Chereads / Platonic Hearts / Chapter 14 - Edgy

Chapter 14 - Edgy

Chapter 14: Edgy 

Reed's Point of View 

  "Irish… Ano'ng gagawin ko…? Mali 'yung nasabi ko! Ano na lang iisipin ni Haley sa 'kin?!" Pagsabunot ko sa buhok ko habang nakasubsob ang aking mukha sa lamesa. Naikwento ko kasi 'yung nagawa ko kanina, na-realize kong napaka immature ko kaya mas naiirita ako ngayon. Hindi naman kasi iyon ang ibig kong sabihin. Wala akong intensiyon na sabihin iyon para ma-offend ko si Rose, sadyang naiinis lang kasi ako dahil sa lalaking iyon kaya iba tuloy lumabas sa bibig ko. 

  Naramdaman ko naman ang paglapag ni Irish ng in-order kong pagkain. Dinner ko na 'to at nasabi ko naman na kay manang. "Eh, sinong tanga?" Imbes na bigyan ako ng maganda salita, eh 'no? 

"Ba't hindi ka na lang mag sorry?" 

  Umayos na nga ako nang upo at tumungo. "Hindi naman ganoon kadali." 

  "Is there an easy way or a hard way to apologize? Whether it's a hard problem or a simple one, in the end, if you feel bad, you should apologize. If you just leave it alone, it'll get worse." Mahabang litanya niya. Nakita ko 'yung point niya roon kaya mas natahimik ako. "Kaya lang naman mahirap sa 'yo dahil ma-pride ka ring tao. Hindi ka okay sa katotohanan na mas may nagagawa kamo 'yung si Jin kaysa sa 'yo." Salitang mas sumasaksak sa puso ko kasi totoo 'yung sinabi niya. 

  Tumalikod siya sa akin. "Kukunan kita ng inumin mo. Sandali lang." Iniwan niya ako pagkatapos kaya bumuntong-hininga ako't kinuha na lamang ang kutsara't tinidor na nakalagay sa mainit na lalagyan para makakain na nga. Kaso susubo pa lang ako ay nawalan ako ng gana. Nagugutom ako pero parang ayoko ring kumain. 

  May biglang tumabi sa akin. Isa sa mga waiter dito. "Hi, pogi. Kaanu-ano mo si Madame?" Tukoy niya kay Irish. Si Irish kasi ang nagma-manage ng business, parang manager pero tumutulong pa rin sa pagdala dala ng pagkain sa mga customers. "Girlfriend mo?" Curious pa niyang tanong na nagpahagikhik sa akin. 

  "Hindi po. Kaibigan lang." Sagot ko. 

  "Kaibigan? Weh? Imposible naman. Eh, napapadalas ka ngang nandito? May kaibigan bang ganoon?" Hindi ko napapansin pero mukhang tama nga siya. 

Kaso kung iisipin mo, wala naman talagang masama kung madalas akong nandito. Tao lang talaga 'yung ma-issue. 

  Inilapit niya ang mukha niya sa akin na siya namang nagpaurong sa ulo ko para hindi siya madikitan masyado. "Huwag ka ng mahiya. Kasi kung sinabi mong hindi mo siya girlfriend, baka ako pa manligaw sa'yo." 

  Ngumiti ako nang pilit. "H-Huwag po." 

  "Hoy, Mickey. Tumigil ka nga diyan. May nanghihingi ng sabaw sa labas." Pagdating ni Irish dala-dala ang pitchel ng tubig kaya pinitik kamo ni Mickey 'yung buhok niya kasabay ang kanyang pagtayo para puntahan 'yung nanghihingi kamo ng sabaw. 

  Nagbuga ako nang hininga. "You saved me." Sabi ko kasabay ang paglapag nung pitchel. 

  "Ano sabi nung baklang 'yon?" Tukoy niya kay Mickey. 

  Nagsalin lang muna ako ng tubig sa baso ko bago ko siya sagutin. "Hindi, wala naman. Kung anu-ano lang." Sabi ko na lang at hindi na tinukoy 'yung tungkol sa girlfriend. 

  "Pero napapadalas na punta mo rito. Nakakaumay ka ng makita. Bakit hindi mo sabihin 'yang mga problema mo sa bestfriend mong si Kei." Muli akong napabuntong-hininga sa sinabi ni Irish. 

  "Tulog 'yon ngayon. Saka ayoko ng makaabala." 

  Inirapan ako ni Irish. "Pero ako, pwede mong gambalain?" Sarkastiko niyang tanong bago makaupo sa tabi ko. 

  "Gusto mong uminum nang kaunti?" Tanong niya sa akin kaya ako itong napatingin sa kanya bago ko siya pitikin sa noo. "Nag-aaya ka ng inum, paano kung iba 'yung kasama mo? Kung ano pa gawin sa'yo." 

  Hawak-hawak niya 'yung noo niyang pinitik ko. "Wala naman akong sinabing iinum ako, eh. Ikaw lang naman." 

  Nagsalubong ang kilay ko. "Kahit na. Hindi ka pa rin dapat magbabanggit ng ganyan lalo na kung lalaki 'yung kasama mo." Suway ko sa kanya kaya kunot-noo niya akong tiningnan. 

  "Bakit ka umaarteng kuya ko?" Iritable niyang tanong na medyo nagpaawang-bibig sa akin sandali bago ako labas sa ilong na ngumiti. I

  binaling ko na lang ang tingin sa kinakain ko nang makauwi na ako.

*** 

  KINUHA KO na ang mga gamit ko't isinabit sa kanan kong balikat. "Salamat. Mauna na ako." 

  Nagpupunas na ng lamesa ang mga tao niya rito dahil nagsabay-sabay kaming mga customers niya na nakatapos sa aming kinakain. Pero ang totoo, sinabayan lang talaga nila ako't hinintay makatapos. Karamihan sila mga babae at mga nag-aabang yata na kausapin ako, wala lang talaga akong ideya. 

  "Sandali. Samahan na kita. Hindi mo dala sasakyan mo, 'di ba?" Tanong niya sa akin. 

  Nakatalikod na ako nang mapalingon ako sa kanya. "Oo, pero hindi mo na kailangan na samahan ako." 

  Tinulak niya ako palabas ng resto nila. "Okay lang! Okay lang, gusto ko rin maglakad lakad." Tugon niya habang papalabas kami, pero naalala ko 'yung mga hindi magagandang pangyayari nung nakaraan kaya humarap kaagad ako sa kanya. 

  "Huwag na. Dito ka na lang." Seryoso kong pakiusap. Ayoko ng magkamali at maging kampante na okay na ang lahat. 

  Bigla pang pumasok sa isip ko 'yung mga nangyari sa aming trahedya kaya hindi ko naiwasang mapakagat-labi't mapatungo. Pero tumingala rin para makita mata sa mata si Irish. "Bukas na lang ulit." 

  Nakaangat lang ang tingin niya sa akin at medyo namimilog ang mata nang mapa-bored look siya. "Ayoko. Huwag kang pupunta rito." 

  Umangat ang dalawa kong kilay at nagulat nang mag cling siya sa braso ko. "O baka gusto mong ma-issue tayo na on tayo?" Pang-aasar ni Irish kaya humiwalay kaagad ako sa kanya. 

 

  "Si Haley gusto ko." Simangot kong diin. 

  Nagpameywang siya. "Edi sabihin mo 'yan sa kanya nang harapan. Duwag duwag. Umalis ka na nga, arte arte. Ikaw na nga sasamahan." Tumalikod na nga siya sa akin para pumasok ulit sa loob ng resto nila. "Huwag mo pala kakalimutan 'yung milktea ko, ah? Iyon bayad mo sa pagsasayang mo sa oras ko." Sigaw niya nang makapasok sa loob. 

  Sinasabi niya iyan pero ang dami naman niyang tanong kanina. Akala mo na-hot seat ako. 

  Ngiti akong napailing bago maglakad para pumunta sa terminal. 

Haley's Point of View 

  Habang ginagawa ko 'yung kaunting assignment ko ay pasilip-silip ako sa labas ng bintana para makita kung nandiyan na si Reed. Alas otso na ng gabi pero wala pa raw siya sa bahay. Eh, kanina pa ako pabalik balik doon. 

Saan kaya pumunta iyon. Eh, ang alam ko maaga ring magko-close ang E.U ngayon? 

  Nakarinig ako ng tatlong katok kaya lumingon ako roon kasabay ang pagbukas ng pinto. Si Mama pala at buhat-buhat si Lara. "Anak, bibili lang ako ng vitamis ng kapatid mo. Nakalimutan kong ubos na pala. Bantayan mo muna sandali." Dali-dali akong umalis sa swindle chair ko para buhatin si Lara na ipinapasa sa akin ni Mama kasabay ang pag-iingay ng mga anak ni Chummy sa ilalim ng kama. Doon sila nakapuwesto kasi. 

  Hahh… Ang hirap maging babysitter. 

  "Lakad lakad lang muna kami ni Lara sa labas." Paalam ko bago kami magsabay bumaba't lumabas. 

Nag take lang ng sasakyan si Mama para mapabilis 'yung punta't uwi niya. Nang makaali siya ay iniangat ko ang tingin sa langit dahil medyo rumarami na rin pala ang bituin. Nakatingin din doon si Lara kaya ngiti akong napangiti at nag humming ng lullaby para sa kanya. 

  Ibinagsak niya bigla 'yung ulo niya sa balikat ko habang dahan-dahan ko lamang ipinipikit ang talukap ng mata ko. 

 

  Napaka selfish ko ba kung sasabihin ko na halo-halo pa rin 'yung pakiramdam na mayroon ako kapag buhat buhat ko si Lara? Na sa tuwing nakikita ko siya, nakikita ko sarili ko kaya naaalala ko lang 'yung kambal ko? 

  You're still alive, aren't you? Ate? 

  "Haley." Tawag ng pamilyar na boses kaya humarap kaagad ako sa kanya. Si Harvey pala ito. 

  "Oh? Ngayon na lang ulit kita nakita." Tugon ko. Magkapit-bahay lang kami pero dahil kulong na kulong siya sa bahay at hindi kami nagkakasalubong, wala kaming pagkakataon na makapagkita. "Wow, taba eye bags." 

  Pumikit siya kasabay ang kanyang paghinga nang malalim. "Pinaghirapan ko 'to." Biro niya at idinilat na ang mata. "Sino hinihintay mo rito?" Tanong niya at ibinaba ang tingin sa kapatid ko. "Baka hamugin kapatid mo. Magkasipon." 

  Bumaba rin ang tingin ko kay Lara. "Ah, you're right." Ibinalik ko ang tingin kay Harvey. "Eh, ikaw? Saan ka pupunta?"

  Nagpamulsa siya. "Pupunta lang ako sa malapit na convenience store. Kailangan ko bumili ng energy drink at mayroon nanamang test bukas." At humikab siya pagkatapos. Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at tinapik ng tatlong beses.  "Pumasok na kayo sa loob. Mauna na ako." Paalam niya bago magsimulang maglakad. 

  Sumunod lang din ang tingin ko sa kanya na ngayo'y bagsak ang balikat. 

Cognitive Psychology ang kinuhang major ni Harvey na medyo inaasahan ko rin na kukunin niya. Kaya hindi rin ako magtataka kung bakit ganyan kataba 'yung eyebags niya dahil maliban sa nakapasok siya sa malaking unibersidad na matagal na niyang gustong pasukan, talagang hindi biro ang ginagawa niya. 

Sa group chat namin, halos madalang na lang talaga siyang mag seen kung may messages kaming nile-leave.

  Ibang iba na nga talaga kapag college. Hindi pwedeng petiks petiks ka na lang. 

Pero baka ito pa maging dahilan para mamatay kami nang maaga. 

  Muli akong bumuntong-hininga at nagpasya na ngang pumasok dahil baka magkasakit pa 'tong kapatid ko. Bukas ko na lang siguro kakausapin si Reed. 

*****