Chapter 51: Reed's Route II - New Day, New Mess
Haley's Point of View
Nakauwi na kami sa siyudad namin mula sa Harbarn University matapos ang ilang araw naming pag stay roon kaya ngayon ay balik nanaman kami sa dating gawi.
Walang special treatment, kahit dapat ay magpapahinga kami ngayong Saturday dahil galing kami sa biyahe, kinakailangan pa rin naming pumasok.
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at dahan-dahang umalis doon para dumiretsyo sa bintana upang iurong ang kurtina kung saan bumungad sa akin ang papaakyat na sinag ng araw. Nag-unat ako tsaka ko pabagsak na ibinaba ang mga kamay ko na may ngiti sa aking labi.
Feel ko 'yung pagod pero mas feel ko 'yung… Ahem!
Basta masaya ako!
Masaya na tipong pati pagligo, pagtooth brush, pagbihis at iyong pagkain ko ng breakfast ko. Hindi matanggal ngiti sa labi ko.
After that night, we went back to the building and told my friends that… I and Reed are officially dating. They didn't seem surprised, they said they were already expecting it dahil halata na raw sa galawan ni Reed nung time na iyon.
To be honest, wala siya sa isip ko.
Nawe-weird-uhan lang ako and in fact, before kaming pumunta sa building kung saan ginanap 'yung welcome party.
I already gave up sa thinking na magwo-work out kami ni Reed. Ewan ko, parang paggising ko. Ganoon na lang 'yung naramdaman ko.
Iniisip ko pa nga na pagbigyan na lang si Caleb na i-pursue ako kung kaya ba ng puso kong ma in love sa kanya. And speaking of Caleb,
we already talked.
Although I know that he's not good about me and Reed being together.
He still gave me a soft smile and pat on the head as if he's cheering on us.
I'm not expecting us to be friends but I'm hoping that one day, I can be the person na makakakulitan niya tulad ng kina Jasper.
Hmph. Selfish, eh… I know.
Hinalikan ni Caleb iyong noo ko nung gabing iyon nang bigyan kaming dalawa ni Reed nang kaunting oras. Na surpresa ako, tipong natulala ako sa dibdib niya bago ko iangat pa makita siya. Nandoon pa rin iyong ngiti pero hindi aabot sa mata. "Although I wanna celebrate with you but it will be a total lie in my part if I do that. I won't say that I'm happy for you but instead, I am wishing for your happiness until the end. No matter what obstacles will present to the both of you, always stick together. Kayo lang ang magtutulungang dalawa." Naalala kong huling sabi niya sa akin bago na niya ipinasok ang kamay sa bulsa niya at tumalikod. Kinawayan niya ako ng hindi ako nililingunan.
Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagbu-buttoness ko ng aking sleeve at napatinign sa labas ng bintana. Nakikita ko na 'yung sinag ng araw gayun din iyong mga ibon na nandoon sa labas ng bintana ko't humihimig.
May isa pa talaga akong hindi name-mention.
It's about that dream about me and Caleb being together. It felt so real to the point that I also don't want to believe it's a lie.
However, if Multiverse is real.
I won't wonder if the other version of me found a different answer with Caleb.
Just like how my twin and I part our ways to seek the path we want to step ahead despite us being one-- sisters.
These different choices that we think it'd be good to our sake.
Bumuntong-hininga ako at umiling-iling. "Ano ba 'tong iniisip ko." Bulong ko sa sarili ko at pumunta sa harapan ng pahabang salamin sa kwarto ko. Nagpameywang at ngumiti ngiti bago tumango. "Okay, ready!"
***
LUMABAS AKO ng bahay pagkatapos kong makapagpaalam kay Mama.
Maglalakad na sana ako nang mag ring ang phone ko. I was kind'a expecting na si Reed iyon dahil nasabi niya ngang magsabay kami papasok sa school pero kapag hindi raw niya ako nakita, mauna na lang ako.
Hahh… Maybe, I should help him with his task next time.
Kinuha ko na nga 'yung phone sa poketa ng skirt ko at tiningnan ang tumawag. Unknown number ito kaya napataas-kilay na muna ako bago ko sagutin. "Hello?" Sagot ko.
"Ah, hi boss! Gudmurneng." Bati nung lalaki sa kabilang linya kaya inalis ko sa tainga ko ang cellphone para tingnan ang screen tsaka ko ibinalik muli sa aking tainga.
"Sino 'to?" Tanong ko.
"Boss naman. Ako 'to, si Lloyd." Pagpapakilala niya sa kabilang linya at humagikhik kaya napa-bored look akong napatingala. Ah, isa sa Five(5) Idiots.
Ano kaya kailangan nito?
Idiniretsyo ko ulit ang tingin ko at inilagay ang kaliwang kamay sa beywang ko. "Oh? Ano kailangan mo?" Tanong ko.
"Ah… Boss, mayroon kasi talagang naghahanap sa'yo." Hindi ako sumagot at pinakinggan ko lamang siya. "Nasabi ko kasi na ikaw 'yung lider namin, eh naghahanap yata ng suntukan. Hindi kami makapalag, nagbabagong buhay kami--"
I cut him off. "So are you telling me to do it in your favor?" Pangunguna ko sa kanya.
"B-Boss, ayaw kasing maniwala na binugbig mo kami at gumagawa lang daw kami ng rason. Pinakita namin picture m--"
"Saan mo nahanap picture ko?!" Bulyaw ko.
"Sa SocMed mo, Boss. Binigay mo pangalan mo nung hiningi namin number mo, sinearch at in-add ka namin, pero hindi mo pa ina-accept." Tugon niya na nagpataas sa kilay ko.
Ha?
Inalis ko ulit sa tainga ang phone at pinindot ang loudspeaker para naririnig ko pa rin sila. Binuksan ko ang SocMed ko at idiniretsyo sa friend request.
Nag scroll down ako ta's nakita ang limang pamilyar na pangalan; Lloyd, Beel, Bob, Bartos, at Mura.
Potek na 'yan. Tas' pare-pareho pang mga pusa ang display picture.
"Puro pusa mga profile picture namin, Boss. Baka kasi mapansin mo na kami kapag pusa tutal mahilig ka sa mga 'yon. Kita namin mga shared post mo, ta's ikaw mukha ka ring pusa kaya baka ma-detect mo kami--"
"Ano ako? Uto-uto?" Sabat ko. "Hindi ako pupunta. May pasok ako, kayo na bahala diyan."
"Sandali lang, Bos--" Pinatayan ko na siya ng call tsaka ako bumutong-hininga.
Gusto ko na nang tahimik na buhay, ayoko na makisama sa mga gulo gulo na katulad niyon.
Naglakad na ako papunta sa Jeep Terminal.
At habang papalakad ako, nakita ko sa hindi kalayuan iyong Five(5) Idiots sa eskenita May lima pa silang kasama kaya napahinto ako habang sinusundan sila ng tingin.
Lloyd's Point of View
Patulak akong ipinasok ng isang lalaki rito sa madilim na eskenita.
Mukhang hindi rin ito madalas puntahan dahil sa dead end na't wala naman ding ibang rason para daanan ito. Kapag didiretsyo kasi kami, junk shop ang sasalubong sa amin.
Pare-pareho kaming napaluhod sa simento ng mga kaibigan ko habang na sa harapan namin 'yung dati naming sinusunod na si Rodry.
May stick ng sigarilyo pa rin siya sa bibig niya at taas-noo na nakababa ang tingin sa amin. "Hoy, hoy. Hindi n'yo pwedeng irason sa akin na umalis kayo sa grupo nang dahil lang sa babae. Baka nakakalimutan n'yo may mga usapan tayo?"
Walang nagsalita ni isa sa amin at nanatili pa ring nakatungo.
"Tinawagan mo na 'yung tinutukoy mong babae, 'di ba? Nasaan na siya?" Hanap niya kay Boss.
Inilayo ko ang tingin. "May pasok siya, hindi makakapunta." Sagot ko dahilan para mapaismid siya.
"Ano iyan? Kasi ang totoo, natatakot siya? Akala ko ba siya iyong gumulpi sa inyo? Hindi niya pwedeng irason na may pasok siya at iwan na lang kayo. Kung kaya niya kayong magulpi, wala siyang oras para pumasok sa school na 'yan. Napaka peke naman niya." Nagbuga siya ng usok pagkatanggal niya ng stick nung sigarilyo niya. Nag semi squat si Rodry para mapantayan ang tingin ko bago niya pasabunot na hinawakan ang buhok ko. "O baka naman niloloko mo 'ko at gusto mo lang talagang umalis, ha?"
Bumaba lang ang tingin ko. "Gusto ko na talagang umalis pero hindi kita niloloko. Hangga't maaari, sinusunod namin 'yung example ng boss namin." Tukoy ko kay Boss Haley. Iba talaga 'yung naging epekto sa amin simula nung unang araw na nakilala namin siya. Para kaming natauhan, tipong pagkatapos niyon ay gumagawa talaga kami ng tama.
At ang kapalit niyon? Nagtiwala iyong mga tao sa paligid namin. Iba ang pakiramdam, napakasarap.
Kaya kung tutuusin, ayoko na-- ayaw na naming bumalik sa dati.
Hangga't maaari, kung may nakita kaming hindi maganda. Aayusin namin. Babawi kami sa mga nagawa naming kalokohan noon.
"P*tang ina, ano ginawa sa inyo ng babaeng 'yon at nawala 'yang mga angas n'yong mga bugok kayo!" Galit na tanong niya tsaka niya ako binitawan at maangas na hindi makapaniwala na tumingin sa kung saan matapos makatayo na animo'y nag-iisip. Mayamaya pa noong ibalik niya ang tingin sa akin. "Gusto mo na talagang umalis? Sige, pagbibigyan kita. Pero kailangan kong makita 'yung tinutukoy n'yo para makumbinsi ako sa mga pinagsasasabi n'yo."
Tukoy niya kay Haley kaya laking ngiti naman akong napatingala para makita siya.
"Talaga--" Napatigil ako nang makita ko ang kakaibang ngiti sa labi niya.
Hindi. Kapag nagpakita rito si Boss, baka kung ano 'yung gawin niya.
Napatungo ako nang maisip ko iyong pwedeng mangyari.
Napaka tanga! Bakit nakalimutan ko iyong tungkol doon?
Pumikit ako nang mariin. Buti na lang pala may pasok si Boss ngayon!
Hindi ko na gugustuhin na pumunta pa siya rito--
Hindi ko pa nga natatapos iyong sinasabi ko sa aking isip ay sabay ng pagpapakita ni Boss.
"Mukhang nag e-enjoy kayong umarteng siga, ah? Ano mayro'n?"
Pare-pareho kaming lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Laking tuwa ng mga kaibigan ko na nagpakita na siya samantalang nag-alanganin ako.
"Oh…" Marka ang pagkamangha sa boses ni Rodry bago niya nilapitan si Boss na ngayon ay parang wala lang sa kanya 'yung mga taong nakangisi sa palagid niya.
Humarap ako sa kanya at tumayo. "Boss! Bakit ka pa pumunta!?"
Inilipat ni Boss ang tingin sa akin at taka akong tiningnan. "What do you mean? Eh, sabi mo hinahanap ako ng kung sino, eh." Sagot niya at lumingon kay Rodry. "Ikaw siguro iyong naghahanap sa 'kin, ano?" Tanong ni Boss. "Ano kailangan mo sa 'kin?" Dagdag niya kaya nagsimula na 'kong kabahan.
Sumipol si Rodry at tinapon sa lapag ang cigarette stick niya bago apakan ito para matanggal ang pagsindi ng apoy roon at naglakad para puntahan si Boss. "Ang tapang mo nga, ano?" Kumento ni Rodry habang papalapit kay Boss.
Hindi pa rin niya tinatanggal ang tingin niya kay Rodry nang makahinto sa mismong tapat niya kaya napahakbang ako pero pinigilan lang ako ng mga bata ni Rodry.
"Hehh… Ang ganda mo pala sa personal, ano?" Pagsusuri ni Rodry kay Boss na may pagtingin tingin pa sa katawan niya. "Hindi mo ba alam kung ano pinasok mo rito at naglakas loob kang sumunod sa 'min?" Tanong ni Rodry dahilan para umismid si Boss.
"Hindi naman siguro ako tanga na susundan kayo kung alam kong ako rin naman mapapahamak." Aniya na nakatingin sa kung saan bago niya ibinalik ang tingin kay Boss. "Ang yabang mo naman para isipin na porke babae ako, hindi kita kaya." Matapang na sabi ni Boss para tingnan ni Rodry ang mga kasamahan niya bago sila tumawang lahat.
Mayamaya pa noong hawakan na nga ni Rodry ang kanang braso ni Boss at tinapatan siya ng patalim sa leeg.
Napasinghap ako habang nagulat naman sina Beel. "R-Rodry! Wala sa usapan natin na ganyanin mo--" Napatigil si Bob noong bigyan siya nang masamang titig ni Rodry.
"BOSS ang itawag n'yo sa 'kin. Hindi RODRY." Giit niya.
"Rodry lang dapat kasi hindi ka na namin boss--" Malakas na sinapok ni Bartos si Mura.
"Gag*! Gusto mo ba talagang mabugbog!?" Pabulong na tanong ni Bartos habang hawak lang ni Mura ang likuran niyang ulo.
Haley's Point of View
Pinapanood ko lang iyong mga bangayan nung Five(5) Idiots na iyon nang ibalik ko na lamang ang tingin sa Rodry na ito matapos kong pasimpleng tingnan iyong patalim sa leeg ko. "You see, I actually don't want to do this. Sinsasayang n'yo iyong oras ko na imbes na nasa school na ako. Nandito pa ako at nakikipaglaro sa inyo."
Ibinalik na ni Rodry ang tingin sa akin. 'Tapos ay mas itinulak pa sa akin ang patalim para bumaon nang kaunti iyon sa aking balat. "Ang tulis ng dila mo, ah? Sumama ka sa amin, tingnan natin kung saan aabot 'yang katapangan mo."
Hahh… Hanggang ngayon talaga, dinidikitan ako ng mga ganitong klaseng sitwasyon. Pero kasi nga, tinatanggap ko.
Pasimple kong tiningnan sina Lloyd na nag-aalala sa akin.
Ampapangit n'yo, pagkatapos ko kayong patumbahin, hindi kayo magtitiwala sa akin?
Ibinalik ko ang tingin kay Rodry na nakangisi na hinuhubaran ako ng tingin.
Whatever, I'll just make this quick.
Lloyd's Point of View
Taas-noo na tiningnan ni Boss si Rodry. "I would just give up if I were you." Banta ni Boss. "Scaring me with a knife don't intimidate me." Pagkasabi niya niyon ay matalim niyang tiningnan si Rodry na pati ang mga tao sa paligid ay natahimik. Naramdaman ko rin iyong balahibo ko na tumaas.
Ang lamig nung mga tingin.
"Hands off." Simpleng babala niya pero humalakhak lang si Rodry kaya nakigaya rin ang mga kasamahan niya.
Pero napatingin kami ng mga kaibigan ko sa isa't isa, alam ko na iniisip nila kaya ngiti kaming napatingin kay Boss na napatingin sa amin noong mapansin niya kami. Binigyan namin siya ng thumbs up, senyales na ibinibigay na namin sa kanya ang tiwala kaya napatitig siya sa amin bago pasimpleng ngumiti at nagbuga ng hininga.
Hahawakan pa sana siya ni Rodry nang mabilis niyang hawakan ang pulso nito upang buhatin at itumba sa simento.
Nagulat ang lahat na pati kami ay na-surpresa. "Ang galing, Boss!" Puri ni Beel.
Hawak ni Rodry ang likuran niyang napatayo habang tinutulungan siya nung mga kasamahan niya. "B*tch!" Tinuro niya si Boss. "Nag-aral ka ba ng martial arts."
Ngumiti si Boss. "Self taught." Sagot niya na hindi tinatanggal ang ngiti niya pero naglaho rin dahil napalitan ng masamang titig. "Huwag na natin 'to patagalin, pwede?" Inangat ni Boss ang kaliwang kamay niya para tingnan ang wrist watch niya. "Anong oras na, oh?"
Mas nakaramdam ng galit si Rodry kaya sinenyasan niya ang mga kasamahan niya bago isa-isang sinugod si Boss. Pero sa isang iglap, tumba silang lahat kaya napaupo na lamang si Rodry. Hindi makapaniwala sa kanyang napagtanto.
Lumapit sa kanya si Boss habang napapaurong naman si Rodry sa takot. Hanggang sa dumikit ang likod ni Rodry sa pader ay wala na siyang mauurungan. Nag semi squat si Boss para mapantayan ang tingin ni Rodry. "Alam mo kung ano ang magandang gawin?" Tanong ni Boss at tinuro 'yung cigarette stick na tinapon ni Rodry kanina. "Itapon mo iyon sa tamang basurahan." Sabay balik ni Boss ng tingin kay Rodry. "Makakatulong ka pa sa mga naglilinis. Kung gusto mo, mag general clearing kayo para naman may ambag kayo sa lipunan."
Dumikit ang kilay ni Rodry na parang tutol sa sinabi ni Boss. "Sino ka para utusan ako?!"
Walang gana siyang tiningnan ni Boss. "Hehh… Ayaw mo?" Tanong nito at kinuha ang phone sa poketa ng skirt niya. "Tutal, kanina mukhang gusto mo talaga akong galawin. May kilala akong bakla na magbibigay sa'yo ng langit." Sinabi ni Boss 'yan na parang wala lang habang pasampal naming tinakpan ang bibig namin nila Bob.
"Boss. Hindi ka dapat nagsasabi niyan!" si Beel.
"Oo nga! Alagaan mo sarili mong bibig, babae ka." si Mura
"Sabihin mo na lang 'yan kapag kasama mo jowa mo." si Bartos.
Bigla kaming nilingunan ni Boss na may pulang pula sa kanyang mukha. "Shut it!" Bulyaw niya kaya mabilis naming ipinagdikit ang mga labi namin para hindi na magsalita. Si Mura naman, umakto pang isinara ang bibig na akala mo'y isang zipper.
Ibinalik ni Boss ang tingin niya kay Rodry na mukha pa yatang mas nagpatakot sa kanya.
Haley's Point of View
"Pinatawag mo nanaman ang diyosa. Ampapangit naman ng mga bigay mo sa akin."
Note: He was the gay na tinawag nila Haley dati from season 1.
Nginitian ko pa rin si Diyosa at inilapit ang sarili para bulungan siya. Nandito kami sa area niya na hindi lalayo sa pinanggalingan namin kanina na eskenita. Good thing kasi malapit lang siya. Dinala rin nila Bob si Rodry kasama iyong apat niyang kasamahan kaya madali na lang kung dalhin nila.
"Bear with them. Malalaki naman katawan, eh. Kahit harutin o takutin mo lang." Sabay kindat ko pero ngumiwi lang siya bago iabot ang kamay niya na parang may hinihingi sa akin.
"Bayad ko?" Tanong niya.
Napaurong naman ako. "Ergh…" Simangot kong inilabas ang wallet sa bag ko at tiningnan ang laman. Wala nanaman akong allowance…
Kailangan ko na sigurong mag part time.
Inabot ko na sa kanya 'yung bayad ko habang kinuha naman niya. Tiningnan pa nga niya iyong bayad ko bago niya ako bigyan ng second look.
Pumasok na siya sa para niyang basement at tsaka na niya siguro sinimulan dahil naririnig ko na ang mga sigawan nila Rodry.
Ginapos kasi nila Beel 'yung lima kaya hindi rin talaga sila makakaalis o makakatakas kahit na ano ang gawin nila maliban na lang kung palayasin na sila ni Diyosa.
Tingin ko naman, wala talaga silang lakas ng loob na mangpatay. Mga nagsusuot lang talaga sila ng mga pekeng pagsisiga sigaan.
Just a feeling.
Takot na takot kung sumilip sila Bob sa loob, mayroon kasi talagang bintana ang pinto kaya makikita mo rin talaga iyong mga nangyayari sa loob.
"Oh, siya mauna na ako. Male-late na kasi ako."
"Boss. Salamat, ah? 'Di bale, tuturuan namin silang maging mabait." Malapad na ngiti ni Lloyd na tinanguan nung apat dahilan para taas-kilay ko silang nginitian bago ko sila harapan.
"Tama, be a good example. Sa susunod, I-treat ko kayo, basta ipagpatuloy n'yo lang pagiging good role model sa iba, okay?" At binigyan ko pa sila ng thumbs up kaya mga naghiyawan sila sa tuwa na tila parang isang bata sa sobrang saya.
"Yehey! Shot puno!"
Ibinaba ko lang ang kamay ko na kanina'y naka thumbs up bago ko sila iniwan.
Nang makalayo layo ako sa lugar na iyon ay bumaba na ang balikat ko, naramdaman ko iyong pagod.
"Kailagan kong kumain ng Ice Cream." Sabi ko sa sarili ko nang makalabas sa isang area at nagulantang nang may magsalita.
"Bili tayo."
Patalon akong umatras tsaka humarap sa nagsalitang iyon. "Reed?!" Hindi makapaniwalang tawag sa pangalan niya.
Nakasandal siya sa mahabang poste habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakakrus din ang kanyang mga braso. Nginitian niya ako. "You did a good job there. I was actually watching."
Eh?
"Watching? No, wait! B-Bakit ka nandito?" Tanong ko bago ko I-check ang sarili ko gayun din ang aking bag. "Nilagyan mo nanaman ba ako ng Tracking Device?" tanong ko habang umiikot ikot na hinahanap ang device.
"I won't do that. You have your own privacy, Haley." Inalis ni Reed ang pagkakahalukipkip niya. "I secretly followed you here kasi nakita kita habang nagda-drive ako." Huminto na siya sa harapan ko kaya tumigil na ako sa paghahanap ng tracking device.
Niyakap niya ako. "Hay nako, Haley. Alam ko hindi ka mapipigilan but try to avoid those situation. Baka ikaw pa mapahamak niyan."
Nakatingin lang ako sa kung saan nang hawakan ko ang manggas ng damit niya sa may braso. "I told you to call me Hal, right?" Tanong ko sa kanya, ignoring what he said earlier.
We decided to give ourselves nicknames. At dahil sa ayaw namin ang mga common na endearment. Nickname na lang.
"You didn't call me Rii so I called you by your name."
"So kapag nagalit ako sa'yo ngayon, magagalit ka rin?" Taas-kilay kong tanong sa kanya pero hinawakan niya ang kamay ko.
"No." Ngiti niyang sagot at hinalikan ang likurang palad ko. Matagal din iyon bago niya iangat ang tingin sa akin na pati ako ay natahimik.
Ang pogi!
Nanatili pa rin ang ngiti niya nang bigla niyang kagatin 'yung daliri ko. "Iinisin lang lalo."
Hinampas ko siya sa braso niya. "Aray!" Reaksiyon ko.
Tumakbo siya palayo. "Paunahan papunta sa sasakyan!" At humarurot na nga siya ng takbo.
Luh!
"Hindi ko alam kung saan 'yung sasakyan mo!" Habol ko sa kanya.
*****