Chapter 11 - Kweba

Pagkatapos ko mapatay ang matchong goblin ay ramdam ko sa aking katawan ang panibagong dagdag na lakas.

Papasok na ako sa loob ng kweba habang sa aking kanang kamay nakaready ang sinaklaw kong dagger mula sa goblin, para ito sa mga posibleng ambush. Mas mainam gumamit ng maliit na sandata sa ganitong medyo makitid na lugar. Dahil mabilis na iwasiwas. Pero yun ang akala ko, dahil habang palalim ako ng palalim ay palawak ng palawak ang espasyo sa loob ng kwebang ito. Kweba ba talaga to? Hindi sinadyang napatanong ako. Ang kasalukuyan kong kinaroroonan ay may limampung metro ang lapad mula sa magkabilaang dingding, at nasa tatlumpung metro naman ang taas ng bubungan mula sa lupa.

Kahit feeling ko nag-uumapaw na ako sa lakas ay ayaw ko parin ibaba ang aking depensa. Dahil sa mundong ito na kung saan ang mahina ay kinakawawa, hindi pwede ang pabaya.

GroooOOOOWWWWWWLLLLL!

Pag-aalburuto ng aking tiyan na hindi kona halos binibigyang pansin. Hindi ko lubos akalain sa buong buhay ko na maranasan ko ang ganitong paghihirap. Nakailang lunok na ako pero walang laway manlang na umaagos sa aking lalamunan. Feeling ko bawat paglunok ay para akong sinasakal at malalagutan ng hininga. Para bang nagdikit dikit at kumukulubot na ang aking lalamun kung saan natatakpan ang lagusan. Kahit umiyak ako ay wala naring aagos pa. Kahit ang aking pang amoy hindi kona maasahan pa. Pero bakit kaya napaka sensitibo ng pang-amoy ko sa nakaambang panganib. Gaya ng isang goblin na gumagamit ng sneak skill na nakatago sa bato sa unahan. Pasok na pasok sa ilong ko ang amoy ng dugo nito.

Dahan dahan ko itong nilapitan. Akala ng kawawang goblin na ito makakaisa siya sa akin. Ayos to dahil uhaw na uhaw na ako. Pwede na siguro ang dugo ng isang ito.

Nang nasa harap na ako ng bato ay agad ko itong sinipa ng malakas. *smash!* bigla itong nadurog na para bang buhangin. Sa lakas ng aking sipa ay hindi ko manlang ramdam ang impact.

Tumilapon naman ang nakatagong kaawa awang goblin. Tumilapon ito at tumama sa ding ding ng kweba. Direkta itong nawalan ng malay. Nilapitan ko at ginilitan ang leeg. Nang umagos na ang dugo ay itinaas ko ito. Mas mataas pa sa aking ulo. Agad namang sinalo ng aking bibig ang mga itim na dugo.

Cough! Cough!

Hindi maiwasan na mabilaukan ako dahil para bang bumabara sa aking lalamunan ang malagkit nitong dugo. Hindi ko na rin halos malasahan pa ang dugo nito. Siguro nasanay na ang aking lalamunan o di kaya nawala narin ang aking panlasa gaya ng pagkawala ng aking pandama sa sakit. Kaya lang presko pa sa aking alala ang lasa ng dugo at laman nila. Lalo na ang laman at dugo ng halimaw na una kong na engkwentro.

Palalim na ng palalim si Yeman sa looban. Ramdam niya na medyo malamig ang paligid. Lalo na ang inaapakang bato batong lupa. Pero hindi ito binibigyang pansin ni Yeman. Kahit madilim sa loob ay hindi ito hadlang para sa kanya. Lalo na at lalong tumalas ang kanyang pandama sa mga nakaambang panganib habang humihina naman ang mga normal na tungkulin ng kanyang pandama.

Ilang sandaling paglalakad ay nakarating siya sa isang silid kung saan may tatlong pasukan. Naisipan niyang isa-isahin ang mga pasukang ito. Una niyang pinasukan ay ang pasukan na nasa kanan niya. Pagpasok ay naka-engkwentro siya ng mga traps. Kung saan pinaulanan siya ng mga daan-daang palaso. Pero hindi manlang siya umiwas at hinayaan lang ang sarili na tamaan. Kahit tamaan siya sa mata, bibig, ulo o sa puso ay balewala ang lahat ng ito kay Yeman. Sa bilis ba naman magpagaling ni system at ang dagdag pang bago niyang skill na restoration, kahit pa maputol ang ulo niya ay siguradong mabubuhay parin siya. Manhid na sa sakit ang buong katawan ni Yeman. At mabilis pa naghihilom ang kanyang mga sugat dahil kay system. Halos tinadtad ang buo niyang katawan ng palaso. Pero hanggat hindi nalulusaw ang buo niyang katawan ay mahirapan ang kahit sino na patayin siya.

Nakangiti lang si Yman habang inisa-isa tanggalin ang mga nakabaon na mga palaso sa kanyang katawan. Diretso lang siya sa paglakad kahit hindi pa natanggal lahat ng bumaon. Tanging ang mapulang mata lang ni Yeman ang maaninag sa madilim na daan na kanyang kasalukuyang tinatahak. Walang pailaw sa bandang ito.

CreeeAAAAAAKKKKKK!

Kakaibang tunog nang pinadausdus niya ang matulis na dulo ng dagger sa dingding ng kweba habang patuloy sa paglalakad. Agad naman nagmarka ito na parang mahabang linya at nagsitalsikan ang mga kumikislap na liwanag mula sa friction ng metal na dagger at batong dingding ng kweba. Patuloy lang siya sa paglakad at pahaba ng pahaba ang marka. Patuloy din ang kakaibang tunog at kislap ng liwanag dahil sa friction na dulot nito.

Nakaabot na si Yeman sa pinakadulo ng silid. Binati siya ng mabaho at masangsang na amoy ng makapasok. Kakaiba ang kwartong ito dahil may mga buto ng tao na nakasabit sa dingding. May mga buto rin ng samot saring nilalang ang nagkalat sa sahig.

Nakakita rin si Yeman ng iba ibang sandata sa gilid na nakasandal sa dingding ng silid. Sa tingin niya ang silid na ito ay may 30 meters ang taas at 40 meters ang lapad. Nagkalat naman ang iba ibang uri ng sandata sa gilid ng silid. Yung iba ay nakasandal at yung iba ay nakatihaya lang sa sahig.

Sa isip ni Yeman, ay kung sino man ang mga taong napaslang sa lugar na ito siguradong nakaranas ng matinding torture. Dumampot lang ng scabbard si Yeman para sa kanyang mga espada. Wala rin siyang nakita pang mas maganda sa Bastard Sword. Kaya pagkatapos makahanap ng saktong laki at hugis na scabbard para sa kanyang mga espada ay dumampot din siya ng tela. Gumawa siya ng damit at saplot sa katawan. Kinurte niya ito ng isang dress gamit ang dagger. Pagkatapos ay gumawa rin siya ng balabal. Buti nalang at may nakita rin siyang mga leather armor at iba pang bagay. Naisipan nia na gumawa at baguhin kunti ang combat shoes na makikita sa paligid ng silid.

GrrrooooOOOOOOOWWWWWLLL!

Kahit patuloy ang pagreklamo ng kanyang tiyan ay hindi niya ito binibigyan ng pansin. Paano ba naman, walang pagkain sa silid na kanyang napasukan.

Sinapawan din ni Yeman ng leather chest armor ang kanyang ginawang dress.

Halos nagtagal siya ng sampung oras kakagawa ng mga gamit niya. Ngayon ay nagpatuloy na siya sa kanyang paghahanap ng makakain at inumin. Bumalik ulit siya sa kanyang dinaanan. Sunod niyang pinasukan ay ang nasa gitnang pasukan.

Mahigit tatlong daang hakbang ay napansin niya na putol ang daan sa unahan. Para itong bangin na makikita sa ibaba ang kumukulong mapulang bagay. Alam ni Yeman na kapag nahulog siya, kahit gaano paman kalakas ang kanyang regeneration power ay siguradong wala itong magawa sa bagay na nasa ibaba ng bangin. Dahil ang nasa ibaba ay kumukulong lava. Bumalik nalang si Yeman sa kanyang dinaanan. Ang panghuli na pasukan ay ang nasa kaliwa.

Pagakarating niya sa dulo ay tumambad sa kanya ang mga bangkay ng samot saring nilalang. May kulungan din sa bawat sulok ng silid na ito. Sinuri muna ni Yeman ang silid. Hula ni Yeman ang silid na ito ay may pitongpung metro na lapad at dalawampu't limang metro ang taas ng bubungan mula sa lupa. Makikita rin ang sulo na nagbibigay ilaw sa ding ding. May makikita rin na parang mesa na gawa sa batong hinulma na nasa bandang gitna ng silid.

Sa dingding naman ng silid sa bandang kaliwa ay makikita ang parang kulungan na binabakuran ng kahoy. Dalawang parang kulungan na magkatabi. Hindi alam ni Yeman kung para saan ang mga ito. Sa ngayon ang laman ng mga kulungang ito ay tanging mga buto lang ng hindi mawari kung tao ba o hayop.

Mukhang naubos na nga ni Yeman ang mga goblin sa lugar na ito. Sayang lang at wala siyang nakitang tao na bihag na pwede makapagturo sa kanya kung saan makikita ang malapit na lugar na may mga taong naninirahan.

Napansin ni Yeman ang parang bonfire sa tabi ng mesang gawa sa bato. Saktong may nakatusok na stick sa lupa sa tabi ng bonfire. May nakatusok naman na parang karne ng manok at yung isang stick ay may nakatusok na karne ng baboy? Hindi alam ni Yeman kung anong karne ito pero naglalaway na siya at gutom na gutom na. May limang stick lahat ang nakatusok patayo sa tabi ng bonfire at bawat stick ay may sari saring laki ng karne. Pero hindi niya alam kung anong klaseng karne ang mga ito maliban sa isa na parang karne ng manok o malaking ibon.

Medyo sunog na ang mga ito pero pwede na para kay Yeman. Mabilis niyang sinunggaban ang mga ito. Habang kumakain ay nabibilaukan naman siya paminsan minsan. Hanggang sa...

Plok,Plok,Plok!

Isang pamilyar na tunog ang umabot sa kanyang mga tenga. Ang tunog na ito ang matagal na niyang inasam asam. Para sa kanya ay para itong napakagandang melodiya na nagbibigay liwanag at gumagabay sa madilim niyang buhay.

Agad na nilingon ni Yeman ang pinagmulan ng tunog sa hindi kalayuan mula sa bubong ng kweba. Nakita narin niya sa wakas ang bagay na nais matikman at mapawi ang pagkauhaw.

"Tubig"

Mahinang nabigkas ni Yeman.