Chapter 6 - Gutom

May isang araw na paglalakbay mula sa kaharian ng Putingbato patungo sa bangin ng katapusan gamit ang malaking kariton na hinihila ng kabayo. Pagdating sa lugar ay kailangan pa akyatin ang mataas na bundok dito. Limang oras naman ang kailangan para tuluyang maakyat ang mataas na bundok. Limang mga kawal na nakasakay din sa mga kabayo ang nakasunod sa karitong hinihila. Pang anim naman ang kawal na nakasakay sa kabayong humihila sa malaking kariton.

Ang malaking kariton na ito ay may kargang mga bangkay. At dahil nakabalot sa tela ang mga bangkay, ay hindi makilanlan kung sino-sino ang mga bangkay na ito.

Pagkarating sa pinaka-tuktok ay makikita ang pinaka malalim na bangin. Sinasabing sa ilalim ng bangin na ito ay may mabangis na uri ng halimaw ang naninirahan.

Pagdating sa area ng pagtatapunan ay inisa-isa nilang itinapon ang mga bangkay. Dalawang kawal sa bawat bangkay ang magtutulungang itapon ito. Iduyan-duyan nila ng bahagya ito habang nakahawak sa magkabilang dulo at pagbilang ng tatlo ay magkasabay silang bibitaw sa pagkawak dito.

Ang mga bangkay na itinapon ay agad naman pinagpistahan ng mga halimaw sa ibaba. Isang bangkay nalang at matatapos na sila sa kanilang gawain. Ngunit pagtapon ng huling bangkay ay medyo kinapos sa lakas ang kaparis ng isang kawal. Kaya medyo napahina ang pagtapon nito. Dahil dito ay nagpagulong-gulong ang bangkay bago bumagsak sa pinakababa. Nasa malayo-layo sa ibang katawan na itinapon ang huling bangkay na ito.

Pero walang pakialam ang mga kawal kung napahina o mapalakas ang pagtapon. Ang importante sa kanila ay matapos ang gawaing ito.

Dahil sa paggulong-gulong ng huling bangkay ay natanggal ang telang nakabalot dito. Nakatihaya ang posisyon nito nang bumagsak sa lupa. Makikitang may malaking sugat na hugis krus sa kaliwang dibdib nito.

At dahil malayo-layo ito sa ibang itinapon ay hindi agad ito napansin ng mga halimaw na tinatawag na kamatayan. Ngunit ilang sandali ay may isang kamatayan na mapalad na nakadiskobre habang naglakad lakad ito.

Haaar! Gaaaar!

Dahan-dahan nitong nilapitan ang bangkay. Sinimhot-simhot pa at nang mapansin ang sugat sa kaliwang dibdib ay dinilaan niya ito kahit buto at balat nalang ang bangkay sa sobrang pagkapayat. Tumutulo ang malalapot na laway ng halimaw habang dinidilaan nito ang sugat sa katawan ng bangkay.

Tumingin-tingin sa paligid ang kamatayan. At nakita niyang busy ang mga kasama sa pagkain ng ibang bangkay. Ang pinuno naman nila ay busog na.

Ilang sandali ay hindi na nito matiis ang paglalaway at kinagat ang kaliwang braso ng bangkay. Dahil sa talim at tulis ng mga pangil ng halimaw ay agad naman itong naputol at humiwalay sa katawan ng bangkay.

Si Yeman naman ay bumalik sa pagiging isip. Wala siyang maramdaman tanging isip at alala lang sa mga nangyari sa buhay niya ang meron siya. Nawala ang pagkagutom at pagkauhaw niya na tila ang lahat ay isang panaginip lang.

Sinubukan niya tawagin ang nakakairitang System. Hey! Sino kaba? Bakit mo ako pinapagaling? Bakit ayaw mo magsalita? Nasaan ba talaga ako? Pero bigo siya na kausapin ito.

Systeeeeem!!!

[Yes User00000000001!]

Nagulat si Yeman dahil bigla itong sumagot sa kanya. Kung ganun pwede pala niya itong makausap. Naisip ni Yeman subukan tanungin ulit ito.

Nasaan ako?

.....Hindi ito sumagot.

Naisipan ni Yeman na baguhin ang tanong. Bakit ayaw mo magsalita?

.....Hindi parin ito sumagot.

Hey System!

[Yes User00000000001]

Bigla ulit sumagot ito. Napansin ni Yeman na sumasagot lang ito pag binanggit ang word na system. Naisip niya subukan ulit tanungin ito.

System nasaan ako?

[Pantasy World]

Nagulat si Yeman dahil totoong sumagot ito pag binanggit ang system. Pero mas nagulat siya sa sagot nito. Pantasy World? So totoo nga na nasa ibang daigdig ako. Sinong mag aakala na may ibang daigdig maliban sa earth. Hindi kapanipaniwala to. Pero paano ako napunta dito.

System paano ako napunta sa lugar na ito?

[Your previous body is heavily damage to start the system. In order to run soul system the soul needs appropriate body, after several days of searching system finally found an appropriate body in a different world]

Natahimik si Yeman sa nalaman. So nasa ibang katawan pala siya nun.

System anong nangyari sa dati kong katawan?

[System unable to answer]

Eh? Kung ganun hindi rin alam ng system ang nangyari sa katawan ko? Teka ano naman nangyari sa bago kong katawan?

System ano nangyari sa bago kong katawan?

[User00000000001 new body is on stand by mode.]

Kung ganun naka stand by? Ano yun? Pc?Teka!

System anong mangyayari pag naka stand by mode ang katawan?

[Body is in semi-death mode.]

Wha———t? ano yun?

Teka system paano makabalik sa katawan?

[Restart System?]

[OK] [CANCEL]

Bigla ay nag pop up ito. So ganito pala. Para lang pala itong computer. Bigla ay...

[WARNING!]

[WARNING!]

[WARNING!]

[User00000000001 body is in danger]

Whaa——t?

System anong nangyari?

[Dangerous entity in close range]

Ano raw?

[Force restarting initiate..]

[System restart in 5seconds]

[5...4...3...2...1.

Waait! Hindi pa ako ready!

..0]

Biglang bumuka ang mga mata ni Yeman ngunit bumalik din ang lahat ng paghihirap. Binati siya ng matinding gutom at uhaw. At biglang napakagat sa binti ng aso? pusa? baboy? hindi alam ni Yeman kung anong hayop ang nasa gilid niya pero bigla niya itong kinagat dala ng matinding gutom. Dahil sa biglaang pagbalik ng lahat halos double ang naging epekto nito kay Yeman.

Grrrr!

Nagulat naman ang Kamatayan ng biglang kinagat siya ng bangkay ng tao. Bigla ito napaatras at tinitigan ang bangkay na muling nabuhay. Nagtataka ito paano pa nagawang mabuhay ng taong ito. Pero ilang sigundo lang ito nagulat. Dahil ready na itong sumugod ulit.

Dahil sa pagkain ni Yeman sa binti ng kamatayan ay biglang nag notif ang system.

[New substance detected]

[Analyzing new substance...]

[Toxic element detected]

[Begun counter measure...]

[COMPLETE]

[Analyzing continue...]

[RESTORATION SKILL DETECTED]

[SAVING...]

[Saving complete]

[Install Restoration Skill]

...[Done!]

[New Skill Aquired!]

[Begun restoring body parts...]

Pagkatapos ng huling notif ay biglang bumalik ang mga naputol na bahagi ng katawan ni Yeman. At biglang lumakas ang kanyang katawan. Pero buto at balat parin ito. At ang mga iris ng kanyang mata ay nagiging pula.

Wala manlang pakialam si Yeman sa mga nangyari. Hinayaan lang niya ang system gawin kung anong gusto nito. Pero nagulat parin siya nang biglang bumalik ang mga naputol na bahagi ng katawan niya.

Nang mapansin ni Yeman na unti-unting naghilom ang sugat na hugis krus sa kaliwang dibdib ay pinigilan niya ang system na pagalingin ito kahit medyo paos ang boses niya. Gusto niyang maging alaala ito sa mga paghihirap niya mula sa mga taong iyon. Hindi siya makakapayag na basta nalang makakalimutan ang paghihirap niya.

Pumayag naman ang system sa kagustuhan ng user at naging piklat nalang ito. Pero may isang problema. Paano makaligtas si Yeman sa sitwasyon niya ngayon? Ang meron lang siya ay malakas na payat na katawan. At hindi pa nawala ang matinding gutom at uhaw.

Gwarr! Biglang sinunggaban si Yeman ng kamatayan. Hinarang naman niya ang kaliwang braso at hinayaang makagat ito. Ngunit kinagat din niya ang leeg ng Halimaw? Hayop? Hindi alam ni Yeman kung ano ito. Pero nagugutom siya at ito lang ang pagkain na nasa harapan niya. Kaya habang kinagat siya ay kumagat din siya. Dahil parehong may restoration skill ay mabilis naman naghilom ang mga sugat nila. Pero hindi kasing bilis ni Yeman ang paghilom ng sugat ng kamatayan.

Hahaha! Paos na tawa ni Yeman. Masaya siya dahil nakakain narin sa wakas kahit ang pangit ng lasa. Sinipsip pa niya ang dugo nito. Sayang lang at umatras ang halimaw nang mapansin na may kakayanan din ang tao katulad sa kanya. Tinitigan nito si Yeman sa mata. Habang naniningkit ang mapupulang mata ng kamatayan.

Haaaar! Biglang sumugod ulit ito. Pero gaya nang dati ay hinarang ulit ni Yeman ang mga braso niya at hinayaang makagat ulit. Basta makakagat din siya sa halimaw. Kahit maputol ang kahit anong bahagi ng katawan niya ay si system na ang bahala. Ang pinaka importante ay masidlan ang kumakalam na bwesit na sikmura.

Umatras ulit ang halimaw. Ilang saglit ay sumugod ulit ito pero hindi na ito kumagat. Binangga niya si Yeman gamit ang ulo. Agad namang tumilapon ang payat na katawan ni Yeman.

"Bwesit mautak din pala ang animal na ito." Paos na boses na pagmumura ni Yeman.

Tumingin si Yeman sa paligid at may nakita siyang bakal sa unahan. Dahan-dahan namang tumayo si Yeman pero bago pa makatayo ay.

Pak!

Binangga ulit siya at tumilapon ng limang metro. Pero balewala na kay Yeman ang sakit kahit mabali pa lahat ng buto sa katawan niya ay wala siyang pake. Sanay na siya sa sakit. Mas masahol pa nga naranasan niyan sa kamay ng mga taong yun.

Dahan-dahan ulit bumangon si Yeman. Habang nakangisi sa direksyon ng halimaw. " Yan lang ba kaya mo halimaw? Hihi! Pwe!" Dumura si Yeman sa direksyon ng halimaw pero wala manlang laway na tumalsik. Uhaw na uhaw na siya. Gusto niya inumin ang dugo at kainin ang halimaw na nasa harap. "Lapit halimaw!" Paos na sigaw ni Yeman. At agad naman sumugod ang kamatayan.

Pak! Binangga ulit siya nito. Pero sinubukan niya hawakan ang ulo ng halimaw kaso hindi niya kinaya at tumilapon si Yeman sa tabi ng bakal na nakita niya kanina.

Hindi manlang napansin ng ibang kamatayan ang naganap na laban.

!PALATANDAAN!

Sining ng Espadahan:

•Pangalawang Antas

1. Mababa (Uri): Pagpili ng isang uri ng espadahan.

2. Gitna(technique): Pagsasanay sa technique ng piniling uri ng espadahan.

3.Taas (Salamangka at Espada): Pagsasanay sa kombinasyon ng espada at salamangka.