Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 4 - Sunugin Ang Halimaw

Chapter 4 - Sunugin Ang Halimaw

Sa isang malawak at magarang silid kung saan ang mga haligi ay gawa sa ginto. Mamahaling kurtina sa dingding, at sa bubungan ay may mistulang buhay na painting ng lalaking nakafull body armor habang sinaksak ng dalang malaking espada ang isang malaking halimaw. Sa sahig naman ay may mahabang pulang karpet na nagkonekta sa malaking pinto at sa upuan na gawa sa ginto. Isang tao na may mahaba na puting buhok at bigote ang kasalukuyang nakaupo sa upuang ito. Sa ulo ng tao ay may nakapatong na korona na gawa rin sa ginto at may kumikislap-kislap na walong brilyante ang pumapalibot. Ang taong nakaupo ay nakasuot ng mahabang damit na kulay pula, puti at ginto. Habang sa gilid ng taong nakaupo ay may mga taong naka full body armor ang nakatayo na tila mga statwa. Sa gilid naman ng karpet ay may walong mga may edad na tao ang nakatayo na may pulang mga kasuotan. At ang silid kung saan sila naroroon ay tinatawag na silid ng trono.

Ilang sandali ay bumukas ang malaking pinto at isang kawal na may bitbit na parchment sa kamay ang pumasok. Nang nasa harap na ito ng taong may korona ay biglang iniluhod ng kawal ang isang tuhod.

Mahal na hari narito po ang mga impormasyon na aming nakalap sa loob ng isang linggong pagparusa sa halimaw na bihag. Magalang na sabi ng kawal sa kaharap na hari.

Kinuha ng isang lalaking may pulang kasuotan ang parchment na dala ng kawal at iniabot sa hari. Ilang minuto itong binasa ng hari bago tumango-tango.

Magaling kawal! Dahil dito ay makakatanggap ka ng gantimpala. Pagkatapos sabihin ito ay suminyas ang hari sa lalaking nakapula.

Agad naman tumango at may dinukot sa kanyang mangas ang lalaking nakapula. Pagkatapos dumukot ay iniabot sa kawal ang isang supot ng pilak.

Maraming salamat mahal na hari! Madamdaming pasasalamat ng kawal sa hari.

Sige pwedi ka nang umalis. Utos ng hari.

Bakas sa mukha ng kawal ang kasiyahan nang lisanin nito ang silid.

Magandang balita ito mahal na hari. Ngayon malalaman na natin ang kahinaan ng halimaw na may mataas na antas. Sabi ng lalaking nakapula.

Oo nga mahal na hari! Pagsang-ayon ng iba pa.

Tumango-tango ang hari at itinaas nito ang kanang kamay upang patahimikin ang lahat.

Iparating niyo sa aking nasasakupan! Na bukas ng madaling araw! Ipaparada ang halimaw habang nakatali sa malaking krus! Mula sa palasyo patungo sa malawak na espasyo sa harap ng plasa! At bago magdilim! Ay masasaksihan ng lahat habang nilalamon ng apoy ang buo! ng halimaw. Malakas na boses na utos ng hari, at pagkatapos sambitin ng mahina ang huling kataga ay kumislap ang mga mata nito.

Mabuhay ang mahal na haring Agustin!

!!!!Mabuhay!!!!

*****

Tatlong oras bago mag umaga. Kasalukuyang inilipat si Yeman sa malaking krus. Isang daang mga kawal ang nagtulong-tulong na ilipat ang mahina at walang kaimik-imik na si Yeman. Walang makikitang bakas ng sugat sa buo niyang katawan. Tanging ang putol na mga daliri ng kamay at paa lang ang palatandaan ng kanyang paghihirap. Pati narin ang buto't balat na pangangatawan.

Tanging si Yeman lang ang may alam ng kaniyang paghihirap.

Tanging si Yeman lang ang may alam kung gaano kasakit ang kaniyang napagdaanan.

Tanging si Yeman lang ang may alam kung gaano na siya nagugutom.

Tanging si Yeman lang ang may alam kung gaano na siya nauuhaw.

Tanging si Yeman lang ang may alam kung paano mabuhay na parang patay.

Tanging si Yeman lang ang naguguluhan sa mga nangyari sa kanya.

*****

Isang oras bago iparada si Yeman sa publiko.

Mahal na hari! Dumating na ang mga embahador mula sa ating kaalyansang kaharian. Sabi ng kawal pagpasok sa silid ng trono.

Magaling! Papasukin mo dito!

Masusunod mahal na hari!

Apat na tao ang sumunod na pumasok. Dalawang babae at dalawang lalaki. Yumuko ang mga ito pagdating nila sa harap ng hari.

Maraming salamat mahal na hari sa pagpaunlak niyo sa munti namin kahilingan na kayo ay makausap. Sabi ng isang lalaki.

Maraming salamat mahal na hari. Sabi naman ng iba.

Lihim na ngumisi ang hari. Alam niya dahil sa pagkadakip ng halimaw na may mataas na antas ay lalong magdadalawang isip na magtraydor ang mga kaalyansa. Pati na rin ang mga kalabang kaharian ay magdadalawang isip na umataki sa Kaharian ng Putingbato. Tumango ang hari sa mga bisita. Ngayon ay ipapakita niya ang lakas ng kanyang kaharian. Para lalo pa nitong mapalawak ang pagpapalitan ng mga kalakal sa mga kaalyansa. Matagal nang kinatatakutan ang mga halimaw na ito kahit saang kaharian. Lalo na ang mga matataas na antas na mga halimaw. Dahil makapangyarihan at mahirap patayin ang mga ito. Buti nalang kompleto ang kanyang banal na Black Pegasus. At sumuko ang halimaw dahil sa takot.

Nang matapos ang pag-uusap ng mga embahador at hari ay bumalik ulit ang kawal.

Mahal na hari! Dumating na ang mahal na prinsesa mula sa malayong paglalakbay. Pagbabalita ng kawal.

Ganun ba? Nasa labas ba siya ng pinto? Tanong ng hari.

Oo mahal na hari.

Papasukin mo.

Pag-alis ng kawal ay pumasok naman ang isang napakagandang dilag. Nasa 16-17 taong gulang ito. May mahaba at straight itong buhok.

Mahal na amang hari totoo ba na may nahuli ang ating banal na Black Pegasus na mataas na antas na halimaw? Agad nitong tanong sa hari.

Totoo yun mahal kong anak.

Kung ganun pwedi ko bang makita ang halimaw?

Makikita mo mamaya dahil ipaparada ito mula rito hanggang sa harap ng plasa. Sa ngayon magpahinga ka muna sa silid mo.

Masusunod mahal na amang hari.

*****

Isang minuto bago iparada si Yeman. Marami nang tao sa daan. Mula sa palasyo patungong plasa. Lahat ay gusto masaksihan ang paghihirap ng halimaw sa kamay ng tao. Gusto nila makita itong umiyak at magmakaawa na pakawalan. Pero lingid sa kanilang kaalaman ang halimaw na kanilang tinutukoy ay manhid na sa sakit. Hindi na nga ito nagre-responde kapag hinihiwa o pinuputol ang kahit anumang parte ng kanyang katawan.

Isa lang ang kahilingan ni Yeman. Na sana sa pamagitan ng apoy ay kayang wakasan ang kanyang paghihirap. Gusto na niya umpisahan ang pagsunog sa kanya. Hindi rin niya alam kung halimaw ba talaga siya o hindi. Pero bakit sa isang iglap lang ay naghihilom ang mga sugat sa kanyang katawan. Noong pangalawang gabi ng pagtorture sa kanya. Tinanong niya ang kawal bakit tagalog ang kanilang pananalita. Pero sabi ng kawal ay hindi niya alam kung ano ang tagalog. At sabi nito kay Yeman na ang mga mataas na antas na halimaw ay may kapangyarihan makaintindi ng kahit anong pananalita salungat naman ang mga mababang halimaw na hindi marunong magsalita. Mula noon ay hindi na nagsalita pa si Yeman. At kahit nagpatuloy ang torture sa kanya. Ay wala na rin siyang lakas pa para sumigaw. Hanggang naging manhid na nga ang buo niyang katawan.

Ilang sandali ay sinimulan na ang parada. Halos lahat ng taong nanood ay hinahagisan ng kahit ano-ano ang nakatali sa malaking krus na si Yeman. Yung iba naman ay lumalapit at pinagsaksak siya sa kahit saang parte ng katawan.

Maraming tao ang nagsisigawan.

Patayin ang halimaw!!!

Patayin ang halimaw!!!

Mabuhay ang mahal na Haring Agustin!!!

Mabuhay ang banal na Black Pegasus!!!

Sari-saring sigaw. Punong puno ng tao ang daan. Ang mga kawal ay hindi mapigilan na lumapit ang mga ito para saksakin si Yeman. Bawat sugat na matamo ni Yeman ay mabilis naman mag-respond ang System para pagalingin ang mga ito.

Hanggang sa umabot sa punto na wala na ngang ibang naririnig si Yeman kundi ang System notif lang. Hindi na niya alam kung ano ang pinagsisigaw ng mga kakaibang taong ito sa paligid.

Wala na siyang paki sa lahat. Gusto na niyang mawala sa mundo. Bakit ang hina nila maglakad bakit parang kay tagal ng oras. Bilisan niyo! Bilisan niyo! Napapagod na ako! Napapagod na ako! Patayin niyo na akoooooo! Ito ang mga sigaw sa isip ni Yeman.

Sa gilid ng kanyang mga mata ay may nasulyapan si Yeman. Mga taong nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. Tanging ang mga matang nanlilisik lang ang makikita. Pero wala na siyang pakialam pa sa mga taong ito. Gusto na niya bilisan ang pagpatay sa kanya. Ilang sandali ay tila tumigil kunti ang oras kay Yeman.

Nasulyapan niya ang isang napakagandang dilag. Katabi nito ang tinatawag nilang hari. Pero wala siyang pakialam sa ganda. Ang kinagulat lang niya ay kahawig ito kunti ni Marie. Pero hindi ito nagtagal sa isipan ni Yeman. Ang pinaka importante sa kanya ay matapos ang kanyang paghihirap na dala ng gutom at pagka-uhaw.

Pak!!!

Isang tama sa kanyang ulo mula sa batong inihagis ng bata.

Pinatay mo ang papa ko! Halimaw! Ibalik mo ang papa ko!

Lahat ng tao dito ay makasalanan. Bulong sa isip ni Yeman.

Ilang oras din bago nakarating sa malawak na espasyo sa harap ng plasa. Kasalukuyang nakatirik ang malaking krus sa pinaka gitna nito. Pagkatapos buhusan ng langis ang mga tuyong kahoy na pumalibot sa malaking krus. Tumayo ang hari at...

Mga mahal kung nasasakupan! Ngayon masasaksihan natin ang matagal na nating gustong makamit! Ang makapaghiganti sa mga halimaw na ito! Ang mga halimaw na pinapatay at kinakain ang mga mahal natin sa buhay! Ngayon ay panahon na para mapagbayaran nila ang kasuklam-suklam nilang kasalanan! Sunugiiiin ang halimaaaaaw!!!

Sunugin ang halimaaaaaw!!!!!

Sunugin ang halimaaaaaw!!!!!

!!!!!Sunugiiiiiiiiiin!!!!!

!!!!!Sunugiiiiiiiiiin!!!!!

Halos abot langit ang sigaw ng mga tao sa paligid. Bata man o matanda, lalaki o babae ay pare-pareho ang sinisigaw. Na sunugin ang inaakalang halimaw na si Yeman.

Isang kawal na may dalang umaapoy na sulo ang dahan-dahan na lumapit sa kinaroroonan ng malaking krus. Agad naman nitong sinindihan ang mga tuyong kahoy na may langis.

Ilang sigundo lang ay kumalat agad ang apoy. Hanggang umabot ito sa paa ni Yeman. Mabilis naman nag respond ang System para pagalingin ang napapasong paa.

Sunugiiiiin!!!

Sunugiiiiiin!!!

Mabuhay ang mahal na haring Agustin!!!

Mabuhay!!!

Mabuhay ang banal na Black Pegasus!!!

Mabuhay!!!

Sari-saring sigaw ng mga tao. Pero hindi manlang ito naririnig ni Yeman. Dahil sa labanan ng apoy at System.

Bigla ay....

!!!DUGUDUG!!!

Isang malakas na kulog sa kalangitan ang narinig ng lahat ng tao. Na sinundan naman ng malakas na kidlat. Hanggang nagpaulit-ulit na nga ang kidlat at kulog. Kinalaunan ay umulan ng napakalakas.

Ngunit hindi nito nagawang patayin ang apoy. Bagkus ay lumaki pa ang apoy. Patuloy parin ang paulit-ulit na notif ng System.

[BURN DETECTED]

[BEGUN REPAIR]

[COMPLETE]

Halos paulit-ulit itong naririnig ni Yeman. Iritang irita na siya sa System na ito. Dahil sa System na ito ay lalo lang tumagal ang paghihirap niya.

Shut——up—-sys——tem...

Napakahinang sabi ni Yeman. Halos binuhos na niya lahat ng lakas na natira sa katawan para masambit lang ito.

[SYSTEM SHUTTING DOWN]

[SHUTTING DOWN FOR LIMITED TIME]

[OK or CANCEL?]

O———-K

[SHUTTING DOWN...]

——————-

Kasabay ng pag-shutdown ng system ay tumigil rin ang pagtibok ng puso ni Yeman. Humina na rin ang apoy kaya hindi nito nagawang sunugin ang paa ni Yeman bago mag-shutdown ang system.