JELO'S POV
Syempre sinubo ko, nasarapan ako eh. Yung avocado ice cream yung tinutukoy ko ha.
"Oh di ba creamy? Aayaw-ayaw ka pa ng mismong prutas nyan ha. Ayos tong ice cream ni Kuya." Sabe ni Allen bago niya sinimot at hinigop yung natunaw nang ice cream sa cup."
"Masarap talaga yang timpla ni Mang Bert. Sa kanya lang ako nabili ng ice cream ever since natikman ko. Lasang lasa kase talaga yung prutas, me tidbits pa."
"Hmmm... Sige. Simula ngayon sa kanya na lang din ako bibili." Tiningnan nya cup nya, "Itapon ko lang to ha. Akin na din yang sayo."
"Oh" inabot ko na yung cup ko. "Salamat"
Ngumiti lang sya at pumunta na sa para itapon yung cups sa basurahan. Bumalik sya pagkatapos at inoffer kamay nya saken, "Ano tara?"
"Ha?"
"Balik sa court"
"Ah. Sige." Tinanggap ko ang kamay nya, at bahagya nya akong hinatak papatayo. Hindi na ako makapaniwala sa nangyayari. Ramdam ko yung tibok nang puso kong parang sasabog sa bilis. Yung boses ko habang tumatagal, me nginig sa kaba pero kelangan soft-spoken pa din sa harap ni crush. And now this, holding my hand? Hahaha masyado na ata akong close sa crush ko ah.
Ngumiti lang ako, at ngumiti lang din sya magsimula na sana kameng maglakad nang napatingin sya sa harapan. Ako naman napalingon sa kaliwa't kanan ko. Ngayon ko lang narealize na andami palang nakatingin samen. Yung iba may hawak pang cellphone, kinukuhan kame ng either picture or video. Napaharap ako sa unahan at andun si Gabby at Erine, may nakatutok ding cellphone sameng dalwa ni Allen. Tumigil lang sila at yung iba nung nakatingen na kameng pareho sa kanilang dalwa.
"Ahmmm kanina pa namen kayong hinahanap, andito lang pala kayo." pagsasabi ni Gabby habang unti-unting tinatago ang cellphone sa likod nya, "Tara na practice tayo ulit." sabe niyang nangingiti-ngiti.
Tumango-tango si Erine, "Oo tara na!" Nakangiti din sya na halos magpang-abot sa magkabilang tenga pero di mapakali yung mga mata nya sa pag-eye contact samen at sa ibang bagay. Halos magkasabay siguro nameng sinundan ni Allen ang tingin nya. Nakatingen si Erine sa magkahawak nameng kamay ni Allen. Tinitigan ko ang side profile ng mukha ni Allen. Yung palangiti nyang mukha, naging seryoso. Mababakas na magkasalubong yung mga kilay nya, at clenched yung jaw nya. Nakita ko na to. Gantong ganto din nung nahuli kame dati ni Joshua na magkaholding hands. And before the same thing happened again with Allen, uunahan ko na sya. I slowly let go of his hand, most likely naman ganun din gagawen nya eh. Ayoko nang maransan ulit yung feeling na itinanggi ka. So this time around, ako na ang bibitaw.
"Kanina pa ba kame hinahanap? Sorry napasarap nang pagkain ng ice cream eh."
Nauna na akong maglakad papalit kina Erine at Gabby na ngiting-ngiti pa din, di siguro naramdamang nagbago na yung aura ko. Kung me special talent ako, siguro yung pagngiti pa din kahit naoffend o nasasaktan na.
Umiling-iling bahagya si Gabby, "Hindi naman. Nataon lang na nakita namen kayo habang papabalik so tatawagin na sana namin kayo." At nagsimula na ding maglakad yung dalwa kasabay ko.
"Ah hehe. Sorry na. Ang linamnam kase ng ice cream ni Mang Bert eh. Di ba Allen?" Lumingon ako pero wala sya. Tumingin ako sa pinanggalingan namen at andun pa din sya nakatayo, nakakunot pa din ang noo at nakayuko, tinitingnan ang kamay nyang hawak ko lang kanina
"Hoy Allen!" Tinawag sya ni Gabby at parang saka lang sya natauhan at nagsimula nang bilisan ang paglalakad papunta samen
"Sorry ano yon?" Tanong nya paglapit nya
"Kako masarap yung ice cream"
"Wari ko nga'y masarap, natulala si Allen eh."
"Ah oo" natatawa nyang sinabe, "Ansarap nga."
"Ninanamnam mo pa ata eh," sabe ni Erine "Kaya ka siguro nastuck dun sa tayo mo."
"Hahaha Na-brain freeze!" sagot ni Allen
"Naku ansaket nyan be! Madalas ko yan maranasan pagkakain ng malamig na sweets and drinks. I feel you!"
"Hindi naman po masyadong masakit. Nagulat lang siguro sa bilis nang ikinain. Eto ba naman e, nagmamadali." At humawak si Allen sa balikat ko.
Nakikita ko yung pigil na ngiti nung dalwang babae, and I'm sure fujoshi tong mga to. Fujoshi means "rotten girl" kung tama yung nababasa ko sa Tumblr. Yun yung tawag sa mga babaeng mahilig sa manga or anime na about yaoi or shonen-ai, or simply gay relationships na mas kilala ngayon as BL or Boys' Love. Yung mga ngitian pa lang nila noon at pagkuha ng videos namen ni Allen eh, certified fujoshi na sila. Sad lang di nila napansin na di komportable si Allen kanina. Sorry girls, gusto ko mang i-fulfill ang inyong yaoi fantasies, ayoko naman nang masaktan.
"Kayong dalwa, galingan nyo ha. Kailangan kayo ang manalo. Nasa inyo ang suporta namen."
"Di naman pwedeng pareho kameng manalo ate. Isa lang yung dapat tanghalin as Mr. Uni."
"Oo nga! Ano kame magkapartner? Hahahaha" sabat ko
"Ay oo nga! Hahaha O basta galingan nyo! Kailangan maaalin sa inyong dalawa makapag-uwi ng korona ha!" sabe ni Erine habang me pangangalog saken.
"Try ko."
"Try ko din." sabe ni Allen na nakangiti
Pagkapasok namen sa court, dinig na dinig ko na ang boses ni Ate Rhek
"Hindi kase dapat ganyan! Eto oh. Mas kita yung bright colors sa gabi." sabe ni Ate Rhek na nakapamewang pa
"Okay sige sorry." sabe ni Kim, na napapakamot na lang
Binuhat na nya yung mga kartolina at coloring materials na nasa karton at minustrahan si Noel na buhatin na din yung isang kahon, na ginawa din naman nya.
Nakasimangot si Noel na una nang naglakad papunta sa direction ng pinasukan namen, palabas bitbit ang kahon
"Ikaw Allen, sabihan mo yang ate mo ha. Di nya kame alila, lalo na ako."
Tinapik ko yung braso nya habang natatawa, "Ok lang yan Young Master. At least naeexercise ang katawan mo sa pagbubuhat."
"Nagbubuhat naman ako ah."
"Panay weights sa gym. Dapat matuto ding kumilos ang rich kid ng tropa."
"Di ako yung RK, yung parents ko." Nakasimagot nyang sagot at lumabas na sya.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81