Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 3 - Kaharian ng Malufort at Bonufort

Chapter 3 - Kaharian ng Malufort at Bonufort

Sa mundo ng pantasya.

Noong unang panahon may dalawang malakas na kaharian ang namumuno sa mundong ito. Ang kaharian ng Malufort at Kaharian ng Bonufort.

Kilala sa kasamaan ang Kaharian ng Malufort. Sa Kahariang ito ay bawal ang mahina. Lahat ay dapat marunong makikipag laban. Lahat ay dapat marahas. Isang pagkakamali lang ay buhay mo ang kapalit. Lahat ng klase ng kasamaan ay makikita sa lugar na ito. Ang kahariang ito, ay kaharian ng mga normal na tao.

Habang salungat naman ang Kaharian ng Bonufort sa Malufort. Ang kahariang ito ay puno ng kasiyahan. Tahimik ang namumuhay at purong kasiyahan lang. Walang gulo at mapayapa. Ang mga naninirahan sa Kaharian ng Bonufort ay tinatawag na Demi Humans o kalahating tao. Ang mga Demi Humans na ito ay marunong gumamit ng iba ibang klase ng mahika.

Sa loob ng mahabang taon na labanan ng dalawang kaharian, ay walang nananalo sa laban ng dalawang malalakas na kahariang ito. Patas lang lagi ang resulta. Kahit na marunong gumamit ng mahika ang mga Demi Humans ng Bonufort ay kunti lang ang kanilang populasyon. Habang ang Malufort naman ay maraming mandirigma. Lahat ay sabik sa laban. Kahit walang mahika, ay hindi basta basta ang kanilang husay sa labanan. Dahil bata palang ay sinasanay na sila sa sari saring pakikipagdigma.

Ang mundong ito ng pantasya ay mundo kung saan walang mga baril, tanke, bomba o mas kilala sa tawag na hot weapons. Panahon ito ng mga cold weapons at mahika.

Dumaan ang labing walong taon, nagkaroon ng bagong Hari ang Malufort. Kasabay nito ay nagkaroon din ng bagong Reyna sa Bonufort.

Mabait ang bagong Hari ng Malufort na si Haring Bon Albu Malufort. Ayaw niya ng digmaan o karahasan. Gusto niya ng mapayapang kaharian. Kung saan ang mga tao ay mabubuhay ng masaya at malayo sa kapahamakan.

Salungat naman ang bagong Reyna ng Bonufort na si Reyna Mal Igres Bonufort. Gusto niya ng madugong labanan. Gusto niya ng kaharasan.

Gusto matuto ni Haring Bon Albu Malufort kung paano patakbuhin ang isang kaharian ng mapayapa at walang kaguluhan kagaya ng kahariang Bonufort. Si Reyna Mal Igres Bonufort naman ay gusto matutong patakbuhin ang kaharian kagaya sa kaharian ng Malufort.

Dahil dito napagkasunduan ng dalawang bagong hari at reyna na mag-isang dibdib.

Lumipas ang dalawampung taon. Dahil sa pag-iisang dibdib ng dalawang namumuno ng dalwang kaharian. Maraming tao ang nagkaroon ng relasyon sa mga demi humans. Nagsilang sila ng demi human at taong anak. Dahil dito may mga tao na, na marunong gumamit ng mahika.

Dumaan pa ang dalawampung taon. Nagkaroon ng kaguluhan sa dalawang kaharian. Nalaman ng hari ang tunay na ugali ng reyna. Dahil dito ay nasira ang relasyon ng mabuting hari at masamang reyna. Pati narin ang mga tagasunod nila. Muli ay naglaban ang dalawang kaharian.

Hindi alam ng mga taong naninirahan sa mga kaharian nila kung saan papanig. Kaya yung iba na may malakas na kapangyarihan o katungkulan ay gumawa ng sarili nilang grupo. Dahil dito ay nawasak ang dalawang kaharian. Napatay ang haring Bon Albu Malufort. Nawala naman at hindi mahanap ang dating reyna.

Ang mga nagwagi ay nagtatag ng bago nilang kaharian.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay buhay pa ang dating Reyna Mal Igres Bonufort. Gumamit ito ng itim na mahika at ibininta ang kanyang kaluluwa sa demonyo.

Dahil dito may mga halimaw ang lumalabas na kumakain at pumapatay ng mga tao. Madalas ay naninirahan sa ilalim ng lupa ang mga halimaw na ito. Pero yung ibang makapangyarihan na halimaw ay lumalabas at naghahanap ng biktima. Kaya ng mga makapangyarihang halimaw mag anyong tao. Isa sa mga katangian nila, ay kaya nilang pagalingin ang sarili mula sa mga sugat o kahit anong enjury.

At dito nagsimula ang labanan ng mga tao at halimaw sa mundong ito ng pantasya.

Makalipas ang dalawang libong taon, nakarating na nga si Yeman sa mundong ito ng pantasya. Pero sa kasamaang palad ay hindi maganda ang kanyang sitwasyon.

*****

Kinagabihan matapos tangayin si Yeman ng mga kawal.

Splash!

Nagising si Yeman dahil sa pagdampi ng malamig na tubig sa kanyang balat. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata.

Gumising ka halimaw! Tawag ng magaspang na boses ng lalaki.

Madilim sa silid na pinagdalhan kay Yeman. Tanging ang apoy ng sulo na nakadikit sa dingding ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa silid na ito.

Dahil mahina pa ang katawan ni Yeman ay malabo ang kanyang paningin.

Si-Sino kayo? Bakit di ako makagalaw? Tanong ni Yeman.

Hehehe paano ka makagalaw eh nakatali ang buo mong katawan. Hahaha! Sagot ng isang lalaki na may hawak na timba ng tubig.

Kasalukuyang nakatali ang mga kamay at binti pati narin leeg ni Yeman sa pader gamit ang matitibay na kadenang bakal.

Nakatali? Ba-Bakit niyo ako itinali?! Pag-alalang tanong ni Yeman.

Anong pinagsasabi mo? Syempre itinali ka namin dahil isa kang halimaw. Sino ba namang tao gustong mapaslang o makain ng halimaw? Hehehe! Sagot ng lalaking may magaspang na boses.

Pe-Pero hindi ako halimaw! Sinasabi kong hindi ako halimaw! Bakit ayaw niyo maniwala? Naguguluhang tanong ni Yeman.

Eh?! Kahit ngayon ba pinagpipilitan mo parin na hindi ka halimaw?! Pero may ebidensya kami na isa kang halimaw!

A-Anong ebidensya? Imposible yun! Isa akong tao! Tinulungan ko lang ang dati kong kasintahan na mailigtas sa mga nakaitim na lalaki.

Oh?! Kasintahan? Sigurado isa rin siyang halimaw. Hehehe! Roy naitala mo ba yung sinasabi ng halimaw na ito?!

O-Oo! naisulat ko!

Magaling! Sigurado bibigyan tayo ng gantimpala ng mahal na hari dahil sa impormasyon na iyan. Hehehe!

Teka! Hindi halimaw si Marie! Isa siyang tao kagaya ko! Pabayaan niyo na siya! Sigaw ni Yeman.

Hehehe! Marie pala pangalan ng kasintahan mo ha. Magaling!

Biglang napaisip si Yeman at biglang nanginig ang kanyang mga mata.

Hindi!!! Siguro mga kasamahan kayo ng mga lalaking nakaitim na dumukot kina Marie! Pu*ang ina niyo! Hayaan niyo na si Marie!

Mga lalaking nakaitim? Ah ibig mo bang sabihin ay ang banal na Black Pegasus? Hehehe malas mo lang halimaw at sila ang nakaharap mo. Sila ang pinaka malakas na sundalo ng hari. Hehe!

Black Pegasus?! Hari? Anong pinagsasabi mo mas mukha nga silang miyembro ng masamang organization.

Lapastangan! Tinatawag mo ang banal na Black Pegasus ng miyembro ng masamang organization?! Pati ang pangalan ng hari dinadamay mo pa! Gregor! buhusan mo pa ng malamig na tubig ang lapastangang halimaw na ito!

Splash!

Ohou! Ohou! Teka! Teka lang!

May gusto ka pa bang sabihin halimaw?!

A-Anong lugar itong pinagdalhan niyo sa akin? Bakit ang dilim dito?

Hehe! kasalukuyan kang nakakulong sa loob ng kulungan ng palasyo, sa kaharian ng Putingbato!

Wha—t?! Kaha—rian ng Puting-bato?! Imposible nasa pilipinas lang ako!

Pilipinas?! May alam ba kayong lugar na ganun pangalan? Tanong ng lalaki sa mga kasama niya.

Wala!

Wala rin akong alam na lugar na may pangalang pilipinas.

Wha—t? Imposibleng hindi nila alam ang pilipinas kung taga earth sila. Pwera nalang kung..wait! Kailangan ko itanong. Naguguluhang isip ni Yeman.

Ma-manong alam niyo ba ang lugar na Philippines? Tanong ni Yeman.

Anong lugar ba yan? Syempre hindi! Kayo ba? Sagot sabay tanong sa mga kasama ng lalaking may magaspang na boses.

Hi-hindi rin.

Hindi ko rin alam.

No way! Sa isip ni Yeman.

Ang pangalan ng mundong ito ay Earth! Pasigaw na sabi ni Yeman sa mga lalaki.

A-anong ert? Ang mundong ito ay tinatawag na Pantasya. Siguro ang mga lugar na sinasabi mo, ay lugar ng mga halimaw. Hehehe malaki gantimpala makukuha ko dito sa mga impormasyon.

Wha—t?! Pa-pantasya? Kung ganun ang mga lumilipad na tao at mga nakafull body armor na mga sundalo ay hindi taping ng pelikula? Pa-paanong nangyari to? Naguguluhang katanungan sa isip ni Yeman.

Bakit bigla kang natahimik halimaw? Kung wala ka nang katanungan ay umpisahan na natin ang masaya at mahaba-habang gabi.

Anong binabalak ninyong gawin?

Hehehe malalaman mo rin.

Teka!

Gregor kunin mo ang mga gamit.

Ok

Pakawalan niyo ako dito! Mga manong! Pakawalan niyo ako!

Hehehe kung ako sayo titipirin ko yang pagsisigaw mo. Sabi ng may magaspang na boses na lalaki kay Yeman.

Please manong hindi ako halimaw! Wala akong alam sa mga nangyayari!

Ilang sandali ay bumukas ang bakal na pinto ng silid at pumasok si Gregor. May bitbit itong samot saring kagamitan. Gaya ng latigo, iba ibang laki ng patalim at may pliers din.

Wha—t!

Nagngitngit ang mga mata ni Yeman ng makita ang mga kagamitang bitbit ng lalaking may pangalan na Gregor.

Hehehe ngayon halimaw tignan natin ang lakas ng kapangyarihan mo! Roy i sulat mo ng mabuti ang mga kahinaan na pwedi nating madiskobre sa halimaw na'to.

O-ok!

Tekaaaaaa!!!

Hehehe

Wag manooong! Maawa kayo!

Anong awa?! Pano yung mga bata at taong pinaslang at kinain niyo? Naawa ba kayo sa kanila halimaw?!

Pe-pero hindi ako halimaaaaaw!!!

Walang patutunguhan ang pinagsasabi mo!

Pagkatapos magsalita ng lalaking may magaspang na boses ay kinuha nito ang latigo na dala ni Gregor.

Hehehe humanda ka halimaw!

Wag! Wag! Maawa kaaaaaa!!!

Pok! Pak! Pok! Pak! Pok! Pak!

WAAAAAAAAAHH!!!

Paulit-ulit na pinaghahampas ng latigo si Yeman. Kasabay ng bawat sugat na kanyang natamo ay isang computerize na boses ang naririnig ni Yeman.

[MINOR INJURY FOUND]

[BEGUN REPAIR]

[COMPLETE]

Ito ang mga naririnig ni Yeman habang patuloy na nasusugatan dahil sa mabilis at malakas na hampas ng latigo sa kanyang balat. Pero sa isang iglap lang ay naghihilom naman ang mga sugat at injury. Ngunit ang sakit na nararamdaman ay hindi basta basta nawawala.

Nagpatuloy ang pagpapahirap kay Yeman sa loob ng isang lingo. Paulit-ulit na sinugatan, binugbog, tinanggalan ng kuko ang mga daliri, isa isang pinutol ang daliri sa kamay at paa at binalatan ang kanyang mukha. Ang mga sugat ay mabilis na naghilom pero ang mga naputol ay hindi na tumubo pa.

Sa loob lang ng isang lingo ay buto't balat nalang si Yeman. Nakatulala at tila wala ng buhay. Pero dahil sa system ay hindi manlang niya magawang mamatay. Kahit sinaksak na siya sa puso at ulo. Ay hindi parin nito magawang patayin si Yeman. Sa isip niya ay mas gugustuhin pa niyang mamatay nalang. Gusto na niyang makapagpahinga sa parusang ito. May ilang sandali naman na inisip niyang gumanti at patayin ang lahat ng tao sa lugar na ito. Pero wala manlang siyang magawa. Mahigpit ang bakal na nakatali sa kanya. At isa pa ay wala nang lakas pa ang natitira sa kanyang katawan. Inisip niya na sana naging zombie nalang siya. Para wala siyang maramdaman.

Sa lugar kung saan siya nakatali ay tila katayan ito ng mga hayop. Dahil sa masansang amoy. Naghalo ang iba ibang likido mula sa kanyang katawan.

Bukas ay balak sunugin si Yeman habang nakatali sa malaking krus.