Matapos ipaliwanag ni System ang tungkol sa dalawang bagay na nakuha ni Yeman ay nalaman niya na para lang pala itong mga item katulad sa mga games. Ang pinagkaiba lang ay mga body parts ang mga ito.
Sabi ni System, kailangan pa i-equip ang mga body parts para magamit ang taglay na kapangyarihan. Kaya sinubukan ni Yeman na i-equip ang mga ito. Bigla ay may lumitaw na ikatlong mata sa kanyang noo, at may lumabas na bibig sa kanyang palad. Hindi niya alam kung ano-ano ang kapangyarihan na dala ng mga body parts.
Pero sabi ulit ni System, na kaya raw ng third eye of virupaksha na i-perceive ang katotohanan. Kayang makakita ng mga imbisibol na bagay. Kayang makita ang katotohanan at mali. Medyo vague kung iisipin. Ngunit, nang mapalingon si Yeman sa kalangitan ay may nakita siyang parang malaking hollow. Hindi niya alam kung ano ito, pero hindi maganda ang kanyang pakiramdam ukol dito. Ang ipinagtataka niya ay nakikita lang ang hollow kapag naka-equip ang third eye.
Ipinaliwanag din ni System ang tungkol sa bibig sa kanyang palad. Sabi niya, na kaya nitong higupin ang kahit anong bagay. Pero nakadepende sa lakas ng gumagamit ang laki ng bagay na pwedeng higupin ng bibig. Kaya naisipan niya na subukan sa mga patay na katawan ng mga halimaw. Para itong black hole na hinihigop ang mga nasa kanyang harapan. Nagawa niyang higupin ang mga maliliit na halimaw pero hindi nito nagawang higupin ang pinuno. Ibig sabihin nito, ay hindi pa kaya ng lakas ni Yeman na higupin ang mga bagay na kasing laki ng pinuno.
Ang ipinagtataka lang niya, hindi siya nabubusog mula sa paghigop ng mga halimaw at kahit anong bagay. Kaya tinanong niya ulit si System. Ang sagot nito, ay isang demensional space ang nasa loob ng bibig. Pwede ito gamitin pang atake o pangtago ng mga gamit. Napakamot nalang ng ulo si Yeman at hindi na nagtanong pa. Feeling niya ay mukhang maganda naman.
Pero tyaka nalang siguro niya pagkaabalahan ito. Sa ngayon ay kailangan na niyang magpatuloy sa paghahanap ng nayon, siyudad o kahit anumang lugar na kinukublian ng mga tao.
Pero bago ang lahat ay sinubukan muna tingnan ni Yeman ang bahay ng pinuno.
Wooooooosssshhhh!
Tumalon siya ng mataas diretso sa butas na nasa gilid ng bundok kung saan una silang naglaban ng pinuno. Pagkaapak ng kanyang kanang paa sa butas ay nakaramdam siya ng mga munting buhay.
Naningkit ang mga mata ni Yeman sa kanyang nakita. Tatlong maliliit na kulay itim at isang maliit na kulay puti na halimaw ang kanyang nakita. At may isang malaki na kulay puti na parang buntis. (Kuku, sinong mag-aakala na may pamilya rin pala ang kumag. Hehehe!)
Pinatay niya ang mga ito at binitbit ang isang maliit na halimaw. (Pwede na siguro ang isang ito para maging utusan. Kukuku!)
Inubos niya ang mga natirang buhay na halimaw tanging ang isang maliit lang ang natira. Binitbit niya ito sa kamay. Para itong aso kung titingnan. Napakacute pala nito kung maliit pa. Pero walang naramdamang awa si Yeman para sa mga kalaban. Binuhay lang niya ito para pag-eksperimentahan. Sa totoo lang, gusto talaga niya malaman ang tungkol sa mga halimaw na ito. Kung pwede ba paamuhin o hindi. Gusto rin niya magkaroon ng kasama sa paglalakbay. Nakakabored din naman mag-isa. Kung magawa niyang paamuhin ito, edi mas mabuti. Pero kung hindi ay sorry. Pwede rin itong maging food reserve sakaling magutom siya at walang makitang pagkain. Kulay puti ang kanyang kinuha, dahil mukhang hindi ito nakakatakot at parang pangkaraniwang tuta lamang. Pwede rin niya ito pagkalibangan habang hinihiwa ang mga laman nito ng paulit-ulit. Katulad ng ibang halimaw, ay siguradong may kakayanan din itong mag-restore.
Habang binitbit ni Yeman ang baby kamatayan ay naglalabas ito ng kaawaawang tunog. Pero hindi niya ito binibigyang pansin. Pagkatapos kolektahin ang mga espada ay nagpatuloy na siya sa kanyang paglalakbay. Tinago niya sa loob ng storage na bibig ang kalawangeng espada at dagger. Habang nasa likod naman ang kanyang mapurol na Bastard Sword.
Nagkasira-sira ang talim nito dahil sa corrosion ng pinuno. (Mukhang kailangan ko maghanap ng Blacksmith. Sayang naman itong espada.)
Para mailabas mula sa kanyang storage na bibig ang mga bagay na tinago ay kailangan lang niyang sabihan si System at ito na ang bahala maglabas.
Napagkaalaman ni Yeman na pwede niya i-unequip ang mga body parts na nakuha kung gugustuhin. Naka-save na pala ang mga ito na parang data. Kaya kung gugustuhin ni Yeman, kahit kelan pwede niya itong gamitin o hindi. Basta sabihan niya lang si System kung ano ang gusto niyang i-equip at unequip.
Lumingon siya sa itaas para makita ang posisyon ng araw. Hindi siya sigurado kung katulad din sa earth ang araw dito sa pantasya. Pero kung gawing basehan ang araw sa earth. Base sa posisyon ng araw na kanyang nakita sa kalangitan ay nasa 2pm na ang kasalukuyang oras.
Habang naglalakad si Yeman ay napansin niya na nag-iingay ang munting kasama. Tingin niya gutom na ito. Kaya sinubukan niyang kunin sa storage na bibig ang patay na katawan ng halimaw na kanyang hinigop kanina. Pero hindi ito kinain ng munting halimaw na kanyang kasama. (Tsk! Pihikan naman ng isang ito.)
Naisipan nalang niya na manghuli ng ibang pagkain sa paligid. Nang makahuli si Yeman ay sinubukan niya itong pakainin. Ngunit hindi parin ito kumain. Naisipan niya na ipakain ang kanyang kamay. Walang pagdadalawang isip na kinagat ito. Napa(lol) nalang si Yeman nang kinain nito ang kanyang braso. Naisip niya na okay narin dahil hindi na niya poproblemahin ang pagkain nito. Bigla tuloy napa(Aha) si Yeman nang maisip na kung siya naman ang magutom at walang ibang pagkain sa paligid ay pwede rin niya itong putulan ng binti para kainin. (Kuku, buti nalang talaga at binuhay ko ang isang to.)
Ngayon ay pwede na sila mag-give and take. Hindi napigilan ni Yeman na makahinga ng maluwag nang mapaisip na wala na siyang problema sa pagkain. Dahil pareho naman silang may restoration skills at pareho rin na kinakain ang isa't isa. (Unlimited source of food! Hehehe.)
Habang naglalakbay ay marami siyang nakasagupa na mga halimaw. Napansin din ni Yeman na parang gusto sumali ang munting kasama sa laban. Bigla itong sumigla nung kinain ang kanyang braso. At hindi na niya kailangan pang bitbitin ito dahil agad itong tatalon sa kanyang balikat kung mag-umpisa na siyang humakbang papunta sa kung saan siya dalhin ng mga paa.
Paminsan minsan ay kinakausap niya ang munting kasama. Ngunit ang sagot lang ay *Worf!*, hindi manlang sila magkakaintindihang dalawa. Mukhang kailangan niya itong turuan ng mga sinyas habang naglalakbay.
Para narin may iba siyang pagkakaabalahan at hindi ma-bored ng husto.
Kasalukuyang naglalakad siya sa isang masukal na kagubatan. At paminsan minsan ay inaatake siya ng iba ibang klase ng mga halimaw. Gaya nalang ng isang higanteng ahas na sinubukan mang ambush sa kanya. Mula ito sa taas ng malaking puno. Biglang nag-dive ang malaking ulo papunta kay Yeman ngunit bago pa malamon ang target ay nawala na ito sa kinatatayuan. Ilang sandali ay humiwalay ang malaking ulo ng ahas sa kanyang katawan na sinundan ng notification ng pagtaas sa kanyang [Strength] at [Agility]. At may nakuha siyang [Intimidation] skill.
Bago nagpatuloy sa paghakbang ay pinutol putol muna niya ang katawan ng higanteng ahas at isa isang hinigop sa kanyang storage na bibig para pang reserbang pagkain.
Thump! Biglang tumalon sa kanyang balikat ang maliit na kasama nang mapansin nito ang paghakbang ni Yeman. Kahit alam niya na galit sa kanya ang munting halimaw dahil sa pagpaslang sa pamilya nito ay hindi niya binigyang pansin pa. Kung gusto nito maghiganti para sa kanyang pamilya ay kailangan nito munang lumakas para matalo si Yeman. Sa ngayon ang dapat isipin ng munting halimaw ay mabuhay ng matagal. Para mabuhay ay kailangan niyang sumunod sa taong kasama. Lalo na't hindi pa niya kayang maghanap ng sariling pag-kain.
Paminsan minsan kapag nagugutom ang halimaw ay kinakagat nito ang tenga ni Yeman habang nakapatong sa kanyang balikat. Pero dahil manhid sa sakit at mabilis magrestore ang kanyang katawan ay hindi niya ito binibigyang pansin. Gusto rin ni Yeman na mabilis lumaki ang bubwit nato. Para siya naman ang sasakay sa likod nito.
Kahit sobrang pagod na ang katawan ni Yeman ay kailangan niya parin magpatuloy sa paglakad. Kung ikompara sa mga napagdaanan niyang hirap ang nararamdamang pagod ngayon ay balewala ito.
Wooooooosssshhhh!!!
Tumalon ng mataas at pumatong sa sanga ng malaking puno si Yeman. Kailangan niya tingnan paminsan minsan kung anong nasa unahan. Nang tumingin siya sa kalangitan ay napansin niya na nagsisimula na namang magdilim. Pero sa bandang unahan ay may nakita siya mga liwanag. Siguro mula ito sa mga tao.
Mabilis na nagpatalon talon sa mga sanga ng puno si Yeman para puntahan ang kinaroroonan ng mga nag-iilaw. Sa kanyang balikat ay kumakapit ng mahigpit ang munting kamatayan. Kaawa aawa itong tingnan na para bang lumuluha ang mga mata dahil sa bilis ng kanyang pagtatalon.
Woooooossssshhh!!!
Klang! Klang! Klang!
Ting! Ting! Ting!
Tumalon ng napakataas paglagpas niya sa masukal na kagubatan. Pag-apak ng kanyang mga paa sa lupa ay nakita niya sa unahan na may naglalaban.