Chereads / Platonic Hearts / Chapter 23 - Vantage

Chapter 23 - Vantage

Chapter 23: Vantage 

Rose' Point of View 

  When I was a kid, no one actually appreciate on what I do. 

Though I'm not sure if I'm the only one who thinks that. However, every time I do something that has nothing to do with my parents, palaging issue. Palagi silang involved. 

  "Ah, hindi naman kataka-taka kung matalino. Eh, matalino rin ang magulang niyan." 

  "Kaya nga, eh. Palagi kayang umiiyak 'yung anak ko kapag hindi siya nangunguna."

  Iyan ang naririnig ng tainga ko kahit na saan man ako magpunta. Iniisip ko; ba't hindi nila galingan pa lalo para sila ang manguna? 

  "Kung wala siguro siya, baka mga anak natin 'yung magkalaban." 

  "Tama, mas maganda nga." 

  Sa classroom na punong puno ng ingay ng mga batang estudyante. Pumikit ako at inayos na ang mga libro na nakalabas para ipasok sa bag ko. Katatapos lang ang parent orientation, palabas na rin ang magulang ko kaya sumunod na 'ko sa kanila. 

 

  Mula noong magsimula ako sa pag-aaral hanggang sa matapos ang elementary, walang ni isa ang nagbalak na kalabanin ako gayun din ang lapitan ako. Kaya wala rin akong masyadong kaibigan. 

Sa rason na iyon, binabad ko na lang ang sarili ko sa pag-aaral, o sa kung ano pa ang pwede kong gawin sa skwelahan. Sa pagiging initiative and industrious ko. Ako ang madalas na napipili bilang class president, subalit kahit sabihin natin ang 'president' 'yung usually na nire-respeto. Discrimination ang madalas kong maramdaman sa mga kaklase ko. 

  Pero kahit na hindi ko sila kasundo. I'm still trying to get along with them. 

Ngumingiti ako para hindi nila isipin na mahirap akong kilalanin o kaibiganin. Tipong na-develop kaagad sa akin 'yung pagiging ma-conscious. Inayos ko ang sarili ko, iniiba ko rin ang paraan ng pakikipag-usap ko na tingin kong pwedeng maging dahilan para makausap na nila ako. 

  Pero wala, walang lumapit sa akin. Mag-isa ako hanggang sa makatuntong ako ng 6th grade. 

  Nag-alaganin kumaway sa akin ang isa sa kaklase ko. "S-Sige. Salamat, Rose." 

 

  "Bawi na lang kami. Pasensiya na." 

  Saka sila umalis lahat at iniwan ako mag-isa. Tumingin ako sa bintana, nakaurong ang kurtina roon kaya nakikita ko 'yung itsura sa labas. Naglakad ako roon para tingnan ang mga estudyante na nasa baba't mga sabay-sabay na lumalabas ng gate. 

  Nakikita ko 'yung mga ngiti nila habang nakikipagkwentuhan. Kung mayroon din sana akong kaibigan, ganyan din kaya ako ngumiti? 

  Isip ko saka humarap kung nasaan ang cleaning locker para kunin ang walis tambo roon. 

  Mag-isa akong naglinis dahil lahat sa mga kasama ko sa araw na iyon ay mga naka-OB (official business). At dahil wala naman ako partikular na gagawin, sinabi kong ako na lang ang gagawa't maglilinis. Paraan ko rin iyon para makasundo sila pero… 

  "Uy, hinayaan mo si Rose na maglinis mag-isa nung Wednesday?" Lalabas na sana ako sa cubicle nang marinig ko ang pangalan ko mula sa bibig ng kaklase ko. 

  "Bakit ba? Okay lang 'yon. Magaling naman na siya, tayo naman ang hayaan niya."

  "Shh! Hinaan n'yo nga 'yung boses n'yo dahil baka may makarinig." 

  "Bigyan na lang natin siya ng code name." 

  "Alam ko na, Miss Goody-good shoes."

  "Ang pangit. Dapat teacher's pet." 

 

  Humalakhak ang isa sa kanila. "Pwede, pwede!" Sang-ayon niyon kaya ibinaba ko ang kamay ko at blanko lang na tumingin sa harapan. 

*** 

 

  IN SPITE of everything, hindi pa rin iyon ang naging dahilan para mag-iba ang tingin ko sa kanila, pero dahil sa ganoong kaisipan. 

Sarili ko ang binago ko, para lamang ay magustuhan nila. 

 

  I intentionally failed the exam para bumaba ang rank ko bilang overall top student. Para wala na sila masabi sa akin. Of course, nagulat sila sa nangyari dahil biglaan. 

Pero dahil doon, kinakausap na nila ako. Nakangiti sila kapag kaharap ko sila, pero sinasaksak patalikod. 

  But guess what? Hindi ko lang pinansin. Nagbulagbulagan ako. 

I forced myself to those space that I don't even fit in. Tipong ako 'yung isa sa piraso ng orange na nandoon sa missing piece ng bawang. 

  Akala ko magiging masaya ako kapagka umarte ako at ginawa ko kung ano 'yung gusto nila. Pero sa mga araw na lumipas, bumibigat ang pakiramdam ko.

Sa tuwing tatawa ako kasama sila, pakiramdam ko iiyak ako.

  Hindi ko na alam kung ano ba 'yung totoo sa hindi. Pero tuloy-tuloy pa rin ako sa ginagawa ko, hindi ko 'yon binago. 

  Pero nang dahil sa desisyon ko na iyon, na-apektuhan ang mga magulang ko. Nag-alala sila sa akin kung ano raw ang problema ko pero palagi ko silang nginigitian to assure them that I'm fine. 

Gumagawa rin ako ng excuses kung bakit bumaba ang mga test exams ko kaya hindi nila ako pinilit pero makikita pa rin sa mga mga mukha nila na concern sila sa akin. 

  Nandoon kasi ang kaisipan ko na magiging okay ang lahat para sa akin kahit wala akong nakikitang kahit na anong sign na mayroon. 

Pero may isang lalaki ang nagmulat sa akin sa katotohanan. 

  Naglalakad ako sa hallway para sana magbanyo dahil aayusin ko talaga 'yung sarili ko sa salamin nang may humarang sa dinadaanan ko. 

  Salubong ang kilay niya at talagang mukhang iritable na nakatingin sa akin. Na-amaze pa nga ako nung una dahil walang gumagawa ng ganyang tingin sa akin. 

  Ang madalas ko lang makita na ekspresiyon ay ang mga peke nilang mga ngiti.

  Nakaawang-bibig lang ako sa kanya dahil takang taka ako sa biglaan niyang pagharang pero nginitian ko pa rin siya. "Ano 'yung kailangan mo?" Malumanay kong tanong dahilan para mas tingnan niya ako ng masama. 

  "Sasabihin ko na 'to sa'yo, ah? Pero hindi talaga kita gusto!" Malakas niyang sabi. 

  Nanatili pa rin akong nakangiti. Siguro dahil ine-expect ko 'yung ganyang salita? 

Pero nagulat din ako ng slight dahil harap-harapan din niyang sinabi 'yan sa akin. Kadalasan kasi kapag wala ako or hindi nila nakikita, eh. 

  Kumamot ako sa pisngi ko gamit ang tip ng hintuturo kong daliri. "Ahm..." Ano ba 'yung dapat kong sabihin? 

  "Wala akong alam kung bakit bigla kang nawala sa student top list pero naiirita ako dahil halatang sinasadya mo! Kaya," Tinuro niya ako bigla. "Hinahamon kita!" 

  Si John. Siya ang kauna-unahang humamon sa akin sa mundo ng pag-aaral. 

Hindi ko sigurado nung una kung ano ang dapat na maramdaman pero alam ko, sobra akong naging sabik sa sinabi niya. Parang biglang nagkaroon nang kaunting kulay 'yung black and white kong mundo. 

  Humalukipkip ako. "Hinahamon mo 'ko pero hindi mo alam 'yung basic niyan?" Taas-kilay kong tanong sa unang pagre-review naming dalawa sa library para sa 3rd quarter exam. 

  Nakatingin lang ako sa notebook niya nang ma-realize ko 'yung naging akto ko kaya binawi ko 'yung sinabi ko. "S-Sorry, I mean--" 

 

  Tumayo siya bigla kaya kinabahan ako. Akala ko kasi na-offend ko siya pero hindi pala. "Hahh! Gifted ka, pero hardworking ako. Kung mag-aaral akong mabuti," Tinuro niya ang sarili niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Ako mangunguna!" At labas ngipin siyang ngumisi na may determinasyon sa kanyang mata. 

  Namilog ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang mga iyon sa akin. Subalit iyon ang araw na lumiyab 'yung apoy na na-burn out. 

Nabuhay din ang isa kong katauhan na palaging nakatago sa kaloob-looban ko. 

  Tumayo rin ako para mapantayan siya kaya bumuka ang bibig niya sa pagtataka. Nagsalubong ang kilay ko at ngumiti. "Don't think I will go easy on you." 

  Wala siyang sinabi pero mas lumapad ang ngisi ni John. 

  Nag-aral ako nang nag-aral, iniwan ko 'yung pekeng buhay na mayroon ako kaya hindi ko rin napansin na lumalayo nanaman sa akin ang mga kaklase ko. 

Pero nanatili si John at palaging pumupunta sa classroom para makipag kompetensiya sa akin. 

  Hindi man siya 'yung katapat ko pagdating sa academics dahil ni isang beses, hindi siya nakakapasok sa top10. Siya naman 'yung magandang katapat sa ugali ko na hindi kayang ma-handle ng iba. 

 

  Kaya nung makatuntong kami ni John sa high school, wala na 'kong in-expect. 

Pero natatakot ako na mag-isa dahil hindi pala kami magkaklase ni John sa bago naming pinasukan. 

  "Hindi ka naman mag-isa." Pagpapanatag ni John. "Nandito naman ako." 

  Umiling ako. "Pero hindi tayo magkaklase." 

  "Malay mo, magkaroon ka rin ng kaibigan dito, 'di ba? Iba naman 'yung school natin dati sa school natin ngayon." Tukoy niya ngayon sa school namin, ang Enchanted Universty. 

  Nakatungo ako pero alam kong nakangiti si John na may pag-aalala sa mukha niya. "But what if wala pa rin? Paano kung pare-pareho lang sila?" 

  "Eh, ano tawag mo sa'kin? 'Di ba kakaiba?" Tumingala ako dahil sa sinabi ni John. Nakatabingi nang kaunti ang ulo niya na may ngiti sa kanyang labi. "Kaya alam ko, may mga tao diyan na masasabayan ka. Pero kung pare-pareho rin sila, so what if you're alone? It's better than faking friends with everyone." At nagpameywang siya. "Although hindi ko rin masabing mag-isa ka kasi nga nandito ako." 

  Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga magagandang salitang iyon. Doon ko rin na-realize na gusto ko na pala siya kaya lumabas na lang sa bibig ko ang salita na nagpagulat sa kanya. "Gusto kita." 

  Umangat ang mga kilay niya't napaatras. "Eh?!" Reaksiyon niya na ngayo'y pulang pula kaya ako naman itong humagikhik. 

  "Kaya hindi ka pwedeng mawala sa buhay ko." Labas ngipin kong ngiti sa kanya kasabay ang pag-ihip ng malakas na hangin para sumayaw sa ere ang buntot ng buhok kong nakatali. 

*** 

  NAGDILANG ANGHEL si John. Nakilala ko sila Harvey at ang mga kaibigan niya. Nakita ko rin sa kanila 'yung vibes na mayro'n ako kaya ang tingin ko kaagad, makakasundo ko sila. At hindi nga ako nagkamali. 

 

  Si Harvey ang madalas kong kakompetensiya sa academics, si Reed naman sa subject and hands on namin sa technology, si Jasper sa sports at si Kei naman pagdating sa pagkain. 

  Pero kahit tingin kong kasundo ko sila, hindi pa rin ako sumasama sa kanila sa kadahilanang mas gusto kong manatili kay John. 

  "Geez. Paano mo ba maaalala mga tinuturo ko sa'yo?" Nakasimangot kong tanong pero bigla ring nginisihan si John. "Kapag ba hinalikan kita, gaganahan ka?" 

  Namula ang buong mukha ni John. "Ano ba sinasabi mo?!" Napasigaw si John dahil sa sobrang pagka flustered kaya sinita kami nung librarian. 

Tinakpan ni John ang bibig niya sa gulat pero inalis din pagkatapos para tingnan ako't simangutan. "Kailan ka pa natutong asarin ako?" 

  Tinabingi ko ang ulo ko. "I'm not. I mean it." 

 

  Huminga siya nang malalim at ibinuga iyon pagkatapos. "Mag-aral na nga tayo." 

  "Mmh!" Masigla kong pagtango at tinuruan na nga siya. 

*** 

  3rd YEAR noong mag transfer si Miles. Unang tingin ko pa lang, parang nakita ko rin ang sarili ko sa kanya. 

Palagi siyang mag-isa, hinuhusgahan ng iba. Kung may bagay man na magkaiba kaming dalawa. Iyon ay 'yung hindi siya natatakot na maiwanan na mag-isa. 

  May aura siya na sinasabing ayaw niyang may lumalapit sa kanya kaya wala sa mga kaklase ko ang tangkang lumapit. Nung una, medyo nahirapan din ako pero dahil ako ang class president, ginawa ko rin 'yung role ko na kausapin siya. 

  Maayos naman siyang makipag-usap pero madali rin matapos kaya hindi kami nakakapag-usap nang matagal.

*** 

  BUMABA ako yakap-yakap ang mga libro ko. Kasama ko si Kim at John nang mapahinto kami nang makita namin 'yung Trinity4 na pinag gigitnaan si Miles. "Stop PESTERING me!" si Miles. 

  "Eh? What are they doing?" Tanong ni Kim. "May shooting?" Dagdag niya.

  Tumawa si John. "Mukhang may nakita ng katapat 'yung apat, ah?" 

 

  "Looks like it." Amazed na sagot ni Kim habang nakatitig lang ako sa lima. Si Mirriam, na sa harapan ko lang din nung panahon na iyon at pinapanood sila Miles pero umalis din siya pagkatapos. 

  Doon ko nakita na mas magiging maganda ang high school ko at mas magiging makulay. 

*** 

  "Rose, handa na 'yung breakfast. Gusto mo ba ng kape?" Tanong ni John sa labas ng pinto ko at binuksan iyon para pumasok sa kwarto ko pero mabilis ding lumabas noong maabutan nanaman akong hubo't hubad. "Nakahubad ka nanaman!" 

 

  Nakadapa lang akong nagbabasa ng libro nang magpasya akong umupo sa pagkakahiga. Dinikit ko sa labi ko ang hintuturo kong daliri at lumingon sa pinto. "Paano ka mai-in love lalo sa akin kung hindi kita aakitin?" 

  "Sheesh! Magtitimpla na ako ng kape mo." Sabi niya mula sa labas ng kwarto ko. Humagikhik ako nang kaunti saka ko tiningnan 'yung litrato naming dalawa na nandoon sa study table ko. Na sa likuran ako ni John na nandoon sa litrato at yakap yakap siya habang taas-kilay naman siyang nakatingala at nakangiti sa akin. 

  "I love you so much." 

*****