JELO'S POV
Yung iba kasama si Mang Bert na nakatingin sa akin habang nakangiti, yung iba parang tulala at bahagyang nakanganga. May nakita pa ako sa peripheral vision ko na nakatutok saken ang cellphone, tila nagpipicture or nagvivideo. Hindi ako sanay na ganto. Naiintindihan ko pa pag kasama ko yung dalawa eh, syempre ampogi ng mga yon eh. Pero yung ako lang mag-isa tapos dadaan sa corridor pero pinagtitinginan pa din. Para laging may dumi sa mukha ng feeling. O kaya naman minsan may nakangising nagbubulungan pag nakikita ako, parang me panget na issueng kumalat tungkol saken. At hindi ako sanay sa ganong feeling, tulad nang napifeel ko ngayon. Ang awkward talaga, makaalis na nga!
Paatras akong alis nung nakabunggo ako.
"Hala sorry po!"
"Ayan kase di tinitingnan dinadaanan!"
Pagtingala ko, si Allen pala.
"Uy sorry naman! Naalala ko biglang me practice tayo eh."
"Hindi ayos lang. Joke lang yun. Di ka na mabiro. Hahahaha bat ka ba nagmamadali e mamaya maya pa naman resume ng practice natin?" tanong nya
"Ay mamaya pa ba? Edi sorry na... Hmmmp.." sagot ko sabay pout.
Pinisil nya pisngi ko sabay sabeng, "Patikim na lang ako ng ice cream mo para bati na tayo"
"Aray ha! Bakit may pamimisil nang pisngi?" sabe ko habang minamasahe ang pisngi ko.
"Haha sorry nadala ng emosyon. Libre mokong ice cream!"
"Ay wow ha! Matapos mokong saktan papabili kang ice cream?"
"Joke lang nga. Galit ka na?"
"Hehe joke lang din. Sige pili ka na ng gusto mo."
"Ikaw." Sagot nya habang nakatingin saken
"Huh?" nataranta ako gurl! Panic button on!
"Ikaw, ano masasuggest mo?" Nakangiti nyang pagtatanong at lumapit na din kay Mang Bert. Tulad nang nangyari kanina saken, naggive way din yung ibang bumibili para makalapit si Allen at matingnan ang mga tinda. May iba ding naglabas ng phone at nagpipicture or nagvideo sa kanya. Yung ibang girls nagngingitian at nagbubulungan pa.
Pero kung gaano ako nao-awkwardan sa mga nasa paligid nya, si Allen parang wala lang. Nakabili sya ng ice cream at nang papaalis sya, hinarang sya nung dalwang babae. Ngumiti sya after me sabihin na hindi ko madinig kase medyo malayo ako. Tumango lang sya at nagselfie na sila. Nagthank you yung dalwa tapos naglakad na sya papalapit saken.
"Oh? Bat ganyan ka makatingen?" tanong nya
"Hindi ka nai-ilang pag maraming nakatingen sayo? Yung parang andumi dumi ng mukha mo o kaya ikaw yung hot issue sa chismis?"
Lumingon si Allen sa likod nya bago tumingin ukit saken, "Ah ayun? Sanay na'ko. Bata pa kase ako, andame nang nagsasabeng pogi ako hahaha. Pogi naman ako deba?"
"Y-yay! Yabang neto!" binunggo ko sya ng very light. "Baka magka-hydrocephalus ka nyan ha!"
"Haha. Bakit? Di ka ba napopogian saken?" Nilapit pa nya mukha nya saken at tumitig habang nagpipigil ng ngiti
Inilayo ko ng konti mukha ko bago ako nakasalita, "Medyo mayabang ka sapart na yan ha. Pogi ka. Happy na?"
"Naks! Okay naniniwala na talaga akong pogi ako, galing sayo eh." Nakangiti syang umiling-iling bago nya inoffer yung ice cream nya saken, "Gusto mong tikman?"
"Ano ano bang flavors yan?" tanong ko habang tinitingan yung green at pink na tig-isang scoop ng ice cream"
"Yung pink, strawberry. Yung green, avocado."
Umupo ako sa malapit na upuan, "Ay ayoko ng avocado. Di ako nakain nyan. Yung strawberry na lang," pero di pa sya nakaka-oo, kumuha nako ng konti at sinubo. Napapikit ako habang nilalasap yung lamig at lasa. Masarap talaga ice cream ni Mang Bert. Andun yung rough texture ng maliliit na buto ng strawberry pero overall ang tamis at lasang lasa na real strawberry, hindi artificial flavoring.
Umupo na din si Allen sa tabi ko, "Ang cute mo pag naganyan ka. Kaya ka siguro pinagtitinginan din ng tao kanina eh."
"Haha mukha siguro akong ulaga sa paningin nila kaya ganun"
"Hindi ah! Para ka ngang yung sa mga commercial na sarap na sarap sa pagkain eh."
"At least ako, sigurado akong masarap yung natitikman kong pagkain. Ewan ko pang dun sa mga endorsers na tinutukoy mo. Hahahaha." Inilapit ko yung cup ko sa kanya, "Oh para fair, tikman mo din yung saken." At sinubuan ko na si Allen ng banana flavor.
"Hmmm masarap nga!" At kumutsara pa sya ng isa.
"Eto naman tikman mo, my favorite. Langka with tidbits." And sinubuan ko ulit sya ng langka flavor
"Antamis naman sobra. Baka naman mangilo ka na nyan." Sabi niya after
"Hindi naman. Bihira naman akong mag-ice cream e. Paminsan minsan lang ako nagmamatamis. Ikaw ba?" tanong ko sa kanya bago sumubo ng banana flavor.
"Paminsan-minsan lang din. Pag kaya ng budget."
"Ay baket? Nashoshort ka ba sa allowance?"
"Sakto lang naman dapat yung budget na binibigay ni mama for every week. Kaya lang napapapusta sa laro e. Tapos me emergency expenses pa." sabe nya bago sinubo yung avocado flavor.
"Makokonsensya na sana ako dun sa pagbili mo ng panglunch para saken kundi mo sinabeng pinapamusta mo yung iba."
"Haha. Ganun talaga e. Yun nagpapaexcite ng laro eh. Atsaka wala kang dapat ikakonsensya dun. Me kasalanan din naman ako." sabay subo ulit ng avocado flavor. "Hmmm... Masarap tong avocado ha. Tikman mo." Kumutsara ulit sya at inilalapit na sa bibig ko yung ice cream
"Ayoko ng avocado. Di ako nakain ng prutas nyan. Di ko feel."
"Masarap sya. Malamig at matamis pero sakto lang."
"Ayoko."
"Tikman mo na please. Please! Please! Please!" pag-oofer nya, pilit inilapait yung kutsarang me ice cream.
Nag-aalangan ako, pero di din naman ako makatanggi kay Allen kaya tinikman ko na. Masarap nga sya. Andun yung lasa ng avocado na ewan ko ba bakit di ko gusto since pagkabata. Pero malalasahan mo din yung gatas na inihalo. Plus malamig pa. Just the right taste.
"Oh ano? Nagustuhan mo?"
Pasalamat ka gusto kita. "Masarap. Okay pala naman siya pag maraming gatas at malamig."
"Oo. ayos na ayos sya. Hindi nakaka-umay ang lasa. Ano to sariling gawa nila?" at tuloy-tuloy sya sa pagsubo ng ice cream from then on, natutunaw na kase e.
Napamadali na din ako sa pagkain, natutunaw na din yung saken eh. "Ang alam ko oo."
"Hmm sige order pa tayo ng avocado."
"Uy tama na. Masama yung sobra. Atsaka isa pa, baka hanapin na tayo." sabe ko habang hawak yung plastic cup na simot na simot ko.
"Okay sige. Next time na lang. Sayo na tong last subo." At inaro nya ulit yung avocado ice cream saken."
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81