Chapter 14 - Pinuno

Nilingon ni Yeman ang pinagmulan ng malakas na ungol.

Medyo hindi siya makapaniwala nang makita ito.

"Pwe! Sinong mag-aakala na andiyan pala ang iyong lungga. Marunong ka rin noh... mahal na pinuno?! Hehe!" Hinding hindi ito inaasahan ni Yeman.

Nasa dalawampu't tatlong metro mula sa lupa sa gilid ng bundok may makikitang butas. Doon mismo sa banda ng kanilang unang pinaglabanan. Kaya pala bigla nalang ito sumulpot nung sumuka si Yeman sa bandang yun.

WooOOOSSSSSSHHHH!!

Tumalon ang pinunong kamatayan.

*thump!* *swoosh!*

Kasabay ng malakas na tunog ng pag-apak ng mga paa nito sa lupa ay agad nagsi-alsa ang mga alikabok sa paligid. Nakakakilabot ito tingnan lalo na ang mga makapal at maitim na balahibo.

Dahan dahan naglakad patungo kay Yeman ang pinuno. *ghrr!* kitang kita na galit na galit ito. Dinidilaan ang kanyang mga matutulis na pangil habang nakakunot ang karumal dumal na mukha. Halatang wala sa mood. Sabagay sino ba naman ang matuwa na makita ang kanilang kasamahan na isa isang pinagpapatay. Ngayon ay iilan nalang ang kanyang tagapagsilbi!, dahil sa taong ito na naglakas loob bumalik sa kanilang teritoryo.

"Kalma lang mahal na pinuno. Siguraduhin ko na hindi ka nila mamimis, dahil isusunod na kita. Hehe." Sabi ni Yeman sabay bitaw ng mapusok na ngiti sa pinuno.

GhrR!

"Hehe mukhang galit na galit na nga ang tanga."

SHE——eng!

She——ENG!

Ibinalik niya ang kalawanging espada at dagger sa mga sakuban. At pinalitan ng malaking espada. Ang Bastard Sword!! *ziing!* *ziing!* iwinasiwas pa ni Yeman ang espada sa ere. Na para bang ipinapahiwatig niya sa pinuno na anumang oras ay pwede na itong sumugod

Nilingon ni Yeman ang natigilan sa paglakad na halimaw. Mukhang naalarma ito nang inilabas niya ang Bastard Sword. "Ano pa ang hinihintay mo? Gusto mo bang magtititigan lang tayo? Hehe." Tanong habang nakataas ng bahagya ang kanyang mukha. Na para ba'ng sa mga tingin ni Yeman ay "isa ka lang pagkain. Kaya huwag kang magmalaki sa akin."

Tatlong beses na mas malaki ang pinuno kaysa sa normal na kamatayan. Ang mga normal na kamatayan naman ay mas malaki ng bahagya sa mga normal na lobo. Kaya kung iisiping mabuti, ay malahigante ang laki ng pinuno. Nakadungaw lang ito kay Yeman. Pero balewala ang laki nito sa kanya.

Nasa sampung metro ang distanya ng halimaw kay Yeman. At makikita rin ang iba pang maliliit na halimaw na nagsitabi at ngayon nasa likod ng kanilang pinuno.

AwwwWOOOOOOOOOOOOHHHH!!

Worf! Worf! Worf!

Isang malakas na sigaw na sinabayan ng mabilis na pagtatalunan ng dalawampung maliliit na natira. Sumugod din ang pinuno sa pamagitan ng mapanindak na pagsugod ng mabilis. Para itong matuling train na walang preno.

Nang nasa harap na ni Yeman ang mga nagsitalunan na halimaw, *Woooooossshh!* isang 360 degree na pag-ikot ng katawan at espadang hawak.

WaaaaaAAAAAAAAAAAMMM!!

Thump! Thump! Thump! Thump!

Dahil sa bilis at lakas na dala ng pag-ikot ni Yeman ay nagdulot ito ng buhawi na pumalibot sa kanyang katawan. Ang mga tinamaang mas maliit na halimaw ay napabalibag. Ang mga hindi maswerte naman ay nagkagutay-gutay ang kanilang ulo. Dahil dito, hindi na muli nakapag-restore ang kanilang katawan at agad nilang ikinasawi.

Walong normal na kamatayan ang agad binawian ng buhay dahil sa lakas ng pressure na dala ng buhawi. Isang saglit lang ang itinagal ng buhawi. Dahil isang buong pag-ikot lang naman ang ginawa ni Yeman. Pero tamang tama na ito para patigilin ang mga pampagulong sawsaw.

"Hehe, nakalimutan ko palang sabihin na, sa labanan ng mga matatanda bawal ang mga bata." Sabi niya sa mga natigilang kalaban habang nilagay sa balikat ang likod-talim ng kanyang Bastard Sword.

SwwoooOOOOOOOOSSHHH!!

Biglang pagsugod ng isang dambuhala matapos mag salita si Yeman. *Tiing!* masakit sa tengang tunog banggaan ng dalawang matitigas na bagay.

Ting!—Ting!—Ting!

Sunod sunod na kalmot ng malalaking kuko sa paa ng pinuno. Ngunit, gamit ang malapad na bahagi ng espada ay wala manlang tumama sa balak nito patamaan.

——Wham! ——Thump!

Isang flying kick ang direktang kumonekta sa lalamunan ng halimaw. Dahil dito ay napaatras at dumagusdos ang dambuhalang katawan ng pinunong kamatayan.

GhwaaarrR!!

Galit na napasigaw ang pinuno matapos iginiwang ang katawan. Dahil dito, bumukadkad ang makapal na balahibo.

"Ehehe, masakit?!" Nangungutyang katanungan niya sa halimaw.

Dahan dahan humakbang palapit si Yeman habang pinadagusdos ang matalim na dulo ng Bastard Sword. Nagmarka naman ang mahabang linya na parang kalmot sa lupa.

Shhiiiii———iiiinnnnngggg!!

Gumagawa pa ito ng kakaibang tunog dahil sa friction.

RaaaaAAAAAWWWWWWRRR!!!

Biglang nagpakawala ng malakas na sigaw ang pinuno nang makita ang taong palapit. Hindi niya inasahan na biglang lumakas ang takbuhin na ito.

Hindi naman sa natatakot siya sa sipa ng tao. Wala itong naidulot na pinsala sa kanya na kayang magrestore. Pero kailangan niyang tapusin agad ang tao sa harapan. Alam ng pinuno na hindi natatablan ng kahit na anong pampahina na usok ang taong ito pero gagamitin parin niya ang kanyang mga malalaking bibig at sabayan ng itim na enerhiya na nagdudulot ng pagka durog sa laman ng mga kalaban.

AAAAAWWWWWRRRRR!!!

Nagpatuloy ang malakas na ungol ng pinuno. Si Yeman naman ay nawala. Hindi siya tumakbo dahil natatakot. Bagkus, tumalon siya tatlumpung metro mula sa lupa pasugod sa kalaban. Wala siyang paki sa pagsisigw nito. Nasa ibabaw ng kanyang ulo ang malaking espada na hawak sa dalawang kamay ang hawakan. *heyaaaAAAAAAHHHHHH!!* malakas na sigaw ni Yeman.

AAAAWWWWRRRRR!!

Nag-dive siya ng napakabilis sa nagsisigaw parin na halimaw. *zzziiiii——iinnnggg!!* *tiiinnngg!!*

Matapos ihampas ng napakabilis at napakalakas na vertical slash ang malaking espada ay maririnig ang solid na pagtama nito sa noo ng pinuno na kakatapos lang sumigaw. Malakas na pressure ang biglang nagpalipad sa mga alikabok sa paligid. Bumaon din ang mga paa ng pinuno na siyang nakatanggap sa malakas na atake.

Creee—-aaAAAAAAAKKKKK!!

Nagkatagisan sila ng lakas. Makikita rin ang naglitawan na malalaking bibig sa katawan ng pinuno. Hindi lang yun, makikita rin ang itim na enerhiya na pumapalibot rito. Ito ang corrosion na kayang manakit sa katawan ni Yeman.

HeeeeeyaaaaAAAAAHHH!!

Dinagdagan pa niya ng lakas ang pagtulak sa halimaw.

GwaaaAAAAAAARRR!!

Ngunit hindi nagpadaig ang pinuno at pinilit nitong sanggain ang buong lakas ng taong kalaban.

Creeee——aaaaaaAAAAAKKK!!

Kakaibang tunog ng tagisan sa pamamagitan ng matalim na espada at makapal na noo. Dahil ang itim na enerhiya ay nagliparan sa iba-ibang direksyon, hindi mapigilan na magsitalsik ang iba sa katawan ni Yman. Bigla naman itong ikinasira ng kanyang balat at laman. Pati narin sa kanyang mga kasuotan na pinaghirapang pagdugtungin.

[INJURY DETECTED]

[CORROSION DETECTED]

[PREPARING COUNTERMEASURE...]

[10% complete... 20% complete!...]

[30% complete... 35% complete...]

Kaya habang nagtatagisan ng lakas si Yeman at ang pinuno. Ay naglalaban din si System at ang corrosion effect ng itim na enerhiya. Base sa bagal ng paggaling ng kanyang mga nalusaw na balat at laman, mukhang dehado si System.

Tsk! Pinitik niya ang dila sa pagitan ng mga ngipin.

Gwaa—AAAAARRR!!

"Hindi ka rin basta basta noh! Hehe, mukhang hindi ako pwede magtagal sa ganitong sitwasyon." Napansin ni Yeman na unti unting bumaon ang talim ng espada sa matigas na noo ng pinuno kung saan nandun ang pangatlong mata. "Hehe, Ano kayang silbi ng matang ito?" Hindi maiwasan na mapatanong siya.

Unti unting bumaon ang espada ngunit naisipan ni Yeman na mauna siyang maubusan ng laman dahil sa bwesit na corrosion!

Gamit ang impact ng pagtagisan nila ay tumalon ulit sa ere si Yeman. Balak niyang umapak sa likod ng kalaban at itusok ang espada.

Ngunit bago pa siya makaapak sa likod ay napansin niya na bumaka ang likod nito at humugis pormang malaking bibig.

"Bwesit yan! Ampangit moooo!" Pagmumura ni Yeman.

Sa isip ni Yeman kung mapipinsala pa siya ay lalong hihina ang pagpapagaling ni System sa mga natamong sugat mula sa corrosion. Kaya *ziing* mabilis niyang itinukod ang espada para hindi makagat ang paa.

Creeee-aaaAAAKK!!

Lagitik na tunog ng kagatin nito ang dulo ng Bastard Sword. Malakas na hinawakan ni Yeman ang hawakan ng espada. Hindi niya ito binitiwan.

Tsk!

Malakas niyang pinagsalubong ang mga ngipin at pinatigas ang panga habang nag-iisip ng sunod na gagawin.

"Wala nang choice ha!"

Malakas na hinatak ni Yeman ang espadang kagat kagat ng malaking ngipin na nasa likuran ng pinuno. Gamit ang pwersa na dulot ng paghatak ay nagpakawala siya ng napakabilis at napakalakas na isang suntok.

BaaAAAAANNNNGGGG!!

Gyaa—AAAAARRRRRR!!

Biglang napaluhod ang pinuno at sumuka ng itim na dugo dahil sa malakas na suntok ni Yeman. Pero unti unti ring humiwalay ang mga balat at laman sa kanyang kamay dulot ng itim na enerhiyang pumalibot sa buong katawan ng halimaw. Dahil sa lakas ng suntok ay napabuka ang malaking bibig sa likod. Dahilan kaya natanggal sa pagkakagat ang Bastard Sword.

Bago paman mahimasmasan ang pinuno ay *zing!* pinabaon na agad ni Yeman ang dulo ng Bastard Sword sa katawan ng halimaw.

Gwaaa-AAAAARRRR!!

Pagkabaon ay sinundan naman agad ng malakas na ugong ng pag-iyak ng pinuno. Alam ni Yeman na hindi nito magawang patayin ang kalaban. Kaya pagkatapos bumaon ng espada ay agad niya itong binunot at umatras ng mabilis.

Makikita ang nalusaw niyang laman. At sumisilip narin ang mga buto ni Yeman. Dahil ito sa corrosion ng itim na enerhiya.

"Ehehehehe." Pero kahit mukhang hindi masikmura ang kanyang kalagayan ay balewala ito sa kanya dahil nasisiyahan siya, nagtagumpay ang kanyang binabalak.

Dahan dahan niyang dinilaan ang dulo ng Bastard Sword na may itim na dugo mula sa halimaw. Wala manlang makikitang takot o di kaya ay reaksyon dulot ng pananakit. Manhid na siya sa sakit kaya balewala sa kanya kahit maubos lahat ng laman sa katawan.