Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 14 - Chapter 14

Chapter 14 - Chapter 14

JELO'S POV

"Uy anong ginagawa mo dito?"

"Magbabasa basa nako ng English," napahawak sya sa likod ng ulo nya, "sabe ni Mama, mas mabilis daw ako mag-iimprove kung English books at movies ang babasahin at panunuorin ko eh"

"Ah oo! Malaking tulong yan, wait!" at naghanap nakong maganda gandang mababasa, "Eto oh! Harry Potter!" inabot sa kanya yung Book 1 na Sorcerer's Stone, "Maganda yan, plus marami kang magiging friends na Potterheads"

Napatingin sya sa libro then to me, "Potterheads?"

"Yun yung tawag sa fandom ng book na yan, nakanood kana ba ng movie nyan?"

"Hindi pa. Maganda ba?"

"Oo naman! Favorite ko kaya yan, kahit na nadisappoint ako ng very light kase di na-execute ng sakto sa novel yung sa movie"

Nagpout sya

"Baket?" tanong ko.

"Mabilis ka pala madisappoint. Baka madisappoint ka sakin. Hirap talaga ako sa English eh.

"Ah hindi naman. Nasa focus at kagustuhan mo lang yang matuto. May assignments ka ba ngayon? I can help you with that. Kung gusto mo lang naman."

"Talaga? Di ka masyadong busy?"

"Hindi naman. Bored nako mag-aral e. So pag need ko ipahinga utak ko, nagbabasa akong fictions para makapagrelax."

"Pano ka makakarelax nun?"

"Stories bring me to other worlds, lets me experience things. Pero yung assignments mo talaga eh." with matching iling-iling

"Ay oo nga! Tara dun sa pwesto ko"

Dinala nyako sa table kung nasaan ang gamit nya. Mga patong-patong na libro, mga ilang notebook at isang ballpen. Medyo kinabahan ako nung nakita ko yung nakabukas na libro, Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Shems! Wag sana ito ang itanong! Di ako magaling sa Filipino!

"Ito oh!" Kinuha nya yung libro sa Chemistry. Okay safe! Mahilig akong magbasa ng science so keri naman siguro yung mga itatanong nya if ever.

"Yung sa Electron Configuration. Di ko na tanda kung paano to sagutan e"

"Ahh ganto yan!" Habang tinuturuan ko sya, napatingin ako sa direksyon ng mga kasama ko kanina, nakalimutan ko na sila. At sabay-sabay silang tatlo na tumungo pagtingin ko sa kanila. Mukha namang okay sila, kasama na nina Noel at Kim si Ate Rhek.

RHEK'S POV

I can't believe this gay. He's so stubborn! Napalingat lang ako saglit para kumuha nang libro about sa subject na pag-aaralan ko, asa table na namin sya ni Len. I was about to storm my way to them nang me humawak sa kamay ko. Si Bangs! Pinipigilan ako.

"Oh pasaan ka? Parang susugod ka sa gyera ah!" sabe ni Kim habang nakahawak sya sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas kong sabe sa kanya

"Kumalma ka muna…" sagot nya, hindi bumibitaw sa braso ko, "bat ba gigil na gigil ka?"

"Yun kasing tropa nyo, hindi tinatantanan yung kapatid ko!" tugon ko

"Kahit yung kapatid mo yung lumapit sa tropa namin?" sabat nung lage nyang kasama, Noel ata yun kung di ako nagkakamali.

Tiningnan ko sya nang masama, at napahawak sya sa private parts nya, "Oh! Wag mo na ulit ako babayagan!"

"Maupo ka muna. Kumalma ka." Pagyayaya ulit ni Bangs na umupo. At tumayo na si Noel, mukhang naghahamon ng suntukan, pero umalis lang sa pwesto nya at lumipat sa kabilang side ni Bangs.

Napabuntong hininga nalang ako at naupo.

"Nakasalubong kasi namen kaninang umaga sa registrar's office si Allen at napag-usapan nameng we can help him in his subjects dahil napag-aralan na namin yung iba nung freshman pa kame.

"Duh! Baket pa sya hihingi ng tulong sa inyo e andito naman ako? Sigurado ako pinagtatakpan nyo lang kaibigan nyo!"

Napakibit-balikat yung dalawa, "Ewan lang namen ha," sabat ni Noel, "pero yung kapatid mo kase yung lumapit kanina sa tropa namen. Nakita na lang namen si Allen sumunod ke Jelo tas paglabas nila sinimulan nan yang turuan ang kapatid mo"

Isa din tong si Allen eh! Ang kulet! Sinabe nang wag maglalapit dun sa baklang yun eh!

Humawak ulit sa kamay ko si Bangs, "Okay kana ba?" tanong nya

"Magiging okay ako kung bibitawan mo ang kamay ko!" tugon ko na ikinangiti nya

"Alam mo, of all the girls na nakilala ko, ikaw yung para lageng manghahamok ng away, Amazona ka ba sa past life mo?"

"Hindi. Ayaw ko lang sa kagaya nyong dalawa kayo. Mga gwapong antipatikong mahangin! Understood!"

Nag-smirk at nagtinginan ang dalawa at nagsalita na si Noel, "So sinasabe mong gwapo kame?" sabay taas baba ng kilay at kagat-labi

Ba't ko ba kasi nasabi ang gwapo? "Akala nyo naman talaga eh! Mga maeere!

"Oh hindi ako ang nagsabe ng gwapo ha!" pagkikibit balikat na sagot ni Noel, "Pero wala akong magagawa kung ganyan ang tingin nyo samen."

Nag-amba akong batuhin sya ng libro at naghahanda na din syang umilag nang inawat kami ni Bangs.

"Teka lang wag kayo maingay, asa library tayo. Baka mapagalitan pa tayo nyan eh."

Tumahimik naman kame pareho at bumalik nako sa pagtingin sa dalawa nina Jelo at Len

Nakakainis tong si Allen! Me pakamot kamot pa ng ulo habang nagpopout habang nagsasalita si Jelo! Di mo alam kung hindi talaga naiintindihan o nagpapacute lang eh. Eto namang si Jelo, me maya't-mayang pagtitig pa habang nagtuturo! Ganda ka te?

"Bagay sila no?" pabulong na tanong ni Bangs

Napatingin ako sa kanya at napasabi, "Okay ka lang? Lalake sa lalake? Baliw lang?"

"O bakit? Uso naman nay un ah?" sagot nya, nanghahaba pa ang nguso

"Lalake yung kapatid ko no! At yang tropa nyo, kahit bakla yan lalake pa din yan! Teka, bat ba nyo yan lageng kasama? Siguro mga bakla kayong lahat no?"

"Pag me baklang tropa tapos sinusupport, bakla din agad? Diba pwedeng 'fundashi' lang?"

"Ano yun?"

"Yun ang tawag sa mga straight guys na friends and supporters ng gay community" singit ni Noel

"Shhhh! Wag kayong maingay. Baka mapagalitan na tayo." Sabe ni Bangs, "Ganto na lang, panoorin na lang natin kung sino magpe-first move sa dalawa. Kapag si Jelo, pababalikin ka na namin dun para guluhin sila. Pero pag si Allen, well… You will stay here. What do you say, deal?" sabay pag-ooffer ng kamay nya panghandshake.

"As if si Allen yung unang magbibigay motive!"

"Let's see…" Patango tangong tugon ni Kim, "start na?"

"Game!" at pinagmasdan na naming tatlo sina Jelo at Allen. Maya-maya pa napatingin na si Jelo at dali-dali kameng napataklob ng libro o kaya kunwari may ginagawang iba.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81