Chereads / Platonic Hearts / Chapter 6 - Bountiful Mother

Chapter 6 - Bountiful Mother

Chapter 6: Bountiful Mother 

Rose' Point of View   

  Inayos ko ang Black necktie ko at pinagpagan ang aking white polo sleeve. Sinuot ang Black eye glasses ko bago ko kunin ang aking shoulder bag para lumabas ng kwarto kung saan naghihintay na pala si John sa labas. 

  Nakaupo siya roon sa pahabang sofa kaya tumigil ako. "Good morning." Bati ko kaya mabilis siyang napalingon sa akin at tumayo para batiin ako. 

  "You don't need to be so formal. Nervous much?" Pagtawa ko nang kaunti bago maglakad papunta sa kanya samantalang umiwas siya nang tingin. 

  "Pero okay lang ba talaga 'to sa'yo? Faking our relationship is already too much." Pag-aalala niya. "I can talk to Dad if you don't want it--" Idinikit ko ang hintuturo ko sa labi niya na nagpatigil sa kanyang magsalita matapos kong tumigil sa harapan niya. 

  I leaned closer and gave him a seductive smile. "I don't mind the relationship thing. Pabor din na we're living together. Remember?" Lumapit ako sa tainga niya. "I've always liked you. So I won't mind to be a breakwater to protect you from other engagement offers." I whispered and blow his ears that made him cover it. 

 

  "Hey!" Suway niya na patalon kong inatrasan habang natatawa. 

  "Oh, siya. Aalis na 'ko dahil baka ma-late pa 'ko. First na first day." Inilagay ko sa likod ang kaliwa kong kamay at binigyan siya ng flying kiss. "Bye, Honey. See you later." Lumakad na ako paalis. 

  "Palagi mo na lang akong inaasar, kaya hindi ko maintindihan kung gusto mo ba talaga ako o hindi." Bulong lang talaga 'yung ginawa ni John pero rinig na rinig ko. Humagikhik lang ako at nagpatuloy na nga sa paglalakad. 

  Binuksan ang pinto at lumabas na sa condominium na sinet sa'min ng magulang namin. 

  So here's the situation. Hindi na bago sa mga mayayaman na magulang ang fixed or arranged marriage sa anak when it comes to businesses. 

Kung gusto umangat ang kumpanya, makikipag deal ka sa isa pang mas mayaman para magkaroon nang malaking advantage ang business mo. Tulad lang din ito sa nangyari kay Kei pero dahil sa isang pangyayari, na-cancel ang nasabing deal. 

  As for us naman, wala kaming balak I-cancel dahil wala namang rason para gawin iyon. We're contented to each other, kung may hindi man clear, siguro 'yung relasyon naming dalawa. Sa paningin ng mga kaklase namin, kami. Sa paningin ng mga tao sa business nila Mom, engage. Sa paningin naman namin ni John, parang ordinaryong magkaibigan na may landiang nagaganap. Iyon yata 'yung tinatawag sa M.U? Walang label pero parang kayo? 

  "Good morning, madame." Bati ng butler na tinanguan ko bago niya ako ipagbuksan ng pinto ng sasakyan. 

  Though I'm not sure kung M.U kami kasi we never kiss, we never say the word "I love you.". Kung maghahawak kamay kami, every time lang na nasa labas kami kasi may palihim na nagmamasid sa amin so we have to act all lovey-dovey. 

At pabor na pabor 'yon sa akin. 

  Kapag kasi nalaman ng iba na nagpapanggap lang kami, pwedeng ma-call off ang engagement at pareho kaming mapupunta ni John sa iba pang partner. Eh, hindi naman maganda 'yon. 

  Kung tatanungin ba't hindi pa maging kami ni John in real kahit gusto namin ang isa't isa, that is because John thinks that I'm just toying with him at hindi ako seryoso sa kanya kahit na palagi ko namang sinasabi sa kanya na gusto ko nga siya. And to be honest, we never talked about our relationship that much. May kaunting gap but it's fun. Hindi ko rin naman minamadali 'yung relasyon na hinahangad naming pareho. We can take it slowly. 

  Bumaba na ako sa sasakyan bago ako magpaalam sa tagasundo ko. 

Humarap ako sa E.U. at determinadong ngumiti.

  Kumpara sa school uniform namin nung high school ay mas naging simple na lang ngayong college. Black skirt and White Long Sleeve na may Black Necktie.

Required din sa aming mga babae ang mag stockings at heels kaya medyo nananakit nang kaunti ang paa ko dahil may kataasan din itong binili ko. Papalitan ko na lang ng mas mababa bukas dahil tino-torture ko lang paa ko. 

  "First year… Hindi ako magpapatalo sa school election." Pakikipag-usap ko sa sarili ko at napatingin sa dalawang pamilyar na tao na naglalakad papunta sa college building. 

  Ngumisi ako at lumakad palapit sa kanila na hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin. Kung tutuusin, naiintindihan ko 'yung relasyon ng dalawang 'to dahil may pagkapareho sa relasyon namin ni John. Gusto nila ang isa't isa pero ang pinagkaiba nga lang ay takot silang dalawa na sabihin 'yung nararamdaman nila kaya ang nangyayari, napapatagal 'yung pag-amin. Wala silang matinong label pero malalaman mong may something sa kanila. 

  "You just don't have what it takes to be a ladies' man. Try again in the next life." 

Si Haley. 

  "Hey, that's mean! Dami ngang nagkakandarapa sa akin, eh." 

  "Ugh. Iyan ka nanaman sa pagiging mahangin mo." Pag-iling ni Haley bago lingunin si Reed. "Eh, bakit wala kang jowa?" 

 

  Nakita ko ang pag-atras ng ulo ni Reed bago niya ilayo ang tingin niya. "E-Eh, kasi…" 

  Sumingit na ako at pumagitna sa kanilang dalawa. "Hi, Lovebirds!" Bati ko sa kanila at hinawakan ang mga braso nila. "Pretty bold of you guys to flirt in public. Huh? Erotic." 

  Sinimangutan ako ni Haley. "Ikaw lang naman 'yung may berdeng utak, eh." 

Natawa ako sa sinabi ni Haley saka ako nag-angat baba ng tingin sa kanya. 

  "Tumangkad ka rin." Banggit at pasimple kong pang-asar sa kanya. 

  Pumikit siya na parang nagpipigil ng inis. "Huwag mo 'kong inuumaga, Rose." Suway niya. 

  "Wala ka bang napapansin?" Paghawak ko sa buhok ko kasi nga nagpagupit ako nung isang araw. Pinaiklian ko dahil palagi na lang akong long hair.

Saka sabi ni John, bagay naman sa akin. 

  "Oo, buhok mo." Sagot ni Haley nang hindi inaalis ang tingin sa short hair ko. 'Tapos ay inilipat din ang tingin sa akin. "Inspired ba kay Dora 'yan?" 

  Ipinulupot ko ang kamay ko sa beywang ni Haley at inilapit siya sa akin na siyang nagpamula sa mukha niya. "Okay lang na maging inspired kay Dora 'tong buhok ko, basta ikaw ang magiging Boots ng buhay ko." 

  "I'm sorry, hindi na ako mang-aasar." Ngumiti siya nang pilit. "But you looked stunning, really." 

  Namilog ang mata ko at binitawan siya para gitgitin si Reed. "She complimented me." Mangha kong sabi. 

  "Nasaan nga pala si John? Dito pa rin mag-aaral?" Tanong ni Reed habang naglalakad kami. 

Umayos na nga ako para iharap ang tingin ko. "Dito pa rin, pero magkaiba ng schedule. Bukas pa pasok niya." 

  "Ano kinuha?" Tanong naman ni Haley. 

  "Computer Engineering." Sagot ko naman saka kami napatingin sa harapan namin dahil nakakarinig kami ng tilian ng mga babae. Mula sa hindi kalayuan, nakikita namin ang matulin na pagtakbo ni Jasper papunta sa amin. Nagmula siya sa high school building. 

Sa sobrang tulin niya, parang nakakatakot hindi tumakbo paalis lalo pa't may mga babae sa likuran niya na animo'y isang halimaw na hinahabol ang prey nila. Ayon sa ribbon nila, mukhang mga high school freshmen. 

  "Run! Run! Run!" Sigaw niya sa amin. Hindi na rin 'to bago sa campus na ito. 

Every school year, pinagkakaguluhan talaga sila Reed lalo na si Jasper dahil sa mabulaklak niyang bunganga. Sabihin nating deserved niya 'yung nangyayari ngayon sa kanya. Saka lang ako sisingit kapagka masyado ng nakakaisturbo sa iba. 

  Matinis na tumili ang babaeng palapit sa amin. "Reed Evans!" Sigaw nila sa pangalan ni Reed kaya napabuntong-hininga si Haley saka naunang naglakad. 

  "Bye. Good luck." si Haley. "Tara na, Rose." Yaya niya kaya kumaway ako kay Reed na hindi alam kung pipigilan niya si Haley o hindi at tila parang gustong humingi ng tulong. 

  "See you later, Reed. Huwag kayo paka-late." Paalam ko at patalon na naglakad para makasabay kay Haley saka ako kumapit sa braso niya. Napatingin siya sa akin pero muli lang din napabuntong-hininga na iniharap ang tingin. 

Dumiretsyo kami sa classroom namin na ewan namin kung ninununo kami dahil paikot-ikot na kami kahit nagtatanong tanong na kami kung saan 'yung isang partikular na building na gagamitin namin. 

  Tumigil kami sa kalagitnaan ng paglalakad. "Hoy, nandito ulit tayo. Bumalik lang tayo sa umpisa." si Haley. Nakatulala siya sa kawalan at hindi makapaniwala na pang dalawang beses na naming balik dito habang pasimple lang akong nakatingin sa kanya. 

 

  Paismid akong ngumiti. "Alam ko na kung paano tayo makakaalis dito." Panimula ko at humalukipkip na may kasabay na pagtango. 

  Walang gana akong tiningnan ni Haley. "Kung alam mo, edi sana kanina pa tayo nakarating sa classroom." 

  "Hindi, hindi. Mayroon na akong ideya kung bakit tayo nawawala." Humarap ako kay Haley na may seryosong tingin kaya siya naman itong napaatras. 

  "Bakit bigla kang naging seryoso?" Tila parang natakot sa biglaan kong pagseryoso. 

  Humarap ako sa kanya ng hindi inaalis ang seryosong ekspresiyon. "Haley. Pamilyar ka ba sa nuno?" Tanong ko kaya kumunot-noo siya. 

  "Kung anu-ano sinasabi mo. Alam ko 'yung kasabihan na 'yon na kapagka nawawala ka, ninununo ka. Pero kathang-isip lang iyo--" 

  "Walang masyadong tao, at tayo lang ang makikita sa area na 'to." Tukoy ko sa lugar na maraming puno't sangay-sangay. Mayroong bakod sa kanan naming bahagi at medyo makulimlim dito sa kinatatayuan namin dahil sa mga makakapal na puno. 

"Alam mo ibig sabihi--" 

  Tinakpan niya 'yung tainga niya at tumalikod sa akin. "Shut up! I don't want to hear it!" 

  Bumilog ang bibig ko sa mangha. Eh? Biro ko lang naman 'yon. 

  Sinilip ko ang mukha niya. "Don't tell me…" Nakapikit siya nang mariin nang mapamulat siya. "You're actually a scaredy-cat in nature?" 

  Napasinghap siya at mablis na humarap sa akin kasabay ang kanyang pagpapameywang. "A-Ako? Hindi rin. Ayoko lang marinig mga sinasabi mo kasi napaka nonsense. Kaya tara na. Kasi anong oras na baka ma-late na nga tayo." Naglakad na nga siya kaya sumunod na lang ako. 

Pero sa pangatlong pagkakataon, muli nanaman kaming bumalik kung nasaan kami kanina. Oo, sarili namin itong eskwelahan at halos ilang taon na rin akong nandito pero ni isang beses, hindi pa kami nakakaapak sa area na ito dahil hindi nga pwede ang mga elementary-high school dito.

  Napaluhod siya. "Anong gagawin natin?" Tulalang tanong ni Haley habang mangha pa rin ako sa nangyayari. "Nandito nanaman tayo! Baka nga totoo 'yung nuno!" Paghawak ni Haley sa mga palda ko. 

  "H-Haley. Don't touch there, baka may makakita." Paungol kong sabi kaya hinampas niya ang tiyan ko. Edi aray. 

  "This isn't the time to mess around! Ano'ng gagawin natin?!" Natataranta niyang tanong at halos mangiyak doon sa pagkakaluhod. Hinawakan ko ang baba (chin) ko na animo'y nag-isip nang ibaba ko ang tingin kay Haley. "Gawin na natin 'yung sinasabi ko kanina." 

  Umangat ang tingin niya sa akin habang yumuko ako nang kaunti para ipatong ang dalawa kong kamay sa mga balikat niya. "Maghubad ka." Namuo ang katahimikan pagkasabi ko niyon. Lumakas din ang ihip ng hangin at dumaan sa kaliwang bahagi ang isang papel ng diyaryo ng pumunta siya sa likod ko at pasakal akong inakbayan. 

  "Huwag mo 'kong niloloko loko ngayon, Rose!" Humawak ako sa siko niya na sumasakal sa akin at tinapik tapik iyon. 

  "Kailangan kasi natin ibaliktad 'yung damit natin!" Katwiran ko pero mas pasakal niya akong inakbayan. "Kyah ~! Choke me.

  "Ahm…" Pareho kaming napatingin ni Haley sa nagsalita sa likod. Laking gulat na ito 'yung babaeng blonde na foreigner. Binitawan ako ni Haley at humarap doon sa babaeng blonde. 

  "I'm on 2nd year." Pangunahing pagpapakilala niya. "Gusto ko lang malaman kung alam n'yo kung nasaan 'yong Building B." 

*****