Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

KIM'S POV

"So ano ngang ginagawa mo at nasugatan ka?" tanong ko ulit sa kanya

"Wa – wala! Naglalakad lang ako papunta sa next class ko nang natapilok ako…"

"Natapilok ka?" sabay angat ng paa niya at ipinihit-pihit ang bukong-bukong nya, pero wala siyang reaksyon, "Oh akala ko ba natapilok ka? Bakit di masakit?"

Narealize niya siguro ang pagkakamali niya sa pagrireason nya, bigla siyang "A – aray!" pero huli na, nahuli ko nang nagsisinungaling siya. Saka ko ibinaba ang paa nya bago nagtanong, "So? Ano talaga ang ginagawa mo at nasugatan ka?"

"Wala nga!" At sinukbit na niya yung backpack niya at tumayo na sabay tingin sa watch niya, "Aalis na ako, malelate na ako sa klase ko" at nagsimula na siyang maglakad na halatang may sakit na iniinda

Agad ko siyang sinundan, "Ihatid na kita, baka mapaano ka pa jan"

"Kaya ko nga ang sarili ko, ano ba!"

"Oh edi ikaw na ang strong, independent woman! Pero ihahatid pa din kita sa ayaw at sa gusto mo"

"Tsssk…" yun lang ang tugon niya at hinayaan na niya akong maglakad sa tabi niya

"Hanggang diyan ka na lang," bigla niyang pagsasabi sakin after naming makarating sa CECS building, "Baka maissue pa tayo pag nakita nilang may kasama ako"

"Well, okay lang naman sa akin, kung ikaw yung malilink sa akin" sabay kindat papogi.

"Yuck! Eew! Hmmp!" at umakyat na siya sa building nila

"Sige! Bye Baby!" habol kong sigaw sa kanya

Inambaan lang niya ako ng suntok at nagpatuloy na paakyat sa building nila. Naglakad na ako pabalik sa building namin at nanduon na sina Jelo at Noel

"Pre saan ka galing? Akala ko ba di ka na uuwi?" pambungad na tanong sa akin ni Noel

"Hinatid ko lang si babe, pre"

Nagtinginan ang dalawa bago nagtanong ng sabay, "Sinooo?"

"Si Rhek. Hahaha"

"Talaga? Kayo na agad ni Ate Rhek?" tanong ni Jelo

"Joke lang, bes. Going there."

Inakbayan ako ni Noel habang naglalakad kame papunta sa next class namin, "Iba rin naman talaga 'tong tropa kong to! Kwento ka naman oh!"

"Mamaya na 'yan. I-ready muna natin si Jelo"

"Huh? Bat ako?" gulat na tanong ni Jelo

"Dumaan kase dito yung scouts ng student org, ung Erine at Gabby? Naghahanap ng reps, ivinoluntold kita"

"Huh?" hinampas niya ako ng libro, "E tinanggihan ko na nga sila kahapon eh"

Umiilag ako habang sumasagot, "Hindi bes. Tinanong nila ako kung asan ka so tinanong ko din sila kung sino-sino na ba ang napasali nila. Nabanggit nila si Allen daw for CECS so ayun bigla kitang naisip na isali."

Bigla siyang huminto sa paghampas, "Pumayag siya?"

"Natanong ko nga, eh sabi niya daw dun sa dalawa, magko-confirm lang siya kung kasali ka daw. So nagpunta agad sila dito para kumbinsihin ka."

"Weeeh? Sinabe niya yon?"

"Oho! Oho! Oho!" sabat ni Noel habang tinutundo ang tagiliran ni Jel, "Kunware ka pa besh, eh kilig to the bones ka naman jan!"

"Yay hindi ha!" sagot niya kay Noel, "Bat naman me ganong kondisyon pa?" tanong niya sa akin

"Aba malay ko! Kayo jan yung nag-usap kahapon diba? Tsssk… di ka pa nga nagkukwento eh"

"Oo nga, wala man lang update sa development." pag-agree ni Noel

"Wala namang i-a-update ha" sagot niya

"Eh bakit may pagtitigan kahapon?" tanong ni Noel

"Kita niyo yun?"

"Oo besh ha! Ano? Is making out in the library a thing na?" tanong ni Noel

"Hoy gago!" sabay nameng sabe ni Jelo, tapos hinampas niya si Noel, "bastos neto!"

"Joke lang. Pero ano na ngang real score between you two?"

"Bat nga ba may pag ganon Jel? Anong pinag-uusapan nyo?" tanong ko din

"Nang-aalaska lang siya. Anliit daw kase ng mata ko, tas ang pandak ko pa, di ko maabot yung top bookshelf. So yun, nilapet niya mukha niya saken to make sure di ako nakapikit."

"Ayiii" sabay naming sabi ni Noel

"Oy, nagulat din ako sa ginawa niya ha! Anlapit ba naman masyado, nataranta ako!"

"Gustong-gusto mo naman?"

"Hindi ha!" sagot niya habang pigil na napapangiti

"Mamatay?" tanong ni Noel

"Ah!" sabe ni Jel, tapos kunwari tutumba

"Oh diba? In denial ka pa eh!" sabe ni Noel

"E siyempre, mahirap na. Baka sa kanya wala lang yun, tayo lang me malisya"

"Kow ganyan nga yung nangyari dun sa pinapanood mo samen na mga BL at kung ano anong series"

"Correction – pwersahang pinapanood" sabe ni Noel

"Pano nyo naman nasabe? Alin sa mga yun ang kagaya nung samen?" tanong ni Noel

"Dun sa A Love so Beautiful at saka sa Crazy Little Thing Called Love. Kunwari pa yung lalaki, gusto naman talaga yung babae"

"Hmmm… Lalake babae naman yun eh"

"E di sa ano na lang. Sa Sotus, in denial pa si Arthit. Ganun din sa Love By Chance, kunwari pa si Ae, napo-fall na naman."

"Wow ha! Pwersahan pa kitang pinapanood niyan ha. Uuuy Nag-eenjoy na siya! Aminin!" biro ni Jelo kay Noel

"Shunga! Di ba ikinukwento mo samen pagkakapanood mo? Tas nangungulit ka pang panoorin namen? Issue ka!" sagot ni Noel

"Fine! Di wag! Anyway, ayaw ko namang mag-jump into conclusion as of now. Malay niyo, tutoy na tutoy lang talaga mag-isip si Allen kaya walang malisya yung kahapon sa kanya. And I learned my lesson na from Joshua; never assume unless clearly stated."

"Ayan na naman! Joshua ka na naman! Kaya ka di makamove on eh! Kinukulong mo sarili mo sa past!"

"Wow bes! Inis na inis, gusto manaket? Mas affected ka pa saken?"

Inakbayan ko si Jel bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Malay mo naman kase Jel, si Allen na yung para sayo, kailangan lang ng konting push."

Hinawakan ni Jel kamay kong nakaakbay sa kanya, "Ayaw ko lang masaktan ulit bes. Ansaket kaya! At saka truth be told, nababataan pako ke Allen. Baka mabigla siya sa aken, tas lumayo din"

"O edi dahan-dahanin mo ang approach mo sa kanya, slowly but surely" suggestion ni Noel

"Basta bes, tutulungan ka naming sa kanya, basta lakasan mo lang ang loob mo and wag agad aayaw on first try."

"Okay… sige"

"Now, paano kaya naten i-aanounce sa buong CABEIHM na ikaw magrerepresent saten. Hehe"

"Hoy! Umoo na ba ako? Hindi ha!"

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81