Chapter 15: Tail
Haley's Point of View
"Kailangan n'yong gumawa ng short music video na nauuso sa panahon ngayon at ipapasa sa susunod na buwan. Mahabang araw na ang ibinigay ko kaya h'wag n'yo akong bibiguin." Wika ng aming guro sa Art Appreciation. "Apat na miyembro sa iisang grupo, naiintindihan?" Dagdag pa nito kaya mabilis akong napatingin kila Reed.
Hindi nila inaalis ang tingin sa guro namin at parang nag-iisip din kung sino ang makakasama nila. Pero noong mapansin kong lilipat sa gawi ko si Reed ay mabilis kong inialis ang aking tingin. Lalapitan kaya ako ni Reed?
Pasimple ko siyang nilingunan. Kinakausap niya si Jasper, tumango silang pareho at tatayo na noong bigla silang lapitan ng iba naming blockmates kaya wala akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.
Lumapit si Rose sa akin kaya tumingala ako para makita siya. "Wala ka pa namang grupo, 'di ba?" Tinuro niya ang sarili niya. "Malaki confidence kong mag compose kaya tamang tama ikaw kakanta."
Hindi muna ako umimik. Oo nga pala, ilang writing contest din kasi ang sinalihan ni Rose noong high school kami kaya pwede kong ibigay na lang sa kanya 'yung trabaho sa pag compose para mabilis. "Isama natin si Claire--" Pagkalingon pa lang niya sa gawi ni Claire at nagpameywang siya. "Ay, mukhang may kasama na." Inilipat naman niya ang tingin kay Aiz. " Si Aiz na lang." Sabi niya at tatawagin na sana si Aiz nang takpan ko ang bibig niya.
"Huwag!" Tutol ko kaya napatingin ang mata niya sa akin at kumunot-noo. Nagsasalita rin siya pero hindi ko maintindihan dahil hindi ko tinatanggal 'yung kamay ko sa bibig niya.
"Kita mo naman kung gaano katamad 'yang babaeng 'yan nung na sa grupo natin." Nanggigigil kong sambit kaya tinapik-tapik niya 'yung likurang palad ko para makapagsalita siya.
"Ang bango ng kamay mo. Ano lotion mo?" Bungad na tanong kaagad ni Rose pagtanggal ko pa lang ng kamay ko sa bibig niya.
Binatukan ko siya noong umakyat ang dugo sa mukha ko. "Siraulo!" Pasigaw kong sabi.
Muli akong napalingon kay Claire nang magtaas siya ng kamay para kunin ang atensiyon ng guro namin. Umalis din 'yung iba naming blockmates na nakapaligid sa kanya kanina. "Yes, Miss Garland?"
"Pwede po bang gumawa ng Short MV ng solo?" Tanong nito kaya humalukipkip ang guro namin at tumango bilang sagot.
"Oo, sa'yo lahat ng points kapag solo." Sagot naman ng guro namin kaya nag react ang iba na gusto yatang mag solo MV.
"Hmm… Pwede pa lang mag solo MV." Banggit ko at inilipat ang tingin kay Rose. "Ayaw mong mag so--" Ipinatong niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilaan kong balikat.
"Mas maganda siguro kung grupo para sana alam mo na? Madaling matapos?" Bumigat ang pagpatong ng mga kamay niya sa balikat ko kaya napapikit ang kaliwa kong mata dahil nasaktan ako nang kaunti.
Paismid akong ngumisi. "Madaling matapos para less sa gawain, ganoon?" Wika ko saka niya inalis ang mga kamay niya sa akin. "Pero kailangan pa nating maghanap ng dalawa." Tumayo ako. "Ano tingin mo? Dapat ba may lalaki sa 'tin? Kasi tatanungin ko si Jasper kung available pa siya."
Ngumisi si Rose. "Ayaw mo si Reed?" Sabay lipat niya ng tingin kay Reed kaya sumimangot ako at bumuntong-hininga.
"Shut it." Pagpapatahimik ko.
"May bakante pa kayo?" Tanong ng kararating na si Jin kaya sabay namin siyang tiningnan ni Rose. "Sali ako kung mayroon pa." Dagdag niya.
Mabilis namang tumango si Rose. "May dalawa pang bakante kaya welcome na welcome ka." Open arms na sab ni Rose na hindi ko kaagad naimikan.
Ibinaling ko lang din ang tingin kay Jin. "Ah, mmh." Pagtango ko. "Tamang tama, pwede pa lang ikaw ang gumawa ng music composition tutal maalam ka sa music instrument."
"So do you. Marunong ka mag piano kaya pwede mo 'kong tulungan sa melody." Kanyang sambit at saka inilinya ang labing napaka pinkish.
Natulala ako roon kahit hindi ko alam kung bakit ko rin tinitingnan. Pero isa lang ang masasabi ko, ang ganda talaga nung ngiti niya. Tipong hindi mo napapansin na nakatitig ka kasi para ka nitong binibigyan ng pang-aakit para hindi ka makalayo ng tingin.
Humalukipkip ako't inilayo na nga ang tingin. "Sige lang." Sagot ko kaya lumapad ang ngiti niya. Subalit napatingin din siya kay Claire nang makita niya sa peripheral eye view na nakaupo na siya sa kanyang puwesto.
"May isa pala akong sikreto tungkol sa kanya, pero huwag n'yo ng banggitin kapag nag-usap kayo." Sambit niya ng hindi inaalis ang tingin kay Claire. "Hindi ba't madalas n'yong makitang mag-isa si Claire?" Tanong niya sa amin saka niya kami nilingunan. "Maniniwala ba kayo kung nahihiya lang talaga siyang sumali sa mga ganitong group activities, circle o kung ano pa mang gathering ang mayroon?"
Umawang-bibig si Rose. "Uy, hindi. Akala ko talagang independent lang si Claire na gustong mapag-isa palagi at kayang gawin lahat ng mga bagay-bagay ng hindi tinutulungan." Sabi niya at nagkibit-balikat. "Siya kasi 'yung klaseng tao na kapag inalukan mo ng tulong, sasabihin niyang okay lang siya o kaya na niya. Kaya hindi pumapasok sa utak ko na nahihiya lang pala siya. Pero naisip ko na ayaw lang niya na may nangingielam sa ginagawa niya kasi roon siya mas kumportable."
Tumawa si Jin. "Ah, oo. Ganyan din 'yung iniisip ko dati, sadyang medyo matagal-tagal na rin kasi kaming magkasama sa iisang league kaya medyo basa na namin siya. At naipaliwanag nung coach namin kaya mas naintindihan ko siya." Kumamot siya sa likurang ulo niya. "Iniisip ko rin, kaya hindi napapansin na nahihiya siya dahil napaka firm nung ekspresiyon niya. Palaging pokerface."
"Wow. Iyan ba ang advantage ng mga taong na sa Psychology?" Manghang sabi ni Rose.
Tinitigan ko si Claire na nandoon lamang nakaupo sa upuan niya. Naka steady lang siya roon pero nakikita ko 'yung pasimpleng paggalaw galaw nung mata niya.
Nakagilid lang kasi siya sa amin kaya nakikita ko 'yung movement ng eyes niya.
"Ngh." Napapansin ko na talaga 'yung hidden persona ni Claire, pero ngayon ko lang mas napagtuunan ng pansin matapos ipaliwanag ni Jin. Tama nga ako.
Para nga siyang female version ni Harvey. Pero hindi ko naaalala 'yung impaktong iyon sa kanya dahil sa nami-miss ko siya o ano.
Humph. Sino ba niloloko ko? Eh, hindi ko naman talaga maipagkakaila na nami-miss ko naman talaga sila. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha nila Jasper, eh.
Naglakad ako palapit kay Claire kaya sinundan ako ng tingin nung dalawa at tinanong kung saan pupunta. Hindi ko lang sila pinansin hanggang sa makapunta ako sa harapan ni Claire na nagtutuktok ng dulo ng ballpen sa filler notebook niya.
Tiningalaan niya ako kaya nagkapantay ang tingin namin. "I'll get straight to the point. Gusto kitang isali sa short MV na gagawin natin whether you like it or not. Hindi ako papayag na wala kang ka-share na points."
Kumurap-kurap siya habang natulala naman ako. Parang mali yata 'yung pagkakasabi ko?
Gag* ka, Haley! Oo, mali nga! Ano'ng ayaw mong wala siyang ka-share na points?! Napaka selfish naman ng rason mo?
Bigla siyang natawa kaya bumalik ako sa wisyo ko at tinaasan siya ng kilay. "B-Bakit ka tumatawa? Wala namang mali sa sinabi ko." Panindigan ko na. Nasabi ko na, eh.
"No, nothing. Natutuwa lang ako na ikaw pa mismo nag-aya sa akin dahil hinihintay talaga kita. Hindi ko lang inaasahan 'yung rason mo." At tumawa pa siya nang kaunti kaya namula ako lalo.
"Wha-- Bakit kailangan mo pa kaming hintayin kung gusto mo naman pa lang sumama sa grupo?" Taas-kilay kong tanong kaya pilit siyang ngumiti saka kinamot ang pisngi niya ng index finger niya. Wala na siyang sinagot, pero mukhang nahihiya.
Tinabingi ko nang kaunti ang ulo ko dahil nagtataka lang talaga ako sa kanya. Pero hinayaan ko na lang at ngumiti. "Ganito na lang, sa lahat ng group activities na gagawin natin na tayo ang pipili. Automatic na magkasama tayo."
Ngiti itong tumango. "Got it."
Kaya nagkasundo kami na apat kami nila Jin, Claire, Rose sa grupo.
Habang sa kabila naman si Jasper, Reed, Aiz, at ang isa sa babae naming blockmates.
Nakapabilog kaming apat sa classroom nang mapatinign ako sa gawi ng grupo nila Reed. Wala pa rin akong pagkakataon na makausap siya pero mukhang okay naman na sila ni Jasper dahil nagagawa na nilang makipagtawanan sa isa't sa. Kahit kay Rose kanina, parang normal naman na't maayos na rin.
Pero hindi iyon ang dahilan para maging mapanatag ang loob ko. Pagkauwing pagkauwi ko pa lang ay hinanap ko kaagad siya dahil katatapos lang namin magpalit ng P.E. Uniform at uwian na. Wala na rin siya sa classroom noong bumalik ako para sana I-check siya.
Nakalabas na ako sa building at naghahabol hininga. Humawak ako sa mga tuhod ko at inilabas ang cellphone ko mula sa bulsa ng skirt ko para I-chat si Jasper sa Messenger. Ang reply niya ay hindi raw niya kasama si Reed dahil hiwalay ang daan nilang pareho dahil didiretsyo siya sa clinic nila.
"Umuwi na kaya si Reed?" Bulong ko sa aking sarili at umayos na nga nang tayo.
Subalit hindi napigilan na makaramdam ng kaunting inis. "That idiot. Bakit hindi niya ako makausap?" Iritable kong sabi at malalim na napabuntong-hininga.
Lumakad na nga lang ako para makauwi, ngunit nakita ko si Reed sa hindi kalayuan at papunta yata sa parking lot kaya napatigil ako. "Reed… " Paglabas sa bibig ko ng pangalan niya at nilakasan ang loob. Chance! Kung hindi ko pa siya kakausapin ngayon, baka lumala pa.
I was about to call him nang makita ko naman si Irish na papalapit sa kanya. Patalon talon siyang lumakad at hinampas sa braso si Reed na siya naman sa kanyang paglingon para makita kung sino ang humampas sa kanya.
Kaya ang papahakbang kong kanang paa ay hindi na nakaangat pa. Tumigil lang ako habang pinapanood sila na magkasabay na naglakad papunta sa parking lot.
Bigla ako nakaramdam ng hapdi sa mata, at hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin na medyo namumuo 'yung luha roon.
Mabilis kong pinunasan iyon ng likurang palad ko para walang makakita sa akin at para hindi ako magmukhang tanga. Napailing sa maling kaisipan bago ko sila sinundan.
***
GUMAMIT AKO ng tricycle dahil gamit gamit ni Reed ang kotse niya.
Maliban sa naba-badtrip ako dahil imbes na ako ang kasabay niya dahil magkatabi lang naman kami ng bahay, naiinis ako sa part na ihahatid pala niya itong si Irish sa bahay niya.
I mean hindi ko alam itong lugar na dinadaanan namin at dalawa ang pwede nilang puntahan. Sa bahay o sa iba pang lugar.
Tumigil ang sasakyan ni Reed sa isang maliit na resto kaya ipinara ko na sa tabi na medyo malayo layo kung nasaan sila. Nagbayad na ako kay manong driver saka ko mabilis na sinuot ang hoodie na nakapulupot kanina sa beywang ko.
Inangat ko ang zipper ng hoodie ko at kinuha ang itim na face mask sa bag ko para hindi ako makilala nung dalawan iyon. Umakto na lang din akong may sakit katulad ng pag-ubo ubo para hindi naman weird kung makita ako ng iba ng naka-hoodie at face mask kahit ang init init ng panahon. Kahit pa na sabihin din nating mag gagabi na.
Pumasok na sila Irish sa mini resto na iyon habang dahan-dahan naman akong naglakad papasok.
Sa entrance, may malalaking vase kang makikita sa magkabilaan mo. Welcome tree kung tatawagin. Mga maliliit na marble stones ang maaapakan mo 'tapos may maliit na fountain sa harapan doon sa kanan.
Na sa kaliwa naman 'yung mismong kainan-- para itong bar dahil may mini stage sa loob at nagkakantahan. Ang ilaw na gamit nila ay fuschia pink na may mix light para hindi masyadong masakit sa mata.
Medyo marami-rami ang tao kaya hindi naman din ako mapapansin. Umupo lang ako sa bakante nang hindi inaalis ang tingin kay Reed na naghihintay rin doon sa bakanteng upuan. Pinagmamasdan ko lang sila nang may waiter na huminto sa gilid ko. "Mayroon na po ba kayong order, Ma'am?" Tanong ng baklang waiter kaya ako naman itong napaayos nang upo.
"A-Ahm…" Luminga-linga ako, hindi alam kung ano ang gagawin nang huminto ang tingin ko sa menu, mabilis ko iyon kinuha para pumili ng makakain.
In-order ko na lang 'yung unang nakita ng mata ko. "C-Citrus Lemonade Tea po."
Sinulat nung nagngangalang Mickey ang order ko. Mayroon kasi siyang name tag na nakaipit sa kanang damit niya. "Iyon lang po, Ma'am?" Tanong niya. Umubo ako kasi pakiramdam ko, sinususpetsahan ako nung waiter na ito.
Tumangu-tango ako. "O-Opo." Sagot ko kaya ngiti itong tumango bago siya umalis. Sa sobrang bilis ng pagpintig ng puso ko sa kaba ay napabuga na lamang ako nang hininga. "Hahh… Safe." Tila parang nakahinga nang maluwag kung sabihin pero ibinalik ko rin ang tingin kung nasaan si Reed kanina,
Ngunit nagulat ako dahil wala na siya sa inuupuan niya kaya lumingon lingon ako. Huh?! Nasaan na siya?!
Lingon lang ako nang lingon pero wala na akong nakikitang Reed kaya inalis ko ang mask ko. "Umuwi… na kaya sila?" Tanong ko sa sarili, halata sa boses ko ang panghihinayang at ang lungkot.
Ibinaba ko ang zipper ng hoodie ko at inalis dahil naiinitan na rin talaga ako. Ipinatong ko muna iyon sa ibabaw ng bag ko kasabay ang mabilis na pagdating ng order ko. "S-Salamat." Pagpapa-salamat ko bago umalis si Mickey.
Bumuntong-hininga ulit ako at iniikot-ikot ang straw sa inumin ko. "Bakit ko nga ba sila sinundan pa rito?" Mahina kong tanong sa sarili at inangat na lamang ang tingin sa mga taong kumakanta sa mini stage. Hindi ko alam 'yung kanta pero love song iyon.
"Not knowing anything makes me… feel uneasy."
*****