Chereads / Platonic Hearts / Chapter 5 - Dilemma

Chapter 5 - Dilemma

Chapter 5: Dilemma 

Haley's Point of View 

  Lumipas ang ilang araw. Ginamit ko 'yung natitirang bakasyon sa bahay kasama sina Mama lalong lalo na kay Lara na palagi ko nga ring binabantayan kapagka knockout si Mama dahil sa sobra pagkapuyat. Minsan naman si Chummy magbabantay sa kanya at nandoon lang sa upuan na nasa labas ng cradle swing ni Lara at saka lang aalis kapag kailangan niya ng pakainin 'yung sarili niyang anak. 

 

  "Sleeping already, huh?" Ngiti kong bulong habang pinapanood si Lara na natutulog sa sarili niyang cradle. Tanging ang pag-ikot ng elesi nung bintelador ang maririnig, pero nandoon iyon gaan sa dibdib. "Lara…" Tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya 'yung tulad nung ibang sanggol na madalas umiyak kaya sa totoo lang, hindi ako nahihirapang mag babysit. 

Sinundot sundot ko ang pisngi ni Lara na hindi lamang gumagalaw at tila parang walang pakielam sa paligid niya. Ipinikit ko nang kaunti ang talukap ng mata ko. "Sana lumaki ka pa nang kaunti nang mabuhat na kita." Mahina kong sabi bago ako mapatingin sa pinto nang magbukas ito. Pumasok si Mama. 

  Umikot ako sa stool ko para humarap kay Mama. "Tapos ka ng magpahinga, Ma? Ang bilis naman."

  "May ginagawa rin ako sa baba, eh. Saka may bisita ka pala." Sabi niya at humagikhik na parang batang kinikilig. "Hindi ko alam na popular ka sa mga lalaki. Ang ganda naman ng anak ko." 

  Sumimangot ako at nakaramdam nang kaunting hiya. "Hindi naman sa pagmamayabang pero maganda naman talaga ako." Tumayo na nga ako at naglakad.  "Sino po ba 'yong bisita ko?" Curious kong tanong nang makalabas ng kwarto. 

  Isinara muna ni Mama 'yung pinto ni Lara bago humarap sa akin. Imbes na sagutin ako ay nginitian lang niya ako.

*** 

  BINIGYAN KO nang pilit na ngiti ang lalaking nakaupo roon sa pahabang sofa namin sa sala. May bouquet of flowers sa glass tableg gayun din ang iilang mga chocolates. 

  "Gusto kong malaman kung ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko kahit alam ko naman talaga kung bakit siya narito. Ayoko lang magbitaw kaagad ng salita just in case na baliktarin pa niya ako at ibahin ang rason niya. Medyo iniingatan ko na 'yung bawat sinasabi ko. 

  Inalis ni Jin ang nakapatong niyang hita sa pagkaka crossed legs at tumayo. "Nanliligaw ak--" 

  "Hindi ba't sabi ko may nagugustuhan akong iba?" Iritable kong tanong sa kanya at nagtakip -bibig dahil baka marinig ni Mama. Lumingon-lingon ako, at dahil wala naman siya ay inalis ko rin ang kamay sa aking bibig. 

  "Alam ko. Kaya si Tita muna 'yung nililigawan ko para kapag approve na siya sa akin, sa 'yo naman ako manliligaw." 

  Ibinaba ko ang mga tingin sa mga nandoon sa glass table. "You mean, para lahat 'to kay Mama?" Tukoy ko sa mga na sa ibabaw ng glass table. 

  Masigla siyang tumango na parang aso at napatingin bigla sa likod ko at magalang na nag bow nang kaunti. "Hi, Tita!" Bati niya at kinuha ang bouquet of flowers para ipasa kay Mama. "Flowers po!" 

  Napalingon ako bigla kay Mama pero ibinalik din kaagad ang tingin kay Jin. "Hoy! Don't decide for yoursel--" 

  "Hmm, you've got some nice taste. Pinili mo ang Lily Flower by choice or…?" 

Paghinto ni Mama sa sinasabi niya para hintayin ang pwedeng isagot ni Jin. Subalit ngumiti lang ito dahilan para humagikhik si Mama. Animo'y nagkaintindihan sila sa simpleng ngitian lamang. "Sweet. Maganda 'to sa kwarto namin, tamang tama." Tumalikod si Mama sa amin dala-dala ang bouquet of flowers, pero nakalingon siya ngayon kay Jin na may ngiti sa kanyang labi. "You can take your time with her, hijo. Papanik muna ako para puntahan si bunso. Si Haley na maglalagay ng mga dinala mong chocolates sa refrigerator." 

  "Ma--" Tawag ko pero naglakad na siya. Kaya kaming dalawa ni Jin ang naiwan dito sa sala. 

  Muli akong humarap kay Jin. "Ji--" 

  "Caleb." Banggit niya sa pangalan niya na gusto niyang itawag ko sa kanya. 

Pero hindi. Ayoko. Kapag ginawa ko 'yung gusto niya, hindi siya susuko. 

  "Alam mo bang nonsense itong gagawin mong panliligaw kay Mama kung hindi rin naman kita papayagan na manligaw?" 

  "Eh, paano mo ako mapapayagang manligaw kung wala akong gagawin?" Tanong niya na siyang nagpahinto sa akin. "Courting you doesn't mean I can easily get you. Hindi ikaw 'yung babaeng madaling makuha basta basta." 

  "Ngh." Paabante akong napahakbang. "I mean that's because I already like someone--" 

  "Iyan ang ibig kong sabihin. Mahirap kang makuha kasi may nagugustuhan kang iba." Tugon niya dahilan para muli akong mapatigil. Ilang segundo rin yata akong napatitig sa kanya. "Paano mo 'ko mabibigyan ng atensiyon kung titigil ako? At gaya naman ng sabi ko, pwede mong gawin 'yung gusto mo. Pero hayaan mo 'kong magpatuloy na mahulog sa'yo." 

  Umawang-bibig ko sa kanyang sambit pero napatikum din at tumungo nang kaunti. That's not… my point. 

  "Titigil lang ako kapag nakita na kitang masaya sa kanya." Tukoy niya kay Reed. Naalala ko rin 'yung sinabi ni Jasper sa akin nung nakaraang araw noong lumabas kami. 

  Nanatili akong tahimik nang mapatingala ako dahil sa paghakbang palapit sa akin ni Jin para hawakan ang baba (chin) ko't itapat sa akin. Nanlaki ang mata ko lalo na't bigla na lang niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Hangga't hindi ka pa niya hawak." Ipinulupot niya ang isa pa niyang kamay sa beywang ko para mas ilapit ang katawan ko sa kanya. "Hindi kita susukuan." 

  Lumakas ang pintig ng puso ko kaya dahil sa pakiramdam na iyon ay tinulak ko siya palayo sa akin. Pulang pula ang mukha ko dahil sa ginawa niya at napaatras. 

  Humagikhik siya. "Haley. If you don't stop making such faces, I don't think I can ever resist. So I advice you to control yourself next time." 

  Umangat ang mga kilay ko at inis siyang tiningnan. "Huh?! B-Bakit parang kasalanan ko pa?!" 

  Tumawa lang siya saka niya kinuha ang bag niya. Dumating din bigla si Mama. "May nakalimutan ak-- Oh, aalis ka na Hijo?" Tanong ni Mama kay Jin. 

  Tumango si Jin at ngumiti. "Opo, Tita. Hindi rin naman po talaga ako magtatagal kasi may kailangan din po akong ayusin sa shop namin." 

  Humawak si Mama sa kanyang pisngi. "Ah. Oo nga pala, ikaw na ang naghahawak sa video game shop n'yo, ano? Mag-iingat ka. Pasensiya ka na, Juice lang naipaghanda ko." 

  Umiling si Jin. "Okay lang po iyon. Nakita ko naman po 'yung anak n'yo." Paglipat niya ng tingin sa akin pero imbes na kiligin ako o ano, na-cringe ako. 

  "T-Tigilan mo nga 'yan." 

  Muli lang siyang tumawa at inangat ang kamay niya para magpaalam. "Thank you po. Balik na lang po ulit ako rito." 

  "Welcome na welcome ka rito." Tatango tangong sabi ni Mama kaya mabilis akong lumingon sa kanya. 

  "Ma!" Pareklamo kong tawag sa kanya saka umalis si Jin sa bahay. "Ugh, geez!" Nagmartsa na nga lang ako para bumalik sa kwarto ko. Ni hindi man lang niya ako isipin at basta basta na lang siyang pumayag sa panliligaw ni Jin. 

  Sa pag-akyat ko ng hagdan ay napahinto ako. Napaisip kasi ako kung kailan si Reed. 

 

  Sa totoo lang, wala talaga akong ideya nung una na may gusto talaga siya sa akin-- hindi. Mali. May ideya ako pero ayoko lang aminin. Ayoko kasi ayokong isipin na gusto niya ako, kasi ano ba'ng malay natin? Baka mamaya nag a-assume lang pala ako, edi ako lang din naman masasaktan. 

  Iniisip ko rin na baka ganoon lang si Reed sa akin kaya hindi ko binigyang malisya. 

  Humigpit ang hawak ko sa railings nung hagdan. Saka… 

  "Gustong-gusto talaga kita. Paano kung sabihin ko 'yan sa'yo?" Naalala kong wika ni Reed noong na sa clinic kaming pareho nung nakaraang taon matapos niyang matamaan ng bola sa ilong. That time, I was about to tell him what I really feel, pero binawi niya. It's like he's not ready to commit, natatakot siya. Kaya paano magiging maayos 'yung relasyon naming pareho kung takot siya?

 

  Kung sasabihin ko man sa kanya ngayon, baka gawin lang niyang biro. Hindi magiging maayos 'yung simula nung relasyon namin kung sakali man. 

  Napahawak ako sa noo ko at mabigat na naglabas ng hangin sa ilong bago pumanik. 

  May isa rin akong dahilan kung bakit parang mas nahihirapan akong sabihin kay Reed 'yung tungkol sa nararamdaman ko. 

 

  Si Jin. Kahit hindi ko na dapat siya isipin, hindi ko maiwasan na maisip 'yung nasasaktan niyang mukha habang nakangiti sa akin. 

Parang… Hindi lang maganda sa feeling dahil ang unfair niyon sa part niya. 

Pero mas magiging unfair kung patatagalin ko pa 'to. Pero gaya nga ng sabi ko kanina, kung sasabihin ko kay Reed, hindi niya ako seseryosohin. Kasi nga takot siya. 

Kaya wala rin talagang mangyayari. 

  Ano ba'ng dapat kong gawin? 

  Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko't isinara nang makapasok. Naglakad ako palapit sa bintana ko para tingnan ang kalangitan. "Okay lang din ba na gawin ko 'to? Ginagawa ko 'yung ginagawa ng mga normal na babae, pero ikaw. Nahihirapan ka diyan sa mundo mo." Humawak ako sa braso ko't tipid na ngumiti. "Ate." 

*****