Chapter 1: Fresh Debut
Haley's Point of View
"Tandaan mo, Haley. Malaki ka na kaya dapat alam mo kung ano 'yung tama sa mali, walang alak alak ngayong college ka na, ah? Pipiliin mo rin kung sino 'yung dapat mong kaibigan-in. Sa panahon ngayon, uso na 'yung mga night party na 'yan at baka mapasama ka sa mga tao na akala mo pwede mong pagkatiwalaan. Wala pa man din sila Keiley at hindi mo masasabi kung magkakasama pa kayo nila Reed." Paghawak niya sa kanyang pisngi. "At ito rin pala, dapat ganito ang gagawin mo--"
Pilit na ngiti ang nakalinya sa labi ko habang nakikinig sa mga pangaral na sinasabi ni Mama. Kanina pa talaga niya ako pinagsasabihan habang tinutulungan ko siyang magtupi ng mga damit namin.
Sabi ko nga ako na lang dahil baka mapagod siya at hindi 'yon maganda sa kapatid ko.
Pasimple akong bumuntong-hininga. "Ma. I get it, masyado kang nag-aalala." Labas sa ilong kong sabi kasabay ang pagpatong ko nung nakatuping damit sa tabi.
Inalis niya sa hanger ang damit. "Aba, sinong 'di mag-aalala? Walang nangyayaring 'di maganda sa'yo lately. Hindi ka ba natatakot?"
I'm not sure what to feel about that.
"Besides, you have trouble telling me what's going on with you. Wala tuloy akong ideya kung ano 'yung pwede kong gawin para sa'yo." Napatingala ako sa naging sambit ni Mama. Nakaramdam ako ng konsensiya. Wala namang bakas na lungkot sa boses niya sapagka't nakangiti naman siya, subalit sa paraan ng tingin ng mga mata ni Mama. I don't think so. She's not happy.
Muli akong naglabas ng hangin sa ilong bago ako napatingin sa kalendaryo na nakasabit sa pader sa aking kanang bahagi. Month of July. Ilang buwan na rin pala matapos mangyari 'yung trahedyang dumating sa 'min.
Humph. Masasabi ko bang ang swerte swerte kong babae at hanggang ngayon at humihinga pa rin ako sa mundong 'to na parang wala lang nangyari?
"Pero nakikita kong okay ka na ngayon. I'm glad." Ngiting sabi ni Mama nang ilipat ko ang tingin sa kanya.
Hindi niya ako tinatanong ng kung anu-ano kasi alam niyang hindi ko masasagot. Pero nalulungkot siya dahil wala siyang magawa.
I also have no choice. I respect her decision,
"Hailes." Naalala kong tawag ni Lara sa akin na may kaunting ngiti sa labi niya bago niya ako talikuran at umalis.
That idiot…
Nagtupi ulit ako ng damit at ibinaba ang tingin ko sa ginagawa ko. "Ma. Let's say hindi ko na kailangang sabihin sa inyo kasi alam kong makakaya ko. Also, I know you believe in me." Tumayo ako at lumapit kay Mama.
Sumunod lang 'yong tingin niya sa akin nang lumuhod ako at yakapin siya. "Pero kapagka hindi ko na kaya, pwede bang umiyak ako sa inyo kahit may bago kang baby?" Tukoy ko sa sinapupunan niya.
Tumitig muna siya sa akin bago niya ako tawanan saka niya hinawakan ang likod ng ulo ko para hilahin ako palapit sa kanya't yakapin. "Anak kita. Ano ba'ng klaseng tanong 'yan? Baby pa rin kita, an--" Napatigil siya sa pagsasalita kaya ako naman itong napahiwalay para tingnan ang mukha niya. Namumutla siya.
"Ma?" Tawag ko sa kanya pero humawak siya sa tiyan niya, namimilipit din siya sa sakit dahil sa kunot na kunot ang noo niya. Humiga siya pero nakasuporta 'yung siko niya.
"M-Mukhang ayaw ng kapatid mo na may iba pang baby maliban sa kanya." Aniya.
Tumaas ang kaliwa kong kilay. "Ano 'yon, Ma?" Naguguluhan kong tanong.
Umungol siya sa akit at medyo napapahiga higa kaya nanlaki ang mata ko. What? Hoy, you're kidding me. "A-Ayaw na yata ng kapatid mo sa loob at gusto ng lumab- Ugh…"
"Eh?" Reaksiyon ko at napatayo nang makita ko na may tubig na tumutulo sa may paahan niya kaya nataranta ako lalo pa nung magsisisigaw na siya sa sakit.
"T-Tatawagin ko lang sila Reed, Ma! Sandali lang!"
***
SA OSPITAL, na sa labas si Reed ng delivery room habang nandito ako sa loob ng kwarto kung saan nagaganap ang delivery of birth ni Mama.
Nandoon 'yung takot at kaba sa dibdib ko pero imbes na magtuloy-tuloy 'yung ganoon, na-weird-uhan ako noong tumatawa si Mama habang nilalabas niya 'yung kapatid ko. "Kaya ko 'to! Lu…mabas ka na diyan!!!" Malakas na sigaw niya kaya napaatras ako. Inayos ko rin ang suot suot kong mask. Required kasi na magsuot ng hospital clothing.
Ma, nakakahiya ka.
Humagikhik ang isa sa mga nurse. "Aba, napakalusog naman ni Mommy. Pero push pa, mommy! Push!"
"Kaya ko 'tooooooo!" Muli niyang pagsigaw kaya lumabas na nga 'yung ulo nung kapatid ko't nagsisimula ng mag-iiiiyak. Napahakbang ako ng isa dahil sa pagkamangha pero napaatras din dahil sa isa pang masiglang pagsigaw ni Mama.
Mapapagod ka kakasigaw mo riyan, Mama…
Oras ang inabot sa pag labor kay Mama, at ginabi na kami rito. Dumating na rin si Papa galing sa opisina dahil nakauwi na rin naman siya kahapon at may inasikaso lang doon sa kumpanya ng Smith sa siyudad ng SAED.
Pumasok siya rito sa loob na may suot suot ng hospital clothing. Hinihingal pa siya nang tumabi siya sa akin.
"Ako na rito, anak. Umuwi't magpahinga ka na." Ipinatong niya 'yong kamay niya sa ulo ko. "Salamat sa pagbabantay sa Mama mo." Umangat panandalian ang kilay ko, nakaramdam ako ng panlalambot sa puso.
Labas sa ilong akong ngumiti. "Of course She's my mother." Sagot ko saka niya inalis 'yung kamay niya sa ulo ko. "Babalik po ako bukas." Tumango siya kaya umalis na nga ako sa delivery room.
Inalis ang hospital clothing at itinabi sa isang hospital pushing cart nang maglakad na ako. Sa hindi kalayuan, nakikita ko si Reed na nandoon sa waiting area na nakaupo. Nakapasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya at mukhang nakatulog na kakahintay sa akin.
"Sabi ko umuwi na kapag nagtagal, eh." Bulong sa sarili at lumakad na ulit para lapitan siya. Umupo ako sa tabi niya at naghintay ng ilang sandali bago ko siya tingnan. Nakatungo ang ulo niya kaya niyugyog ko siya para gisingin. "Reed, magkaka stiff neck ka niyan. Gumising ka--" Bumagsak ang ulo niya sa balikat ko kaya napatigil ako.
Pero imbes na alisin siya, hinayaan ko lang muna siyang matulog. Hihintayin ko na lang siyang magising.
Tumitig ako sa mukha niya, ang laki na nung eyesbags niya dahil na rin siguro sa walang tulugan na pag-asikaso ng mga human resources sa E.U.
Alam ko namang pagod siya at walang tulog pero nagawa pa rin niya akong samahan. Ngayon, nahihiya ako. Wala lang kasi akong pwedeng mahingan ng tulong kanina dahil natataranta rin ako.
Ah ~ Now it's kind's pissed me off to watch him like this as my heart throbs while holding in feelings I'm trying to confess. Just how long will it take for him to notice?
Tama nga siguro 'yung madalas kong marinig na kanta.
Mahirap maging babae kung torpe ang lalaki, kahit may gusto ka, 'di mo masabi.
Pero hindi naman siguro pwedeng magtagal 'to. Ako na lang kaya 'yung umamin?
"You are free to love him, and I am free to continue fall in love with you. Hangga't hindi n'yo pa nagagawang ilabas 'yung nararamdaman n'yong pareho dahilan para maging imposible 'yung mga gusto n'yong mangyari, kukunin kita sa kanya." Biglang pagpasok sa utak ko sa sinabi ni Caleb kaya isinara ko nang kaunti ang talukap ng mata ko.
"Kung gusto mo 'ko, bakit ayaw mong sabihin sa 'kin?" Tanong ko kay Reed kahit hndi niya ako naririnig at napatingala na lamang sa kisame.
Reed's Point of View
Napamulat ako ng mata, hindi namalayan na nakatulog pala ako. Umayos ako nang upo at nag-unat. Lumingon kay Haley nang magsalita. Nandiyan na pala siya. "Nakatulog ka ba nang maayos?" Ngiting tanong niya kaya humarap ako sa kanya.
"Kanina pa ba 'ko nakatulog?" Tanong ko sa kanya na inilingan niya.
"Hindi. Isang oras lang." Sagot niya at tiningnan ang wrist watch niya bago tumayo. "Gusto mo ba munang kumain muna sa labas? O gusto mo ng umuwi para makapagpahinga?" Tanong niya. Napatayo naman ako kaagad.
"Kumain muna tayo." Sagot ko kaagad at napatingin sa bandang delivery room. "Pero paano si Tita?" Pag-aalala ko.
"Don't worry, nandoon naman si Papa. Babalik na lang din ako bukas."
Sagot niya at naglakad kaya sumunod ako sa kanya.
Inilagay niya 'yung dalawa niyang kamay sa likuran niya. "Ako na lang mag treat sa'yo dahil sinamahan mo 'ko."
"Nawe-weird-uhan ako kung kayong mga babae 'yung nanlilibre kaya hayaan mo 'ko. Para naman may pinanggagamitan 'tong nakukuha kong pera." Wika ko at humikab. Napahawak din ako sa leeg ko dahil medyo masakit.
"Kaya ka nawe-weird-uhan kasi ikaw ang madalas na manlibre. Kaya hayaan mo 'ko ngayon." Aniya kaya napatingin ako sa kanya na nangungunang maglakad. Sumabay ako sa kanya nang hindi inaalis 'yung tingin sa kanya.
"Haley, 'di ba galing din kay Tita 'yung pera mo kaya hindi ba't mas maganda kung ipunin mo na lang?" Pasimple talaga akong nang-aasar.
"How insulting. Galing 'tong pera sa pinag part time-an ko nung summer 'no." Pag-irap niya.
Namilog ang mata ko. "Nag part time ka? Huweh? Saan?"
Bumuntong-hininga siya. "I won't wonder kung ba't hindi mo alam. Pero nag part time ako sa WcDonalds. Morning ang shift ko 'till afternoon."
Ganoon na ba kami ka-busy at hindi ko alam?
Pero sabagay, ang tagal na nga rin naming 'di nagkikita dahil masyado akong occupied sa ginagawa ko sa E.U. na halos hindi ko na rin talaga napapansin na July na rin pala ngayon.
At August na rin bukas.
"Kaya hayaan mo muna ako na manlibre. Sa susunod ka na." Pag-angat niya ng tingin sa akin na tinitigan ko. Pumaharap na lang din ako ng tingin at walang nagawa kundi ang pumayag.
"Nanibago pala ako." Panimula niya habang naglalakad pa rin kami palabas ng ospital kaya natanong ko kung bakit. "Madalas tayong napupunta rito sa ospital kapagka may hindi magandang nangyayari so it's strange that we're here again." Kumamot siya sa pisngi niya. "May circumstances ba na parang ayaw mong pumasok sa ospital?" Tanong niya sa akin kaya napaisip din ako.
Kung tatanungin ako, parang may mga times nga na parang ayokong pumunta sa ospital kasi baka mamaya, makarinig ako ng hindi maganda.
At kapag nangyari 'yon, hindi ko na alam kung ano pa 'yung dapat kong isipin o gawin. Kaya nakakamangha dahil nakatapak pa rin ako sa lugar na 'to.
"Oo, ilang beses na rin siguro." Sagot ko. "Pero mabilis na lang kasi ang araw, eh. Parang hindi mo namamalayan na okay ka na pala."
Tumango siya bilang pagsang-ayon.
Nakalabas na kami sa ospital at pumunta sa parking lot. Tinanong ko siya kung saan niya gustong kumain pero binalik niya sa akin 'yung tanong kaya hindi na ako nag-atubiling sagutin dahil matatagalan pa kami kung magtuturuan kami. "Ayoko rin kasi kumain ng kanin dahil gabi na, kaya footlong."
"Edi pumunta tayo sa Franksz Footlong na malapit lang dito 'tapos maiinum. Dito na lang tayo kumain sa sasakyan para malamig-- ah, kung gusto mo sa secret place na pinuntahan natin noon kung naalala mo pa." Labas ngipin siyang ngumiti. "Maraming bituwin ngayon do'n."
***
LUMABAS KAMI ng sasakyan at hindi na umakyat. Dito lang kami sa tabi ng kalsada dahil nakikita naman namin dito 'yung mga nagkikislapang liwanag mula sa siyudad. Saka para mayroon pa rin kaming mapagpapatungan ng pagkain dahil may makakapal na concrete barriers.
Hinawi ni Haley ang buhok niya dahil sa lakas nung hangin samantalang titig na titig lang ako sa liwanag nung siyudad. Isabay mo pa ang mga liwanag na nanggagaling sa langit. Parang nawala 'yung pagod ko at parang gusto ko na lang munang manatili rito.
"Out of the blue itong sasabihin ko pero susubukan kong maging totoo sa kung ano ang nangyayari o iniisip ko." Lumingon ako sa kanya dahil sa kanyang panimula. Hindi pa rin niya inaalis 'yung tingin niya sa harapan kaya nakikita ko kung paano kumislap 'yung mata niya. "Hindi ko sigurado kung paano 'yung magiging kalalabasan pero gagawin ko imbes na pagsisihan ko pa sa huli. Uunti-untiin ko." Pagpapameywang niya nang makaharap sa akin at humagikhik na may paglabas ngipin na ngiti.
Bumuka nang kaunti ang bibig ko. Tama nga, may mga nagbago nga sa kanya. 'Yung mga nangyari sa kanya nung nakaraang taon hanggang ngayon ang nagbigay sa kanya ng rason para magkaroon siya ng bagong bersiyon. .
Paismid akong ngumiti para simulan ulit siyang asarin. "Hindi mo ba sinasabi 'yan dahil maganda 'yung mood mo? Kasi kasama mo 'ko?" Turo ko sa sarili ko gamit ang aking hintuturo. Proud pa akong nakangiti pero wala akong naririnig na kahit na anong reaksiyon galing sa kanya kaya kumurap-kurap ako't taka siyang tiningnan.
"Hey?" Tawag ko sa kanya pero nakatitig lang siya sa akin at medyo namumula ang pisngi. Umiwas siya nang tingin pero nagawa pa ring humagikhik bago pumaharap kung nasaan ang nagliliwanag na siyudad.
"Mmh." Pagtango niya. "Baka nga." Dugtong niya kaya ako naman itong mas napatitig sa kanya. Pero unti-unti ring napapanganga dahil sa naging reaksiyon niya.
Gustong gusto ko si Haley-- in love ako sa kanya pero ano nga ba ang mangyayari sa 'ming pareho kung magagawa naming maging kami? Bakit ako nag-aalanganin? Ang laki na ng tiyansa na binigay sa akin ngayon pero bakit ako nagdadalawang-isip?!
Umawang-bibig ako, balak ko sanang sabihin 'yung iniisip ko pero umurong ang dila ko kaya tumawa na lang ako para maalis 'tong mamumuong awkwardness. "Ang honest mo naman, natatakot ako."
"Shut the hell up." Pagkasabi niya niyon, pareho kaming mga natawa.
Haley's Point of View
Kinabukasan, bumalik ako sa ospital. May dala-dala akong pagkain nila Mama nang may magandang babae akong nakasalubong. Nakasuot siya ng berdeng sports jacket at bukas ang zipper with white inner shirt habang nakakwintas ang pito. Pero hindi iyon ang kumuha sa atensiyon ko kundi roon sa mga lalaki na nasa likuran niya. Mga nakasuot ito ng mga sports attire at may hawak na bola ng basketball ang isa sa kanila kaya malamang, mula sila sa basketball team.
Kung titingnan din silang lahat, parang ang intimidating. Lalo na 'yung isang lalaki roon na may eye glasses.
Iyong isa naman na mukhang oppa, parang aso lang na nakangiti.
Napatingin sa akin 'yung babae kaya sinubukan kong hindi mapapitlag para hindi mahalatang siya tinitingnan ko. Dinaanan ko lang din siya ng tingin at tuloy-tuloy pa rin sa aking paglalakad.
Dumiretsyo na lang ako sa bagong kwarto ni Mama. Nasabi kasi ni Papa na mag stay siya rito ng 2-3 days. Pwede naman siyang ma-discharge kung gugustuhin pero ang baby kasi, hindi pa pwedeng madala o ilabas.
Pa-slide kong binuksan ang pinto sa nasabing kwarto at naabutan si Mama na natutulog pa rin. Si Papa naman, nandoon lang at nakaupo sa tabi kaya napatingin sa akin nung marinig niyang may pumasok.
"Oh, nandito ka na pala. Napagod Mama mo kakasigaw kagabi."
Ipinatong ko 'yung supot na may lamang pagkain sa lamesa at natawa. "Mukha nga." Tugon ko 'tapos tumingin sa paligid. Napakamot din ako sa pisngi ko. "Ahm, pwede ko na bang makita 'yung kapatid ko?"
Masigla ngumiti at tumango si Papa. "Na sa NICU. Pero sabi nung doctor, 30 minutes lang 'yung limit ng oras para makita mo."
Tumango rin ako. "Sige po" Tanging sagot ko bago ako lumabas ng kwarto. Iniwan ko naman na 'yung pagkain.
Nagtanong ako sa nurse kung saan 'yung NICU at nang maituro ay pumunta kaagad ako. Tinanong ko rin sa staff ng NICU 'yung apilyedo namin para makita ko kaagad, nagtanong siya kung kaanu-ano ako at ilang taon na ako kaya nang masagot ko ang mga tanong ay tinuro niya 'yung kwarto sa likuran ko kaya dahan-dahan akong pumunta roon. Ramdam ko 'yung kaunting panginginig ng kamay ko gayun din ang panlalamig dahil maliban sa malamig ang ospital na ito ay kinakabahan ako.
May malaking glass wall at may iilang mga incubators sa loob pero nakita ko kaagad ang kapatid ko dahil siya 'yung na sa gitna't na sa harapan.
Natutulog lang siya nang mahimbing habang nag-iiiyak 'yung mga kasama niya roon sa loob ng NICU. Sa kakaibang dahilan, tumulo 'yung luha ko dahil maliban sa masaya ako, nalulungkot ako. Humawak ako sa salamin na pumapagitan sa 'min at lumuha na may ngiti sa aking labi. "Nice to meet you, Lara…"
***
HINDI AKO NAGTAGAL sa ospital at umalis din kaagad para dumiretsyo sa E.U para sa enroll-an. Oo, doon pa rin ako mag-aaral dahil wala naman akong partikular na unibersidad na gustong pasukan 'di tulad ni Harvey na panay aral pa rin sa bahay niya. Ang alam ko, bukas siya magte-take ng exam, eh.
Dalhan ko ba 'yon ng mani?
Bumaba ako sa taxi nang marating ko ang E.U. Matagal na rin akong 'di nakakadalaw rito kaya parang may kumiliti sa tiyan ko. Nakakapanibago-- hindi, may bago talaga.
Mas dumagdag 'yung gusali May nakikita pa akong maliit na convenience store sa hindi kalayuan.
Sabagay, gaya nga rin ng sabi ni Reed kagabi noong nagkukwentuhan kami, hindi na pwedeng lumabas labas ang elementary to high school tuwing lunch para maiwasan 'yung pwedeng maging insidente na maaaring isise sa school.
Pumasok na ako sa loob para pumunta sa finance ng college building. Malayo siya roon sa building ng high school kaya ilang minuto rin bago ako makarating.
Sa hindi kalayuan, kita ko kaagad 'yung pagmumukha ni Rose na pangingiti na naglalakad palapit sa akin. "Mukhang tadhana ang nagdala sa 'tin dito para magkita tayo!" Umikot pa siya gamit lang ang isang paa nang malapit na akong makarating sa kanya, subalit nilagpasan ko lang si Rose.
"Sorry, hindi po kita kilala." Pokerface kong sabi at pumunta na nga sa mismong finance para makapag enroll. Hindi ito 'yung tulad ng ibang test na papahirapan ka dahil dito naman ako nag-aral. Bale Psychological exam lang ang kailangan kong I-take.
Pero kung new student ka na mag e-enroll sa E.U.
Hindi lang Psychological test ang ipapa-take sa'yo kundi pre-assessments, formative, at summative ang kailangan mong I-take.
Hahh… Buti na lang old student ako dahil nakakatamad na talagang mag-aral. Sana ang buhay, madali.
Pumasok ako sa isang room kung saan ako magte-take ng exam. Dito rin 'yon sa guidance room.
Binuksan ko ang pinto hawak-hawak ang test paper ko nang mapatingin ako sa isang pamilyar na babae. Nandoon siya sa dulo at nagte-take rin ng exam.
Naalala kong siya 'yung nakita ko sa ospital kanina kasama 'yung mga group of players. Dito rin pala siya mag-aaral?
Tumaas ang balahibo ko kaya napayakap ako bigla sa sarili ko. Ang lamig.
Umupo na nga lang ako sa harapan at sinagutan na nga ang exam nang makaalis kaagad ako rito. Kalahating oras lang talaga bago ako makatapos kaya tumayo na ako pero napatingin ako sa babae nang kausapin niya ako.
"Hey." Tawag niya kaya ako naman itong napalingon sa kanya.
"Ano iyon?" Tanong ko.
Kita ko ang kaunting pagbuka ng bibig niya pero itinikum din pagkatapos. Nagdikit ang kilay niya kaya parang ang sama ng tingin niya sa akin. "May pantasa ka ba diyan, ha?" Parang siga nitong tanong sa akin.
Habang tumatagal na nakatitig siya sa akin ay mas lalong sumasama ang tingin niya. Wala tuloy akong ideya kung ano ba'ng dapat kong isipin dito.
But wow, she's shaking a lot.
Sumimangot ako't binigyan siya ng walang ganang tigin.
"I'm not sure that's a nice way to ask someone most especially if you're meeting for the first time."
Namilog ang mata niya't namula ang mukha. "A-Ah, so-sorry… Ahm…" Tinaasan ko siya ng kilay at napabuntong-hininga bago ko ilabas 'yung pantasa sa loob ng mini bag ko. Nagdala ako just in case na mabali 'yung dala kong lapis.
Lumapit ako sa kanya saka ko ipinatong sa arm chair niya 'yung pantasa na hinihiram niya. Wala na 'kong iniwang salita at tumalikod na lamang dahil hindi ko rin talaga alam 'yung pwede kong sabihin sa kanya lalo na kung may mata siya na parang maghahamon ng away.
Isinara ko ang pinto noong makalabas ako. Hindi ko na kukunin 'yung pantasa dahil kailangan ko na rin namang umalis.
Ipinasa ko lang 'yung test paper sa titser na in-charge sa test exams at lumabas na nga sa guidance room. Pero napaatras ako nang makita ko si Rose na nakaupo sa metal benches. Bakit nandito 'tong bruhang 'to?
"Alam mo ba? Nagte-take ka pa lang ng exam, lumabas na kaagad 'yung pangalan mo sa list." Inilabas niya ang phone niya at ipinakita sa akin 'yung na-capture niyang litrato.
Screen board iyon na nagpapakita nung pangalan ko at pangalan nitong bruhang ito. "Ugh. Really?" Reaksiyon ko nang ilipat ko ang tingin sa kanya.
Malandi itong humagikhik at taas-babang kilay na tiningnan ako.
*****