Chapter 2: Don't Mess with The Troublemaker
Haley's Point of View
I took a sip of my cola as I am staring at the woman who is giving me this playfully grin on her lips. I'm with Rose, at nandito kami sa isang kalapit na resto para kumain ng lunch tutal nagkasama na rin naman kami ngayon. At makokonsensiya pa ako kung iiwan ko na lang siya matapos niya akong hintayin ng ilang minuto sa labas ng guidance room. "How come at bigla mo yatang naisipan mag-aral ng I.T.? Akala ko ba gusto mong mag lawyer?" Tanong ko sa kanya kaya lumapad ang ngiti niya.
"Ay, wow! Naalala mo pa 'yung sinabi ko sa'yo? Eh, sa pagkakaalala ko sinabi mo noon sa kaklase natin nung 3rd year na naaalala mo lang mga bagay-bagay kapagka importante sa'yo." Tumayo siya para hawakan ang kanan kong kamay. "Does it mean…" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Umayos ka nga." Suway ko saka siya umayos nang upo. Nakanguso siya. "So? Bakit nga?" Tanong ko pa.
Nagkibit-balikat siya. "I failed the entrance exam, alam mo 'yung kilalang law school sa SAED? Doon, hindi ako nakapasok." Sagot niya na parang wala lang sa kanya. "Ilang beses na rin." Dagdag niya kaya natahimik ako sandali.
"I-I see." Nauutal ko namang kumento. "Then bakit hindi mo ulit subukan?" Tanong ko sa kanya.
"Everyone has things they simply can't do no matter how hard they try." Litanya niya. "And I came to realize that I'm not really serious about it. Kasi kung gusto kong pasukin, pag-iigihan ko. Hindi ako susuko. But the thing is, I don't even feel bad about it." Iling niya.
Ibinalik ko ang labi ko sa straw ng iniinum ko. "You're not trying to put a strong front, are you?"
"Are you talking about yourself?" Ngiting tanong niya sa akin na nagpaismid sa akin.
"I'm not. Wala naman akong rason para gawin 'yon." Sagot ko naman at uminum ulit ng cola.
"Exactly. I also have no reason to do that, life isn't that easy to begin with.
All you have to do is to move forward, do better and work harder." Pinakita niya sa akin ang muscle niya sa braso. "And don't give up!" pag kiss niya sa matumbok niyang braso na labas sa ilong kong nginitian.
"Parang nakita ko bigla sa'yo si Naruto." Pag-alala ko sa fictional character.
Ipinatong ni Rose 'yung mga siko niya sa lamesa habang pa-krus naman na nakahawak ang dalawang kamay sa ibabang braso. "Eh, ikaw? Bakit hindi ka kumuha ng singing degree?"
Sumimangot ako. "Hindi ko naman gustong kumanta para sumikat o para sa industry." Kumamot ako sa pisngi ko. "Sabihin nating talent o hobby ko lang." Dugtong ko.
Tila para namang nanghinayang ang mukha ni Rose. "Ang ganda pa naman nung boses mo. Mala Lea Salonga."
Nilayo ko ang tingin ko dahil nakakaramdam na ako ng hiya. "Masyado mo na 'kong pinupuri."
"Then bakit ka nag I.T.?" Tanong niya na hindi ko kaagad nasagot.
Hindi ko rin talaga alam 'yung isasagot dahil wala akong partikular na rason bakit ko kinuha 'yung kurso na iyon. Sa totoo lang, ako lang yata sa mga kaibigan ko ang 'di sigurado sa future ko.
Ni hindi ko rin sigurado kung normal lang ba na hindi makaisip ng gusto ngayon.
Nandoon 'yung katanungan kung ano ba ang magiging ako sa hinaharap? Hindi ba ako mahuhuli? Paano kung pinili ko 'ito' pero hindi naman para sa akin?
Mukhang napansin ni Rose na nagiging seryoso na ako kaya bigla na lang niya akong niloko. "Ah, dahil kay Reed, 'no?!"
Namula ako. "Ano ba'ng sinasabi mo?" Iritable kong tanong sa kanya at tumayo dahil ubos na rin naman 'yung iniinum at kinakain ko. "Umuwi na lang tayo kung tapos ka na riyan." Aya ko.
Mabilis niyang ininum 'yung iced tea niya at tumayo para sumunod sa akin dahil nauna na akong naglakad. "Huwag muna tayong umuwi. Maggala muna tayo sa Ocean Park."
Lumingon kaagad ako sa kanya. "Ha?! Ocean Park? Hindi mo ba alam kung gaano kalayo 'yon? At hindi pwede, dadalawin ko pa si Mama sa ospital mamaya."
Namilog ang mata niya. "Eh? Ano'ng nangyari kay Tita?"
Lumabas na kami ng resto. "Thank you! Please do come again." Sabi ng staff bago kami tuluyang makalabas.
"Nanganak na si Mama." sagot ko at binigyan ng walang ganang tingin si Rose. "Kaya hindi ako pwede."
Humagikhik siya. "Congrats, ate ka na pala." Bati niya na hindi ko inimikan pero ngumiti lamang. Ate…
"Hindi ka ba susunduin ni Reed?" Tanong ni Rose sa akin nang makahinto kami sa pedestrian crossing. Pareho lang kami ng daan ng pupuntahan dahil magko-commute lang siya.
Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko at inilayo ang tingin. "Hindi, busy siya sa E.U. gaya ng nakwento ko sa 'yo kanina." Sagot ko at pumikit. "At bakit niya ako susunduin? Hindi naman niya ako girlfriend." Sagot ko bago kami tumawid pagkapula pa lang nung traffic light.
Napahawak siya sa noo niya. "Jusko, dumaan na ang bakasyon. Hindi pa rin pala kayo? Halos magda-dalawang taon na, ah? 'Di ba gusto mo siya?" Animo'y nakukunsume niyang tanong.
Tumungo ako. "Oo, pero--"
"Torpe siya?" Tanong niya sa akin na nagpaangat ng kilay ko. Sumimangot ako at tumango. Tumigil kami sa isa pang paghihintuan dahil nag berde bigla ang traffic light. Mahaba-haba kasi ang lane. "Edi ikaw ang manligaw?" Parang suhestiyon niya kaya mabilis akong umiling bilang pagtutol.
"Ayoko nga."
"Walang mangyayari sa inyo kung ganyan." Pagsimangot ni Rose at nginisihan ako. "Baka gusto mong kunin na lang kita sa kanya." Biro niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Isusumbong kita kay John."
Humalakhak naman siya. "Nakakatakot ka naman." Aniya at ngiting iniharap ang tingin. "Pero infairness, ah? Usually, hindi mo aaminin na gusto mo si Reed, eh." Ibinaba niya ang tingin sa akin. "Kahit halata namang gusto n'yo iyong isa't-isa."
Wala lang ako sinabi at iniharap ko lang din ang tingin ko. Nilalaro laro ko lang din 'yung hibla ng buhok ko.
***
PAPUNTA NA KAMI sa FX terminal para makauwi pero napahinto nang maabutan namin na parang may nag-aaway.
May mga nakapalibot na lalaki habang na sa gitna ang pamilyar na babae.
Iyon 'yung babaeng nag take ng entrance exam kanina sa E.U.
"What you doing here, huh?"
"Look at that yellow hair, you know how to speak tagalog? You understood me?"
"Gag*, ang pangit mong mag english."
"Mukhang 'di niya naiintindihan p're."
"Kung hindi mo naiintindihan, dapat aral aral ka muna tagalog."
Malalakas na halakhak ang maririnig mula sa limang lalaki. Kahit gusto ko pa mang sumingit, hindi ko na ginawa. I'm done. Kung mapapaaway pa 'ko, baka mamaya madamay pa si Rose.
Hinawakan ko si Rose sa braso niya. "Let's go." Aya ko at humakbang pero hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya inangat ko na 'yung tingin ko't tinawag ang pangalan niya.
Pero napa-pokerface dahil nilalaki laki niya 'yung butas ng ilong niya. Inayos din niya 'yung eye glasses niya. "As the former president of the class and the future president in College Supreme Student Government, hindi ako makakapayag na may makita akong estudyante ng E.U na binu-bully bully lang ng kung sino. Wait mo 'ko rito, Haley." Inalis niya 'yung kamay ko na nakahawak sa braso niya at pinuntahan 'yung mga lalaki na nakapalibot sa blonde na iyon.
Balak ko pa sanang pahintuin si Rose pero ang bilis niyang mag martsa kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Geez!
"What? You won't talk to me 'cause I'm ugly?"
"You should go back to your country!"
"They say blonde girl is a slut in America!"
"P*tangina mo, english mo!"
Huminto si Rose sa likod ng isa sa lalaki. "Excuse me." Pag-ayos ni Rose sa eye glasses niya kaya tumuon ang atensiyon ng mga lalaki sa kanya gayun din 'yung blonde na babae.
Nandoon 'yung intimidating look ni Rose kaya pati ako, nakaramdam nang kaunting takot lalo pa nung luminya ang mala demonyong ngiti sa labi niya. Ganito siya madalas kapagka nagiging seryoso siya. "Mawalang gana na po, pero ano po ang ginagawa ng mga matatanda't pinagtutulungan 'yung estudyante na wala namang ginagawa sa inyo?"
Humarap ang mga lalaki kay Rose. Ugh! Ito na nga sinasabi ko!
"Huh? Wala naman kaming ginagawa, ah? Kinakausap lang namin 'yung foreigner na 'yon kaso hindi niya kami naiintindihan."
Mas naging firm ang itsura ni Rose. "Iba ang pakikipag-usap sa pangmamata. Eh, kung ayaw niya kayong kausapin, bakit hindi n'yo siya tantanan?"
Umabante ang isa pang lalaki para umaktong sisiga siga. "Ha? Ano ba kailangan mo sa babae? Kaanu-ano ka ba, ha? Hindi mo ba kami kilala rito? Kami hari ng kalsada."
May pumitik sa bandang sintido ko. Hari ng kalsada? Humph. Nostalgic.
Humakbang na ako habang hindi pa nila napapansin.
Nakatayo lang si Rose at hindi gumagalaw pero seryoso pa rin ang tingin niya sa lalaking na sa harapan niya samantalang nanonood lang ang mga tao sa paligid at walang ginagawa.
"No offense, kahit na kayo pa man hari ng kalsada wala po kayong karapatan na pagtulungan 'yung babae." Seryoso pa ring sabi ni Rose kaya lumabas na iyong ugat sa sintido ng isa sa kanila.
"Sabi nga naming kinakausap lang namin, eh!" Balak pang hawakan ng isa sa lalaki si Rose nang hampasin ko paalis 'yung kamay nung hahawak sa kanya kaya nagulat sila at napatingin sa akin.
Nakababa ang tingin ko nang dahan-dahan kong tingnan mga lalaking ito. "Hari ng kalsada kamo? Meaning to say, bihira pumunta mga pulis dito, tama?" Tanong ko saka sila napaatras nang kaunti.
Pero napangisi rin pagkatapos. "Oo, tama 'yon? Bakit, ha? Maghahamon ka ng away, ha?"
Pumunta ako sa harapan ni Rose at humarap sa mga mayayabang lalaking ito. "Ano'ng gagawin mo?" Nag-aalalang tanong ni Rose.
"Boys." Panimula ko at inangat nang kaunti ang ulo ko na may nakamamatay na tingin sa aking mga mata. "Huwag n'yong hinahamon 'yung taong malapit sa gulo."
***
PINAGPAGAN KO ang mga palad ko matapos kong pabagsakin ang mga mokong. Nakatuwad 'yung isang lalaki nang sipain ko ang pwet-an nito kaya bumagsak na rin siya tulad nung iba niyang kasama.
Namangha si Rose samantalang nagulat lamang ang mga tao sa paligid. Buwisit.
Kung alam sana nilang may hindi na magandang nangyayari, huwag lang sana sila tumayo diyan.
Inis kong tiningnan 'yung babaeng blonde ang buhok. "Bakit kasi nananahimik ka lang?" Iritable kong tanong pero dumikit lang ang kilay niya na parang nairita sa sinabi ko pero umiwas lang siya ng tingin.
"Hindi sila makikinig sa akin kahit na magsalita ako." Tugon niya kung saan may napansin ako. Kaya naglakad ako palapit sa kanya habang ibinalik naman niya 'yung tingin sa akin.
"Try to smile. Baka kaya ka rin pinagti-trip-an kasi para ka ring naghahamon ng away." Kinuha ko ang isa kong lolipop sa bulsa 'tapos kinuha ang kamay niya para ilagay sa palad niya 'yung candy. "Eat it. Pampawala ng pangit na mood." Ibinaba ko na ang kamay ko saka ko nilingon si Rose. "Umuwi na tayo. Kairita mga tao rito." Nagmartsa na nga ako kasi kung makikita ko pa 'yung mga chismosang tao sa paligid, baka uminit pa ulo ko.
"Bye-bye, transfer student!" Paalam ni Rose doon sa babaeng blonde. Oo nga pala, hindi ko natanong 'yung pangalan. 'Di bale, malalaman ko naman sa pasukan. Tutal, mukhang pasok naman siya sa E.U.
Tumabi si Rose sa akin at manghang manghang pa rin sa nakita kanina. "Grabe ang galing mo! Naalala ko tuloy 'yung araw na pinataob mo rin si Sir Santos. Gagi, nakakatawa."
Sinimangutan ko siya. "Hindi ka naman tumawa niyon."
"Aba, siyempre. Alangan namang ipakita kong natutuwa ako sa nangyari imbes na maging neutral lang ako?" Lumapit pa siya lalo sa akin. "Sabihin nating mapagkunwari ako."
Pasimple akong bumuntong-hininga. "Ewan ko sa'yo."
Sa dinami-rami ng nangyari nung nakaraang taon, nakakatakot lang na ang normal ng takbo ng buhay. Hindi sa nagrereklamo ako pero sana nga, tuloy-tuloy na ito at wala ng mangyayaring hindi maganda sa bawat hakbang na tatahakin ko.
*****