Chapter 22: Adi & Claire
Claire's Point of View
Sa hapag kainan ay sabay kaming kumakain ng nakatatanda kong kapatid.
Tahimik lang kaming pareho at tunog lamang ng kutsara't tinidor na tumatama sa plato ang maririnig sa lugar.
Na sa gilid lamang ang kasamabahay namin at hinihintay kaming matapos, ganoon palagi kaya minsan nawawalan ako ng gana. Sino bang magiging kumportable kung may tao sa gilid at naghihintay na matapos ka? Hindi ba't parang nakaka pressure 'yung ganoon?
Iniurong ko ang upuan nang makatayo ako. "Thank you for the food." Aalis na ako pero bigla akong tinawag ng kapatid ko.
"Kumusta na 'yung study mo? Mukhang bumabalik ka sa dati, ah?" Ngiting sabi ni Adi na siya namang nagpalingon sa akin nang kaunti para tingnan siya.
"Kung kailan tapos na akong kumain, saka mo 'ko tatanungin."
Humagikhik siya. "Oo nga naman, my bad."
I clicked my tongue in an annoyed way at tahimik na umalis para bumalik sa kwarto ko.
Binuksan ko ang pinto ko't isinara bago dumiretsyo sa swindle chair para ituloy ang kanina kong ginagawa. Kinuha ang ballpen at inilagay ang headphone sa aking ulo para makinig ng tugtog mula sa aking IPod.
Magkasundo kami ng kambal ko,
Magka edad lang kami pero sobra ko siyang tinitingalaan dahil sa dami niyang kayang gawin. We're together all the time, walang times na magkakahiwalay kami.
Lahat ng mga ginagawa niya, sobra pa sa sobra kung suportahan ko siya.
And I thought that there's no way I will hate her.
Pero nagbago iyon noong madalas akong ikumpara ng mga magulang ko sa sarili kong kambal.
Flashback:
"Mom! Dad! Look at my scores!" Sabik at dali-dali kong ipinakita sa mga magulang ko ang resulta ng test score exams ko dahil mataas din ang aking nakuha.
Kinuha naman ni Dad ang test paper saka nila tiningnan iyon.
Inaasahan kong matutuwa sila pero wala akong nakita na kahit na ano sa mga mukha nila. Walang nakaukit na saya sa mga labi nila, ang mga mata nila ay napaka blanko.
"90/100?" Banggit ni Dad nang hindi inaalis ang tingin sa test paper ko. "Bakit 'di perfect?" Dugtong niya dahilan para maguluhan ako. Naglalaho na rin 'yung ngiti sa labi ko.
"Your twin got a perfect score, bakit ikaw hindi mo magawa?" Tanong niya na nagpatulala sa akin. Bata pa 'ko niyon kaya masyadong tagos 'yon sa akin.
I did what I can, ginawa ko 'yong gusto nila kahit hirap din ako at hindi ko naman gustong gawin ang babad na mag-aral. But because I want them to be happy, I still did.
Pero hindi iyon ang pinaka rason. It's just that I don't want to be left behind.
Palaging 'yung likod ng kapatid ko ang nakikita ko, at palaging ako ang nasa likuran niya. Kaya as much as possible, I want to stand beside her.
Gusto kong masabayan ang kapatid ko. Para magkasama pa rin kami sa skwelahan na papasukan sa high school. Ganoon ko siya nirerespeto, ganoon ko siya gustong makasama na nagbigay dahilan sa akin para magsumikap.
Malalim na nagbuga ng hininga si Dad. "Kung ano ang kaya ng kapatid mo, ganoon ka rin dapat." Tumayo na si Dad at ibinalik ang test paper ko. "Make it perfect next time. Go back to your room and study." Kinuha ko ang test paper ko saka siya umalis sa harapan ko. Samantalang si Mommy naman ay lumuhod sa harapan ko.
"I'm sorry, anak. Ganoon lang Dad mo because he's tired. Gawin mo na lang kung ano 'yung gusto niya, okay?"
Right at that moment, parang may parte sa akin ang nabasag. Nandoon na 'yung sign na parang mayroong nasira sa akin. Napagod ako dahil iyon na lang ang palagi kong ginagawa. But as a kid, nandoon 'yung pagiging persistent kong pag-igihin para magbigay ng kasiyahan sa mga magulang ko.
Subalit namuo ang isang kaisipan na hindi ko lang masyadong pinagtuunan ng pansin. "I'm starting to feel sad as I get my hopes up too much. But will it matter if I don't feel that way?"
Isang araw, nakita ng Dad ko ang aking report card. May isang nag line of 8-- iyon ang subject na sobrang hina ako. Ang Mathematics.
Kaya sobra sobra ang disappointments ng Dad ko sa akin na tipong walang katapusan na pangkukumpara kay Adi na may future maging engineer katulad niya.
Sobra akong naririndi. Maririnig mo na puro pangalan ng kambal ko 'yung naririnig ko, naiirita na ako.
Nakayuko ako no'n 'tapos nanginginig ang mata dahil gusto kong sumagot. Gusto kong sumigaw sa galit. Pero hindi ko magawa. Nanatili lang akong tahimik habang pinapasok ko sa kokote ko 'yung mga pinagsasasabi. Hindi ko 'yon nilalabas sa tainga ko kasi hindi ko alam kung paano.
Natuto lang akong 'di magpa-kontrol masyado sa magulang ko noong bago ako mag high school. Natagpuan ko ang basketball. Nakita ko roon ang gusto kong gawin.
Naglalakad ako papuntang convenience store para bumili ng popsicle pero nakita ko 'yung mga bata na nasa edad ko lang din na naglalaro ng basketball sa maliit na court. Mukha silang masayang naglalaro, na hindi ko na nga namalayan ay pinapanood ko na sila.
Tumalbog ang bola papunta sa isang batang lalaki. Nang kunin niya ito ay ibinaling niya ang tingin sa akin. "Hey, you!" Turo niya sa akin kaya ako naman itong nasurpresa't napaangat ang balikat.
Tinuro ko ang sarili ko para siguraduhin na ako 'yung tinutukoy nung tumawag.
Luminga-linga pa 'ko niyan.
Pinaikot ng batang lalaking iyon ang bola sa tip ng hintuturong daliri niya. Siya si Kit, kasama niya niyon sila Samuel at Arci. Childhood friends sila.
"Yeah, you American girl! Come and join us! Labas ngipin na ngiti ni Kit kaya napasimangot si Samuel sa kanya.
"Bro, she's a girl."
Lumingon naman si Arci kay Samuel. "I think it doesn't matter. She'll look cool if she plays basketball." Hala, englishero pala 'tong mga 'to!? O baka dahil iniisip nilang hindi nga ako marunong mag tagalog?
Ngumiti ako nang pilit. "Just so you know, pero nagtatagalog ako?"
Medyo nagulat silang tatlo pero tumawa lamang si Kit. "Mas maganda," Dinaan niya ang daliri niya sa kanyang ilong. "Nino-nosebleed ako, eh." Inilagay naman niya ang kanang kamay sa kanyang beywang. "Tara, sali ka. Kung hindi ka marunong, pwede ka naming turuan! Masaya 'to!"
At simula nga niyon, nagsimula akong makipaglaro sa kanila. Hanggang sa madagdagan kami ng iba pang mga kalaro.
***
KUMATOK ang kung sino sa pinto ko pero hindi ko pinansin dahil busy ako sa pag-iisip ng gagawin naming strategy sa kauna-unahang game namin sa isang league. Iyon pa rin 'yung mga araw bago magpasukan.
Binuksan ni Adi ang pinto. "Marie." Narinig ko pa lang ang boses niya ay napahinto kaagad ako. Naramdaman ko ang kanyang pagpasok sa aking kwarto. "Pansin ko madalas kang lumabas ngayong summer, ah?" Tanong niya na nasa likod ko kaya nagsalubong ang kilay ko't ibinaba na lang ang tingin sa scratch paper kung saan ko ginagawa 'yung strategic plan.
Nakatapat lang din ang liwanag ng lamp shade sa papel ko nang laksan ko pa ang brightness nito dahil sa pagka-distract.
"So?" Sagot ko naman. "Ano mayroon kung labas ako nang labas?" Tanong ko.
"Ah… mmh. Wala naman." Parang nag-aalanganin niyang sagot. "Naalala ko lang kasi na gusto mo dati na pareho tayo ng school na papasukan. Pero mukhang," Humawak siya sa likuran ng ulo niya. "…nagbago na isip m--"
Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo kaya napaatras siya ng isang hakbang. Nakapatong ang dalawa kong kamay sa lamesa ko at nanatiling nakayuko. "Kung wala ka ng sasabihin, you may leave."
"Marie--"
"Get out!" Sigaw ko at humarap sa kanya kaya nakikita na niya 'yung luha na nasa gilid ng mata ko. Nagmartsa ako palapit sa kanya para iharap siya sa pinto at itulak siya palabas.
Nang na sa labas na siya. Isinara ko na kaagad ang pinto bago pa man siya makapasalita. Na sa pinto pa rin ang mga palad ko't hinihingal sas sobrang bigat nung dibdib ko. 'Tapos ay napasandal na lamang doon at dahan-dahang napapaupo sa carpet.
"It doesn't matter." Bulong ko at binaon ang mukha sa aking mga palad. "Ikukumpara n'yo lang din ako."
***
"BASKETBALL?! Ano naman ang mapapala mo diyan, ha?! Puro ka na lang laro, laro. Hindi ka mag-aral!" Pabagsak niyang ipinatong ang report card ko sa glass table. "Look at that result?! Grades pa ba 'yan, Marie?!" Pagtaas pa niya ng boses.
Sa ilang daldal talaga niya, wala na akong naiintindihan kasi na sa iba na nakabaling ang atensiyon ko. Kumbaga lahat ng mga sinasabi niya, labas na sa tainga ko.
Hindi ko masasabing nagiging manhid ako, hindi ko rin masasabing sanay na ako dahil alam ko rin naman sa sarili ko na nasasaktan ako pero sabihin na lang natin na medyo nakukuha ko ng kontrolin 'yung sarili ko na hindi magdamdam.
"Bumalik ka sa kwarto m--"
"Dad. Gusto mo na bang lumayas ako rito?" Tanong ko habang binibigyan siya ng walang ganang tingin. "Sabihin mo lang. I can manage."
Sa mukha pa lang na ginagawa ni Dad ngayon, mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko kaya nanilim ang paningin niya sa akin. "Nagrerebelde ka na ngayon?"
"Hindi ko sinusubukang mag rebelde sa inyo, Dad. I'm just asking because you're making me feel that way."
Napatigil siya sa sinabi kong iyon pero hindi pa rin nawawala 'yung galit sa mukha niya. Kaya tumalikod na ako.
"Insultohin n'yo na ako kung gusto n'yo. Kahit na ano tatanggapin ko," Muli akong lumingon kay Dad pero sa pagkakataon na ito ay binigyan ko siya ng babalang tingin. "Pero kapag nakarinig ako ng 'di maganda sa gusto kong gawin, o sa mga taong na sa team ko. Hindi ako magdadalawang-isip na magbukod." Huling sabi ko bago ko maglakad paalis.
End of Flashback:
NATAPOS KO na 'yung pag edit ko sa mga photo na kinuhanan ni Haley sa photo editor program ko 'tapos ay umalis na sa swindle chair para naman ay makahiga ako't makapagpahinga.
Tumitig ako sa kisame habang napapapikit pikit. Hindi ko sigurado kung dahil lang ba 'to sa pagod o sadyang inaantok lang ako kaya kung anu-ano na 'yung pumapasok sa utak ko.
Kailangan ko na nga sigurong matulog.
Nang mawala panandalian itong bagay na nararamdaman ko ngayon.
Kaso nakalimutan ko pa lang mag sipilyo. Sandali nga.
Lumabas na nga ako sa kwarto at pumunta sa banyo. May banyo naman ang kwarto ko, pero iche-check ko na rin kasi si JunJun kung napakain na ba.
Duty ni Adi ngayon na pakainin siya pero madalas kasi ay nakakalimutan niya ako na 'yung nag-aasikaso.
Mayroon naman akong initiative. Hindi ko ginagawa iyon dahil sa kanya, aso namin si JunJun kaya normal lang kung ako ang magpapakain.
Hindi rin responsibility ng mga kasambahay na pakainin ang aso dahil napagkasunduan nga na kami ang mag-aalaga dahil aso namin ni Adi si JunJun.
Papunta na ako banyo na nasa labas, nadaanan ko rin 'yung kwarto ni Adi at tutuloy-tuloy pa sana ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na boses niya na animo'y tuwang tuwa.
"Napatawag ka Dad! May kukwento ako." Malakas at sabik na sabi ni Adi sa ama namin na nagpahinto sa akin sa paglalakad. Ah. Nag-uusap sila…
Samantalang ako, ine-email lang niya para kumustahin o kung ano pa man 'yung kailangan niyang sabihin sa akin.
Mapait akong napangiti. Sabagay, paano niya ako kakausapin call to call kung hindi naman talaga kami magkasundo at palagi kaming magkaaway?
Balak ko na sana ulit lumakad nang may marinig ako mula kay Adi na nagpatigil nanaman sa akin. "May kambal ding kaibigan si Claire."
Namilog ang mata ko at lumingon sa pinto ni Adi. "Kambal?" Ulit ko sa aking narinig. Sino? Wala naman akong kambal na kaibigan, ah?
Lumapit ako sa pinto para marinig pa ang pinag-uusapan nila. Bakit ako ang na-bring up nitong si Adi?
Humawak ako sa dibdib ko't umiwas ng tingin. 'Tapos ay mabilis ding lumayo sa pinto nang ma-realize ko 'yung ginagawa ko. "I shouldn't poke my nose into other personal stories." Sabi ko sa sarili ko at tumingin sa kung saan.
It doesn't matter anymore, if they hate me. It's fine, I guess…
*****