Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

JELO'S POV

I was still thinking about the great news we discussed nang bumalik kame ni Ms. Jean sa classroom namin. Apparently though, iba yung thinking ng mga classmates ko, kase pagbalik namin nagpalakpakan sila

"Congrats Jelo"

"Para saan?" tanong ni Ms. Jean

"Di ba po sya na yung Mr. CABEIHM?" tanong ng isa sa mga kaklase ko habang nakikita kong nagngingitian yung dalawa nina Kim at Noel sa peripheral vision ko

"Oh!" Pantataas kilay ni Ms. Jean, "Yeah, that reminds me. Whoever will be representing us for the Foundation Night can skip class to attend practice from 2-5pm from Mondays to Fridays and 10am-3pm nang Sabado." Then tumingin sya saken, "But that doesn't mean na exempted na kayo for passing projects and taking exams, okay?"

Napalunok ako, "Ahhhmmm… Ms. Jean… kase..."

Then tumingin sya sa klase ulit, "Mr. Estella will go with Ms. Lorraine Burgos, second year from HRM. Let's give him a round of applause" At nagpalakpakan ulit sila

Ansaya ko na kanina eh, pero shems! Kinonfirm na ni Ms. Jean na ako ang kasali! Anchaka! Wala na akong karapatang magback-out neto! Naku kakatusan ko talaga tong si Kim eh!

"Now, take your sit and I will start my class" at pagtango lang nasagot ko bago bumalik sa upuan ko

"Aruy naman si bes, Mr. CABEIHM na!" sabe ni Kim paglapit ko

"Leche ka kase! Inayawan ko na, sinali mo pa rin ako!" sabay pitik sa noo nya habang papaupo

"Okay lang yan besh! At least mae-experience mong maging Mr. Pogi once in your life" sabe ni Noel

"Ayaw ko naman ng ganung title eh"

"Anong gusto mo? Ms. Ganda? Haha"

"Isa ka din eh!" At iniwasan nyang maabot ko sya para hatakin

Habang nagdidiscuss si mam, nasa malayo ang isip ko. Paano kaya gagawen ko? Wala naman akong katalent-talent eh. Me stage fright pako! Hays. Tiyak talo na ang CABEIHM agad agad neto

"Ano pa lang sinabe nina Mam Jean at Mam Annie sayo kanina?" tanong ni Kim na inakbayan ako nang makalabas na si Ms. Jean at palabas na din kame.

"Secret! Di ko sasabihin! Galit ako sayo!"

"Luh? Hahaha wala ka nang magagawa. Inannounce na ni Ms. Jean. Alam mo namang si Ms. Absolute yan."

"Kenat backout ka na nyan besh" sabe naman ni Noel, "Teka, may maghahatid ba sayo ngayon pauwi?"

"Wala. Me shift si Charles eh"

"Eh si Allen? Ayiie!"

"Baliw! Bat naman ako ihahatid non? Atsaka nakita ko kanina si Ate Rhek so for sure magka-angkas sila pauwi"

"O sya ihatid ka na lang namen"

"Okay. Tara na!" at nagsimula na kameng maglakad palabas

Maya-maya pa asa tapat na kame ng bahay namen at binuksan ni Mama ang gate, naka-uniform pa din sya, meaning kakarating lang din nya

"Hello Tita! Sabe ni Noel na nasa likuran ko habang hinuhubad ang suot niyang helmet, "Hinatid na po namin ang dalaga nyo" tapos inabot ang kamay ni Mama para magmano

Hinampas ko naman sya balikat nya, "Akala mo talaga sya yung naghatid eh no?"

"Haha okay lang yan, at least me kasama ka pauwi. O sakto dating nyo, magluluto ako ng dinner naten"

"Ayan ang gusto ko ke tita eh, diretso luto agad" sabe ni Kim na nagmano din habang hawak ang helmet na sinuot

"Naku, nambola ka na naman, Kim. Oo na, dadamihan at sasarapan ko pa ang luto ko"

"Nabola mo na naman si Mama" sabe ko habang nakasimangot sa kanya

"Okay lang yan. Love naman ako ni Tita eh."

"Ay oo naman. Okay nga lang saken kung ikaw magiging son-in-law ko eh."

"Ma!"

"Po?" Nagulantang na pagtatanong ng dalawa nina Noel at Kim

Napangiti ako. Di ko pa nga pala nakukwento sa kanila, "Alam na ni Mama. Nag-out nako sa kanya"

"Ahhh!" sabay na pagtango nung dalawa

"So pabor pala kayo ke Kim. E paano naman ako Tita? Ayaw niyo saken?"

"Okay lang saken kung sino sa dalawa, kahit nga yung kapitbahay naming, ayos lang din eh. Siya lang naman yung iba yung gusto eh"

"Ay opo Tita. Patay na patay yan kay Allen" pagtango-tangong pagsang-ayon ni Noel, "Tinutulungan pa naman naming siya kay Charles"

"Pero kanino ka boto sa aming apat?" tanong ni Kim

Tumingin muna saken si Mama, "Basta kung sino gusto nya, at okay naman pakisama sa kanya, saken at sa inyong mga kaibigan, okay lang saken" sabay ngiti at akbay saken

"Andrama nyo, tara na pumasok"

Tinulungan na ni Kim si Mama na magluto habang kame ni Noel naggawa na ng assignments. After around 30 minutes, lahat kame nagsisimula nang kumaen

"Ay Tita, bago ko pa makalimutan. Si Jelo pala, kasali sa pageant ngayong darating na Foundation Day." sabe ni Noel

"Ay oo nga. Yun nga pala ang ipinunta naming dito Tita. Ipagpapaalam naming siya sa inyo"

"Talaga? Oh ayos yun!" Tumingin siya saken, "Napansin din ang kapogian ng anak ko"

"Hay naku! Ewan ko sa dalwang yan. Vinoluntold ba naman ako"

"Oy hindi ha. Kung may nagvoluntold sayo, si Charles yun." sabe ni Kim

"Oo nga, sya yung naunang magsuggest sayo sa student council" pagsang-ayon ni Noel

"Hmmp. Ewan ko sa inyo"

"Speaking of Charles. Di ko sya nakikita lately" sabe ni Mama

"Opo naka-48 hours daw syang duty gawa sya magko-cover dun sa kasama nya eh"

"Ayiiie!" sabay sabay na sabe ng tatlo

"At paano mo nalaman?" tanong ni Mama

"Nagchat sya saken. Di daw sya makakasabay ng uwi"

"Naks naman! Nagsasabe naman po pala sa kanya si Nurse Charles" banat ni Noel tapos sabay-sabay ulit silang nag "Ayiiie!"

"Baliw! Ang advanced nyo mag-isip! At kayong dalwa jan! Tulungan nyo nalang ako maghanap ng reason para magback-out"

"Oh! Bakit ka naman magbaback-out nak?"

"Ayoko naman ng mga ganyan-ganyan Ma. Alam mo namang di ako nagsasasali sa mga extracurricular activities na yan. Writing at editing lang sinasalihan kong ECA since elem diba?"

"Well, it's about time na madagdagan. Malay mo madiscover ka as model or artista"

"Yay! Ayokong mag-artista no!"

"May consolation naman bes. You get to spend time with Allen" sabe ni Kim

"Ay kasali sya?" tanong ni Mama

"Opo. Pati si Charles"

"E bakit kayong dalwa di sumali?"

"Isa lang po per college. Pero don't worry po, nagpresenta na kameng tumulong backstage"

"Oh ayun naman pala eh! Go na nak!"

Napabuntong-hininga ako, "I don't know. I don't think this will end well. Bahala na"

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81