Dahil sa biglaang pag-kulog at kidlat na sinundan ng malakas na buhos ng ulan kanina, ay nagtakbuhan ang mga tao. Sa isip nila ay kagagawan ito ng halimaw. Kaya lalo lang tumindi ang kanilang paniniwala na ang nakatali sa krus ay isang halimaw. At mukhang gumamit ito ng kakaibang salamangka para mailigtas sa nagliliyab na apoy.
Nang tumila ang ulan nagsibalikan ang mga tao. Isa namang kawal ang dahan dahan lumapit sa krus. Napansin niya na hindi na humihinga ang nakatali.
Mahal na hari! Mahal na hari! Hindi na humihinga ang halimaw! Mukhang binawian na ito ng buhay! Pag-uulat ng kawal sa hari.
Bi-binawian na ng buhay?
Pa-patay na ang halimaw?
Kanya kanyang bulong ng mga taong nakarinig sa pag-uulat ng kawal. Nagsitinginan ang mga tao sa nakataling halimaw pero mukhang hindi na nga ito humihinga. Bigla ay samot saring reaksyon ang gumuhit sa pagmumukha ng mga tao sa paligid. Yung iba ay may panghihinayang dahil hindi nila nakitang nagdurusa ito habang kinakain ng apoy. Yung iba naman ay masaya dahil namatay na rin sa wakas ang halimaw, ibig sabihin lang nito ay hindi sila immortal.
Hah! Kumunot ang noo ng hari at nagpakawala ng hangin sa bibig. Gusto sana ng hari na makita ng mga nasasakupan at kaalyansang kaharian ang pagdurusa ng halimaw habang nasusunog sa apoy. Tumango ang hari sa direksyon ng banal na Black Pegasus at agad naman naintindihan ng leader ng grupo na si Amaria Hustisya ang nais ng hari.
Suminyas si Amaria sa katabing kasama. Isang miyembro ng Black Pegasus na nag-ngangalang Rasim Liksi ang dahan dahan lumapit sa krus. At agad naman napansin ng nga tao ang paparating na si Rasim. Bigla ay parang mga bubuyog ang tinig ng mga ito habang nagbubulungan.
Diba si magiting na Ginoong Rasim yan? Balita ko walang makapantay sa bilis niya sa espadahan. Sabi ng isang tao sa katabi nito.
Balita ko rin hindi nakaporma ang halimaw dahil sa bilis ng kanyang espada. Kaya walang nagawa ang halimaw kundi sumuko nalang. Sabi naman ng isang residente.
Hindi niyo ba alam? Si ginoong Rasim ang pinakamabilis sa sining ng espadahan. Kahit nga ang leader nila sa banal na Black Pegasus ay hindi makapantay sa kanyang bilis.
Talaga? Sa tingin ko mas mabilis parin si Abdul.
Hindi niyo ba alam? Nasa gitna ng ikatlong antas sa sining ng espadahan ang taglay na lakas ni ginoong Rasim. Pangalawa lang naman siya kay Binibining Amaria.
Kung ganun pangatlo lang si Abdul?
Ano sa tingin mo?
Kahit narinig ni Rasim ang mga bulong na ito ay hindi niya pinapansin. Normal lang ang ganitong bagay sa kanilang taga Black Pegasus. Dahil sikat sila at sila ang pinakamalakas na sundalo ng hari.
Heh! Papakitaan ko nga ang mga ito ng kunting lakas para magsitahimik. Bulong ni Rasim sa sarili.
Nang nasa harap na siya ng krus tinapik niya ang kanyang scabbard na nasa tagiliran. Gamit ang kanyang espada mabilis nito hinampas ang bangkay na nakatali sa krus. Sa sobrang bilis ng pagwasiwas ay halos hindi nakita ng mga tao sa paligid na binunot ito sa scabbard.
Walang kamalay malay ang mga tao sa paligid na tapos nang hiwain ni Rasim ang bangkay ng halimaw.
Dalawang malalaking sugat na pormang krus sa kaliwang dibdib ng bangkay na si Yeman ang biglang lumitaw.
Nagsitinginan ang mga tao para itanong kung nakita ba ng katabi nila ang ginawa ni magiting na ginoong Rasim. Ilang sandali ay may nakapansin sa sugat.
Tingnan niyo! Hindi na naghilom yung sugat ng halimaw. Sigaw ng tao na unang nakapansin.
Totoo ngang patay na ito.
Hanggang kumalat na nga sa lahat ng nakapalibot dito.
Nang makita ng mga tao na hindi na gumagaling ang sugat. Napagtanto nila na patay na nga ang halimaw. Agad namang pinag-utos ng hari na itapon ang bangkay ng halimaw sa bangin ng katapusan. Dito tinatapon ang mga bangkay ng mga kriminal pati narin ng kalabang kaharian.
Dahil sa pagkamatay ng halimaw. Nagdiwang ang buong kaharian ng Putingbato. Lalo namang dumami ang taga suporta ng hari. Lalo na sa mga mamamayan ng kaharian. Bukang bibig ng tao ang pangalan ng hari at ang banal na Black Pegasus.
Alas otso ng gabi sa isang terrace ng bulwagan, kung saan ginaganap ang pagdiriwang ng mga maharlika o mga taong may mataas na estado sa kaharian. Isang napakagandang dilag ang kasalukuyang nakaupong mag-isa habang nakatitig sa maliwanag na buwan. Nakasuot siya ng mahabang damit na kasing kulay ng asul na langit. Sa kanyang makikinis at mapuputing kamay ay may hawak na isang pendant. Sa loob ng pendant ay may larawan ng napakagandang babae na kamukha ng babaeng nakaupo sa terrace. At isang patak ng luha ang nagmarka sa maputi at mamula-mulang pisngi ng dilag.
Ilang sandali ay bumukas ang pinto ng silid. At isang maamo at guwapong mukha ng lalaki ang lumitaw. May magara itong kasuotan. Base sa anyo ng lalaki ay kasing edad ito ng magandang dilag.
Biglang pinunasan ng dilag ang kanyang mga pisngi ng mapansin na may paparating. At lumingon siya sa direksyon ng pinto.
Pasinsya na mahal na Prinsesa. Nakadisturbo ba ako sa ginagawa mo? Biglang paghingi ng paumanhin ng lalaki.
Ayos lang Regor. Wala naman akong ginagawa. Sabi ng prinsesa sa lalaki.
Kung ganun mahal na prinsesa, pwedi ba kitang samahan?
Ngumiti ang prinsesa at tumango. Bigla naman umupo si Regor sa upuang kaharap sa upuan ng prinsesa. Sa gitna nila ay may bilog na lamesa na may nakapatung na wine glass. Itinaas ng lalaki ang kanyang hawak na wine glass patungo sa kanyang bibig.
Pasinsya na sa aking panghihimasok mahal na prinsesa. Pero naalala mo ba ang iyong mahal na inang reyna kaya ka nag-iisa? Mahinahong tanong ng lalaki.
Hindi agad nakasagot ang prinsesa. At lumingon ito sa mga bituin.
Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari. Presko ko pa sa aking isipan ang mga naganap ng araw na iyon. Kung malakas lang sana ako! Kung hindi lang sana matigas ang ulo ko at sinunod ang bilin ni ina! Kinuyom ng prinsesa ang mga palad habang binabanggit ito. Habang rumehistro sa kanyang mukha ang pagsisisi.
U-uhm kumalma ka mahal na prinsesa. Bata kapa lang ng mga panahong iyon. Kaya wag mo nang sisihin pa ang iyong sarili. Pag-alalang tugon ni Regor.
Pa-pasensya na Regor. Ehem! Isang mahinang pag-ubo para i-kalma ang kanyang sarili ang ginawa ng prinsesa.
Ok lang mahal na prinsesa kasalanan ko din naman. Dahil napaalala ko ulit sayo. Sabi ni Regor.
Kung ganun maibang usapan tayo. Kumusta na ang iyong pag-aaral ng Sining sa Espadahan? Tanong ng prinsesa.
Nasa gitna ng pangalawang antas palang ako mahal na prinsesa. Pero pinangako ko bago matapos ang taong ito nasa ikatlong antas na ako. At ako ang magiging pinakamagiting na unang kabalyero mo.
Ngumiti ang prinsesa sa sinabi ni Regor. Bata pa lang sila ay matalik na magkaibigan ang dalawa. Dahil anak ng kanang kamay ng hari si Regor at matalik na magkaibigan ang kanilang mga ina. Madalas nitong kalaro ang prinsesa. Kahit noong bata pa sila ay pangarap na ni Regor na paglingkuran ang prinsesa. Kaya nag-aral siya ng mabuti sa sining ng espadahan. Para hindi maulit ang nangyari sa inang reyna ng prinsesa. Pinangako niya sa sarili na protektahan ang prinsesa sa kahit sino mang magtangka ng hindi maganda sa buhay nito.
Nabalitaan ko personal kang tinuturuan ng pinuno ng banal na Black Pegasus. Sabi ng prinsesa.
Oo mahal na prinsesa. Utang ko sa magiting na pinuno ng banal na Black Pegasus na si Binibining Amaria ang aking mga natutunan. Masiglang sabi ni Regor.
Mabuti kung ganun dahil mag-uumpisa na ang pasukan sa Akademya ng Emperyo. Sabi ng prinsesa.
Pagkatapos ng usapan ng dalawa ay niyayang sumayaw sa bulwagan ni Regor ang prinsesa. Pero tumanggi ito at sinabing sa susunod nalang dahil napagod siya sa mahabang biyahe.
Sa isang mausok at maruming paligid sa tabi ng mahabang bangin. Kung saan maraming iba't ibang klaseng insekto ang nagliparan. Masamang amoy sa paligid. Nagkalat na mga buto ng hayop at tao. Isang uri ng halimaw ang naninirahan dito. May dalawa itong buntot. Mapulang mga mata at matutulis na mahahabang mga pangil. Kulay abo ang balahibo at balat sa katawan. May apat itong paa. Mas malaki pa ito sa lobo. At ang paborito nilang kinakain ay laman ng tao. Ang tawag sa mga hayop na ito ay Kamatayan.
Ngunit may isang naiiba sa kanila, mas malaki ito sa iba at kulay itim ang balat at balahibo, mas malaki at mahaba ang mga matutulis na pangil at kuko. Sa noo naman ay may ikatlong mata. Ito ang kanilang pinuno. May kakayanan ang mga kamatayan na makakita sa dilim at patubuin muli ang mga parte ng katawan na naputol. Pero tanging ang pinuno lamang ang may kakayanan na maglabas ng mga bibig na malalaki sa buong katawan. Kaya nitong kainin kahit anumang bagay, hayop, tao o kahit halimaw. Mataas ang pride ng pinuno ng kamatayan. Kapag may bagong pagkain ang pinuno dapat ang unang tumikim. Pag may mangahas na unahan siya, ay alam na kung saan pupulutin. Diretso sa tiyan ng pinuno. Walang ka-uri para sa mga pangahas.
Ilang sandali isang bagong bangkay ang itinapon sa lugar na ito. Agad naman nakaamoy ang isang kamatayan na malapit sa pinagtapunan. Dumiretso agad ang isang kamatayan na kulay abo sa kinaroroonan ng bangkay.
!PALATANDAAN!
Sining ng Espadahan:
•Unang Antas
1. Mababa (Bilis): Pagsasanay sa bilis ng pagwasiwas ng espada.
2. Gitna(Lakas): Pagsasanay sa lakas ng paghampas ng espada.
3.Taas (Bilis at Lakas): Pagsasanay sa kombinasyon ng bilis at lakas ng pagpapalo ng espada.