lahat nang makitang ready na ang dalawang nagduduwelo para umatake. Tanging mga paglunok lang sa paligid ang paminsan-minsan ay maririnig.
Tutok na tutok ang araw na nagliliyab sa kalangitan. Ang mainit na sinag nito na dumarampi sa kanilang mga balat ay nagdudulot ng kakaibang amoy ng pawis.
Dahil isa itong duwelo ay natural lang na may mamamagitan na tagahatol at para narin opisyal na umpisahan ang duwelo. Ang tagahatol ay nagmula sa mga manonood. Isang lalaki na may katandaan. Simple lang ang panuntunan ng duwelo.
Talo ang sinumang susuko o mapaslang sa laban. Pumuwesto narin sa gitna ng dalawang naglalaban ang tagahatol. Yung mga nanonood ay hindi na makakapaghintay at nagsisigaw ang mga ito na umpisahan. Nang mapansin na ready na ang lahat ay...
Laban!
Sa pagsigaw ng tagahatol ay sinundan ng malulutong na salpukan ng mga espada. Agad na sumugod si Naol. Sa bilis ng kanyang mga kamay ay halos hindi makita ang kanyang pagbunot at paghampas ng espada.
Pero mas lalo nilang ikinagugulat ang payat na lalaki. Dahil kahit sa mga atake na pinakawalan ni Naol ay wala manlang makikitang pinsala sa kanya. Dinig na dinig din nila ang mabilis na tagisan ng mga metal. Ni hindi nga makikita ng mga nanonood ang pag-atake ni Naol. Pero yung payat na lalaki ay parang basta basta lang niya hinaharang ang espadang nakabalot sa tela.
Naglalabasan na ang mga question mark sa ibaibaw ng kanilang mga ulo. Anong klaseng panlilinlang ito! Halos hindi sila makakapaniwala. Hindi lang yun, nakikipaglaban pa ang payat habang may nakapatong na cute na tuta sa kanyang balikat. Nakabaluktot ito habang nakapikit ang mga mata.
Sa lakas ng kanilang salpukan ay nakapagtataka na hindi manlang natinag ang lalaking payat na kalaban ni Naol. Kahit si Naol ay nagulat.
Nanlaki naman ng bahagya ang mga mata ni Droy. Hindi niya akalain na may ibubuga pala ang payatot na ito. Napakalaki ng espada na kanyang hawak ngunit hinawakan lang niya ito sa isang kamay habang mabilis na sinasalo ang mga umuulang atake ni Naol.
Hindi biro ang mga atake na pinakawalan ni Naol. Napakabilis nito at hindi masundan ng mga ordinaryong mata. Ito ang kakayanan ng isang swordsman na umabot sa ikatlong antas ng sining sa espadahan.
Ting Ting Ting!
Wala paring tigil sa pag-atake si Naol kahit naguguluhan sa kanyang kalaban. Hindi naman mabilis ang galaw nito. Pero bakit kaya nasasalo nito lahat ng kanyang atake?