Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 20 - Kapulungan ng Tagatugis

Chapter 20 - Kapulungan ng Tagatugis

Kinaumagahan, ay maaga silang lumakad papunta sa sinasabing baryo na may maraming taong naninirahan.

Hindi gaya noong una, ngayon ay madalas na, na nakakausap ni Yeman ang dalawang lalaki sa grupo ng babae. At nalaman din niya ang kanilang mga pangalan.

Ang lalaking may malaking shield ay tinatawag na Mor, at ang lalaking may hawak na malaking espada ay si Pol. Tapos ang pangalan naman ng babae ay Yuya or Yuy in short.

Napaisip si Yeman kung bakit ang iiksi ng kanilang pangalan. Naisip din niya kung tamad ba sumulat ang mga tao sa mundong ito.

Paminsan-minsan ay tinatanong nila si Yeman ng kung ano-ano. Ngunit dahil walang alam sa mundong ito si Yeman, madalas ay gawa-gawa lang ang kanyang mga sagot. Ika-nga, kwentong barbero lamang.

"Kung ganun Kid, wala ka manlang natatandaan na kahit ano?" Hindi alam ni Yeman kung kelan, pero parang naging friendly ang pakikiusap ng lalaking may pangalang Pol, ang leader ng grupong ito. Bigla nalang na tinawag siya nitong Kid at hindi na Zombie.

Sabagay walang problema sa kanya ang ganitong bagay. Pero hindi parin nagbabago ang pananaw niya sa mundong ito. Para sa mga nagbabalak ng hindi maganda sa kanya ay iisa lang ang sagot niya, ang bigyan sila ng hindi magandang karanasan.

Napatanong si Pol dahil sa sinasabi ni Yeman na nawalan siya ng memorya dahil sa pagkahulog sa bangin at kunti lang ang naaalala niya sa mundong ito.

Pero syempre gawa-gawa lang niya ang tungkol sa amnesia para makalusot sakaling tanungin siya ng mga bagay na hindi niya masagot.

"Kunti lang naaalala ko, ang pagkakaalam ko ay nagmula ako sa—" bigla ay napaisip si Yeman at buti naalala niya yung sinabi ng guard na nagpapahirap sa kanya sa piitan ng palasyo. "Nagmula ako sa kahariang Putingbato," pagpapatuloy ni Yeman.

"Sa kahariang Putingbato? Nagmula ka pala sa isa sa pinakamalakas na kaharian sa mundong ito. Kung ganun, hindi ito kalayuan mula rito." Sabi ni Pol.

'Isa sa pinakamalakas,huh.' Sa isip niya, "Ganun ba?" Inosenteng pakawalang tanong ni Yeman pero sa kanyang kalooblooban ay isang malamig na ngiti ang akmang pumakawala. Pero sa ngayon kailangan niya munang pigilan ang sarili. Dahil isang kaharian ang kanyang kakalabanin at hindi kung sino-sinong tao lang. Lalo na at mukhang maraming malakas na mandirigma sa kahariang yun. At may mga lumilipad pang mga sundalo.

"Oo." Tumango si Pol at nagpatuloy, "sa totoo lang ay nasa isang linggo o mahigit na paglalakbay gamit ang kabayo para marating ang kaharian mula sa baryong pupuntahan natin." Paliwanag ni Pol.

Napatango lang si Yeman at nagpasalamat narin.

"Z-Zombie," biglang pagtawag naman ng babae nang makahanap ng pagkakataon nang mapansin niya na naputol ang pag-uusap ni Zombie at Pol.

"Mhm?" Lumingon si Yeman ng may pagtatanong na gumuhit sa kanyang mukha.

"Uhm, a-anong ikinabubuhay mo?" May pagdadalawang isip na tanong ni Yuya. Nagdadalawang isip siya kung itanong ito dahil baka isipan ng masama ang kanyang katanungan. Pero sa totoo lang ay ramdam ni Yeman na walang masamang dala ang kanyang katanungan.

"Sa totoo lang ay hindi ko rin alam, nabuhay lang ako sa kagubatang yun sa pamamagitan ng pangangaso ng mga hayop na hindi ko kilal— mga hayop na mukhang mahina at madaling patayin." Biglang binago ni Yeman ang nais sabihin sa bandang huli ng kanyang salita.

"Kung ganun, pwede kang sumali sa Kapulungan ng Tagatugis para kumita at makabili ng desinteng makakain." Masiglang sabi ng babae.

"Kapulungan ng Tagatugis?" Inulit at napatanong si Yeman sa salitang narinig mula kay Yuya.

"Oo, ah—" biglang napa-isip si Yuya na hindi siguro alam ni Zombie ang tungkol sa kapulungang ito kaya nagpatuloy siya para ipaliwanag ng ukol dito, "ito ay kapulungan kung saan inaatasan ang bawat miyembrong mandirigma ng samo't saring misyon. Gaya ng pagkitil ng mga halimaw na nagdudulot ng hindi maganda sa mamamayan. Karaniwan ang Kapitan ng baryo o Mayor ng siyudad ang madalas na nagbibigay ng mga misyon na ganito. Pero paminsan-minsan ay nagbibigay din ng mga misyon ang mga mamamayan kung naaabala sila ng mga halimaw, o di kaya ng mga bandido, o mga kriminal. Pero nasa-saiyo parin kung tatanggapin mo ang misyon at pwede karin mamili ng mga misyon na gustong mong kunin. Lalo na ngayon na dumadami ang mga halimaw sa paligid." Mahaba-habang salaysay ni Yuya.

"Mhm." Tumango ng bahagya si Yeman at napaisip.

'So para lang pala itong Adventurers guild na madalas niyang nakikita sa mga anime. Sa bagay kung walang ganitong klaseng adventurers guild o kapunungan ay mahihirapan nga naman ang mga ordinaryong mamamayan sa mundong ito. Mukhang ito lang ang choice ko sa ngayon para kumita.'

"Hindi ba tinutulungan ng mga sundalo ng kaharian ang mga tao rito?" Kuryos na tanong ni Yeman.

"Paminsan-minsan nagpapadala sila ng mga sundalo para lipunin ang mga halimaw. Pero hindi sapat yun. Lalo na't palakas ng palakas ang mga halimaw habang tumatagal." Sabat naman ni Pol, at tumago rin si Yuya sa sinabi ni Pol.

"Ganun ba. Kung ganun, paano naman makasali sa kapunungang ito?" Tanong ni Yeman na agad namang sinalaysay ni Yuya ang dapat gawin para makasali.

"Huwag kang mag-alala siguradong makakasali ka agad dahil sa lakas na iyong tinataglay." Masiglang saad ni Yuya.

"Ganun ba."

Kasalukuyan silang naglalakad sa daan na nasa gitna ng dalawang matatayog na bundok.

Kasunod din nilang naglalakad yung lalaking naputulan niya ng braso. Pero hindi niya ito binigyang pansin. At tahimik lang din itong nakasunod habang tinatahak ng grupo ang daan patungo sa baryong pinakamalapit sa lugar.

Bigla ay nakapukaw ng pansin ang kanyang alaga mula sa mga kausap.

"Kagabi ko pa napapansin, pero anong klaseng hayop ang isang ito." Sabi ni Yuya sabay nguso sa direksyon ng munting kasama na nakapatong sa kaliwang balikat ni Yeman.

Lumingon si Yeman sa ininguso ni Yuya. Ngunit para sa tanong niya ay wala siyang maisagot dahil hindi rin niya alam kung anong klaseng hayop ito pero isa lang ang masasabi niya, "ah ito ba, hindi ko rin alam, pero isa siyang klase ng hayop na hindi madaling patayin. Dahil bumabalik ang parte ng kanyang katawan kapag napuputol." Kaswal na sagot ni Yeman.

"""Bumabalik?""" Sabay na napabigkas ang tatlo habang gumuhit ang gulat at pagkabigla sa kanilang mga mukha. Napansin din ni Yeman na pati yung naputulan niya ng braso ay gulat din sa kanyang sagot.

"H-H-H-Huwag mong sabihin na— isa itong— Kamatayan?" Nauutal at putol-putol na pagkasabi ng babae habang nanginginig ang buong katawan.

"Kamatayan?" Pag-uulit ni Yeman.