Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 17 - Isang manlalakbay.

Chapter 17 - Isang manlalakbay.

Napangiti siya nang makita ang mga naglalaban sa unahan.

Apat na taong nakasuot ng sari saring kasuotan ang kanyang nakita na kasalukuyang nakikipaglaban sa isang malaking halimaw. Base sa kanilang mga kasuotan, sa tingin ni Yeman hindi ito mga kawal ng kaharian. Napansin niya na gumagamit sila ng iba ibang sandata.

May mga bolang apoy rin na nagliparan papunta sa malaking halimaw na kalaban. Namangha siya sa kanyang nasaksihan. Mukhang kayang gumamit ng iba ibang mahika ang mga tao sa mundong ito.

Gaya nalang noong unang araw na dumating siya sa mundo dito. Pinalibutan siya ng nagliliparang mga tao habang ang kanilang mga sandata ay nagliliwanag.

Kumislap ang mga mata ni Yeman. Hindi niya akalain na makapunta sa mundo kung saan ang mga tao ay kayang gumamit ng mahika.

Hindi muna siya lumapit at pinagmamasdan lang ang nagaganap na paglalaban. Ang kanyang nakita ay kakaibang klase ng pakikipaglaban. Ang isa sa likod may hawak na mahabang patpat na kahoy o kawayan. Pero sa tingin ni Yeman isa itong staff, isang uri ng sandata na ginagamit ng mga mage class na character na kanyang mga nakita sa mga laro.

Pinapaulanan nito ang malaking halimaw ng mga bolang apoy. Sunod sunod ang pagtira nito. Parang umuulan ng bolang apoy sa ere. Bawat pagtama ng mga itinirang bolang apoy ay siya namang pag-iyak ng halimaw. Kitang kita na nasasaktan ito.

Narinig din niya ang pagbigkas ng taong may hawak na staff sa pangalan ng kanyang atake. Ang sabi nito ay 'sampung sunod sunod na bolang apoy' pagkatapos sabihin ang salita ay siya namang paglitaw ng mga bolang apoy sa ere at mabilis na pumaroon sa kinaroroonan ng halimaw.

Bawat pagtama ay sinusundan ng malalakas na pagsabog. Ngunit, hindi parin nito nagawang mapaslang ang halimaw na kalaban. Ang isa sa kanila na may hawak na dalawang dagger ay mabilis inikutan ang halimaw sa likod. Iniatake niya ang halimaw sa pamagitan ng pagsaksak ng mabilisan ng hawak na dalawang dagger sa likod ng halimaw. Ngunit bago pa tumama ay mabilis na inihamampas ng halimaw ang kanyang kamay na may matulis na kuko sa likod para unahan na patamaan ang lalaking may hawak na dagger.

Buti nalang mabilis nakayuko ang lalaki at dumaan lang ang kamay ng halimaw sa ibabaw ng kanyang ulo. Nang hindi tumama ang atake ng halimaw ay mabilis umatras ang lalaking may hawak na dagger.

Sa pag-atras ng kalaban sa likod ay mabilis na itinadyak ng halimaw ang mga paa sa lupa para banggain ang tatlong nasa harap. Mukhang galit ito sa taong nagpapaulan ng apoy sa kanya.

Bang!

Isang malakas na tunog ng banggaan ang maririnig nang bumangga ang halimaw sa isang malaking pananggalang. Isang tao na may malaking katawan ang humarang sa kanya gamit ang malaking shield na hawak nito sa kamay. Hugis parihaba ang shield na humarang sa halimaw. Hindi lang yun, paminsan minsan ay nagliliwanag din ang shield na parang enchanted na weapon na makikita sa mga online games na MMORPG. Kahit yung may hawak ng dagger at staff ay ganun din. Nagliliwanag ang kanilang mga sandata. Kumbaga sa laro ay para itong legendary weapon na mataas ang refine value.

Naisip tuloy ni Yeman kung pwede rin kaya ng weapon niyang magliwanag gaya ng weapon nila.

Isang lalaking may hawak na malaking espada ang tumalon ng labing limang metro mula sa likod ng lalaking may hawak na shield papunta sa halimaw. Mabilis na inihampas ng lalaki ang hawak sa dalawang kamay na espada sa halimaw habang nasa ere. Mula sa ibabaw ng kanyang ulo inihampas pababa diretso sa ulo ng malaking halimaw.

Ngunit bago paman ito tumama sa ulo ng halimaw ay mabilis na iniharang nito ang kanyang kaliwang braso.

Zing!

Dahil sa pagharang ng kanyang braso ay ito ang tinamaan.

GwaaaAAAARRRR!!!

Malakas na iyak ng halimaw nang maputol ang kanyang kaliwang braso. Napaatras ito ng ilang hakbang.

Ngunit sa likod ng halimaw ay lumitaw ulit ang lalaking may hawak na dagger. Parang naglalabas pa ito ng mga clone habang gumagalaw dahil sa bilis ng kanyang mga kilos. Tumalon ng mataas sa ere at diretsong isinaksak sa leeg ng halimaw ang dalawang dagger.

HooooOOOOOOOHHHHHRRRRR!!!

Sumigaw sa sakit ang halimaw ngunit wala na itong nagawa, dahil habang abala siyang abutin gamit ang isang natirang kamay ang lalaking nasa kanyang likod, ay walang pagdadalawang isip na itinusok naman ng lalaking may hawak na espada ang malaking espada sa tiyan ng halimaw. Katulad ng iba ay nagliliwanag din paminsan minsan ang bitbit nitong espada.

Wala nang nagawa ang halimaw at unti unti na itong nanghina. At habang nanghihina ay pinapaulanan pa ng mga atake. Ang halimaw na kanilang kinalaban ay parang isang baka na nakatayo sa dalawang paa. Hindi alam ni Yeman kung ano bang klaseng halimaw ito. Kung pagbabasihan ang mga halimaw sa larong kanyang nalaro dati. Ang halimaw na ito ay parang isang minotaur at pwede rin na hindi.

Ilang sandali ay hindi na kinaya pa ng halimaw ang mga natamo at nakataob nalang sa lupa habang humihinga ng malalim. Naglalabas din ito ng hagulhul na tinig. Kitang kita naman ang tuwa sa mukha ng mga taong nakikipaglaban nang matalo nila ang halimaw.

Habang nakatingin sa laban ay natutulog naman ang kanyang munting kasama na nasa balikat. Bumuka ang mga nito nang maramdaman ang paggalaw ni Yeman.

Dahan dahan na naglakad siya palapit sa mga tao. Habang papalapit si Yeman ay napapansin niya na parang nilalapa ng mga ito ang napatay na halimaw. Mukhang may tinatanggal silang parte ng katawan nito. Ilang sandali ay nasa tatlumpung metro nalang ang layo niya sa mga ito. Medyo madilim na ang paligid, kunti nalang ang makikita sa araw. Nakasilip nalang ito at anumang sandali ay ready nang lumubog at maglalaho.

Biglang naalarma at natigilan ang mga taong abala sa paglaplap sa napatay na halimaw, nang mapansin nila na may papalapit ng dahan dahan sa kanilang direksyon.

"Sino ka?" Tanong ng isang bosses lalaki. Napansin ni Yeman na ang nagtanong ay yung kanina na may hawak na malaking espada.

"Isang manlalakbay," sagot ni Yeman.

"Manlalakbay? Kung ganun bakit ka nandito?" Tanong ulit nito. Nagtinginan naman ang kanyang mga kasama sa nilalang na papalapit sa kanila. Syempre natural lang na maalarma sila dahil bihira lang na may pumupunta ritong tao.

"Napadaan lang ako," direktang sagot ni Yeman.

Napansin ng mga tao na parang wala namang balak ng masama ang lalaking papalapit sa kanila. Pero hindi parin pwede maging pabaya kaya naka-ready lang ang bawat isa sa kanila. Lalo na't may mga halimaw na kayang mag-anyong tao at kayang magsalita kagaya ng mga tao.

Direkta lang sa paghakbang si Yeman habang sumasagot sa mga katanungan. Nang makalapit na ay biglang nanlaki ang mga mata ng mga tao. Dahil hindi nila inakala na nakakatakot ang hitsura ng lalaking papunta sa kanila. Hindi naman sa pangit ito. Kaya lang, nakasuot siya ng gutay gutay na kasuotan at may mahabang buhok na humaharang sa kanyang mapulang mata. Mapapansin din ang maputla at payat niyang pangangatawan. Kumunot ang noo ng lahat lalo na nang maamoy ang mabahong amoy ni Yeman. Ilang araw na siyang hindi nakaligo at hindi lang yun, pinunasan pa niya ng dugo ng halimaw ang kanyang buong katawan. Napakadungis pa niyang tingnan.

"Tsk! Isa ka bang halimaw?" Galit na tanong ng lalaking may hawak na dagger. Habang isa isang ni-ready ng iba pa ang kani-kanilang mga sandata.

Raaarrr!

Nagalit naman ang munting kasama ni Yeman nang makita ang mga taong ready na umatake. Kumulubot ang mukha nito habang naglabasan ang matutulis na mga ngipin. Pero hindi nakatuon sa kanya ang atensyon ng mga tao sa harap. Dahil mas naalarma sila sa hitsura ni Yeman.

"Hindi ako halimaw." Sagot niya sa mga tao. Gusto lang niya sabihin na hindi siya halimaw pero kung ayaw maniwala ng mga taong ito ay papatayin nalang niya siguro tapos dudukutin ang isa para turuan siya kung saan makikita ang lugar na may mga taong naninirahan. Para makahanap ng disenteng makakain at inumin.

Hindi nagsalita at tinitigan lang siya ng nga tao sa harap. Halata sa kanilang mga titig na sinusuri ng husto ang kakaibang tao sa kanilang harapan. Walang balak umatake si Yeman basta hindi rin siya atakihin.

Pero kung balak ng mga ito na atakihin siya ay hindi siya magdadalawang isip paslangin ang mga ito. Lalo na't wala siyang naramdamang awa para sa mga tao rito.

"Sinong maniniwala na hindi ka halimaw. Tingnan mo nga ang hitsura mo!" Sumbat ng lalaking may hawak na dalawang dagger.

"Hehe, bahala kayo kung maniwala o hindi. Wala akong paki. Gusto ko lang magtanong kung saan matatagpuan ang pinakamalapit na baryo o siyudad." Sabi ni Yeman habang nakangiti at sumisilip ang mapulang mga mata.

Kumunot ang mga noo ng mga tao sa kanyang harapan nang magtanong siya. Hindi parin sila kumbinsido na tao at hindi halimaw ang nasa kanilang harapan. Lalo na't mapula ang mga mata nito. Marami rin mga bakas ng natuyong dugo na makikita sa kanyang katawan.

"Anong binabalak mong gawin dun?" Seryosong tanong ng lalaking may hawak na malaking espada.

"Hehe, ano pabang pwede gawin sa bayan o baryo? Sempre maghanap ng matirahan." Hindi alam ni Yeman kung mapangisi ba siya o mainis sa mga tanong nila.

Raaarr! Galit namang nakatitig ang munti niyang kasamang kamatayan sa mga tao sa harapan.