Chereads / Platonic Hearts / Chapter 3 - Contemplate

Chapter 3 - Contemplate

Chapter 3: Contemplate 

Claire's Point of View 

  I'm Marie Claire Garland. 18 years old turning 19 next year.

Hindi pure na Pinay at half breed American-- but despite of being a half-half. 

Ang tingin ng iba sa akin, pure american ako to the point na minsan napagkakamalan na nga akong isang foreigner na hindi marunong magtagalog. 

  Sumipol ako sa pito ko habang pinapanood ang mga players namin sa Basketball team. "Hoy, Kit! Huwag kang tawa nang tawa diyan! Wala ka pang nagagawang maayos, ah?!" Suway ko pero mas humalakhak lang. Mamaya ka sa akin. 

  Madalas akong ma-discriminate dahil sa looks ko, madalas akong kausapin sa ingles kahit marunong naman akong magsalita at kinakausap ko sila sa Tagalog, pero ang nakakatawa pa nga. Sa tuwing magsasalita naman ako sa ingles, ikakatwiran nila na nandito ako sa Pinas kaya dapat nagtatagalog ako. 

  Parang ang nonsense, 'di ba? Hindi ko rin maintindihan kung ano problema ng utak ng mga tao ngayon sa sobrang labo. 

 

  "Commander Tamagotchi, isang shoot. Isang kiss, ah!" Sabay flying kiss nung player na si Samuel dahilan para kumunot ang noo ko. May pumitik din sa may sintido ko.

  "Hindi ito 'yung oras para makipaglokohan tayo, ah? Kapagka hindi n'yo maipapanalo 'yung laban bukas. Magto-200 push ups kayo!" Seryoso kong sambit na may awtoridad na na tono sa aking boses. Pero imbes na matakot o mas seryosohin nila 'yung sinasabi ko, mukhang natuwa pa yata. 

  "200 push ups, more abs!" Masiglang sabi ni Arci at kinagat ang inangat na manggas ng jersey niya para ipakita ang abs niya. Napahawak na lang ako sa noo ko. 

  Mayroong magaganap na provincial sa kalapit na baranggay, makakatanggap ka nang malaking premyo kung ang team mo ang mananalo. 

At hindi namin ito pwedeng palagpasin dahil makakatulong 'yung pera sa mga kakailanganin namin kung magkakaroon man kami ng travel sa kung saan-saang paligsahan.   

  Pasimple akong tumingin kay Kenji-- ang coach ng team namin na ngayo'y nagdi-dribble ng bola. Nakikipaglaro siya sa mga players niya dahil na rin sa kagustuhan nila Arci. Ang rason ng mga players, para raw mag improve 'yung skills nila dahil totoo, may kakaibang husay kasi itong si Kenji sa paglalaro ng isports na ito. 

  Nanalo sa iilang paligsahan o tournament, nakapag international na rin siya pero nag desisyon na mag coaching na lamang imbes na ipagpatuloy ang paglalaro kasama ng mga dati niyang kasamahan sa basketball. 

  "Eyes on the ball!" si Kenji habang tilang sumasayaw noong umikot siya para maiwasan si Samuel sa pag-agaw nung bola, at sa sobrang ganda nung pagkontrol niya roon na animo'y parang nagiging parte na rin ng katawan niya ang bola, maybe you could say that I can't help but mesmerized by its brilliance. 

  Ugh. Naiinis ako. Kung mayroon lang talagang basketball league for girls edi sana nakakapaglaro rin ako! 

  Tumabi sa akin si Jin. Isa sa mga magagaling na players namin na sumali nung nakaraang taon sa league. "You're interested in him, aren't you?" 

  Napatingala ako para tingnan siya. "Huh?" 

"Kenji." Sagot niya sa naguguluhan kong reaksiyon saka ibinaba ang tingin sa akin. 

  Tumitig muna ako sa kanya bago ibinalik ang tingin kay Kenji na tumalon para I-shoot ang bola. "Ang dami mong napapansin." 

Nagpunas siya ng leeg niya ng bimpo. "Sabihin nating ganyang din tumingin 'yung nagugustuhan ko sa nagugustuhan niya." Nakangiti siya pero wala naman akong makitang lungkot sa mata niya. 

  O baka hindi ko lang talaga siya mabasa kasi hindi ako marunong magbasa ng tao? 

Well, kaya nga ako nag-aaral ng Psychology para mas malaman ko 'yung behavior ng mga taong nakakasalamuha ko. 

  Muli kong inilipat ang tingin sa harapan para panuorin ang laro. Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi niya at sinagot na lang ang tanong niya kanina. "I suppose--Well, I mean dahil nga sa magaling siya." 

  Nag pameywang si Jin. Ramdam ko rin 'yung ngisi niya. "Hmm? What else would I have meant?" Pasimpleng pang-aasar niya kaya namula ako't inapakan 'yung paa niya. 

  "Aray!" 

  "Tch." Paggawa ko ng tunog at tumingin sa kaliwang bahagi para tumingala't tingnan ang ganda nung ulap. 

Naalala ko lang bigla 'yung dalawang babaeng tumulong sa akin kahapon doon sa mga unggoy na lalaki. Never akong naging interesado sa ibang bagay maliban sa basketball, pero anong year na kaya 'yung dalawang 'yon? 

  "Ah! Commander! Watch out!" Sigaw ng isa sa mga players kaya nung lumingon ako kung saan galing ang boses na iyon, ay siya naman sa pagtama nung bola sa mukha ko na hindi ko na nagawang mailagan. Bumagsak ako sa sahig. 

Haley's Point of View 

  Nakikipaglaro ako sa mga anak ng pusa kong si Chummy nang tumunog ang phone ko. Nandoon lang naman iyon sa gilid ng kama ko kaya gumapang lang ako para kunin iyon. 

  Tiningnan ko ang screen at nalamang si Jin pala itong tumatawag. Kaya pagkakita ko pa lang sa pangalan niya, parang nag-alanganin na akong sagutin 'yung calls niya. Iniisip ko kasi na kung sasagutin ko pa, mas magkakaroon siya ng rason para hindi ako tigilan. Pero kung iisipin ko rin na umuwi siya rito nang dahil sa isa ako sa rason niya, hindi ko rin maiwasan na hindi makonsensiya kung sakali ngang hindi ko siya papansinin. 

Napabuntong-hininga ako pero umiling din saka ko ibinalik sa kama ang cellphone. "Hay naku, hindi. I have the rights to reject. Kung pagbibigyan ko siya sa gusto niya, baka akalain pa niyang nagbibigay ako ng motibo. Mahirap na." Sabi ko sa sarili ko at tumayo na nga lang dahil anong oras na rin. 

Kailangan ko ng magluto dahil baka tamarin pa ako niyan mamaya at hindi nanaman ako kumain. 

  Kakadalaw ko lang din pala kay Mama kani-kanina at nasabing uuwi raw sa susunod na araw kasama si Lara kaya sa ngayon, ako lang ulit sa bahay. Pero kumpara noon, mas tahimik ngayon. 

Si Manang lang kasi 'yung tao sa kabila at wala ulit si Reed dahil as usual nandoon sa E.U., si Harvey naman, ang alam ko umalis ngayon para tingnan ang exam result niya nung nakaraan sa skwelahang papasukan niya. And knowing that guy, I know magiging pasado siya. 

  Bumaba na nga ako para pumunta sa kusina't maghanda ng kakainin ko. Nagsuot ng apron at kumuha ng kitchen knife. 

  Nakausap ko rin pala si Kei kagabi, nagkwentuhan lng kami tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa California, pumupunta punta rin siya sa kung saan-saang lugar para sa photography dahil nag summer training siya tapos papadalhan niya ako ng mga kinakain niya. 

  Ang gaganda nga ng mga kuha niya, eh. Malalaman mong binibigay niya 'yung buong puso niya sa photography. 

Kung iisipin ko nga, para na akong napag-iiwanan. Hindi ko maiwasang mainggit kasi alam na alam na nga talaga nila kung ano 'yung gagawin nila para sa sarili nila samantalang ako stuck pa rin sa iisang lugar, hindi sigurado kung pupunta. Mahilig akong manood ng anime pero hindi naman ako magaling na artist, nagbabasa ako ng mga novels pero tinatamad akong maging writer, kumakanta ako pero hindi ko rin naman nakikita 'yung sarili kong maging musician artist o maging idol. 

Masarap naman akong magluto at marunong ako sa murang edad pero hindi ko rin naman gustong kunin ang culinary-- ah, pwede rin pala-- Pero hindi talaga! 

  Hahh… Ito minsan ang mahirap kapagka marami kang alam na gawin. Hindi mo alam kung ano 'yung gusto mong kunin. 

Kumuha ako ng meat sa refrigerator nang makarinig ako ng busina sa labas kaya ipinatong ko muna 'yung meat sa chopping board at naglakad para tingnan ang bisista. 

Sino naman kaya iyong bumubusina? Ah, don't tell me dumating na 'yung order ko? Teka lang, wala akong bra-- pero okay lang naman pala. Wala naman akong boobs, kaya wala rin namang makikita si kuya driver. At isa pa, nakasuot naman pala ako ng apron. Hindi ko na kailangan ng tuwalya bilang costume. 

  Hahh… Safe.

Binuksan ko na nga 'yung pinto at sumilip sa labas ng gate. Laking gulat na si Jasper pala ito sakay sakay sa kanyang motorsiklo. Nakasuot pa rin siya ng helmet at nakataas lang 'yung face shield. Napansin niyang nakalabas ako kaya lumingon siya sa akin at masiglang kumaway. "Hoy ~! Long time no see, Haleeeee ~!" Bati niya sa akin kaya halos mangiyak ako pero sinampal ko lang ang sarili kong pisngi at nagsuot ng tsinelas para puntahan siya. 

  Lumabas ako ng gate. Grabe, halos buong summer ko siyang hindi nakita! "Bakit ngayon ka lang nagpakita?!" 

  Humawak siya sa likod ng helmet niya at tumawa. Hindi pa rin siya nagbabago, nandoon pa rin 'yung sigla kapag tumatawa siya. 

"Hindi naman halatang na-miss mo 'ko. Sensiya na, naging busy lang din!" Inalis niya 'yung helmet na suot niya kaya nakikita ko na kung gaano kahaba ang kanyang buhok. Nakatali ang dulo nito habang naka-brush up naman ang bangs niya. 

Kung may magbabago man sa kanya, 'yung physical lang, pero si Jasper pa rin ito. 

The last time I saw him, maybe I found him without any spirit as though he'd already given up on a lot of things. I just know because that is something about him that looks like the almost suicidal old me. 

At alam ko dahil kaibigan ko si Mirriam. 

It's not something you can just forget so easily. 

"Katatapos lang ng training ko ngayon kaya may ilang araw pa ako bago ang pasukan." Tinuro niya ang sarili niya gamit ang hinlalaki. "Kaya kain tayo sa labas, best friend." Labas ngipin niyang ngiti.