Chereads / Platonic Hearts / Chapter 24 - Come Into Contact with a Deviant

Chapter 24 - Come Into Contact with a Deviant

Chapter 24: Come Into Contact with a Deviant

Haley's Point of View 

  "Gusto mong maki-sleepover? Wala namang problema, pero bakit? Lumalayas ka na sa inyo?" Tanong ni Claire na ngayo'y katabi ko sa klase. Wala pa 'yung professor namin at hinihintay pa namin. Pero kapag na-late siya ng 30 minutes, automatic na wala siya't pwede na kaming umalis. Kinakailangan lang naming isulat ang mga pangalan namin bilang attendance. 

  Sinimangutan ko siya. "Of course, not." 

  "Ah, so may problema ka?" Tanong naman niya na nagpaurong sa ulo ko.

  "Makikitulog lang ako sa inyo pero hindi ibig sabihin mayroon akong problema." 

  "May bahay naman kayo bakit hindi ka sa bahay n'yo matulog kung wala ka pa lang problema?" 

 

  Isinandal ko na nga ang likuran ko sa upuan. "You have a point but at the same time, that's not actually the point." 

  "Eh, bakit nga gusto mong mag sleepover?" Tanong niya at itinabingi ang kanyang ulo habang nakamarka pa sa kanyang mukha ang pagtataka dahilan para may pumitik sa sintido ko.

  "Akala ko ba walang problema na maki-sleepover sa inyo?" Tanong ko saka dumating 'yung isang maingay. 

  "May naririnig akong sleepover. Kailan 'yan?" Interesadong tanong ni Rose na kulang na lang ay kuminang ang mga mata sa pagkasabik sa isasagot namin. 

Pumikit si Claire at humalukipkip. "Dahil nagtanong ka, hindi na tuloy 'yung sleepover namin." 

  Pareho kaming napatingin kay Claire. "Luh!" Reaksiyon naming pareho ni Rose. 

Tinuro ni Rose ang sarili niya gamit ang hintuturong daliri. "Ayaw n'yong subukan sa apartment? Hiwalay ako sa magulang ko kaya magagawa n'yo rin gusto n'yo." 

  Dumiretsyo ang tingin ni Claire samantalang umangat naman ang tingin ko kay Rose. "Pwede rin, kasi kung sa bahay, may mga tao ro'n."

  Bored kong tiningnan si Claire. "Edi mayroon nga talagang problema sa pagse-sleepover ko sa inyo." 

  Binigyan niya ako ng thumbs up. "Sa apartment naman tayo ni Rose makikitulog kaya wala ng problema." Sinabi talaga niya 'yan na may inosenteng mukha. 

 

  "Pero kailan n'yo ba gusto? Gawin na rin natin 'yung short MV sa pag sleepover natin." Wika ni Rose. 

  Tumango ako. "Balak ko kasi this Thursday-- bukas, tutal wala naman tayong pasok kinabukasan." Sagot ko saka inilapit ni Rose ang mukha niya sa akin. 

 

  Nandoon nanaman 'yung demonyo niyang ngiti sa labi niya. "Umiinum ka ba, Miles?" Tanong niya sa akin. 

  "Eh?" Tanging reaksiyon ko't umiwas ng tingin. "N-No." 

  Inilayo na niya 'yung mukha niya para tingnan si Claire. "How 'bout you, Claire?" Tanong ni Rose. 

  Tumango siya. "Occasionally. Pero kung tayo-tayo lang naman, I think pwede naman ako uminum basta kaunti lang." Sagot niya 'tapos nagsalubong ang kilay nang mapaisip siya. "Teka, don't tell me may balak ka?" 

  "Aba siyempre!" Sabay akbay ni Rose sa akin. "Nakikita mo ba 'tong babaeng 'to? May bumabagabag diyan." Turo niya sa akin kaya ako naman itong nahiya't inilayo ang sarili sa kanya. 

  "No!" Depensa kong sagot. 

  Binigyan ako nang walang ganang tingin ni Claire. "May problema ka pala, eh." Humawak siya sa baba (chin) niya. "Tama, itagay natin 'yan." 

  "Hindi ako broken!" Mariin kong pikit pagkasabi ko niyan. 

Bumuntong-hininga ako at tumingala noong maalala ko sila Mirriam at Kei. Hindi ko rin alam pero bigla ko lang sila na-miss. Kapag kasi sila ang kausap ko, hindi ako sumisigaw ng ganito. 

Kaya bago lang talaga 'to sa akin maliban siguro kung sila Reed ang pag-uusapan. Namamaos 'yung lalamunan ko sa kanila noon. 

  "She's smiling." 

  "Don't mind her. She's busy with her own world." 

  Rinig kong sabi nung dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin. 

*** 

  NAKAUPO AKO SA bench dito sa train station habang hinihintay ang dalawa na makarating.  Kunot-kunot ang noo na nakatingin sa screen habang binabasa ko pa rin 'yung tatlong word na nai-send ni Rose kanina sa ginawa naming group chat. 

  'otw' (On the way) 

  What's that supposed to mean? Alas otso ang call time at ngayon, mag a-alas nueve na't wala pa rin sila. Ni walang update kung nasaan na 'yung dalawa. Baka iyong on the way na sinasabi nila, tumatae pa pala sa banyo. Ta's iyong ligo nila, ilang balde pa bago sila matapos. 

  Iniharap ko ang tingin para makita ang mga pasahero sa tren na nagsisiksikan na. 

"Siksikan kaagad." Bulong ko at napatingin sa kanan ko nang dumating na si Claire. 

 

  "S-Sorry. Ngayon lang, ang traffic sa area namin." 

  Pinanliitan ko siya ng tingin. "Excuses." Hinala ko.

  Sinimangutan niya ako at kinuha ang hibla ng buhok niya para laru-laruin. Nilayo rin niya 'yung tingin habang namula nang kaunti ang mga pisng. "Well, h-hindi lang ako sanay na mag commute kaya muntik na ako maligaw." 

  "Okay ka pa bang mag-isa?" Nag-aalala kong tanong. 

  "Inaasar mo ba 'ko?" Marahan pero inis niyang tanong sa akin. 

  Napataas ang kilay ko. "Hey, I'm actually worried here." 

  "Hey ~!"

Tiningnan namin ni Claire 'yung maingay na bumabati sa amin. Naglalakad na siya palapit sa amin habang chillax lang na kumakain ng corndog. "Nandito na ang maganda--" 

  Mabilis ko siyang pasakal na inakbayan. "Ang lakas ng loob mong kumain pagkatapos mo 'kong paghintayin ng matagal?" At mas lalo kong binigyang pwersa ang pag-akbay ko sa kanya kaya tinatapik-tapik niya ang braso ko. 

 

  "T-Time out. Mabibilaukan ak--" At nabilaukan nga siya. Tumalsik pa 'yung kinakain niya. 

  Pareho kaming lumayo ni Claire sa kanya. "Yuck." Sabay naming sabi. 

  "And whose fault is that?" Sabay ngusong tingin sa akin. 

*** 

  NAKASAKAY NA kami sa tren, inaasahan ko na medyo mababawasan 'yung tao dahil maaga pa naman pero heto kami't nagsisiksikan 'tapos nagsama pa 'yung babae't lalaki. 

  Tumawa si Rose. "Ang ganda pala makipagsiksikan, ano? Tulakan kayo makapasok at makalabas." Tuwang tuwa na kumento ni Rose para inis ko siyang tingnan. 

  "Walang masaya rito, Rose. Nakatayo na tayo dahil ang tagal mo!" Paninisi ko  sa kanya na tinawanan lang niya. Luminga-linga na lang ako. "Akala ko every weekend lang 'yong matao. Hindi pala." 

  Napahawak si Claire sa mga balikat ko noong umandar na ang tren. 

  "Paalala sa mga mananakay: Maging magalang po tayo sa mga nakatatanda, buntis at may mga kapansanang pasahero. Maging kalmado sa oras ng pagkakaroon ng pagkaantala ng biyahe, pagkasira ng tren at maging sa mga sakuna at kalamidad…" rinig namin sa speaker na nasa itaas. 

  Nakatingin lang ako kay Claire habang nakaukit sa mukha ko ang pagtataka. "Hoy, okay ka lang?" Taas-kilay kong tanong. Nakayuko siya nang iangat niya nang kaunti ang ulo niya katapat ng dibdib ko, pero dahan-dahan din niya akong binigyan ng tingin. Don't tell me nasusuka siya?! 

  "Haley." Tawag niya sa akin saka seryoso na tiningnan ako. "Huwag kang magugulat, at kumalma ka lang sa sasabihin ko." Panimula niya na ikinakaba ko naman. 

  Naghihintay lang din si Rose sa sasabihin ni Claire. 

  Pumikit si Claire nang bigla rin niyang imulat. "Nakalimutan kong magsuot ng short." Bulong niya na sapat lang para marinig namin ni Rose. 

Pareho kaming mga nakatitig lang sa kanya hanggang sa ibaba ko ang tingin sa palda niya.

  Ibinalik ko ulit ang tingin kay Claire. "Huh?!" Malakas kong reaksiyon matapos mag sink in sa akin 'yung sinabi niya kaya tinakpan niya ang bibig ko samantalang napatingin naman sa gawi ko ang iba pang mga pasahero. May sanggol pa ngang umiyak bigla. 

  "Sabi kong kumalma ka-- Eek!" Mahinang tili ni Claire.

  "Oo nga, Miles. Nakasuot lang siya ng panty." Sambit ni Rose habang kinakapa ang ilalim ng skirt ni Claire dahilan para batukan namin siya ni Claire. 

  "Ano ba'ng ginagawa mong manyakol na babae ka?!" mahina kong bulyaw sa kanya. 

  Hawak-hawak lang niya ang ulo niya gamit ang isa niyang kamay. Iyong isa kasi ay hawak ang hawakan bilang suporta sa pagtayo niya. "Eh, kasi…" Nakangiti lang siya pero biglang sumeryoso noong tingnan niya 'yung lalaking na sa likuran ni Claire. 

Tiningnan ko iyong tinitingnan niya kaya pati ako ay napaseryoso na rin. 

  Kuha ko na. 

 

  Pumikit ako sandali. "I see." Sabi ko na lang kaya nagtaka si Claire. 

Magkatabi kasi kami ni Rose habang kaharap naman namin si Claire kaya hindi niya nakikita na mayroon na pa lang pasimpleng pumaparaan sa kanya sa likuran. 

  "Miles." Tawag ulit ni Rose at tiningnan ang kaliwa namin. Sa may bandang pinto ng tren. Mayroong isang estudyante na mukhang high school na hina-harass ng isang lalaki. Hindi siya pansin dahil sa mga humaharang na pasahero at na sa gilid talaga sila pero kung titingnan mo kung saan nakalugar ang kamay nung lalaki, malalaman mo. 

  Makikita rin sa babae ang panginginig niya sa takot, namumutla rin siya kaya umakyat kaagad 'yung dugo ko lalo pa noong pumasok sa utak ko si Mirriam. Sabi ko dati sa sarili ko, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na pumasok sa gulo lalo na kung hindi ko na kailangan pasukin 'yung issue ng ibang tao. Ayoko ng umiyak ulit si Mama sa harapan ko o mag-alala sa akin. Pero kung ganito ang makikita ko, hindi ako makapapayag. Ayokong mangyari sa ibang babae 'yung nangyari sa kaibigan ko,

  …ayoko. 

  "Ahhhhhhhhhhh!" Rinig kong sigaw ni Mirriam sa utak ko. 

  Kaya hindi ko napansin ay nanilim na ang paningin ko't balak na sanang sugurin 'yung lalaki kahit na siksikan pa kami sa loob ng tren pero hinawakan ako ni Claire sa pulso. "What are you planning?" Mainahong tanong ni Claire. Mukhang nakita niya 'yung nakikita namin ni Rose. 

  "Ano pa ba?" Tanong ko at inis siyang tiningnan. "Pupuntahan ko siy--" 

  "Calm down," Ibinalik niya ang tingin doon sa lalaking gumagawa ng sexual crime sa estudyante. "I've got a plan." 

*** 

  TUMIGIL ANG tren sa isang station kung saan mukhang bababa na yata 'yung estudyante. Nagmamadali siya pero sumunod sa kanya 'yung lalaki kaya pare-pareho kaming napatingin nila Claire at tumango para sumunod sa kanila. 

  Nakalagpas na rin kami sa beep card at tuloy-tuloy pa rin sa pagsunod 'yung lalaki sa estudyante gayun din kami sa kanila. 

Kung tutuusin, pwede na talagang huminga ng tulong 'yung estudyante pero siguro kung nandoon ka na sa state na hindi mo inaasahan, hindi mo rin malalaman kung saan ka pupunta para makahingi ng tulong. 

  Tiningnan ko si Rose. "Sigurado ka na ba talaga?" Tanong ko. 

  Tumingin siya sa akin gamit ang gilid ng kanyang mata bago lumingon sa akin na may pag curl pa ng labi. "Okay na okay sa akin, adventure." 

  Wala akong sinabi at ibinalik lang din ang tingin doon sa lalaki. 

Hindi ko pipigilan si Rose sa kung ano 'yung gusto niyang gawin pero sisiguraduhin ko rin na walang pwedeng mangyari sa kanya. 

  Kasi kung pipigilan ko siya, baka iyon pa ang mag push sa kanya na gumawa ng bagay na mas ikapapahamak pa niya. At kapag nangyari iyon, madadamay 'yung taong na sa paligid niya. 

  Humiwalay na si Rose sa amin ni Claire nang makarating kami sa Glass Bridge Passage. 

  Samantalang patakbo kaming naglakad palapit sa estudyanteng iyon. 

  Bago ko inabot ang balikat nung estudyante ay binigyan ko muna nang napakasamang tingin 'yung lalaking nakasunod. Tila parang nag slow motion nga nung madaanan ko siya. 

  Malapad ang ngisi nito kaya kumukulo ang dugo ko na gusto ko na siyang umbagan. Pinigilan ko lamang sa pamamagitan ng pagkagat ng ibaba kong labi. 

  Tumabi ako sa estudyante gayun din si Claire. "Uy! Buti nakita ka namin dito." Panimula ko. 

  Kumapit si Claire sa braso nung estudyante. "Sabay na tayo nang masamahan mo na kaming makabili ng uniform." Napatingin kaagad sa amin ang estudyanteng iyon na nangingilid ang luha. Naguguluhan siya noong una pero mukhang nakuha rin niya 'yung ibig naming sabihin kaya tumango siya ng mabilis habang 'yung lalaki namang nakasunod kanina ay bumabagal ang paglalakad. 

  Habang si Rose naman ay nagsisimula na ring lumapit sa lalaking iyon. Nakaalis ang mga salamin niya at sakto nga ring naka light make up siya't maganda ang get up kaya madali na lang niyang makukuha ang lalaki. 

Pasimple akong nakatingin sa dalawa nang ibalik ko ang tingin sa nakayukong estudyante. "Let's go." Nagsimula na kaming naglakad palayo. 

  Sinilip ko sila Rose. Kinakausap niya 'yung lalaki na parang natural lang ang lahat nang kumapit siya sa braso nito para makaalis sila. Magkaiba kami ng daan. 

  Tiningnan ko 'yung DOGO Hotel na nasa kanang bahagi lang namin. Doon dadalhin ni Rose 'yung lalaki. 

  Nagsisimula ng maiyak 'yung babae kaya ibinalik ko ang tingin sa kanya. "S-Salamat. Salamat po." Humihikbi nitong sabi nang bigla siyang huminto bago pa man kami makapasok sa mall na didiretsuhan namin. Nakatigil lang din kami ni Claire at parehong nakababa ang tingin sa kanya noong magkatinginan kami. 

*****