Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 25 - Chapter 25

Chapter 25 - Chapter 25

KIM'S POV

Pumasok na kame sa covered court pagkatalikod ni Rhek. Naabutan pa namin sina Jelo na nasa stage, nagpapractice na nang paglalakad at introductions nila. Nakita ko din sina Gabby at Erine na kasama ang ibang organizers kaya lumapit kami sa kanila.

"Uy Gab!" sigaw ko habang papalapit

Napatingen sa direksyon namin ang dalawa at nag-wave sa amin, "Hi Kim! Hi Noel!"

"Anong balita? May nagmu-move ba sa kanilang dalawa?" mahina kong pagtatanong sa dalawa

"Wala pa eh! Tinitingnan-tingnan nga namin pero mukhang kabado kasi tong si Jelo" sagot ni Gabby sa akin

"Pero nahuhuli ko si Allen minsan nakatingin kay Jelo. Si Jelo din pasulyap-sulyap"

Good good. Simula muna sa sulyapan, kame na ang bahalang magpalalim.

"Okay yan. Kaysa naman sa nag-iiwasan. Tayo na lang ang bahala gumawa ng paraan para magkaquality time silang dalawa"

"At oo pala need din namin ng help niyo. Hindi namin sila laging masusubaybayan so dalasan niyo pagpunta dito at gawan nyo ng paraan para magkamoment sila"

"No prob. Kami na ang bahalang dumiskarte diyan. Bwahahaha"

"Okay. O sya ipapakilala ko kayo sa ibang organizers"

At sinundan namin sila palapit sa mga kasamahan nila. Pinakilala nila kami sa ibang organizers at tinanong kung gusto ba naming magvolunteer para tumulong sa paggawa ng props, na sinang-ayunan naman namin

"Uhmmm... Excuse me!" sabe ni Rhek habang papalapit, "Gusto ko din pong mag-volunteer, contestant ang kapatid ko so I wanna help"

"Hmmm... Bakit di na lang kaya kayo yung magrepresent sa mga college nyo? Ampopogi at ang ganda nyo eh!" sabe nung isang babaeng organizer

"Ah di na pwede eh. Nakalaban at nanalo na kami noon eh!" sagot ni Noel

"Hmmm... pwede naman sigurong kayo ulit!" Bagay kayo ni ate gurl oh!" at nagsimula na nyang hawiin ang buhok ni Rhek, "Ampretty mo te! First year ka din?"

"Ahmmm... No. I'm a third year transferee. And I'd rather have my little brother own the glory."

"Sino bang kapatid mo?"

"Si Allen. I'm Erika by the way, but please call me Rhek" at inabot nya ang kamay nya para makipaghandshake sa organizer

Tumingin sya sa stage habang nakikipagkamay ke Rhek, "Oh! That tall white kid of CECS? Makes perfect sense! Ang ganda ng lahi niyo sis!"

"Ahmmm... Thank you!" At bahagyang napatango si Rhek

"Hmmp! Mas gaganda pa lahi niyan, pag nagpalahi yan ke Par!" singit ni Noel habang umakbay saken at tinapik-tapik ang balikat ko

Napasmirk si Rhek, halatang nainis. Yung ibang organizers naman napatili nang mahina. At ako, bigla akong nahiya siyempre

"Kaya ka nababayagan eh!" pabulong kong sinabi kay Noel bago nagsalita nang normal, "Ikaw talaga pre! Panay ka kalokohan!"

"Well, bagay naman sila! So why not?" sabi nung isa pang organizer, at halos sabay-sabay nag-"Ayeee!" yung iba

"Ang tanong ay type mo ba siya Rhek?"

"Hehe. Ang ipinunta ko po dito ay para mag-aral at i-assist ang kapatid ko sa contest" magalang nyang pagsagot na nagpa-end of convo

"Ay oo pala!" sabe nung isa pang organizer, "We need props people to decorate the stage, and if ever pati etong buong court, so we will be needing your help on this"

"Okay po!" halos sabay-sabay naming sagot sa kanya

Naglapitan din ang ibang estudyante na willing ding magvolunteer, at ibang nang-uusisa lang sa kung ano mang nangyayari ngayon. Nung wala na sa amin ang atensyon ng organizers, lumapit ako kay Rhek at bumulong, "I'll make sure you'll fall for me, Miss" sabay kindat

May pandidiri sa mukha ni Rhek at bahagya syang lumayo saken. Natawa naman ako, siya lang talaga yung nakakaresist sa kapogian ko nang ganito.

"Hoy Kim!" nadinig kong sigaw ni Jelo habang papalapit siya saken, kasunod niya ay isang magandang babae

"Ikaw na leche flan ka! Sinign-up sign-up mo ko dito e me padance at talent showcase pa pala ito!" sabay pitik sa noo ko

"Aray!" napahawak ako sa noo ko at hinimas himas ito nang bahagya, "Meron nga. Syempre kailangan mong irepresent ang department natin eh. So may talent showcase talaga."

"He! E alam mo namang wala akong katalent-talent diba?"

"Kaya mo yan! Tutulungan ka naming matutong kumain nang buhay na manok"

"Che! Nakakahiya wala akong maipepresent!"

"Kumanta ka na lang. Nakukuha mo naman tono minsan eh. Babaan mo na lang ng kuha para di masakit sa tenga"

"Tapos me dance number pa!"

"Sus!" tinapik-tapik ko siya sa pisngi, "Madali lang yan. Single single double double lang yan!"

"Eeeh! Back out na lang ako. Feeling ko hindi ko talaga kaya eh!" Yung pout niya kamo, parang batang hindi naibili ng gusto. Ang cute.

"Ehemmm!" sabe nung sumusunod sa kanyang babae

"Ay oo pala!" sabi ni Jelo at itinuro siya, "Kim eto si Rain, kapartner ko sa pageant. Rain, si Kim, kaibigan ko"

Inoffer ko ang kamay ko upang makipagkamay, "Hello! Nice to meet you! Good luck sa contest ha."

"Hello. Thank you!"

"Ahmmm... Diyan muna kayong dalwa ha. Get to know each other. Iinom at jijingle lang ako" sabe ni Jelo. Feeling ko alam ko na to. He set me up to entertain this girl. She probably like me also from the looks of it, kasi kanina pa niya hindi tinatanggal ang tingin niya saken"

"So what makes you say yes sa offer na maging representative ng college natin?" tanong ko kay Rain

"Well wala naman talaga akong choice kuya. Vinoluntold ako ng mga kabatch ko eh"

Ah the classic Kuya approach. Sige I'll play along, babe.

"Wag mo na akong tawaging kuya. Just Kim is fine. Two years lang naman ang age difference natin eh. Baka nga pwede pa kitang jowain eh"

Ngumiti si Rain. I damn hit the spot

"Ahmmm... Hehe"

"I mean, sample lang." sabay ngiti sa kanya

"Kim!" sigaw naman ni Noel this time. Ito talagang taong to anak ng wrong timing

"Ha? Bakit pre?"

"Ah.. Kailangan na tayo dun eh" at nag-hello siya kay Rain at nagpaalam na hihiramin muna ako bago umakbay saken at ipinihit ako papunta sa mga organizers

"Pre, your wifey's glaring at you. Kulang na lang ipasundo ka sakin" mahinang sabi Noel. Hinanap ko si Rhek mula sa pinanggalingan niya, and sure enough, she's glaring at me. I'm so dead.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81