Chapter 18: Adi Cloy
Haley's Point of View
Ibinaba ko't inilagay ang gamit ko sa single sofa nang makarating kami sa bahay ni Claire. Hindi na dapat ako magtaka o magulat pero grabe, mansiyon din pala itong tinitirhan nila tulad nung kila Jasper.
Wala ba sa mga estudyante sa E.U 'yung may simpleng bahay lang?
Hindi naman sa nagrereklamo ako pero nauumay na ako makakita ng mga malalaking mansiyon dahil kung saan saan ka rin talaga lumilingon para tumingin-tingin. Gusto ko namang maranasan matulog sa masikip na lugar.
At oo, magse-sleepover kami rito sa mansiyon nila dahil gagawin namin 'yung project 'tapos uuwi na lang kami kinabukasan nang maaga para makapaghandang pumasok. Tutal 9AM pa naman ang pasok namin bukas. May oras pa para magpalit.
"Hindi pa kayo kumakain ng umagahan n'yo, 'di ba? Nagluluto na si yaya, kaya upo muna kayo. Aayusin ko lang 'yong gagamitin nating kwarto." si Claire.
Ibinaba rin ni Rose ang bag niya kung saan din nakababa ang mga gamit ko 'tapos ngumisi. "Ang exciting naman, puro tayo girls sa iisang kwarto."
"Seryoso, babae ka ba talaga?" Walang gana kong tanong pero inilapit lang niya ang katawan niya sa akin saka niya hinawakan ang kanang pisngi ko.
"Depende sa kung ano ang gusto mong isipin." Aniya. Naka curl ang labi niya kaya ako naman itong iniurong ang ulo palayo sa kanya.
Tumikhim si Jin na nasa likuran ko kaya bored na napatingin si Rose. "Oops. May lalaki nga pala." Umikot siyang lumayo sa akin 'tapos tinuro si Jin.
"How 'bout him?" Tanong ni Rose.
"Mayroon siyang own room. No worries--" Biglang lumingon si Claire kay Jin. "Pero alam kong wala kang gagawin na kahit na ano, privacy lang." She said, feeling sorry.
Tumawa naman si Jin. "Ikaw naman, manager. Alam ko iyon, 'no?" Pagngiti nito.
"Bakit nga ulit manager tawag mo sa kanya?" Takang sabi ni Rose na sinagot ni Jin. "Pakitaan mo nga kami mag basketball, Claire."
Sumimangot si Claire. "Nandito tayo para gumawa ng project-- Oh, Jun Jun! You're here!" Pare-pareho kaming lumingon sa gawi kung saan nakatingin si Claire pero kinilabutan ako nang makita ko ang napakalaking aso samantalang nagsimula namang humalakhak si Rose.
"Pfft! Jun Jun?! Bakit Jun Jun? Hindi bagay! Ang laki laki niyang aso!" Tanong ni Rose habang 'di pa rin tumitigil sa kanyang pagtawa.
Nakalapit na ang malaking aso na iyon kay Claire. "Hindi naman ako nagpangalan, 'yung kapatid ko."
Ipinatong ni Rose ang baba (chin) niya sa pa-pogi sign niyang daliri. "I like your brother. May sense of humour."
"Babae siya." Sagot ni Claire.
Pumitik sa ere si Rose. "Much better." Pagtango ni Rose at biglang napaatras. "Pero seryoso, ang laki nung aso. Iyan ba 'yung tinatawag nilang English Mastiff?!" Gulat na tanong ni Rose na tinanguan ni Claire.
Pumaabante ng isang hakbang si Jin. "Nandito ba si Adi?" Hanap niya sa partikular na tao, malamang kapatid ni Claire na nasabi niya. Habang nag-uusap sila ay pa-simple akong umaatras para mag exit. Lalabas muna ako.
Umiling naman si Claire habang pina-pat sa ulo ang kanyang asong si JunJun. "May klase-- JunJun!" Tawag ni Claire nang biglang kumawala sa kanya at tumakbo papunta sa… akin?
Mas tumaas ang balahibo ko lalo pa noong pa-sway sway ang dila niya sa ere habang tumatakbo papunta sa akin. "T-Tulooooooooong!" Sigaw ko at kumaripas nang takbo para lumayo sa aso niya na hinahabol na ako ngayon.
"Haley! Huwag kang tumakbo!" Sigaw ni Claire habang papalayo na ako sa kanila.
Mabilis na talaga 'yung pagtakbo ko pero malapit na siyang makalapit sa akin!
Ni hindi ko na nga napansin na nakarating na ako sa malawak nilang hallway at may itim na carpet pa!
Sa kakatakbo ko, nadulas ako't nag dive papunta sa harap. Geez!
Pero mabilis ding napaluhod at lumingon para makita si JunJun dahil balak ko pa sanang tumakas pero huli na ang lahat noong tumalon na siya papunta sa akin at pinatungan ako para dila-dilaan. Ang bigat!
Naiiyak ako. "Tulong… Tulong--" Dahan-dahan at may diin kung dilaan ako ng asong si JunJun. "Chummy… I'm sorry."
(Chummy's Side: Nasa ibabaw malapit sa bintana habang nililinisan ang kanyang puwetan. Umangat ang tingin niya para tingnan ang labas ng bintana nang ipagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. "Meow.")
Nakarinig ako ng mga yabag ng paa, may dumating kaya naluluha kong itiningala ang ulo ko para makita ang taong iyon. "Claire, alisin mo na 'tong aso m--" Napatigil ako dahil pagkakita ko pa lang sa mukha niya na ngayo'y nakatingin lang din sa akin ng diretsyo, bigla akong nanibago. Iba 'yung suot niya ngayon sa suot niya kanina bago ako makatakbo papunta rito. Nag-iba rin ang style nung buhok niya.
"Hindi naman ako nagpangalan, 'yung kapatid ko." Naalala kong sabi ni Claire kanina.
Tinitigan ko pa 'yung taong ito sandali, at 'yung takot na nararamdaman ko ay tila parang nawala. "You're not Claire." Wika ko kaya namilog ang mata niya at mabilis na lumuhod para ilapit ang mukha niya sa akin. Naduduling ako.
"Wow! You can tell?!" Hindi niya makapaniwalang tanong. "And wow, amoy laway ka na ng aso." Pag ngiti niya ng hindi lumalayo sa akin.
Binigyan ko siya ng walang ganang tingin. "Will you please get your dog's ass out of me?" Suminghot ako. "I'm scared." Pag-amin ko.
***
TUMAYO NA kaming dalawa at sa ngayon ay na sa tabi na ng babaeng na sa harapan ko si JunJun. Nakatingin pa rin 'yung asong iyon sa akin na parang gusto akong lapain kaya umatras pa ako palayo.
Humagikhik ang taong na sa harapan ko bago niya ipakilala ang kanyang sarili. "I'm Adi. Kaibigan ka siguro ni Marie?" Tukoy niya sa kambal niyang si Claire dahil may Marie rin sa pangalan niya tulad n Rose.
Tumango ako bilang sagot. "Blockmates din kami." Sagot ko naman. "Nasabi ni Claire na may klase ka, kaya 'di ko rin inaasahan na makikita kita rito."
"Sabi talaga niya?" Hindi makapaniwalang tanong at bumungisngis. "Oo, mayroon. Pero hindi na ako pumasok kasi wala naman daw'ng prof. At sa hapon pa ulit ang klase ko pagkatapos ng first class. Nagpa-attendance na lang ako sa kaklase ko." Ngiti niyang tugon. "Pero curious ako. Paano mo nalaman na hindi ako si Marie? Alam mo ba na ikaw pa lang nakahula kung sino ako sa isa't sandaling tinginan lang?" Mangha niyang reaksiyon.
Pilit akong natawa. "A-Ah. Ganoon?" Nasabi ko na lang.
Ang daming nalalabas na salita itong si Adi kaysa kay Claire. Kung si Claire, mas madalas pang tumango o umiling kaysa ang ibuka ang bibig, eh.
"May kambal ka, ano?" Tanong niya na nagpabilog sa mata ko. "Ewan ko kung totoo pero ang sabi kasi, mas nalalaman ng tao ang pinagkaiba ng kambal kung mayroon din silang kambal na kapatid o anak."
Pagkasabi pa lang niya niyon, naalala ko bigla si Lara. Kaya ang nakaawang kong bibig ay dahan-dahan ko ring itinikum para palitan ng ngiti.
Masigla akong ngumiti at tumango. "Mmh! Mayroon!" Sagot ko.
"Ang galing, totoo nga!" Ipinagdikit niya ang mga palad niya. "Gusto ko rin siyang makita. Nasaan siya?" Hanap niya kay Lara kaya humagikhik ako.
"Wala siya rito, eh. Na sa malayong lugar." Sagot ko na lamang. Alangan namang sabihin ko sa kanya na wala siya rito dahil nakikipagpatayan.
Para naman siyang nanghinayang dahil sa ginawa niyang mukha. "Sayang naman-- Oops!" Lalapitan pa kasi ako ulit ni JunJun, buti na lang hinawakan siya ni Adi.
Dumating naman si Claire at tinawag ako kaya pareho kaming napalingon ni Adi. "Ah, Claire. Babalik na rin sana ako, nakipag-usap lang ako nang kaunti kay Adi." Tukoy ko sa kambal niya.
Nakarating na siya sa harapan ko noong panandalian niyang binigyan ng tingin ang kambal niya. At sa paraan ng pagtingin niya sa kanyang sarili kapatid, tila parang may kaunting sama ng loob ang namuo roon.
"I see." Simpleng sabi niya. "Tara na, luto na raw 'yung umagahan." Aya niya bago siya tumalikod sa amin para mauna.
Nakasunod lang ang tingin ko bago ako sumunod. Nakatitig lang ako sa likuran ni Claire bago ko lingunin si Adi.
Nanatili pa rin 'yung ngiti sa labi niya habang hindi inaalis ang tingin sa amin. Bumaling na nga lang ako sa harapan bago ako tumungo. Hindi ko na tinanong si Claire.
***
"Mmh ~ ! Nakakapangtaaas balahibo 'yung lasa." Pag-ungol ni Rose dahilan para mapahawak ako sa noo.
Kei, hinawaan mo ba si Rose?
"Na sa ibang bahay tayo huwag kang umungol ungol diyan." Suway ko sa kanya dahil tabi ko lang naman siya.
Sumubo muna siya bago niya ako tingnan. "I'm not moaning though." Kumuha siya ng ulam niya at sinubo iyon. 'Tapos napahawak sa kanyang kanang pisngi kasabay nanaman ang kanyang pag ungol kaya hinampas ko ang kandungan niya.
"How do we start the project pala?" Tanong ko. "Hindi ako magaling sa kahit na anong writing-- but maybe I can help."
Tinaas ni Claire ang kanan niyang kamay. "Mayroon na actually akong theme. Na sa laptop ko naka draft, we can check it out after eating."
"Babasahin ko mamaya para magkaroon din ako ng idea sa gagawin kong melody." Ngiting sabi ni Jin at tiningnan ako na mabilis ko rin namang iniiwas.
"Pero need ko ng proofread, hindi rin ako sure kung sang-ayon kayo sa gagawin nating short MV."
Ibinaba ko ang iniinum ko. "You can leave that to Rose. Hindi man halata pero magaling siya sa pagpili ng themes."
"You really trust me that much?" Pagtaas-babang kilay ni Rose dahilan para tumingin ako sa kabilang gawi upang iwasang makita ang kanyang mukha.
"Shut it."
"Pero 'di ba ngayon din 'yung meeting n'yong mga candidates sa CSSG? Okay lang ba na nandito ka?" Nag-aalalang tanong ni Jin.
Pinunasan ni Rose ang bibig niya ng napkin tissue. "Hindi naman ako pupunta rito kung hindi okay. Saka naka record naman ang meeting na 'yon, pwede akong kumuha ng file sa ICT bukas para mapanood sa free time."
"Hmm, hindi ba nakakapagod 'yung ginagawa mo?" Tanong ni Claire na may kuryosidad sa kanyang boses. Nakababa lang din 'yung tingin niya habang kumakain.
"Hindi naman. Medyo masaya siya sa parte ko,"
Paano naging masaya mag-aral at gumawa ng kung anu-ano sa skwelahan?
"Saka masaya dahil wala akong ka-compete ngayon sa klase." ani Rose na nagpatakip sa akin sa bibig dahil bigla akong napangiti. Naalala ko kasi nung graduation. Noong nalaman ni Rose na hindi na mag-aaral si Harvey sa E.U.
Iba 'yung tuwa niya at nagtatatalon na parang nanalo sa lotto.
Flashback:
"Ha? Totoo ba 'yung narinig ko?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Rose kay Harvey na may pagkinang pa ang mata. Pauwi na kasi kami niyon at katatapos lang ng farewell ceremony.
Umurong ang ulo ni Harvey. "Bakit parang tuwang-tuwa ka?" Kunot-noong tanong nito.
Pinitik ni Rose ang hibla ng buhok niyang naka-curl. "Hello? Sinong 'di matutuwa kung masosolo ko na ang bawat tagumpay sa E.U? Tama, umalis ka na para matuwa naman ako."
Nakita namin ang paglabas ng ugat sa sintido ni Harvey na parang naiinis sa sinabi ni Rose kaya pare-pareho kaming mga natawa.
End of Flashback:
"Mali, sa totoo lang si Miles pala."
Bigla akong napatingin kay Rose dahil sa biglaang pag-iba ng boses niya. Nakatungo siya at blankong nakatingin sa mga pagkain niya noong dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Kinilabutan ako dahil iba 'yung paraan nung mga tingin niya. "Halos makalimutan kong palagi kang na sa top list. Pero alam kong hindi mo lang sine-seryoso." Tumayo siya na may kasamang paghampas sa lamesa kaya umangat ang mga balikat ko sa gulat lalo pa noong ilapit nanaman niya 'yung mukha niya sa akin. "Pasayahin mo college life ko, Miles." Sinasabi talaga niya 'yan na may mukha ng mamamatay tao.
"Study freak." Kumento ni Claire.
Napatingin sa kanya si Jin. "But Kenji also told me you're also an honor student in your 3rd year. If I'm not mistaken, you want your sister to acknowle--" Sumagot kaagad si Claire bago pa man matapos ni Jin 'yung sinasabi niya.
"Unfortunately, I have a poor memory for inconvenient facts." At mabilis niyang sinubo ang pagkain niya. Kumurap-kurap lang ako bago ako mapatingin sa kung saan.
*****