Chereads / Alyas Zombie Sa Mundo Ng Pantasya / Chapter 2 - Soul System

Chapter 2 - Soul System

Tumigil na nga ang pag-tibok ng puso ni Yeman.

Alam ko, namatay ako dahil tinamaan ako sa dibdib. Umagus ang maraming dugo mula sa aking katawan. Unti-unti akong nanghina hanggang tumigil na nga sa paghinga.

Hindi ko na makikita pa ang aking mga mahal na magulang. Pati narin mga kamag anak. Gayun din mga kaibigan kong peke. Mamimiss ko silang lahat. Lalong-lalo na si Marie. My gus Marie! bakit ngayon ka pa nagpakitaaaaaaaa?! Sigaw ng isip na si Yeman.

Namatay akong virgin so saaad!

Pano nalang yung binili kong grocery. Sana may makapulot. Makatulong pa ako pantawid gutom sa kanilang tiyan. Mabawas-bawasan pa ng kaunti ang mga kasalanang nagawa ko.

Hays! Nakakalungkot at nakakatakot isipin. Na unti-unti magiging abo ang aking katawan. Hanggang buto nalang ang matira.

Totoo kaya na may reincarnation after death? Kung totoo man ano kaya ang magiging hitsura ko? Magiging tao parin ba ako? O insekto? Ayaw ko magiging hayop. Kasi papatayin kakatayin lulutuin tapos kakainin. Ang masaklap pa sa inidoro ang bagsak! Kaya please lang! Lord! Kung mabubuhay man ako ulit wag yung hayop na kinakatay at kinakain kasi mag su'suffer pa ako after 4 deaths.

Lord! Kung hindi man tao ay kahit paruparo nalang o di kaya tutubi!

?!

Waaaaaaaaaaaait!

Anong pinag-iisip ko?! Bakit may isip pa sa aking isip?! Diba dapat patay na ako? Bakit ako nag iisip?! Buhay pa ba ako? Bakit wala akong na fe'feel? Bakit hindi ako makagalaw? Bakit wala akong makita?

Tila nasa madilim akong kalawakan at palutang-lutang. Tila nasa karagatan na kung saan-saan aanurin.

Ganito ba pag namatay ang tao?

Hindi ko na alam kung anong iisipin pa.

Halos sari saring bagay na ang pumapasok sa isip ko.

Parang napakatagal na ng panahon ang lumipas.

Kahit wala akong bibig. Gusto kong sumigaw at isigaw na....

Ano ba talaga akooooooooooooooooo?!!

[SOUL SYSTEM ACTIVATE]

Eh?!

Isang computerize na boses ang biglang narinig ng isip na si Yeman.

So-soul what?!

[YOUR EXISTING BODY WAS HEAVILY DAMAGE]

What damage? What body?

[SEARCHING FOR NEW BODY...]

Heeeey! Sino ka? Anong pinagsasabi mo? Magpakita ka sakin! Ikaw ba yan San Pedro?

[PLEASE STAND BY]....

...

.....

...

Pano ako mag stand? Patay na ako! Gets mo?! Ha?!

[BODY FOUND]

Bahala ka diyan. Hindi na kita kakausapin pa.

[CALIBRATING NEW BODY]....

[SOUL FUSION IS POSSIBLE]

[ANALYZING FUSION]...

[10%..20%..30%.....40%]

[PROBLEM FOUND]

[BROKEN RIB CAGE DETECTED]

[BEGUN REPAIR]....[COMPLETE!]

[ANALYZING CONTINUE]

[50%...60%....70%....90%]

[WARNING!]

[WARNING!]

[SERIOUS INJURY FOUND]

[FRUCTURED SKULL DETECTED]

[BEGUN REPAIR]....[99% REPAIRED]

[ANALYZING CONTINUE]

[91%..94%..97%...99%]

[MINOR INJURY FOUND]

Stooooooop! Ang ingay moooo! Dalhin niyo na ako sa langiiit o impyerno o kahit saang nirvanaaaaaa!

[ANALYZING CONTINUE]

[100%]

[SOUL FUSION COMPLETE!]

[NEW BODY ACQUIRED]

Nakadama si Yeman ng matinding sakit sa ulo at init ng katawan. Dahan-dahang idinilat niya ang mga mata. Isang tapat na tapat na araw ang bumati sa kanya. Iniharang niya ang kanyang palad dahil nahirapan siya tumingin ng direkta.

A-ano ito? Bu-buhay pa ba ako? Baka isa na akong zombie?!

Hinawakan niya ang dibdib na tinamaan ng bala. Ngunit wala na itong sugat. Pati dugo ay wala rin.

Iniikot-ikot niya ang mga kamay at tinapik-tapik sa kanyang mukha. Nakadama siya ng sakit habang tinapik ito.

Aray! Awts! Eh?! Totoo ba ito! Bu-bu-buhay ako?! Hahahaha pano? nangyari....to? Buhay nga ako.

Yes! Buhay akooooo! Si Marie.....Marie?! Marie?! Saan

si.....

Eh?!

Biglang natigilan si Yeman ng makita ang paligid. Isang notpa na lalaking may malaking katawan ang nasa harapan kung saan nakatihaya ang bago niyang katawan. Nakakuyom ang mga kamao nito na may dugong tumutulo paminsan-minsan. Nakatitig ito kay Yeman na parang nakakita ng multo.

"Si-sino siya? Hindi naman siguro police ito. Hindi rin mukhang doctor. Kung tutuusin para itong kontrabida sa mga action movies." Naguguluhang tanong sa sarili ni Yeman.

"Eh?! Bakit maraming tao dito? Bakit hindi ko kilala kahit isa sa kanila. Imposible to! Kilala ko lahat ng kapitbahay namin. Hala! Mukhang kakaiba nga kasuotan nila."

Bumangon si Yeman at humarap sa panot na lalaking nasa harap niya. Dahan-dahan niyang iniangat ang namamanhid sa sakit na bagong katawan. Iniangat niya ang kanang kamay sa harap ng lalaking kalbo para sa pag tawag pansin dito.

Eeeeeek! Nagulat ang mga tao sa paligid at napaatras ang mga ito.

"Ma-manong kalbo pwe-pwedi magtanong Sir?"

"Ha-Halimaw!" Isang malakas na bulong na nagmula sa mga taong nakapalibot.

Bigla-bigla ay....

Halimaw!

May halimaw dito!

Dakpin niyo ang halimaw!

Bilisan niyo baka tumakas!

Waaaaaah! Nilusob tayo ng mga halimaw!

Dakpin niyo at igapos para hindi makapaghasik ng lagim!!!

Biliiiiiis!

Isa isang nagsisigawan ang mga tao sa paligid ni Yeman habang nagtatakbuhan sa iba't ibang direksyon. Isang mama ang nagkarandapa sa pagtakbo papalayo. Isang ali ang natumba at naapakan ng ibang nagtatakbuhan. May isa naman na lalaki ang napatalon ng mataas habang may kargang dalawang sako na graba. Matandang lalaki na hinagis ang tungkod at tumalon talon ng mabilis gamit isang paa. May mga batang umiiyak sa paligid. May babaeng lumuluhod na may hawak na isang maliit na libro na parang bibleya ang nagbubulong habang nakatangin sa langit.

Samot saring sigaw, ungol at iyak ang sumakop sa paligid. Sa isang iglap lang ang napakaraming tao na nakapalibot kay Yeman ay biglang naglaho isa isa. Ang natira nalang ay ang mga natumba na umuungol parin sa sakit, mga batang nawalan ng malay, ang babae na nakaluhod habang nagdadasal at ang lalaking kalbo na hindi nakaimik at halata ang pagkagulat sa mukha nito. Isang malamig na ihip ng hangin ang dumaan.

Weeeeesh!!!

Biglang nagdilim ang paligid. Natakpan ng makapal na itim na ulap ang kalangitan. Ang dating tirik na tirik na araw nitong nakalipas na ilang minuto lang ay hindi na masilayan.

Bakit sila nagtatakbuhan? Isa ba itong taping ng pelikula? Bakit ako nandito? Nasaan si Marie? Dapat nasa hospital ako ngayon.

Naguguluhang katanungan sa isip ni Yeman.

"Manong kalbo, sir anong lugar ito?"

Eeek!

Biglang na alarma ang lalaking kalbo sa harapan ni Yeman sa pagtawag niya rito. Humakbang ito paatras.

"Halimaw ka! Wag kang lumapit!"

"Sir anong lu.....awww!" Biglang sumakit ang ulo ni Yeman. At lumalabo ang kanyang paningin.

DUGUDUGUDUGUDUGUDU!!!

?! Lumindol! Bakit biglang lumindol? Teka! Bakit parang may maraming ibon ang papunta sa direksyong ito?!.....Eh?! Palaki ng palaki ang mga ito.

WEEEEEEEEEEEENG!

Whaaaaaaaat?! Hindi ito mga ibon kundi mga taong lumilipad?! Anong klaseng special effects ito? Kailan pa naging hightech ang pilipinas? Isa ba itong sci-fi fantasy movies? Anong bansa ang nag sponsor dito?

DUGUDUGUDUG!

Maraming tao papunta dito. Siguro manonood sila ng taping. Baka isang sikat na movie ang kinukunan nila ngayon. Well! Kung hindi tungkol sa zombie hindi rin naman ako gaganahan manood. Mas iba parin ang thrill na dala ng mga zombie movies.

Awts! Sakit talaga ng ulo ko para akong matutumba.

Pagdating ng mga paparating na mga tao ay nagulat si Yeman.

Hala! Puro naka full body armor ang mga ito. At napakarami nila. Nasa mahigit 500 ang mga ito.

At nasa mahigit 500 din na lumilipad na tao ang nakapalibot sa kinatatayuan ni Yeman.

Naka-fullbody armor na kulay silver at gold mula ulo hanggang paa ang mga taong dumating. Bawat isa ay may bit-bit na mahaba at matutulis na bagay.

Ta-tama ako isa nga itong pilekula! Hindi pala sila mga audience kundi mga extra!

"Ma-manong kalbo anong lugar ang nag sponsor dito?"

Biglang ngumisi ang lalaking kalbo.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Isa siyang halimaw!" Sumigaw sabay turo kay Yeman si manong kalbo.

?!

Whaaaaaat?!

Lumingon si Yeman sa gilid at likod niya. Pero maliban sa mga bagong dating na naka-full body armor na mga tao. Walang iba na tao ang nasa direksyon ng tinuturo ni manong kalbo kundi si Yeman lang. Bigla ay nagulat si Yeman sa pinagsasabi ni manong kalbo.

"A-ako ba?"

Bakit parang nasali ata ako sa taping na'to?

"Oo ikaw! Isa kang halimaw!" Sigaw ni kalbo.

"A-ako? Halimaw? Hi-hindi ako halimaw! Awts! Na-nagkamali ka manong kalbo." Sabi ni Yeman habang hawak-hawak ng kanang palad ang kanina pang sumasakit na ulo. Dahan dahan siyang humakbang na parang zombie dahil nanlalabo ang kaniyang paningin. Bago pa makalapit si Yeman ay....

SHENG! SHENG! SHENG! SHENG! SHENG!

Limang espada ang sabay sabay hinablot mula sa mga scabbard nito, ang humarang kay Yeman. Mga naka kulay itim na full body armor ang mga ito. Iba iba ang desinyo ng bawat armor nila. Naiiba ang mga ito sa mga unang dumating na naka-full body armor na kulay silver at gold.

"Wag ka nang mag tangka pang lumaban pa halimaw." Isang malamig na tinig ng babae na nagmula sa likod ng mga nakaharang kay Yeman.

"Hi-hindi ako halimaw!" Sigaw ni Yeman.

Dahan-dahan naglakad papunta sa harap ni Yeman ang babaeng pinagmulan ng malamig na boses.

"Oh?"

Isang naka full-body armor din na itim. Base sa kurba ng armor halatang may maganda itong katawan. Halos kasing tangkad ito ni Yeman. Pero dahil sa helmet nito. Tanging ang labi na nakakulay itim lang masilayan dito.

"Maraming saksi ang nakakita, naliligo ka sa dugo. May mga bali at sugat ang iyong katawan. Pero bigla kang tumayo at nawala ang mga sugat maliban sa gasgas na nasa kaliwang bahagi ng noo mo." Malamig na pagkasabi ng babaeng naka armor na itim.

"Hindi nagakakamali kayo! Walang bali ang aking katawan. Isang sugat lang ang natamo ko."

Anong pinagsasabi ng babaeng ito? Isang sugat lang naman ang tinamo ko. Bakit mababali ang ibang parte ng katawan ko mula sa isang putok ng baril?

Pagtataka sa isip ni Yeman.

"Gusto mo pa talaga magpalusot halimaw! Kitang kita ng dalawang mata ko na halos bawian ka na ng buhay, dahil sa malubhang pinsala na natamo ng iyong katawan nung maglaban tayo." Sigaw ng lalaking kalbo na nagtatago sa likuran ng mga naka black armor.

"Isang sugat lang sa dibdib ang natamo ko sigurado ako dun!"

"Kung ganun ipakita mo ang iyong dibdib." Sabi ng babaeng may malamig na boses.

"Eh?! Nakakahiya naman pinapagawa mo, pero no choice ako ha!"

Mukhang kukulitin ako ng mga ito kung hindi ko mapapatunayan na tama ang sinabi ko. Para matahimik na silang lahat at makaalis na ako dito. Kailangan maipakita ko ang sugat sa dibdib. Kailangan ko pa hanapin si Marie.

Dahan dahan sinilip ni Yeman ang kanyang kaliwang dibdib kung saan tinamaan ng bala. Ngunit....

Hah?! Nawala nga pala ang sugat.... kahit piklat wala rin?! Paanong nangyari to?

"Wa-wala akong su....gat?" Mahinang bulong ni Yeman pero dinig na dinig ito ng mga tao na nakapaligid sa kanya.

"Isa nga siyang halimaw!"

SHEEEEEEEWEEEEEENG!!

Sabay-sabay na itinutok ng mga naka silver at gold na armor ang kanilang dalang sandata kay Yeman. Sa himpapawid naman, nag iilaw ang mga kamay at may namumuong nakakasilaw na bilog ang mga palad habang nakatutok kay Yeman.

Unti-unti na ngang nanghina ang katawan ni Yeman. Hanggang sa hindi na kinaya ng tuhod nia at bigla siyang bumagsak.

Blag!

Ugh! Anong nangyari di.....to

Tuluyan na ngang nawalan ng malay si Yeman. Dahil bago pa lang ang kaniyang katawan ay hindi pa siya sanay dito. Kaya hindi niya kinaya ang panghihina nito.

Nasa isang malawak na espasyo sa harap ng pamilihang bayan sa loob ng kaharian ang kinaroroonan ni Yeman. Dinala si Yeman sa kulungan ng palasyo. Ngunit bakas parin sa pamilihan ang kaguluhang naganap. Mga nagkalat na samot saring gulay, prutas at kagamitan. May mga sira-sira pang gamit sa paligid.

Ang mga bahay ay nakasarado. Wala kahit isang tao ang naglalakad.

Sampung oras mula noong dalhin si Yeman ng mga kawal na naka full body armor. Sa isang madilim na sulok may mga matang nagmamasid. Hindi mawari ang pagkatao nito. Nakabalot ng itim na tela ang buong katawan mula ulo hanggang paa. Mapupula ang mga mata nito at nanlilisik. Sa isang iglap lang ay....

Weeeeng!

Isang itim na parang usok ang pumalibot dito at bigla itong naglaho.