Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 8 - Itim na Enerhiya

Chapter 8 - Itim na Enerhiya

Napansin ng pinunong Kamatayan na walang epekto ang kanyang mga pinaggagawa. Nakatayo parin ang tao at nakatitig sa kanya habang nakangisi ng kakaiba. Kumunot ang mukha ng pinuno at nagsilabasan ang mga matutulis at malalaking pangil nito. Naglalabas din ng usok ang kanyang ilong at bibig.

Malakas na isinipa sa lupa ng pinunong Kamatayan ang kanyang kaliwang paa na nasa unahan. Bigla namang umangat ang mga alikabok sa paligid. Naglakad ng dahan-dahan ang pinuno at paikot sa nakatayong si Yeman. Nasa dalawang metro lang ang layo ng halimaw sa kinatatayuan niya.

Sinundan naman ni Yeman ng tingin ang pinuno kung saan ito magpunta. At ni-ready ang sarili sa maari na biglang pag-atake nito sa kanya.

*RAWR!* Sumigaw ito ng napakalakas at dahil sa lakas ay nagkaroon ng shockwave at muntik na siya tumalsik kung hindi lang dahil sa bago niyang lakas. Agad naman hinarang ni Yeman ang kanyang mga kamay dahil nahirapan siya ibuka ang mga mata. Pagkatapos ng sigaw nito ay may itim na enerhiya ang parang lumabas sa katawan ng pinuno.

Ngumiti si Yeman sa direksyon ng pinuno ng matapos na ito magsisigaw. Kapansin-pansin naman ang mga itim na enerhiyang inilabas nito sa katawan. bigla ay...

[Warning! Dangerous entity nearby!]..

Sunod na nag warning si System.

System bakit? Tanong ni Yeman.

[Dangerous entity nearby can harm User00000000001 body!]

Wha—t? Nagulat si Yeman dahil first time na narinig niya na may makakasama sa kanyang katawan. Dahil ba sa itim na parang enerhiya na inilabas ng halimaw? Hindi alam ni Yeman kung ano ang rason. Pero hindi niya hahayaan na mapaslang ulit sa pangalawang pagkakataon. Pangalawang buhay na niya ito hindi niya basta basta sasayangin ang binigay na pagkakataon.

Dahan-dahan na humakbang paatras si Yeman. Dahan-dahan din umabante ang pinunong Kamatayan.

*Tsk* Pinitik ni Yeman ang kanyang dila. Agad ay sinipa niya ang lupa para umangat ang mga alikabok sa paligid. Nang makita ni Yeman ang mga alikabok na tila usok na hinarangan ang paningin ng halimaw, ay mabilis tumalikod si Yeman para tumakbo. Pero *ZOOOONG!* Tila tunog ng bubuyog ang dumaan sa tabi ni Yeman. Dahil sa bilis ay nadaplisan nito si Yeman sa kaliwang braso at nadurog hanggang balikat ang mga laman at buto nito.

[INJURY DETECTED!]

[START RESTORING...]

Mga sunod-sunod na notif ni System. Pero wala ng pakialam si Yeman sa mga ito. Kailangan niya makatakas. Kung hindi ay mamamatay siya ulit. Kahit sanay na sa sakit ay hindi parin mapigilan na makadama ng kaba at takot lalo na at nasa delikadong sitwasyon ang buhay ni Yeman. Gusto lang niya pahalagahan ang pangalawang buhay niya.

Dahil nahirapan patigilin ng halimaw ang kanyang sarili ay dumausdus ito. Nagkaroon naman ng pagkataon si Yeman para makaatras papalayo kahit hindi pa tapos ang pag restore ng kanyang katawan.

Sa kanyang likod ay ang mataas na bundok na bangin at sa kanan ay kung saan naroroon ang maraming mga halimaw at sa kaliwa ay bundok din. Tanging sa kanyang harapan lang kung saan makikita ang makapal na kakahuyan na bihira lang ang makikitang dahon. Pero nasa harapan din niya ang malaking halimaw na ito.

Mahinahong nag isip ng paraan si Yeman. Kahit mukhang malabo ang sitwasyon niya. May sampung metro mula sa kinatatayuan ni Yeman ang bundok sa likod at tatlumpung metro naman ang kinaroroonan ng bundok sa kaliwa ni Yeman. Nasa dal'wang daan na metro naman ang kinaroroonan ng mga halimaw na busy sa pagkain ng mga bangkay ng tao.

Nang matigil na ang pagdausdus ng halimaw ay mabilis ito lumingon sa direksyon ni Yeman sabay *Rawr!* pakawala ng sigaw at nagliparan ang mga alikabok sa paligid nito. Nasa limampung metro ang layo ng halimaw sa kinaroroonan ni Yeman.

Pagkatapos ng sigaw ay sumugod ulit ito ng napakabilis na halos hindi masundan ng mga mata ni Yeman. Kahit na tumaas ang kanyang senses ay nahirapan parin siya masundan ito. Pero nang makita ni Yeman na susugod ulit ang halimaw ay tumakbo siya sa likuran niya. Labing limang metro at tatamaan na siya ng halimaw. Ngunit ang mga paa ni Yeman ay nakaapak na sa matuwid na bundok. Nakaapat siyang hakbang paitaas. Kaso nasa likuran na niya ang halimaw habang nakabuka ang malaki nitong bibig na puno ng matutulis na pangil. Kalahating sigundo para makagat ang kanyang kaliwang binti. Pero bago pa ito makagat ay malakas na tinadyakan ni Yeman ang gilid ng matuwid na bundok. Sabay talon ng mataas sa ere habang tumambling at nag paikot-ikot ang kanyang katawan papunta sa direksyon ng kagubatan.

Dahil sa bilis ng pagsugod ng halimaw bumanga ito at bumaon ang ulo sa gilid ng bundok. Nahulog naman ang mga butil ng lupa at bato sa baba mula sa taas nito.

Paglanding ni Yeman sa lupa ay mabilis siya gumulong sabay tadyak ng malakas para maka tayo agad. Mabilis na nagtungo sa kakahuyan si Yeman na nasa isang daan at limampung metro ang layo mula sa kanya. Pero dahil sa bago niyang lakas at bilis ay ilang sigundo lang nasa loob na siya ng kagubatan. Walang tigil na tumakbo ng mabilis si Yeman sa loob ng kagubatang ito at minsan ay tumalon talon siya sa mga sanga ng puno na walang mga dahon. Na para bang nakalbo ito. Kung meron mang makikitang dahon ay puro tuyo naman.

*AWOOOOOOO!!!*

Bigla ay nakarinig si Yeman ng malakas na ungol na para bang sa lobo. Pero patuloy parin si Yeman sa pagtakbo. Kahit feeling niya ay nasa malayo na siya mula sa kinaroroonan ng mga halimaw.

Nang matangal ang pagkabaon ng ulo ng pinuno sa gilid ng bundok ay nagpakawala ito ng malakas na ungol. Bigla namang nagsitigil ang mga kulay abo na kamatayan sa kanilang ginagawa. Pagkatapos ay *Worf!* *Worf!* *Worf!* mabilis ito nagsitakbuhan sa direksyon ng kagubatan. Ilang sandali ay sumunod ang pinuno sa kanyang mga kasama. Sumugod din ito sa loob ng kagubatan.

Halos nasa labing isang daan na mga kamatayan ang mabilis na nagsitakbuhan sa loob ng kagubatan. Hinalughog nila ang malapad na kagubatan. Hindi nila akalain na makatakbo pa ang tao. Mataas ang kumpiyansa nila na walang kawala ang taong yun sa mga pangil ng pinuno.

*Worf!* *Worf!* *Worf!*

Kahit nasa malayo na si Yeman ay dinig na dinig parin niya ang mga ingay ng halimaw. "Tsk! Mukhang sinundan talaga nila ako! Putik namang buhay to!" Bulong ni Yeman sarili habang mabilis na tumatakbo papalayo sa mga halimaw. Ilang sandali ay tumalon si Yeman sa sanga ng puno. Nasulyapan niya na palubog na ang araw. At medyo humahangos narin ang kanyang paghinga.

Bigla ay may napansin si Yeman.

"Tsk! Kanina pa tong kaliwang bahagi ko pero hindi parin nag restore? Mukhang bumagal ata pag restore ni System."

"Hey System bakit hindi ba gumagaling ang durog na bahagi ng katawan ko?!" Naiinis na tanong ni Yeman.

[Because of Corrosion effect]

"Wha-t?!"

Nagulat si Yeman sa dahilan ng pagbagal ng kanyang paggaling. Buti nalang at mabilis na nawala ang pag agus ng dugo kung hindi ay kanina pa sana siya naubusan ng dugo. Pag nasugatan o naputulan ng parte ng katawan si Yeman ay una na pinapagaling ni system ang sugat para maiwasan na maubusan ng dugo ang katawan.

Tatlong oras na ang nakalipas at tatlong oras na rin na walang tigil kakatakbo si Yeman. Kahit sobrang payat pa ng kanyang katawan ay may kakaiba naman siyang lakas at bilis.

Madilim na ang paligid at nahirapan narin si Yeman makakita sa dilim. Lumalim na rin ang kanyang paghinga, kaya naisipan niya magpahinga muna nang hindi na niya narinig ang mga ingay ng halimaw. Pumatong siya sa malaking sanga ng malaking puno na kanyang nadaanan. Nakaupo siya sa malaking sanga habang nakasandal ang kanyang likod sa malaking katawan ng puno.

Tumingala si Yeman sa kalangitan. Nakita niya ang bagong labas na mabilog na buwan. Habang tinitigan niya ito ay dahan-dahan itong humulma sa pagiging siopao. Napalunok nalang siya kahit wala namang malunok na laway. Kanina pa tuyong tuyo ang lalaman niya. "Bwesit nakakamiss kumain ng mga pagkain sa earth." Napabulong nalang si Yeman sa sarili. "Hah! Bakit ba ang malas ng pagpunta ko sa ibang mundo samantalang ang saya panuorin ng mga isekai genre na anime. Tsk!"

Kung ano-ano nalang pumapasok sa isip ni Yeman na dala ng pagod, gutom at uhaw.

"So ito ang reyalidad? Walang madali kahit saang mundo. Hah! Kahit may kakaiba akong kakayanan gaya ng mga isekai mc pero iba parin pag ikaw mismo ang nasa sitwasyon gaya ko ngayon. Lalo na ang paghihirap ng aking mga napagdaanan sa kamay ng mga taong yun, at ngayon nanganganib ulit ang buhay ko sa mga pangil ng halimaw na humahabol sa akin. Tsk! Bakit ba ang malas ko!" Dahil hindi pwede sumigaw ng malakas ay sumigaw nalang siya sa isip niya.

Ilang sandali ay nakaramdam narin siya ng antok. Pero bago pa siya makapikit ay nakadama naman siya ng hindi maganda sa paligid na sinabayan ng [WARNING!] [Dangerous entity nearby!] sunod-sunod na notif ni System.

Biglang ni-ready ni Yeman ang sarili at tumingin-tingin sa paligid. Binati siya ng mga paris ng mga mapupulang mata sa paligid na pumalibot sa kanya.

"Tsk! Bwesit ayan nanaman sila! Ayaw manlang ako patulugin ng mga tang***** to." Hindi alam ni Yeman bakit ang bilis nakahabol ng mga halimaw. Akala niya ay sobrang layo na niya. Mukhang hindi rin tumigil kakatakbo ang mga ito para hanapin siya. "Kuku hindi ba marunong mapagod ang mga animal na'to!"