Chereads / Platonic Hearts / Chapter 7 - Start from Zero

Chapter 7 - Start from Zero

Chapter 7: Start from Zero 

Haley's Point of View 

  Narating namin 'yung Building B ng walang kahirap-hirap matapos naming makasama ang nagngangalang si Claire. 

Sa unang tingin mo, napaka intimidating niya but she's actually nice when you got to talk to her. Mayroon din siyang buhok tulad nung kay Jasper, pero compare naman sa mokong na iyon. Half-American talaga itong si Claire. 

  "Buti pa si Claire, may kwenta. Nakaalis kaagad tayo sa lugar na iyon ng walang kahirap-hirap." Nakapikit kong sabi habang patuloy sa paglalakad sa hallway. 

  Ngumuso si Rose. "Eh, kung ginawa mo 'yung sinabi kong paghubad, edi sana kanina pa tayo nakaalis." Katwiran niya kaya napahawak ako sa noo ko at walang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga. She's hopeless. Medyo nasasanay na ako kahit papano. 

  Napatingin ako kay Claire na diretsyo lang ang tingin. "Saang class ka pala?" Tanong ko. 

  "Sa College Room A." Sagot niya kaya namilog ang mata ko. 

  "Doon din room namin." Tukoy namin sa classroom na pupuntahan namin ni Rose. "Hindi ba't sabi mo, 2nd year ka?" Taka kong sabi. 

 

  "Baka may subject siyang hindi na-take sa school niya dati kaya magiging kaklase rin natin sa subject ngayon." Paliwanag ni Rose na tinanguan ni Claire. 

  "Parang ganoon na nga." Ngiti niyang sagot dahilan para magtakip-ilong si Rose.

  "Nasisilaw ako." Sambit niya na binigyan ko ng walang ganang tingin. 

  "You're not having a lewd thoughts, aren't you?" Suspetsiya ko sa kanya pero binigyan niya ako ng malaking thumbs up at nung kanyang kumikislap na mata. 

  "No worries. Kaunti lang." Proud pa niyang sabi kaya para namang nag-alala si Claire dahil lumayo siya nang kaunti sa amin. 

  "Should I not worry about that?" Nag-aalala niyang sabi na siya namang bigay ko rin ng thumbs up with matching pokerface. 

  "Don't worry, she acts all stupid but she's actually nice." Tugon ko. Malandi niyang hinawakan ang kamay ko kaya kinilabutan ako lalo pa noong malapit 'yung mukha niya sa akin habang may malanding ngisi sa labi niya. 

  "And you're actually kind to tell her that I'm nice." 

  Nakatikim siya nang malakas kong batok dahil doon. 

Ngunit hindi iyon ang dahilan para manahimik 'yung puwet niya. Mabilis na lumapit si Rose kay Claire para hawakan ang mga kamay nito. Hindi pa rin nawawala 'yung pagkinang ng mga mata niya. 

  "Ayaw mo bang sumali sa election for College Supreme Student Government? Bagay kang maging vice president ko." 

  Umurong ang ulo ni Claire. "Ah-- H-Hindi ako interesado." Sagot niya kaya napasimangot ako. 

  "Walang sasali kung ganyan mo sila ayain." Suway ko sa kanya kaya humarap siya sa akin. 

  "Ayaw mo naman kasing maging vice president ko, eh!" Pasigaw niyang sabi kaya kumuha na ako ng dala kong tape sa shoulder bag para ilagay sa bunganga niya. 

That should do it. 

  Ilang araw na rin kasi talaga akong kinukulit ni Rose na sumali sa election.

Medyo interesado ako dahil para may maiba naman sa buhay ko pero kalaban ko 'yung katamaran. Wala rin akong alam sa pamamalakad, and I don't think I can get along with students. 

  Narating na namin 'yung first classroom. Sa College, iba-iba ang gagamiting classroom depende sa subject. 

Kaya pagkatapos lang ng subject namin na ito, doon na kami sa kabilang room.

Nakakapagod lalo na't ang lalayo pa ng mga classroom. 

  Pa-slide na binuksan ni Rose 'yung pinto kung saan tumambad sa amin ang mga baguhang mukha. Bigla akong ninerbyos kahit wala namang dahilan para makaramdam niyon. 

  Pumasok kami sa loob, wala pa 'yung professor gayun din si Reed. Si Jasper, kaklase rin namin pero maghihiwalay kami ng classroom mamaya pagkatapos lang nung subject na ito. 

  Nakatingin lang ako sa harapan nang may pamilyar na boses akong naririnig lalo pa 'yung tawang iyon. "Oh hoho! Dito ka pa rin pala nag-aaral, Haley Miles Rouge!" 

Dahan-dahan kong tiningala 'yung babaeng iyon. May tatlong hagdan paangat kasi ito. 

  "Ugh." Tanging reaksiyon ko nang malaman kong dito pa rin pala mag-aaral si Aiz. 

  Humarap si Rose kay Aiz at nagpameywang. "Oh, Aiz. Hindi ka pa rin pala nagbabago. Nangitim ka lang." Pagpansin ni Rose sa skin color ni Aiz. 

Nauna namang umupo si Claire na hinayaan ko naman. "Nasaan mga bestfriends mo?" Tanong ni Rose at naglakad paakyat para puntahan si Aiz. Hindi na ako sumunod at naghanap lang ng mauupuan hanggang sa magulat ako dahil nakikita ko si Jin sa pinakadulong upuan. Kinakausap siya ng mga babae pero na sa akin ang tingin niya. 

  Binigyan niya ako nang matamis na ngiti kaya para naman akong nabagsakan ng langit at lupa. Bumalik nanaman siya rito? 

  May bumukas ng sliding door. Sila Reed at Jasper iyon habang pawis na pawis at medyo magulo ang mga white long sleeve. "Safe. Nakaabot!" si Jasper. 

  "T*ngina mo naman kasi. Bakit ka pumunta sa High school?!" Iritang irita na tanong ni Reed habang hingal na hingal. 

  Nag brush up naman si Jasper ng buhok. "Pinapatawag nga ako nung principal! Ang kulit ng bungo mo, ah?!" 

  "May mga pogi pa tayong kaklase." 

  "Buti pala rito ko nag-aral." 

  "Sana wala pang girlfriend." 

  Rinig kong sabi ng iba naming blockmates kaya umiwas ako ng tingin at naghanap na nga lang ako ng mauupuan. 

*** 

  DUMATING NA 'yung professor namin para sa umagang 'to. And guess who? 

  Nagpamulsa siya. "I'm Santos Gray, I'll be your physical education teacher throughout your college year." Pagpapakilala ni Sir Santos sa sarili niya. 

Napasalong-baba na lang ako at napapikit. Bakit parang 'di na ako nagulat? 

 

  "Ang hot din nung titser natin." 

  "Kaso nakakatakot 'yung tingin. Hirap lapitan." 

  Iritable akong napatingin doon sa dalawang babae na nasa kaliwang bahagi mula sa inuupuan ko. Hindi pa rin mawala-wala 'yung mahaharot na babae sa skwelahan na 'to. Lalo pa't ang dami dami pang mga new students. 

  "Hi, ano'ng pangalan mo?" Pabulong na tanong nung lalaking katabi ko. 

Kay Claire sana ako tatabi kanina kaso inagawan ako bigla nung isa, though mukhang hindi naman niya napansin na doon ako uupo kasi nakikipagdaldalan siya't hindi nakatingin sa paligid niya. 

  Kaya ngayon, na sa likod ako ni Claire samantalang na sa kanan naman sila Rose at Aiz. 

  Tiningnan ko sa gilid ng mata 'yung katabi ko. "Haley." Tipid kong pagsabi ng pangalan ko. 

  "Ah, Haley." Pagtango niya. "Ganda ng name, ah. Ngayon ko lang narinig." 

Pagpuri niya na hindi ko naman ikinatuwa. 

  Nginitian ko siya nang pilit. Nag-iiiwas kasi talaga akong magtaray para makaiwas sa kung anong gulo na pwedeng mangyari. Sinusunod ko advice ni Mama ngayon dahil para rin naman sa akin. "Ah, ganoon? Salamat." 

  Tumitig muna siya sa akin bago niya iniharap 'yung upo niya sa akin. "May boyfriend ka na?" Tanong niya sa akin kaya may pumitik sa sintido ko pero nanatili pa rin akong nakangiti. Ignore him. 

  Wala na sana akong balak kausapin siya pero inilapit na niya 'yung upuan sa akin at balak pa yata akong guluhin. Pasimple akong huminga nang malalim para magtimpi. Pero noong ipinatong niya 'yung siko't kamay niya sa sandalan ng upuan ko na animo'y inaakbayan ako ay hindi na ako nakapagpigil at balak ko na sanang sagutin nang unahan ako ni Claire. 

  "I supposed you don't know how consideration is." Pokerface na sabi ni Claire at tiningnan ang nakaakbay niyang porma sa akin. "You're sexually harassing her." Napatingin kaming pareho kay Claire gayun din 'yung mga katabi niya. 

  Tinanggal ng lalaking na sa tabi ko ang nakaakbay niyang kamay. "I'm not. I'm just--" 

  "You're inside the campus. Kung gusto mong makipaglandian, gawin mo sa tamang lugar. Masyado kang nakakaabala ng ibang tao." Malamig na pagkakasabi ni Claire bago niya iniharap ang tingin niya. Sinundan lang namin siya ng tingin samantalang nakaawang-bibig lang ako. I didn't expect her to do that for me. 

  Napakamot na lang ng ulo ang katabi ko bago niya binalik sa dating pwesto ang upuan niya. 

  Nakita ko rin si Sir Santos na nakatingin sa gawi namin pero ipinagpatuloy na lang niya 'yung mga dapat na alamin ng mga estudyante sa classroom na ito.

Pasimpleng nagpasa ng papel ang lalaking katabi ko na akala ko pa naman titigil na pagkasuway sa kanya ni Claire. "Number ko." Bulong niya at iniipit sa notebook ko. Nakababa lang ang tingin ko roon nang tabigin ko ang papel na iniipit niya. Bumagsak iyon sa sahig na sinundan ng tingin ng lalaking ito. Pagkatapos ay ibinalik ulit ang tingin sa akin na siyang nagpaurong sa kanya nang makita niya ang nakamamatay kong tingin. Lumayo siya sa akin at nanahimik. 

  Samantalang napabuntong-hininga na lang ako at inilipat ang tingin sa labas ng bintana. College, huh? 

*** 

  MATAPOS ANG ilang oras na klase ay lunch na. Wala kaming break time tulad nung sa elementary o high school at tuloy-tuloy lang 'yung discussion kaya parang medyo naninibago ako. Nainip din ako dahil parang ang bagal nung oras kanina. 

Tapos nakakailang gumalaw kasi masyadong seryoso 'yung aura kanina dahil siguro hindi pa magkakakilala ang lahat. 

  Inayos ko na ang gamit ko pero napatigil nang mapansin ko ang mga blockmates ko na nag-uusap na't parang mga close pero may sariling grupo. 

Ang bilis naman… 

  Bumaba ang tingin ko. Ibang-iba talaga 'to kumpara nung high school. 

Inilipat ko ang tingin kay Rose na hawak-hawak ang braso ni Aiz para hila-hilahin. Napatingin din ako kay Claire na umalis na ng classroom dala-dala ang gamit niya. 

  Lumingon ako kila Reed at Jasper na inaaya ng mga babae kumain sa labas at dahil mukhang hindi sila makatanggi dahil mukha rin silang nag-aalanganin magsalita ay wala akong nagawa kundi ang tumayo na nga lang at kunin ang bag ko para umalis. Hindi ko na sila hihintayin. 

  Hawak ang strap ng bag habang naglalakad sa labas ng building ay ang siyang malakas na pag-ihip ng hangin dahilan para hawakan ko kaagad ang palda ko para hindi umangat. Hawak ko rin ang hibla ng buhok ko para hindi humampas sa mukha ko. 

  Tumingala ako sa kalangitan. Maulap pero hindi uulan. For some reason, mas dinadagdagdan nito 'yung gloomy feeling na mayroon ako ngayon. 

  "Ngh." 

  Ito minsan ang mahirap kapagka na-attach ka sa mga taong malapit sa'yo. 

Kapag naghiwa-hiwalay kayo, maninibago ka dahil wala na 'yung madalas n'yong gawin. Makakaramdam ka nang kaunting kalungkutan dahil hindi mo magawa 'yung bagay tulad nung noon. 

Pero hindi na rin ito masama. Separation means change. 

  At ito ang simula no'n. 

*****