Chapter 13: Inarticulate
Haley's Point of View
Pare-pareho kaming mga sumandal sa pader dito sa likod lamang ng building namin matapos naming makapag distribute ng posters. "Sawakas! Natapos din!" Tila parang pagod na pagod kung sabihin iyon ni Jasper nang pabagsak siyang makaupo sa sahig katabi ko. "Haley, pahiga ako--" Ibabagsak pa lang ni Jasper 'yung ulo niya sa kandungan kong naka indian seat ay iniiwas ko na kaya sa sahig tumama 'yung ulo niya na dali-dali ko namang hinawakan para mabilis na I-check ang ulo niya. "Gag*!" Mura ko dahil sa pagkanerbyos.
Pinunasan ni Rose ang pawis niya sa noo at binigyan kami ng malapad na ngiti at thumbs up. "The best kayo! Ubos lahat!"
"Magpa-Pizza ka kapagka nanalo ka, ah?" Hagikhik ni Jasper noong makaupo nang maayos. "O kaya karaoke." Nagpameywang siya at nagtaas-noo. "Nami-miss kong kumanta."
Pareho kaming napatingin ni Reed kay Jasper. May naalala lang kaming bagay na baka ikasisisi namin kapag hinayaan namin siya. "Hindi pa kita naririnig kumanta, Jasper. Sample nga isa."
Sabay naming ibinaling ni Reed ang tingin kay Rose at mabilis na umiling upang senyasan siya. Kaso hindi niya kami pinapansin.
Nagpogi sign si Jasper. "Gusto ko pero mas maganda kung sa karaokehan mo 'ko maririnig para rinig na rinig mo mula sa speaker."
"Kailan 'yung huli kang kumanta?" Kinakabahan kong tanong kaya lumingon siya sa akin at matamis na ngumiti.
"Matagal na. Siguro buwan na rin." Sagot ni Jasper na nagpakaba sa akin. Kinuha ko 'yung phone ko para I-message si Harvey.
To: Harvey the Impakto
Harvey. Pahiram earplugs mo. Thanks.
And sent!
Pumunta si Reed sa harapan niya para ipatong ang dalawang kamay sa magkabilaan niyang balikat.
"Huwag na tayo magkaraoke. Sumubok tayo ng iba."
"Pero gusto kong kumanta, p're." Nguso ni Jasper kaya tumawa naman si Jin.
Nagpameywang si Jin at inayos ang pagkakasabit ng strap nung guitar bag niya. "Bakit naman hindi?" Takang sabi ni Jin dahilan para bigyan siya ng walang ganang tingin Reed.
"Huwag ka na magtanong, p're. Wala kang alam baka mamaya ito na 'yung kahuli-hulihang araw mo sa mundo." Sambit ni Reed kaya pumunta nanaman sa sulok itong si Jasper para magmukmok.
"Kumuha nga ako ng coach para sa pagkanta ko, ni hindi n'yo pa nga ako naririnig ulit kumanta ganyan na kayo." Pagtatampo ni Jasper kaya ngumiti ako nang pilit samantalang tinapik lang siya ni Rose sa likod niya.
"Kadamay mo 'ko kaibigan." Pagpikit ni Rose kaya inangat ni Jasper ang ulo niya para bigyan ng puppy eyes si Rose.
"Prez!"
At nandoon nanaman 'yung dramatic act scenario; hinawakan nilang pareho ang kamay ng isa't isa na may pagkinang na pagtitig pang kasama kaya wala akong nagawa kundi ang picture-an sila sa phone ko.
"Send ko kay Mirriam." Biro ko pero hinahanap ko talaga 'yung pangalan ni Mirriam sa contacts ko sa messenger para makumusta na rin-- pero nag reply na rin pala si Harvey. Pero pang-aasar niya 'yung nakikita ko sa screen kaya napa-bored look ako.
"Oy!" Reaksiyon ni Jasper.
"Anong oras na pala?" Tanong ni Reed na nakasandal sa pader at nakatayo katabi ko.
Tiningnan ni Claire 'yung wrist watch niya. "Mag 12 na." Sagot ni Claire at inilipat ang tingin sa amin. "Dito lang ba kayo? Mauuna na muna ako."
"Mauuna ka na? Ayaw mo bang sumabay na lang sa aming kumai-- Ah, oo nga pala. Kasama mo si Coach Kenji. Sige, date well." Pang-aasar ni Jin na may malokong pagngiti sa labi dahilan para mapasimangot si Claire at mamula ang pisngi. Eh… Luma-love life pala. Hindi naman sa naiinggit ako pero ano kaya pakiramdam ng ganyan?
Bumuntong-hininga si Claire. "Stop it. Kakain kami kasama 'yung dalawa niyang kaibigan, saka magpa-plano kami kung ano pa 'yung magandang strategy." Kinuha ni Claire ang gamit niya. "Oh, siya mauuna na ako. Bukas ulit." Paalam niya sa amin kaya kumaway kami.
Wala na raw kasi siyang pasok. Actually sila ni Jasper, kaya makiki seat in daw ang mokong mamaya sa last subject namin sa hapon.
"Gusto n'yo bang bumili ng pagkain 'tapos tumambay sa pinagtatambayan namin nila Harbe dati?" Aya ni Jasper at tukoy niya sa tambayan namin.
Taas-kilay ko siyang tiningnan. "Hindi pa 'yon nalilinisan. Baka marumi ro'n ngayon."
Nagpamulsa si Jin. "Wala namang problema kung maglilinis kami. Tutal, dalawang oras pa 'yung lunch time natin."
Tumango si Rose. "Saka gusto ko rin makita 'yung lugar kung saan kayo madalas tumambay." Tukoy niya sa aming anim.
Ngumiti ako. "Sabagay." Pagsang-ayon ko saka pasimpleng napahawak sa dibdib. Ilang buwan na rin pala akong hindi nakakapasok sa tambayan namin na 'yon. May pakiramdam ako na kapag pumasok ako ro'n ngayon, magiging sentimental nanaman ako.
"Puwede bang… sa ibang araw na lang tayo pumunta ro'n?" Tanong ni Reed kaya pareho kaming napatingin sa kanya. Nakababa ang tingin ng mata niya at hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha.
Tumayo naman ako para humarap sa kanya. "Bakit? Saan mo ba gustong pumunta?"
Pumaabante nang kaunti si Jin. "Ano ba problema mo, 'tol? Bakit ang dami mong kontra? Imbes na maging masaya, pinapatay mo, eh."
Naka-sense na ako ng hindi maganda kaya napatingin ulit ako kay Reed na biglang iniangat ang ulo para makita si Jin. Ang sama sama ng tingin niya rito.
"Kung ayaw mong sumama, edi kami na lang. Hindi 'yung dinadamay mo pa 'yung iba." Dugtong pa ni Jin na pwedeng maging dahilan ng away.
Humarap sa kanya si Reed ng hindi inaalis ang masamang titig dito. "Ano'ng sinabi mo?"
Ngumisi si Jin. "O baka naman kaya ka ganyan kasi nandito ako?" Panimula ni Jin at umismid. "Am I a threat to you?" Pang-aasar nito dahilan para magsalubong pa lalo ang kilay ni Reed.
"Ayoko ng may pupunta sa lugar na iyon dahil para lang 'yon sa 'min."
Kunot-noo kong ibinaling ang tingin kay Reed. "Reed." Pasita kong tawag sa kanya kaya inis niya akong nilingunan.
"Para sa 'tin lang 'yon, eh! Bakit n'yo hahayaan na may makapasok na iba?" Iritableng tanong ni Reed na hindi ko rin nagustuhan kaya mas nagsalubong ang kilay ko.
"Hindi ko maintindihan. Ano mayro'n kung may ibang makapasok do'n? Kaysa naman 'yung tayong tatlo lang ang gagamit no'n?" Malumanay kong tanong dahil sinusubukan ko ring kumalma habang nakikipag-usap sa kanya.
"T*ngina. Bahala na kayo diyan." At nag walk out siya pagkatapos. Hahabulin ko pa sana siya pero hindi ko na ginawa. Humarap lang ako kay Rose para humingi nang pasensiya pero seryoso lang ang tingin niya sa papalayong si Reed. Ngumiti rin siya pagkatapos sa akin.
"Aaminin ko, mao-offend talaga ako sa kanya kung hindi ko siya naiintindihan." Pag-unawa ni Rose. "Kaya hindi mo kailangang mag sorry. Hayaan mong siya ang mag sorry sa akin. At isa pa, stress lang siguro 'yung lalaking iyon, alam naman nating wala rin halos tulog 'yon dahil sa mga gawain niya sa E.U dahil karamihan ay siya na rin talaga ang gumagawa."
Tumungo ako nang kaunti. "Ah... mmh." Pagtango ko.
Hindi ko na napansin na nakatitig na si Jin sa akin pero inalis din niya pagkatapos.
Nagpasya pa rin kaming maglinis ng tambayan bago kami kumain dahil iyon ang napagkasunduan. May mga nilabas din kaming gamit na hindi na nagagamit, may mga litrato rin kaming naitabi na hindi ko inaasahan na nakatago.
Nangangalikot si Jasper sa cabinet nang may ilabas siya roon at humalakhak kaya napatingin ako sa kanya't tinigil muna ang pagpupunas sa bintana na puno ng alikabok. "Bakit?" Curious kong tanong saka niya ako nilingunan para ipakita sa akin 'yung nakuha niya.
Natawa na rin ako para lapitan siya. "Nakatago pa rin pala 'yan? Akala ko tinapon mo." Iyon 'yung letter banner na ginamit niya noong liligawan sana niya si Kei.
Kumamot ako sa pisngi ko gamit ang aking tip ng hintuturo kong daliri. "Bigla akong nakonsensiya."
Muling natawa si Jasper at tiningnan ang hawak niyang letter banner. "Matagal naman na 'yon. At isa pa, maganda na rin na magkaibigan kami. Ngayon kasi, hindi ko ma-imagine sarili ko kung hindi si Mirriam, eh."
Hindi muna ako umimik at labas sa ilong lamang na napangiti. Kapag hindi nag work sa una, may BEST na darating para sa'yo. Naniniwala rin ako sa ganoon, pero hindi ko ipagkakaila na marami pa rin akong tanong sa sarili ko na hanggang ngayon, 'di pa rin masagot sagot.
Tumayo ako nang maayos kasabay ang paglapit nila Rose at Jin sa amin para tingnan 'yung hawak ni Jasper. "Ano iyan? Ano iyan?" Naku-curious na tanong ni Rose at inayos ang suot na salamin saka ikinuwento ni Jasper 'yung history ng letter banner na siyang nagpatawa sa kanila.
Niloloko pa nga siya ni Rose pero makikita mo ang pagka nerbyos noong bigyan siya ng madilim na aura ni Jin. "Huwag mong sabihin na hanggang ngayon gusto mo pa rin si Kei. Ano si Mirriam? Panakip butas?" Pinatunog ni Jin ang kanyang mga daliri kaya tumayo na nga si Jasper.
"Hindi po, Master. Mahal na mahal ko po 'yung kapatid mo. Kahit patayin mo pa'ko ngayon."
Mabilis namang nag-iba ang ekspresiyon ni Jin at napalitan ng masiglang ngiti. "Iyan ang gusto ko, tapat at totoo." Pagtapik tapik niya sa braso ni Jasper.
Nginitian ko na lang sila saka napatingin sa kung saan. Kakausapin ko mamaya si Reed nang malaman ko kung ano talaga 'yung problema niya.
******