JELO'S POV
Asa covered court na maya-maya pa at nakipagkilala sa iba pang organizers. Ineexplain nila ang magiging setup ng stage pero hindi ko masyadong iniintindi. Busy akong magnakaw ng tingin ke Allen hehe. Parang seryoso syang manalo sa contest, with that serious pero cute pa din face. He's even taking notes while everyone else is, I think half-heartedly listening. Mabuti pang bata di crush. Siguro napansin nyang nakamulaga lang ako sa kanya kase bigla syang tumingen saken, at napayuko ako bigla at nag-iba ng tinitingnan, bago ulit tumingin sa direksyon nya. At nakatingen pa din sya, sabay ngiti, natawa bago tumingin sa notes nya. Hala kang bakla ka! Huling huli ka sa akto ni crush! Shuta!
"May opening dance number kayo" sabe nung isang baklang organizer na pinakilala samen. Diko maalala pangalan nya pero yung sinabe nya ang nagpabalik saken sa ulirat. Say what now? Akala ko ba magmomodel-model lang? Ba't me pagsayaw pa?" Napataas agad ako ng kamay.
Tumingin sya saken sabay tanong, "Yes?"
"Uhmm hindi ako marunong sumayaw eh" sabay kamot sa ulo at ngiting awkward ng isang taong nahihiya
"Nothing to worry about. Isang opening dance number lang naman. And tuturuan ko kayo ng simple at easy-to-memorize dance steps. After that dance, it will be your introductions na, so relax... what's your name again?"
"Uhmm... Je-Jelo. Hehe" Lagot na talaga ang CABEIHM. Talo na agad sa opening number. Susme e di naman ako marunong sumayaw eh. Pasang awa nga ako pag exam sa PE e dance number eh. Pano pa kaya pag buong uni na ang manonood saken? Me ihaharap pa kaya ako sa department namen after neto?
Me humawak sakeng kanang balikat. Pagtingen ko, natundo ang pisngi at parang mejo matalas, napaatras ako at napahawak sa pisngi ko sabay, "Aray!"
"Ay sorry! Mahaba na nga pala kuko ko!" sabe ni Rain, yung kapartner ko
"Ay hindi naman masakit. Nagulat lang talaga ako." tugon ko
"Ah oki. I just wanna cheer you up kase. Mukhang natakot ka nung me dance number tayo eh. Ako pala si Rain, hi!"
"Hi! I'm Jelo. Second year ka nga no?"
"Yes kuya. And ikaw yung lageng kasama ni Kim diba?"
"Ah oo. Baket? Crush mo?" pagjojoke ko
Napapout sya at napaisip saka sumagot, "Hmmm... oo! Ampogi nun ha!"
Ay ang taray ni ate mo! straightforward answer! And in fairness, malamang magugustuhan din ito ni Kim, eto yung tipi nya eh. Matangkad, maputi, may pagkachinita, long hair, at mejo majoga "Ah okay. Yaan mo pakilala kita"
"Nagtaka nga ako eh. Bakit di sya yung pinili?"
Ay yun lang. As much as gusto kong sagutin na I had the same thought dahil bakla naman ako in the first place, e mejo nahurt ang ego ko, "Di ko din alam eh. Hmmm... siguro kase nailaban na sya nuon sa pagandahang lalake? I don't know", sabay kibit-balikat
"Hmmm... Oo nga no? Pwede! Sya yung Mr. Uni last year eh! Pero asahan ko yung offer mo kanina ha. Ipakilala mo naman ako sa kanya kuya please!"
"Oo sige! Pero wag mokong tatawaging kuya ha"
"Uhmmm... ate?"
I snapped back at her, "No! Just Jelo!"
"Okay!" Siniko nya tagiliran ko, "Basta ha!"
"Aha!" sabay tango ko
"Hoy nakikinig pa dyan sa likod?" tanong nung magiging choreo namen
"Y-yes po!" halos sabay nameng sagot. Pinagtitinginan na pala kame nung ibang kasali na malapit na sa stage so naglakad kame ng kaunting hakbang para sumali sa kumpulan nila.
"So, as I was saying earlier, magkakaroon kayo ng sarili nyong production number. It can be sing, dance or any act na sa tingin nyo mashoshowcase nyo ang talent nyo. Kanya-kanya nyong practice yun"
Shems! me sayawan na me production number pa? Ano ba tong nasalihan ko? Kinakabahan na talaga ako sa kahihiyang dadalhin ko sa college namen. Pisti kase tong si Kim, isinali-sali pako eh
"For now, practice-in naten ang magiging pagramp nyo sa stage. If maaga tayo matatapos, we can probably start practicing the dance steps na rin no?" Pumalakpak sya, "All right! Let's go up the stage and practice your walk"
Umakyat kame sa stage and started with how we will come from backstage, saan pupunta at magpopose and ano-ano ang sasabihin pag nagpapakilala na.
Maya-maya pa nagkakarami na ang tao sa court. Siguro nalaman na ng ibang estudyante na ngayon start ng practice kaya nagsa-sight seeing na sila kung sino ilalaban per college. Ang awkward lang kase dati ako yung nagsa-sight seeing, ngayon isa na ako sa sinasight.
Nakita ko ding dumating sina Ate Rhek na kinawayan ni Allen, at sina Kim at Noel na lumapit agad kina Gabby at Erine, na pinakilala naman yung tatlo sa ibang staff. Me iba na ding naglapitan bukod sa kanila
"Okay 10-minute break muna para makapahinga kayo. Pero wag masyadong lalayo ha. And again, ipinagpaalam na kayo sa faculty so no need to worry, exempted na kayo sa class" sabe ng choreo. At nagbabaan na kame sa stage.
Lumapit sa gilid ko si Rain, "Jelo anjan na siya! Ipakilala mo na ako!"
Ay ang atat ni ate gurl! Excited much? Patay na patay yata to ke Kim eh
KIM'S POV
"Ano na sa tingin mo ginagawa nila dun pre?" tanong ni Noel sa akin habang naglalakad kame papunta sa court galing sa katatapos lang na klase.
"Malamang nagpapractice. Ikaw naman, parang di ka nagdaan diyan e first year pa lang ikaw na inilaban"
"Napansin ko lang, lahat tayo napalaban no? Ako nung first year tayo, ikaw nung second year. Si Jelo ngayong taon. Sino kaya sa fourth year natin? Me magiging fourth horseman kaya?"
"Nakukulangan ka pa ba sa ating tatlo? Or naaawa ka na sa aming dalawa?" tanong ko pabalik
"Eto naman, nagtatanong lang. Pero ano na kaya nangyayari kay Jelo? Baka natataranta na yun. Di naman yun sumasali sa gantong pageant eh"
"Siguro nangangatog na tuhod nun, hahaha." At nakita ko si Rhek, papunta din sa court.
"Hi Rhek!" At sinimangutan nya lang ako at patuloy na naglakad
"Miss Suplado!" pagtawag sa kanya ni Noel. At huminto sya, lumingon sa amin, at nagsimula nang lumapit. Bigla namang nagtago si Noel sa likod ko, "Pre baka mabayagan ulit ako"
"Shut up coward! I'm only here for my brother! And I'll be watching you three!" sabay mustra nung sign na she's watching us nga. Pheeew! Talk about Amazona of our generation.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81