Chereads / Platonic Hearts / Chapter 25 - Muted Anger

Chapter 25 - Muted Anger

Chapter 25: Muted Anger 

Rose' Point of View 

  Kasama ko 'yung manyakol na lalaki papunta sa magiging room kamo 'namin' 

Ang plano nga kasi namin ay dalhin siya rito sa hotel atsaka kami mananatili sa isang room. Si Claire talaga ang nagsabi nito pero hindi ko inaasahan na ako pala ang gagawa dahil akala ko siya ang gagawing paen. 

  Hinawakan niya ang pwet-an ko na kamuntik-muntikan pang nagpasinghap sa akin pero mabuti't nakapagpigil kaagad ako at malandi na humagikhik. "Hindi ka na makapagpigil, darling?" Mas idinikit ko ang dibdib ko sa braso niya. 

  May katandaan na rin ang lalaking ito at mukhang mayaman. Siya rin kasi ang nagbayad sa magiging room namin. Kaya nagtataka rin ako hanggang ngayon ba't hindi na lang siya maghanap sa mga internet ng mapag giginhawaan niya. Eh, ang dami-dami roon. 

  Bumaba ang tinginko sa shoulder bag ko. Nai-text ko na kanina si Miles kung ano ang room kaya by now baka papunta na rin siya rito. 

 

Flashback: 

  "Hi, mister." Malandi kong bungad sa kanya kanina noong na sa Glass Bridge Passage dahilan para lingunin niya ako. Inilagay ko ang mga kamay ko sa likuran at itinapat ang kaliwang paa sa harapan. Yumuko nang kaunti para ipakita sa kanya 'yung cleavage ko. "Mukhang naghahanap ka yata ng init?" Tanong ko na nagpaawang-bibig sa kanya sabay baba ng tingin sa dibdib ko. 

  Kinindatan ko siya. "Baka gusto mong sumama sa akin sa isang… lugar na pwede tayong makapagsayang dalawa? Kahit hanggang bukas pa natin gawin." Isinara ko pa nang kaunti ang talukap ko at mas binigyan siya ng nakakapang-akit ng ngiti. 

  Tumawa siya at humarap na rin sa akin. "Mayroon pa lang katulad mo rito, hindi mo kaagad ako nilapitan, kita mo siguro 'yung ginagawa ko kanina, kaya 'di ka nakapagpigil ngayon?" Ngumisi siya at dinilaan ang itaas niyang labi na siyang nagpataas sa balahibo ko. Mag back out na kaya ako? "Siyempre papayag ako." 

  Sandali kong sinilip sila Miles. Nakatingin sila sa akin kaya ibinalik ko ulit ang tingin sa lalaking ito saka ako kumapit sa mga braso niya. "Tara na, hindi na ako makapaghintay." 

  At nagsimula na nga kaming maglakad papunta sa kalapit na hotel. 

End of Flashback: 

 

  Ang nakakatuwa pa nga kamo, hindi siya nagtaka kung bakit biglaan ang pagsulpot ko kung kailan may lumapit doon sa estudyanteng sinusundan niya kanina. 

  Na sa harapan na kami ng room at kaya mas kinakabahan ako kaysa kanina. 

Hindi ko pa 'to ginagawa sa buong buhay ko! Hindi pa 'to nangyayari sa akin kahit na ang lakas lakas pa ng loob kong pumayag! 

  I'm sorry, John! 

  Binuksan na nya ang pinto kaya bumungad ang simpleng kwarto. Pinauna niya ako kaya pumasok na nga ako bago siya sumunod. Nakatalikod lang ako sa lalaking ito noong marinig ko ang kanyang pagsara't pag locked nung pinto kaya haharap pa lang ako sa kanya noong bigla niya akong hinalikan sa batok kaya ako naman itong nagulat. 

  Patalon akong humarap sa kanya. "S-Sandali. Bago natin simulan, baka gusto mong mag shower muna?" Tanong ko na may matamis na ngiti sa aking labi. Amoy sigarilyo kasi siya! 

  Tumaas ang kilay niya sa pagtataka. "Bakit pa? Eh, maliligo rin naman tayo mamaya." At idinikit niya ang katawan lalo na ang nanlalaking ari niya sa mga hita ko. 

P*tangina! Magba-back out na talaga ako! Miles! Nasa'n ka ng bruha ka?! Kapag nawala 'yung virginity ko rito, sinasabi ko sa'yo! 

  Pilit akong humagikhik at iniharap ang mukha sa kaliwang bahagi. "Eh, kasi darling amoy sigarilyo ka. Mas maganda kung amoy sabon ka nang mahalik-halikan kita." Napaka cringe! Kay John ko lang gusto sabihin 'yan! 

  Nasa beywang ko lang ang mga kamay niya nang titig niya ako. Kumunot ang noo na parang sinusupetsahan na ako. "Gusto mo ba talagang makapagsaya tayo?" Tanong niya na parang nagsisimula ng maghinala. 

  Iniharap ko naman ang ulo ko para makita siya. "Aba, oo naman." Idinikit ko ang hintuturo ko sa dibdib niya saka ko malandi't marahan na iginala ang tip ng daliri ko roon na tila parang sinisimulan na nga talaga siyang I-turn on. "Pero kung hindi ka na talaga makapagpigil," Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Gawin na natin ngayon." Pagkasabi ko pa lang niyon ay malakas niya akong binuhat para dalhin ako sa kama. 

  Binagsak niya ako roon kaya ako naman itong tumalbog. Hinubad na niya ang pang-itaas niyang damit kaya pinagpawisan na ako. "Darling, ayaw mo munang buksan 'yong aircon?" Tanong ko habang hindi pinapakita 'yung pagiging kabado ko. 

  Tumitig muna siya sa akin hanggang sa inis niyang tinapon paibaba ang suot niyang damit kanina "Ang dami mong demand!" Malakas niyang sabi na nagpaatras sa akin nang kaunti. Nagsisimula na siyang maging bayolente kaya parang nararamdaman ko na 'yung takot. Pero hindi ko iyon pinakita. 

  "Kasi mapagpapawisan tayo, darling." Eh, may point naman kasi ako. 

Bago gawin ang mga s*xual activities lalo na kung pupunta kayo sa love hotel, dapat malamig muna ang kwarto para enjoy na kayong nagyuyugyugan sa ibabaw ng kama. 

  Inis naman niyang kinuha ang remote nung aircon na naroon sa ibabaw ng side cabinet para gawin 'yung sinasabi kong pagbuksan ng aircon. 'Tapos ay tinapon na lang niya ang remote roon sa single sofa. "Wala na ba?" Pagbuka niya ng mga braso niya bilang pag gesture. 

  Sasagot pa lang ako pero bigla na siyang gumapang palapit sa akin. "Dahil sisimulan ko na." Hahawakan pa lang niya ang mga hita ko nang may mag doorbell mula sa labas kaya pareho naman kaming napatingin sa pinanggaling niyon. 

  "Tsk. Sino naman kaya 'yon?" Iritableng tanong nung lalaki habang naiwan lang ako rito sa kama. Mukhang si Miles na iyon. 

  Mula rito sa bed room ay nakikita ko na ang pagbukas nung lalaking iyon sa pinto. 

At bumungad nga si Miles. Matutuwa na sana ako dahil dumating na siya pero nawala rin ang ngiti ko dahil sa itsurang ginagawa niya. 

  Nakakatakot ang itsura niya, hindi ko maipaliwanag kung anong klase pero dinaig niya 'yung itsura ng mga mamamatay tao. 

Nandoon sa mata niya ang sobrang galit, madilim ang paraan nung pagtingin niya sa lalaking kaharap niya na pati ako ay mas kinilabutan kumpara sa naramdaman ko kanina sa lalaking iyon.

  "Miles?" 

Haley's Point of View 

  Pinagbuksan na ako ng pinto ng lalaking iyon at bumungad sa akin ang walang suot niyang pang-itaas kaya mas pinanlisikan ko iyon ng tingin. 

Napaatras ng isang hakbang ang isa niyang paa ng dahil sa ginawa ko pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin at nakatitig lamang sa kanya. 

  Ako mismo, hindi ko rin alam kung ano ang itsura ng mukha ko pero isa lang ang mas nangingibabaw sa akin. 'Yung galit. 

  "I-Ikaw 'yung nakita ko kan--" 

  Humagikhik ako. "Ako nga." Simpleng sabi ko habang binibigyan siya ng matami na ngiti. "Gusto ko rin sumali sa kaunting kasiyahan." 

*** 

  IGINAPOS KO ang lalaking iyon sa kama. Nakatali ang pulso't mga paa niya na nakakonekta roon sa may headboard at ang side ng paahan nung kama. 

Pahampas kong idinikit ang hiniram kong Duct Tape sa bibig niya para maiwasan masyado ang ingay. "Done." 

  "Miles, para kang assassin na madalas kong makita sa mga palabas. Ang bilis mo." Panandaliang namilog ang mata ko sa binanggit ni Rose kasabay ang pagpasok ni Lara sa utak ko. Itinikum ko ang bibig kong nakaawang kanina at umupo sa edge nung kama. "Tsaka ano 'yung tinusok mo sa batok niya?" Curious na tanong ni Rose. 

  "Needle." Simpleng sagot ko at kinuha ang phone ko na nakatago sa bulsa ng hoodie ko. Nakasuot ako ng ruffle skirt, leggings at sneakers kaya madali akong nakagalaw kanina nung makapunta ako sa likuran ng lalaki para maitusok ang karayom sa kanyang batok. 

  May sinasabi pa si Rose pero hindi ko siya pinansin at pinindot lang ang mga numero sa screen. "Oy, Miles! Pansinin mo 'ko!" Pagpapapansin ni Rose. 

  "Saglit, may tatawagan lang ako." 

  Tumigil naman sa kakakulit si Rose. "Pulis?" Tanong niya at tumabi sa akin. 

  Umiling ako bilang sagot. "Hindi." Sagot ko habang hinihintay 'yung tinatawagan ko na sumagot. 

  "Hmm…" Paggawa niya ng tunog na parang naku-curious ngunit nilingon na lang niya 'yung lalaki sa likuran namin. "Pero wow, pwede na ba tayong maging pulis at nakahuli tayo ng criminal?" 

  Nagbuga ako ng hininga. "In your dreams." Paninira ko nung trip niya kaya ngumuso siya. Iyon naman ang kasabay nung pagsagot nung kabilang linya.

  "Sino ba 'to?!" Galit niyang pagsagot sa tawag ko. Si Lloyd, siya 'yung lalaking bumully kay Claire sa terminal kasama 'yung apat pa niyang kaibigan. Siya 'yung parang namumuno sa kanilang lima. 

  "Hoy!" Sigaw pa niya kasi hindi ko pa sinasagot. Hiningi ko 'yung mga number nila just in case na kailanganin ko sila. Katulad nga nito. 

  Pagod akong napatingin sa harapan. "It's me. Haley." Sagot ko kaya nagulat siya at humingi ng iilang sorry. Hindi ko kasi binigay 'yong number ko sa kanila, ako lang ang humingi kaya walang ideya si Lloyd na ako ang tumawag. 

  Bumuntong-hininga ako. "Okay, stop. You're being annoying." 

  "S-Sorry, boss." Paghingi niya ulit ng tawad kaya muli akong napabuntong-hininga. 

  Pumaharap ulit ako ng tingin. "Kailangan ko kayo rito ngayon." 

  "Ano 'yon, boss?! Ano ang maipaglilingkot namin?! May umaway ba sa'yo?! Susugurin namin!" 

  Napa-bored look ako. "Sabi kong tigilan n'yo ako sa pagtawag n'yo ng boss, eh." Suway ko 'tapos nilingon ang lalaki sa likuran. "May ipapagawa lang ako." 

  At ikinuwento ko sa kanila ang buong detalye kaya ibinaba ko na ang tawag. Hihintayin 'yung limang engot within 15-20 minutes tutal ay malapit lapit lang pala sila mula rito. 

  "Nasaan pala si Claire?" Hanap ni Rose kay Claire pagkatayo ko pa lang at pagkapasok ko ng phone sa bulsa ng hoodie ko. 

  "Dinala muna 'yung estudyante sa isang cafe para magpalamig, pero pupunta siya ng police station pagdating nung tinawagan ko kanina," Sabay sulyap ko sa lalaki na masamang nakatingin sa akin. "Doon din siya dadalhin mamaya." Sambit ko at tiningnan si Rose na nakatingin lang din doon sa lalaki. 

  "I'm sorry if you have to go through with that. May ginawa ba siya sa 'yo nung hindi pa ako dumadating?" Concern kong tanong kaya tumingala siya sa akin at hindi muna nagsalita. Kaya ako naman itong tinawag siya sa pangalan niya na tinawanan lang niya. 

  "What are you saying? Natutuwa nga ako kasi may nagawa tayong maganda ngayong araw, eh." Ngiti niyang sabi na ipinagtaka ko. "Tsaka kung nag-aalala ka na may ginawa siya sa akin, wala naman maliban sa paghawak niya sa pwet-an ko kanina." Sabay hawak niya sa pwet-an niya. "Pero expected 'yon siyempre. Geez. Kung siguro alam ko rin makipag suntukan katulad mo, nasapak ko na rin 'tong manyakol na lalaking 'to." Sabay bato niya ng masamang tingin sa taong na sa likuran niya na parang isang nagagalit na aso. 

  Imbes na maging panatag ako, nalungkot lang ako. Hindi ko kasi talaga sigurado kung tama ba 'yung ginawa ko na hinayaan kong si Rose ang gumawa. 

Okay lang siguro kung ako 'yung mahawak-hawakan, pero wala akong magandang katawan tulad nung kay Rose. May malaki siyang dibdib, coca-cola body at thick thighs-- in short madali siyang makapang-akit.   

  Kaya kung ako ang gagawa, baka mabigo ako sa pinakagusto kong gawin. 

  Pero ang totoong plano kasi kanina ay ihihiwalay lang namin ang estudyante sa lalaking iyon sa pamamagitan ng pag-akto namin na kilala namin 'yung estudyante-- gaya ng ginawa namin ni Claire kanina. Pero dinagdag kasi ni Rose na magiging paen siya't susubukan niyang akitin ang lalaki na hindi ko rin inaasahan na papasok sa utak niya. 

  "Naiinis ako. Ang kapal niyang gawin 'yan sa estudyante," Naalala kong sambit ni Rose at seryoso akong tiningnan. "Dadalhin ko siya sa isang lugar, 'tapos kayo muna ang bahala roon sa estudyante. Magte-text ako kung saan saka mo'ko puntahan, Miles. Kapag nahanap n'yo ako, dalhin natin sa presinto ng wala siyang kalaban-laban." 

 

  Kahit alam kong risky, pumayag ako. Pumayag ako dahil sa isa pang dahilan, at ang selfish ko sa part na 'yon. 

  Hindi ko namalayan na nakatitig na si Rose sa akin kaya tinawag niya ako. 

Ibinaba ko naman ang tingin sa kanya. "If you feel bad about this, hindi kita pipigilan, iyan ang nararamdaman mo, eh." Panimula niya. "Pero ang masasabi ko lang siguro, salamat kasi pinagkatiwalaan mo 'ko na gawin 'to." 

  Bumuka ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Gulong-gulo bakit siya pa ang nagpapa-salamat. Umabante ang kanan kong paa. "A-Ako ang dapat na magpa-salamat sa'yo, dahil…" Tumungo ako. "Nagtiwala ka na darating ako." 

  Humagikhik siya't labas ngipin na ngumiti. "Siyempre, kaibigan kita. At nagtitiwala ako na magagawa mo 'no?" At binigyan niya ako ng thumbs up. 

Sumakit ang mata ko dahil sa namumuong luha. Naalala ko kasi 'yung mga paglilihim ko sa mga kaibigan ko na siyang nagbigay kapahamakan lalo sa kanila.

  Eh, kung sinabi ko sa kanila? Edi sana mas nag-ingat sila noong wala ako sa tabi nila.

  Tumalikod ako kay Rose at pinunasan ang mga nangingilid kong luha gamit ang mga daliri ko. Tumikhim ako pagkatapos kong makapagpigil sa emosyon ko tsaka huminga nang malalim bago ako humarap kay Rose na nanatili pa ring nakangiti. "Thanks." 

  She didn't ask me why I'm crying, and that's exactly what I want. 

*** 

  DUMATING NA 'yung 5 idiots sa kwarto kaya napaatras si Rose nang makita ulit 'yung lima. "E-E-Eh?! Bakit nandito 'tong mga 'to, Miles?! Binebenta mo na ba 'yung kaluluwa mo?!" 

  Tumawa si Lloyd. "Hi!" Pagkaway nito bilag pagbati.

  Nagpameywang ako. "Oo nga pala, hindi mo pa pala sila nakita pagkatapos nung nangyari last time." Tukoy ko sa first encounter namin sa lima. 

  "What do you mean?!" Naguguluhang reaksiyon ni Rose. 

  Humawak sa likurang ulo si Beel. "Pinatawag kami rito ni Boss." Tukoy sa akin na siyang nagpahawak sa noo ko. Stop it, baka iba pa lalo isipin ni Rose. 

  "Miles! Babanatan na nila tayo!" Natatarantang sabi ni Rose kaya inis ko siyang tiningnan. 

  "Hush!" Pagpapatahimik ko sa kanya at humarap sa kanya. "Mamaya na ako magpapaliwanag pero okay sila," Tukoy ko sa lima. "Ngayon, puntahan mo na si Claire, I-text mo siya kung nasaan sila." 

  "Paano ka?" Tanong ni Rose. 

  Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Susunod ako, tatanggalin ko lang 'yung karayom sa batok niya." Sagot ko kaya tumango na siya't patakbong naglakad paalis ng kwarto. Todo iwas din siya roon sa lima bago makalabas at isarado ang pinto. 

  Pinatunog nung lima ang mga daliri nila. "Boss, sabihin mo lang kung pwede na naming bugbu…gin." Naglakad ako palapit sa lalaki. "Boss?" Takang tawag ni Bob. 

  Dahan-dahan akong nagmartsa palapit sa lalaking iyon at huminto sa tabi niya. Nakatingin lang din siya sa akin, takang-taka sa kung ano ang gagawin ko nang mabilis kong ibagsak bottom heel ng aking paanan sa kanyang mukha na siyang naging dahilan para mabasag ang nose bridge niya. May tumalsik ding dugo roon pero blanko lang akong nakatingin sa kanya. 

 

  Kanina pa talaga ako nagpipigil, at pakiramdam ko nga'y gusto ko ng mag out of control ngayon, namamanhid ako kaya 'di ko na napansin ay sunod-sunod na 'yong panununtok ko sa mukha niya. 

  Tumatalsik 'yung isang butil ng dugo sa kanang pisngi ko kaya pinigilan na ako ni Bartos at Mura. Hinawakan nila ako sa mga braso ko. "Boss, uminahon ka. Baka makapatay ka na niyan!" Nag-aalalang sabi ni Beel. 

  Wala muna akong sinabi at ikinalma nga ang sarili. Wala pa ring emosyon ang mga mata kong nakatingin sa kawalan. 

  "Kalmado na 'ko." Nag-alanganin pa sila nung una pero binitawan din nila ako. 

Pinunasan ko 'yung dugong tumalsik sa pisngi ko habang malamig pa ring nakatingin sa lalaking basag na ang mukha. 

Tumalikod ako sa kanya. "Dalhin n'yo na siya sa presinto, sabihin n'yo kayo ang gumawa." 

 

  Nagsimula na akong umalis at lagpasan 'yung lima. "Pero boss, paano 'yung rewards? Saan mo kukunin?" Tukoy niya sa halaga ng pera na ibibigay. 

  Huminto ako. "Sa inyo na 'yon, hindi ko kailangan." Huling sabi ko bago makaalis. 

*** 

  KASAMA KO na 'yung dalawa kong kaibigan at kasalukuyang papunta na sa apartment ni Rose. Sumakay ulit kami sa tren at nakaupong bumibiyahe.

  "Grabe, parang napagod ako sa ginawa natin." Labas sa ilong na sabi ni Rose. 

  "Gusto kong matulog pagkarating sa apartment n'yong napakalayo." Lowkey na daing ni Claire na siyang nagpatawa kay Rose. 

  "Sorry na, pinag day off ko kasi 'yong isang butler, wala tuloy maghahatid sundo sa 'tin." 

  Nagkukwentuhan lang silang dalawa sa tabi ko habang nakatingin lang ako sa labas ng salamin at tinitingnan ang mga gusali. 

  Naalala ko 'yung ginawa ko kanina na hindi ko rin inaasahan na magagawa ko. Kita ko bawat pagtalsik ng dugo mula sa lalaking iyon. But good thing dahil Black hoodie ang suot ko. Kasi kung hindi? Baka puro mantsa na ang makikita. 

 

  Tumingin ako sa mga kamao kong may bandage. Nilagyan siya nung hotel nurse kanina noong makita niyang may gasgas ang likurang palad ko. 

Hindi naman na siya nagtanong pero baka iniisip niyang isa akong suicidal o baliw na babaeng nanununtok ng pader hanggang sa magasgasan. 

  That said, 

  I have to be aware that if I continue to feel that thing again, that anger… 

baka mas malala na 'yung magawa ko. 

  Pumikit ako at tumingin sa asul na kalangitan. 

  Kaya as much as possible, ayoko ng maka-encounter ng ganoong pangyayari. Nang maiwasan ko ang panibagong halimaw na unti-unting lumalaki sa loob ng puso ko. 

 

*****