Chapter 10: Silent Sentinent
Haley's Point of View
Uwian na ng first day of class. Usually, pupunta pa ako sa galaan kasama mga kaibigan ko pero dahil hindi pa naman kami totally magkakakilala nila Claire, nagpasya na kaming umuwi kaagad. As for Reed naman, nandoon siya sa pwesto niya't nakikipagdaldalan pa rin sa mga blockmates namin na kalalapit lang din sa kanya kaya hindi ko na siya hinintay at kinuha na lamang ang bag ko palabas.
Iba 'yung pagod kahit na first day. Parang ang bigat sa pakiramdam.
'Yung lebel nung pagod, parang pang isang linggo na pumapasok ka. Bakit ba kasi ang hirap maging estudyante?
Umiling ako. Nagrerekamo ako, pero iba pa rin ang buhay kapagka naka graduate ka ng kolehiyo dahil doon mo masasabi kung ano talaga 'yung totoong buhay.
Bumuntong-hininga ako. Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya sa gusto kong gawin. Bakit nga ulit ako nag I.T?
Kinuha ko ang phone sa bulsa ng skirt ko at tiningnan ang mga messages ni Jasper na hanggang ngayon pala'y hindi natigil sa pag text. 'Di pa tapos klase nito, 'di ba? Siraulo talaga.
Nagpapahintay kasi siya dahil hindi ko raw siya hinintay kaninang lunch at iniwan ko na lang siya. Bahala ka riyan. Uuwi na ako.
Ipinasok ko na nga lang ang phone sa bulsa ng skirt ko. But kidding aside, wala rin talaga akong load kaya hindi ko rin siya mare-reply-an. Pinalitan din ang password ng wifi kaya hindi ako makapag online. Napaka damot ng E.U.
Naglalakad ako sa hallway nang makaramdam ako ng may sumusunod kaya huminto ako saka ko masamang nilingunan si Jin. "Bakit ka ba sumusunod?" Tanong ko.
Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "Nostalgic, ano?" Sambit niya. Tinutukoy niya siguro 'yung pagpapanggap niyang nerd nung high school kami. Great.
"Hindi mo ba nami-miss 'yung pagsunod sunod ko sa'yo?" Sabay kuha ng eye glasses na nakasabit doon sa manggas ng uniporme niya't sinuot.
Walang gana ko siyang tiningnan. "Hindi. Para kang aso."
Humalakhak siya't tumabi sa akin. "Uuwi ka na?" Tanong niya sa akin habang nakatingala lang ako sa kanya.
"Yeah?" Patanong kong sagot kasi nagtataka ako bakit niya tinatanong. Pero may ideya rin ako kung bakit. Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala ka namang balak ayain ako sa kung saan o ano, 'di ba?" Paninigurado ko.
"Wala, pero kung gusto mo. Walang problema sa akin. Pabor pa 'yon." Ngisi niyang sabi kaya bumuntong-hininga ako.
"Uuwi na ako." Nauna na akong naglakad.
"May nabasa ako kanina na sale raw ngayon ang Koaded. Baka gusto mong sumama para bumili?" Pagkabanggit pa lang niya sa paborito ko ay huminto kaagad ako. Paatras akong lumapit sa kanya bago ako pa-simpleng tumikhim. Katabi ko na ulit siya.
Humalukipkip ako saka nag-iwas ng tingin. "Sale, kaya sasama ako. Sayang din 'yon."
Naramdaman ko 'yung malapad niyang pag ngiti. "Walang problema."
***
PUMUNTA NGA KAMI sa grocery store at gaya nga ng nasabi ni Jin ay nag sale nga ngayon 'yung Koaded.
Kagat-kagat ko ang hinlalaking daliri ko dahil tinitingnan ko 'yung dalawang box ng Koaded dahil may bago pala silang flavor. "Hindi kaya maubos allowance ko kung bibili ako ng tig tatlong kahon?"
"Kung gusto mo, ako bibili para sa'yo." Alok ni Jin kaya napadiin ang pagkakakagat ko sa aking hinlalaking daliri.
"Shh. Hindi ako maka-focus." Pagpapatahimik ko sa kanya at pumikit nang mariin. Iniisip ko kasi na sayang kung palalagpasin ko 'tong sale pero ayoko namang gastusin lang pera ko dito. Masyado naman akong greedy paano naman 'yung ibang customers na may gusto nito?
Ang Koaded ay dapat magsilbing comfort food ng lahat. Kung wala 'to, paano na lang ang kalusugan ng mga mamamayang tao-- hindi Pilipino dahil iba iba na lahi namin dito. At half Chinese ako.
Ah, sandali. Kung ang buong bansa ay magkakaroon ng iba't ibang lahi at mas marami kumpara sa pure. Magiging isang bansa na lang ba kami?
But it's not like I have to think about it. Nasaan na nga 'yung main goal ko?
"Jin, you don't need to wait for me if you have to go hom--" Napatigil ako sa paghawak niya sa baba (chin) ko para ilingon sa kanya. Sa gulat ko ay nanlaki ang mata ko na nakatingin sa mga mata niyang malalim na nakatitig sa akin.
Nakasuot din siya nang malapad na ngisi. "Call me by that name again, or I'll kiss you."
Umakyat ang dugo sa mukha ko dahilan para madaling mamula ito. Matamis itong ngumiti. "What's with the reaction?"
Tinulak ko siya palayo sa akin. "Palagi mo na lang akong inaasar. Kapag ba tinawag kita sa pangalan mong Caleb, titigilan mo 'ko sa kakaganyan mo?"
Humagikhik siya. "Depende."
"Hoy!" Reaksiyon ko. Sabay kaming napalingon sa kaliwang bahagi namin nang maramdaman naming may nakatingin sa amin. Laking gulat kong si Claire iyon.
"C-Claire?" Nauutal kong tawag sa kanya. Sh*t. Did she saw it?!
Naglakad palapit sa amin si Claire. Nang makahinto siya sa gilid namin ay lumingon siya kay Jin. "So si Haley pala 'yung tinutukoy mong nagugustuhan mo?" Tanong niya na siyang nagpagulo sa akin.
"Sandali, magkakilala kayo?" Surpresa kong tanong.
Nagpameywang si Jin. "Oo, siya 'yung manager namin sa basketball league. Mukhang magkakilala na kayo kaya hindi ko na siya ipapakilala." Wika ni Jin kaya napangana ako lalo pa noong tumango si Claire. Seryoso ka ba?
Narinig ko ang paglabas ng hangin ni Claire sa kanyang ilong bago kunin ang isang kahon ng Koaded. "Maiwan ko na kayo riyan, see you tomorrow. Huwag kang ma-late sa training mamaya, Jin." Paalam ni Claire na kinawayan lang ni Jin habang nakasunod lang ako ng tingin.
Mahilig din ba si Claire sa Koaded?
Muli kong nilingon si Jin. "May training pala kayo mamaya, bakit pinipili mo pa ring manatili rito?" Tanong ko sa kanya kaya nilingon din niya ako pabalik na kanina'y nakasunod ng tingin kay Claire.
"Kasi hindi ka pa umuuwi." Simpleng sagot niya. "Ayoko lang may mangyari ulit sa'yo." Napalitan ng pangangamba ang mukha niya bigla pagkasabi niya niyon. Mukhang nag-aalala.
Paismid akong ngumiti bago kumuha ng isang kahon ng Koaded. Pinili ko na lang 'yung Buko Pandan Koaded. "It won't happen again." Mapait kong ngiti habang nakatalikod sa kanya na naglalakad.
Tumungo ako. May isang kaisipan na pumasok sa isip ko.
Kailangan ko bang sabihin kay Jin 'yung dahilan ng insidente sa kapatid niya?
Pumikit nang kaunti ang talukap ng mata ko. Maganda bang rason iyon para tanggihan 'yung sinasabi niyang pagmamahal na mayroon siya para sa akin?
Reed's Point of View
Hawak-hawak ko ang batok kong naglalakad palabas sa accounting office. Katatapos ko lang mag type ng marami doon sa mga hindi ko naasikasong files sa human resources at inabot nanaman ako ng alasais.
Humikab ako't napatungo. "Hindi nanaman kami nagkasabay ni Haley kanina." Kumamot ako sa ulo ko. "Kakainis. Gusto ko tuloy siyang yayain lumabas para makapag-usap naman kami nang maayos." Iritable kong pakikipag-usap ko sa sarili.
Sa paglalakad ko ay may nakabunggo sa akin na babae. Kaya pareho kaming humingi ng pasensiya pero pagkatingin pa lang namin sa isa't isa, na-surpresa kaming pareho.
"Irish/Reed?" Parehong tawag namin sa pangalan namin.
***
DINALA NIYA ako sa resto nila at nakakapanibago dahil ang dami nitong pinagbago. Para na siyang resto bar dahil may kumakanta na talaga roon sa mini stage.
May nagpapatugtog ng violin, gitara, may nagda-drum din at bass depende sa musikang tutugtugin.
Namimilog ang mata kong nakatingin sa paligid nang dumating na si Irish na nakabihis pambahay. Kasi bahay rin nila ang na sa itaas. "Sorry to keep you waiting." Sabay lapag ng pagkain sa harapan ko. "Libre ko na 'yan."
"Eh? Hindi, babayaran ko 'yan." Kumuha ako ng wallet at binigay sa kanya ang isang libo. Tiningnan niya iyon 'tapos kinuha.
"Sabi mo, eh. Tatanggi ba ako?"
Ngumiti ako nang pilit bago ko simulan 'yung kakainin kong Beef with Young Corn. Ito ang isa sa specialty nila maliban sa sisig.
Kinuha ko ang kutsara para simulan kumain. Nang maipasok ko na sa bunganga ko, at dumikit ang sauce nung ulam ay napaungol ako sa sarap. "Ang sarap." Kumento ko nang ibaba ko ang tingin sa pagkain ko.
Ngumisi siya. "Luto ko 'yan." Turo niya sa sarili niya at tinaas-baba ang kilay. "Huwag kang ma in love, ha? Baka mamaya, imbes na kay Haley. Mapunta pa sa akin puso mo."
"Why are you bragging yourself? Of course, I won't." Ngiting pag-iling ko. At muling sumuno ng pagkain. "Pero bakit nga pala na sa E.U ka kanina?" Tanong ko. "Nag enroll?" Dagdag ko.
Umupo siya sa tabi ko. "Hindi, may practice sa dance troupe. At matagal na akong enrolled." Sagot niya at kinuha ang tinidor ko para kumuha sa pagkain ko.
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Bakit ka nanghihingi ng pagkain sa customer mo?"
Sinubo niya ang ulam. "Tinatamad akong pumasok sa loob, eh." Pagkibit-balikat niya habang ngumunguya-nguya. Unbelievable.
"Hulaan ko," Panimula niya kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakasalong baba siya na nakangiti nang mapang-asar sa akin. "Hindi ka pa rin umaamin kay Haley, ano?" Hula niya kaya bigla akong nakaramdam ng hiya.
Tinalikuran niya ako at nag gesture. "Hindi talaga kita maintindihan bakit napakatagal mong umamin. Ganyan ba kahirap magsabi ng mahal kita sa taong nagugustuha mo?"
Para akong nabaril sa dibdib dahil sa sinabi niya kaya pabagsak akong napayuko. Masakit.
Sinimangutan ko siya. "Nakakapagsabi ka niyan kasi hindi ka naman in love."
"Sino may sabing hindi?" Pagtaas-kilay niya noong makalingon sa akin,
"Kung in love ka, bakit single ka?" Tanong ko sa kanya at nagtakip ng bibig nang may ma-realize ako. "Oh, sorry. Siguro kasi rejected ka." Pa-simple kong pang-aasar. "Kawawa ka naman." Dagdag ko kaya malakas niyang inapakan ang paa ko na siyang nagpakagat sa labi ko.
Malakas kong naipatong ang noo ko sa edge ng lamesa para hawakan ang paa ko. Ginamit niya 'yung mismong apakan ng paa niya kaya ang sakit.
"H-hindi ba pwedeng hindi ko lang siya pinayagan pang manligaw kaya single pa rin ako?" Tanong niya sa akin.
"In love ka sa kanya pero hindi mo pa pinapayagang manligaw? Ang labo mo naman."
Humarap siyang muli sa akin na may seryoso sa kanyang mukha. "Hindi naman ibig sabihin na gusto ko 'yung tao, magpapaligaw ako." Pumaharap siya ng tingin. "Kailangan ko pa ring siguraduhin kung talaga bang totoo 'yung nararamdaman ko sa kanya bago ako pumayag sa panliligaw na gagawin niya sa akin. Kasi kung hindi, baka ako lang din ang magsisi."
Tumitig ako sa kanya. Kasi hindi mali 'yung sinabi niya.
But something's off. "Edi hindi ka in love sa kanya."
Napatingin siya sa akin. Puno ng pagkagulo ang mukha't parang hinihintay na may sasabihin ako. "Kung mahal mo 'yung tao, tingin ko hindi ka naman makakaramdam ng pagdududa. Baka may bagay lang sa kanya na nagpasaya sa'yo na wala sa iba kaya akala mo in love ka sa kanya." Opinyon ko at at bumalik sa kinakain ko. "Pero ikaw naman ang makakaalam niyan." Dugtong ko habang wala lang siyang imik at nakatitig lang sa kung saan.
"Lumayo tayo sa totoong topic." Biglang sabi ni Irish. "So bakit nga kasi ang torpe mo?" Tanong niya na nagpasamid sa akin.
Kinuha ni Irish iyong pitsel sa tabi at inabot sa akin kasama ang baso. Nagsalin kaagad ako ng tubig 'tapos nilagok. Pero muli nanaman akong nasamid, labas sa ilong ang tubig kaya tawag tawa si Irish.
"Sayang! Walang video!" Tuwang tuwa niyang kumento habang halos mamatay matay na ako kakaubo. Baliw 'tong babaeng 'to! Imbes na hagurin likod ko, eh.
"Pero seryoso," She paused. Ubo pa rin ako nang ubo pero tiningnan ko siya. "Walang nakakaalam sa nararamdaman ng isang tao maliban sa sarili nila, kung patatagalin mo pa 'yang pagtago ng nararamdaman mo" Tumayo siya. "Uulitin ko, pero magsisisi ka. You need to find out from her personally."
Umupo ako nang maayos noong mahimasmasan ako. Wala rin akong sinasabi na kahit na ano pagkatapos na sabihin iyon ni Irish dahil dali-dali rin siyang pumunta sa mini stage nila para kumanta.
Napatingala na lang ako. "Kung madali lang talaga umamin, matagal ko ng ginawa…"
*****