Bilis na inabot ni Yeman ang bakal na nasa tabi. Nagulat siya nang mahawakan ito dahil hindi lang pala ito basta bakal kundi kalawanging espada. Base sa anyo ng espada mukhang matagal na ito dito.
Dahan-dahan tumayo si Yeman at bigla ay sumugod ulit ang Kamatayan. Mukhang balak ulit siyang banggain nito. Malakas na ipinalo ni Yeman ang kalawanging espada sa ulo ng Kamatayan. "CHaAp!" Kakaibang tunog ng paghiwa ng laman ang kunting marinig. Nasugatan sa mukha ang Kamatayan. Ngunit ilang sandali lang ay naghilom agad ang sugat.
Biglang umatras sa takot ang Kamatayan nang masugatan sa ulo. Si Yeman naman ay dahan dahan na umabante palapit sa Kamatayan. Habang nakalaylay ang kanang kamay na may hawak na kalawanging espada. Paika-ika siyang humakbang. Nakakatakot ang hitsura niya tignan. Para itong zombie na dahan dahan naglakad lalo na dahil sobrang payat ng katawan at unbalance pa ang mga yapak at bawat hakbang niya.
Napaatras naman ang Kamatayan nang makita ang tao na palapit sa kanya. Dagdag pa ang namumulang iris ng kanyang mga mata. Nakangisi pa siya habang nakatitig sa halimaw na kaharap. Magkahalong yellow-ish at may pula-pula ang mga ngipin na makikitang sumisilip sa bibig niya.
At dahil paos pa ang kanyang tinig ay kakaiba din ang tunog ng kanyang mga ngisi. "GeeR! EeeR!" Nakakatakot na boses ang nilalabas ng pagngisi ni Yeman.
Yumuko kunti ang kamatayan nang makita ang papalapit na tao sa kanya. At nang nasa dalawang metro nalang ito ay bigla itong tumalon kay Yeman. "WoOrF!" Sampung metro ang taas ng itinalon nito mula sa lupa. Dahil dito ay nasa itaas na ng ulo ni Yeman ang Kamatayan. Agad namang itinaas ni Yeman ang kamay na may hawak na espada. Itinusok niya ang matulis na dulo ng kalawanging espada.
Diretso tinamaan ito sa kanyang lalamunan at lumusot sa sentido ng noo ng Kamatayan. Pero bago ito lumusot ay may naramdaman si Yman na matigas na bagay na tinamaan ng espada.
Umagos ang maraming itim na dugo sa sugat ng halimaw. Nagulat si Yeman dahil hindi na gumaling pa ang sugat ng halimaw at nanginginig habang malakas na sinipa-sipa ang apat na paa habang nagpagulong-gulong sa lupa. At ilang minuto ang lumipas ay pumuti na nga ang mga mata at hindi na gumalaw pa ito. Bigla namang sinundan ng...
[STRENGTH INCREASE!]
[AGILITY INCREASE!]
[DEXTERITY INCREASE!]
[VITALITY INCREASE!]
[STAMINA INCREASE!]
[SENSE INCREASE!]
Sinundan ito ng mga notif mula kay system. Hindi manlang pinansin ni Yeman ang pag lakas kunti ng katawan niya. Dahil gutom na gutom na siya at naglalaway sa pagkaing nasa harapan.
Malaki ang ngiti na makikita sa parang bungo na pagmumukha ni Yeman dahil sa pagkapayat. At kagaya kanina nagsilabasan ang mga nagdidilaw at mamula-mulang mga ngipin.
Napansin ni Yeman na may ibang mga halimaw sa malayo-layo mula sa kanya. At mukhang busy ang mga ito sa kanilang ginagawa. Hinila ni Yeman ang bangkay ng halimaw sa likod ng mga nagabundok na mga basura? buto? Hindi alam ni Yeman kung ano ang mga nagabundok na bagay sa gilid niya pero kailangan niya ng mapagtaguan. Nang nasa likod na siya ng nagabundok na bagay ay agad niya binalatan ang halimaw gamit ang kalawanging espada. Pagkatapos balatan ay walang pagdadalawang isip na sinunggaban niya ito.
Lunok sabay mura dahil sa pagkapangit ng lasa nito. Muntik pa niya maisuka ng ilang beses. Hinigop niya ang dugo ng halimaw. Ngunit hindi kinaya ng sikmura niya at napasuka na talaga siya. Pagkatapos masuka ay itinuloy niya ulit ang paghigop ng dugo nito at pagkain sa mga laman.
Kinagulat ni Yeman ay hindi na nagsilata ang system. Sa isip niya ay "Siguro dahil sa counter measure nito ay hindi na tumatalab sa katawan ang toxic na dala ng halimaw." Lihim na nasiyahan si Yeman sa system na ito. Sino mag akala na kapaki pakinabang pala ito.
Hindi alam ni Yeman kung anong lugar itong kinaroroonan niya. Pero kailangan niya makaalis dito. At makahanap ng disente na pagkain, damit at mapagtirhan.
Nagkukulay na ng itim ang bibig ni Yeman dahil sa itim na dugo ng halimaw. Naisip din niya na ipahid sa buong katawan ang dugo nito. Gaya ng mga napanuod niya rati sa mga pelikula. Kung magiging magkasing amoy kayo ng halimaw ay hindi nila mapansin ang kaibahan mo sa kanila.
Hindi na maitsura ang kaninang Kamatayan, ngayon ay para na itong nilapa ng kung anong klaseng mabangis na halimaw.
Busog na busog na si Yeman pero hindi manlang nawala ang pagkauhaw. Mukhang hindi nakakatulong ang dugo para mabawasan ang kanyang pagka-uhaw. Bagkus ay lalo pa nito pinapauhaw lalo ang kanyang lalamunan.
Pagkatapos laplapin ang halimaw na Kamatayan ay naisipan ni Yeman na maghanap ng maiinom. Kinuha niya muna ang tela na nasa gilid ng bangin at dinala sa laplap na katawan ng Kamatayan. Pinahid pahid niya ang tela dito. Pagkatapos ay ibinalot niya sa kanyang katawan. Binitbit din niya ang kaninang kalawangin na espada. Pagkatapos makapag ready ay dahan-dahan na siya humakbang para maghanap ng maiinom.
Habang naglalakad ay nakita ni Yeman ang mga halimaw sa unahan. Napansin niya na may kinakain ang mga ito. Pero hindi niya pinapansin kung ano man ang kinakain ng mga halimaw.
Patuloy lang na dahan-dahan naglakad si Yeman. Ngunit lumihis siya ng daan palayo sa halimaw na may kinakain, ilang sandali ay napansin ni Yeman na mas marami pang halimaw sa unahan hindi niya akalain na marami pala ang halimaw na ito. Dahil nagkalat ang mga ito sa daanan niya ay no choice siya kundi dumaan sa gitna ng mga halimaw na nagkalat sa paligid.
Bigla ay nagtinginan sa kanyang direksyon ang mga ito. Pero diretso lang sa paglakad si Yeman habang ni-ready ang sarili sa kung ano mang pwede mangyari. Ilang sandali ay nagsibalik ito sa kanilang ginagawa. Lihim na nasiyahan si Yeman dahil tama ang desisyon niya. Mukhang kahit na may mga mata ito ay bumabase parin sila sa pang amoy. At pwede rin na busog lang sila at marami lang pagkain sa kanilang harapan kaya wala silang time kay Yeman.
Hindi napigilan ni Yeman ang sarili na masulyapan ang mga bagay na kinakain ng halimaw. "Ta'tao?!" Nang mapagtanto kung ano ang mga kinakain ng mga halimaw ay halos bumaliktad ang kanyang sikmura. Mabilis niya tinakpan ang bibig para pigilin ang biglang paglabas ng mga kinakain kanina. Binilisan niya kunti ang paglakad para makahanap ng lugar kung saan siya susuka.
Nang makalayo-layo ay hindi na pinigilan ang sarili na ilabas ang kinain na kanina pa nagpupumilit lumabas. Bigla ay nagsilabasan ang mga ito sa bibig pati narin sa ilong ni Yeman.
Pagkatapos masuka ay diretso na agad siya tumalikod para umalis sa lugar. Kaso nga lang pagtalikod niya sa di inaasahang pagkakataon ay may isang mas malaki at naiibang kulay na kagaya ng mga halimaw na nagkalat sa lugar na ito.
Naisip ni Yeman na ito ang dahilan kaya hinayaan lang siya ng ibang halimaw na magpatuloy maglakad. Dahil papunta siya sa direksyon ng leader nila!
"Krung ga—nun g—usto mo ng du—el har!" Paos na sumbat na pananalita ni Yeman. "Hahar! Si—ge lu-mapit k—a!" Dagdag ng paos na tawa at pananalita ni Yeman.
*RAWR!* Biglang tumalon ang pinunong Kamatayan at akmang kakalmutin si Yeman. *TSK!* "Yan La—ng ba ka—ya mo-ooh!" Hindi manlang umilag si Yeman at hinarang lang ang kaliwang kamay sa bandang ulo niya. *BLAM* nadama ni Yeman na para siyang nabundol ng tricycle. Kahit lumakas katawan niya ay napadausdus parin siya kunti dahil sa medyo mas malakas sa kanya ang halimaw, at mabigat din ito dahil sa triple ang laki nito sa ibang halimaw na kamukha nito.
"Hehe ki-lala mo ba si Jo-jo?" Biglang tanong ng paos na boses ni Yeman. "Hehe pa-pakita ko sa-yo." *O-RA ORA—ORA ORA OR—A -ORA ORA ORA O—RA ORA ORA OR-A ORA ORA ORA ORA—ORA* Nagpaulan siya ng barabarang tadtad gamit ang kalawanging espada sa kanang kamay. Dahil dito ay nagsitalsikan ang itim na dugo sa paligid.
Puno ng mga galus at sugat ang katawan ng pinuno. Bigla itong napaatras dahil nagulat siya sa kakaibang atake ng tao. Pero isang saglit lang ay nawala na ang mga sugat at galus. At bigla may lumabas na malaking mga bibig sa katawan nito. "Ho-Ho! Tig-nan mo yang sa-rili mo. Sa sob-rang takaw mo pati ka-ta-wan may bib-ig!" *PWE!* Mga pagmumura ni Yeman.
"Te-ka! Ano bang ga—mit ng mga bi—big na yan ah?!" Hindi alam ni Yeman kung matawa o maawa sa hitsura ng halimaw. Sobrang pangit nito tignan na may mga malalaking extra na bibig sa katawan.
Ngunit ilang sandali ay naglalabas ito ng mga iba ibang kulay na usok? Bad breath? Hindi alam ni Yeman kung ano ito pero nasusuka siya sa sobrang baho nito. Bigla naman naglabasan ang mga sunod-suno na notif ni System.
[POISON GAS DETECTED]
[PARALYZE GAS DETECTED]
[BLINDING GAS DETECTED]...etc.!
Pagkatapos ng debuff na ito ay nag counter measure ulit si system at yun! Gaya ng dati wala na namang epekto ang pinaggagawa ng halimaw. Hindi alam ni Yeman kung maawa ba siya sa halimaw o malungkot. "Hehe pasins-ya na. A-ko kasi na-kala-ban mo he-hehe."
!PALATANDAAN!
Sining ng Espadahan
•Pangatlong Antas
1. Abilidad: Pagsasanay ng mga abilidad gamit ang kombinasyon ng salamangka sa espada.
2. Advance: Pagsasanay ng mas mataas na uri ng abilidad gamit ang kombinasyon ng salamangka sa espada.
3: Special: Pagsasanay sa mga special na atake gamit ang kombinasyon ng salamangka sa espada.