Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 21 - Buti nalang isa siyang tao

Chapter 21 - Buti nalang isa siyang tao

Gulat na gulat, ang mga kasama niya sa hindi malamang dahilan ni Yeman.

'Kamatayan pala huh, sakto lang para sa abilidad na tinataglay nila. Pero patay parin sila sa akin kaya nababagay talaga ang Kamatayan na kanilang pangalan. Fufu,' sa isip ni Yeman habang lihim na napangisi.

Pero bakit kaya parang OA naman ata mga reaksyon ng kasama niya? Ganun ba talaga sila ka gulat, na malamang isa itong ganung klaseng halimaw?

Hindi maintindihan at napatanong nalang siya. Pero sabagay kung siya man din ay walang kakayanan na gaya nila, siguradong mahihirapan din siya na kalabanin ito. Kaya naiintindihan niya ang takot at gulat na rumihestro sa pagmumukha ng mga taong nasa paligid.

Lalo na yung pinuno ng mga halimaw na ito. Nakakainis yung tinataglay niyang itim na usok. Buti nalang talaga kayang komopya ni system ng mga kakayanan kung hindi ay baka natalo pa siya.

"Z-Zombie, sa t-tingin ko hindi magandang gawing tuta ang isang yan," sabi ni Yuya habang napahakbang ng paatras.

Litaw na litaw sa kanyang mukha ang takot at kaba na sinabayan ng pagkagulat. Hindi lang siya pati rin ang ibang mga kasama niya ay ganun din habang nakakunot ang mga noong titig na titig sa munting halimaw na feel na feel ang pagkahimbing sa balikat ni Zombie.

"Hehe. Huwag kayong mag-alala, sinisigurado kong maamo ang isang ito," sabi niya sabay himas sa ulo ng munting kasama. "Pero yun ay..." pagpatuloy ni Zombie, "kung hindi niyo siya ginagambala. At relaks lang din kayo para hindi ito maalarma, dahil mabilis makaramdam ng hindi magandang intensyon ang mga hayop na ito," dugtong niya na may kasamang ngiti sabay sulyap sa lalaking naputulan ng braso.

Pero sa totoo lang, ay fifty-fifty ang katotohanan sa huling sinabi niya. Dahil siya naman talaga at hindi ang kasamang halimaw ang may kakayanan na mabilis makaramdam ng hindi magandang hangarin o intensyon sa paligid.

Napalunok nalang ang lalaking naputulan ng braso habang pinagpawisan ng malamig.

Kahit na hindi mataas na uri ng halimaw ang mga Kamatayan ay isa ito sa mga halimaw na pinaka-kinatatakutang kalabanin ng kahit sino mang taong makapangyarihan.

Pero ang isang ito ay ginawa pa talagang alaga ang klase ng halimaw?!

Dahil sa sinabi ni Zombie ay nabawas-bawasan ang takot na kanilang nararamdaman. Basta hindi lang sila magbabalak ng masama rito, huh.

Pero kahit ganun paman ay hindi parin maiwasan na hindi sila mag-alala sa halimaw na ito. Sino ba naman ang may gusto na mag-alaga ng ganitong halimaw? Alam na alam ng lahat na tao ang pangunahin nilang pagkain!

Pero nang makita nila ang halimaw sa kanyang balikat na parang maamong tuta kung umasta ay napabuntong hininga nalang sila, sabay dasal sa buhay ni Zombie. Na sana hindi siya nito kainin.

Pauwi pa naman sila sa baryo, wish lang nila na sana hindi ito magwala dun. Siguradong marami ang mapapahamak. At sigurado ring itakwil si Zombie ng mga tao roon pagnagkataon.

Ang problema lang ay hindi rin basta basta ang taglay na lakas ng Zombie na ito!

Kaya wala na silang magawa kundi bumuntong hininga. At sisihin ang sarili kung paano nasangkot sa taong to. Sana pala ibang misyon nalang ang kinuha nila noong isang araw.

Sabagay mukhang okay naman kausap si Zombie basta hindi gagalitin. At medyo mabilis naman makaunawaan.

"K-Kung g-ganoon kid...a-anong pinapakain mo sa kanya?" Nauutal na katanungan ni Pol.

"Ah yun ba..." sabi sabay lagay ng daliri sa ilalim ng kanyang nguso.

Ilang sandali ay...

Thud!

Isang parte ng malaking karne ng kung ano mang klaseng hayop o halimaw ang biglang lumitaw sa kanilang harapan. Kung saan ito nagmula at kung paano ay wala silang ideya. Napansin lang nila na ikinampay ng bahagya ni Zombie ang kanyang kamay at pagkatapos nun, ito na nga ang lumitaw.

Kung paano niya yun ginawa ay mas lalong walang ideya ang mga taong nasa paligid niya. Sa tingin nila ay 'isa ba siyang salamangkero? Na kayang magpalitaw ng mga bagay bagay sa paligid sa pamamagitan ng mapanglinlang na salamangka?!

Habang tumatagal ay mas lalo lang silang naguguluhan sa taong to.

Pinagmamasdan nila ang bagay na itinapon sa lupa. Isa itong karne ng malaking hayop o kung anong mang klaseng halimaw.

Ngunit nang mapansin ang kulay at klase ng balat ay agad natahimik at parang nabubusan ng yelo ang buo nilang katawan.

"I-Isa ba yang Haring Sala-—Sawa?!" Biglang tanong ni Yuya. At dahil natataranta ay medyo sablay kunti ang kanyang pagkabigkas.

"Haring—may sala sa asawa?" Pag-uulit ni Zombie.

Naisip niya na parang ang weird naman ng pangalan ng mga halimaw dito.

Yung una ay kamatayan at ngayon hari na may sala sa asawa?

Napakunot nalang siya ng noo. Habang naguguluhan sa klase ng pangalan na binibigay nila sa mga halimaw.

Ganun ba talaga ka weird mga tao sa mundong ito?

"Hindi ko alam kung anong pangalan nito pero pagkakaalam ko, ay may laki ito ng limang tao na pinaglapit at may haba na isang daang metro o mahigit. May dilaw itong mga mata at tumutulo ang malalapot na laway habang nakalambitin sa matatayog na puno na makikita sa paligid ng kagubatan malapit sa inyong pinaglabanan," paliwanag ni Zombie.

Lalo pang nanginig ang mga kasama sa narinig.

"Totoo ngang isa itong Haring Sawa," bigkas ni Pol.

Pero naguguluhan sila kung paano natalo ni Zombie ang halimaw na ito. Dahil ang laway nito ay nagdudulot ng malalang lason, na kapag nadapuan kalang ng kunti ay siguradong ikapapahamak ng buhay mo. Hindi lang yun, may kakayanan din ito na bigyan ng takot ang sino mang kalaban.

Kilala rin ang halimaw na ito sa biglaang pag-atake na hindi namamalayan ng mga biktima. Kahit pa sa malahiganting laki nito.

Pero si Zombie, ay ginawa pa talagang pagkain ng kanyang alaga ang klase ng halimaw!

Anong klaseng tao ito!

Halos hindi na nila alam kung anong iisipin pa sa lalaking kasabayan nila sa paglalakbay.

Ginawang tuta ang nakakatakot na Kamatayan, habang ginawang pagkain ang mabangis na Haring Sawa!

Kung hindi sila nagkakamali ay mula pa sa angkan ng mga pinuno ang dalawang halimaw na ito. Ibig sabihin mas malakas sa ordinaryong Kamatayan at Haring Sawa ang mga halimaw nato.

Isang babaeng Kamatayan na may puting balahibo. Walang dudang tanging mula sa angkan ng pinuno lang ito. Dahil ang angkan ng pinunong Kamatayan ay may dalawang kulay lamang, itim at Puti. Ganun din sa Haring Sawa.

At ang Haring Sawa naman na napaslang ni Zombie ay may kulay na itim na balat.

Hindi napigilan nilang mapalunok nalang ng mga nagbabarang mga laway sa lalamunan.

(Buti nalang isa siyang tao at hindi halimaw.) Sa isip nilang lahat.