JELO'S POV
Mga tatlong araw din ang nakalipas at tumakbo ang buhay namen sa school nang walang kaganapan sa school life namen, until today. Dumating si Gabby at Erine nag-excuse sa Prof. namen at after a few talks, pumasok na ulit si Prof. at sinabeng excuse nako sa klase. Tumingin munako sa dalwa kong bestfriends.
"Go lang bes. Susunod kame to cheer you up after class" sabe ni Noel
"Go bes! Kaya mo yan! Susuna!" sabe ni Kim
Tumayo na ako at lumabas nang classroom. Duon nako binati ng dalawa na ngiting ngiti habang papalapit ako at kinakantyawan ng mga kaklase ko.
"Hi Jelo! Excited ka na ba?" bati sa akin ni Erine
"Hindi nga eh! Decided na ba talaga kayo sa aken? Bawal na magback-out? Baka ma-OOP lang ako at wala talagang mabuga eh"
Isinakbit ni Gabby ang braso nya sa braso ko at nagsalita, "Hindi yan! Kaya mo yan! Atsaka hindi ka ma-OOP, andun si Allen"
"Ah haha" Feeling ko yung pagkakasabe nya ng name ni Allen me halong panunukso eh.
"Saan ba ang practice?"
"Hindi agad practice. Meet and greet muna with the organizers and other competitors" sagot ni Gabby, "So duon muna tayo sa Student Council HQ"
Pagdating namen sa Student Council Office, madami nang busy mag-usap, me iba ding busy magcellphone. Isa na dun si Allen na napatingen saken at ngumiti sunod sabeng, "Uy Kuya" sabay offer ng hand para makipaghigh five, na inapiran ko naman sabay tundo ng noo.
"Arayko!" nakanguso syang napahawak sa noo nya
"Diba sabe ko wag mokong tatawaging kuya?"
"Ay oo nga pala! Hehe"
Umupo nako sa tabi nya na me paghawak sa tuhod nya, bago ko napansin na ang ganda nang nginingiti nina Gab at Erine, na narealize sigurong nakatingen na halos lahat sa kanila, kaya napasalita na.
"Hi there everyone! So again ako po si Erine, ang President ng Student Council at Head Organizer for this year's Mr. and Ms. Foundation Day. Kayo po ang napili -"
" - Navoluntold..." sabe nung isang lalake
" - Y-yes napili at navoluntold ng respective nyong departments para magrepresent sa upcoming pageant night. So let's start off with a Get-to-Know session. Just say your name, year, course, department at uhmmm siguro fun fact about you. I'll start it off. I'm Erine Garcia, but you can call me Rin. Third year Nursing from College of Nursing. Fun fact, I sleep-talk, like a lot. Haha. Oh ikaw naman," sabe niya kay Allen"
"Ay okay. Hello po! Ako po si Allen, you can call me Len, first year IT from CICS. Fun fact, hmmm, walang nakakatama sa paghula sa edad ko dahil sa height ko. Masyado daw ako matangkad para sa edad ko. At vinoluntold lang ako netong katabi ko," sabay turo sa aken at ngiti.
"Haha, okay next." sabe ni Erine sabay tingin kay Gabby
"Oh baket ako?' tanong ni Gabby
"Salitan, from right to left, left to right"
"Ah okay, so ayun. Hi guys! I'm Gabby, Vice President ng Student Council at Assistant Organizer ng event..."
Habang nagsasalita si Gabby, napansin kong me tinanong si Allen kay Erine at tinuro lang neto yung likod na part ng office, then humawak na sya sa tuhod ko, mahinang nagsabeng "Si-CR lang ako" bago nagsimulang payukong pumunta sa direksyon na tinuro ni Erine. Mejo malapit sa mukha ko yung pagkakasabe nya, napaatras ako at napasandal sa sofa.
Hindi ko na masyadong naintindihan sinasabe ni Gabby. Na-o-awkwardan at kinikilig ako at the same time sa pagkakalapit ng mukha ni Allen sa aken. I know na dapat wala lang yun, pero kinikilig pa din ako sobra, muntanga haha. At ba't kaya ako ang sinabe nyang nag-voluntold sa kanya? E sabe nga ni Kim, sya yung nagbigay ng kondisyon para sumali ako. Hmmm... Parang naset-up ako ah. Pektus yun saken mamaya eh.
"Huy! Ikaw na!" sabe ni Erine na nagpatanggal saken sa pag-i-space out.
"Ay ako na pala. Hi ako si Jelo. Third year Accountancy from CABEIHM. Uhmmm, wala naman akong maisip na fun fact about me eh"
"Sige what is love na lang for you?" sabe ni Erine
"What or who?" sabe ni Gabby
"Hmmm... Love is...Love is being completely happy inspired by someone. Even if that someone is not always beside you." Shems, linyahan yun ni mama ah. Buti na lang always eveready battery, thanks sa hugot Mama.
"Chill, nag-CR lang sya. Sabe nung lalaking sumingit kanina. At nagtawanan silang lahat. Di ko na gusto dila ng isang to. Me nakakainis na factor sya, pero nakitawa din ako, sabay sabeng "Next!" at tinanguhan sya
"Ako si Ralph, second year, from Nursing. Fun fact, second option lang ako nung magback-out yung magrerepresentative talaga dapat samen na si Charles Dolormente"
"Ahhh sorry na Ralph. Gusto man ni Charles e di talaga kakayanin gawa OJT sya at thesis pa nya" sabe ni Gabby
"Okay lang. Sanay naman nakong second option"
"Ay lalim nun ah. Sagutin mo na nga bes!" sabe ni Erine kay Gabby
"Hala sya oh!" sagot ni Gabby
At nag-aruy kameng lahat. Nagsasalita na ang magiging partner kong si Lorraine na sabe e she can be called "Rain" nang bumalik si Allen. He's so ngiting ngiti at happy na para bang nakakarefresh yung CR dito sa office ah.
"Baket naman ngiting ngiti ka jan? Anong nangyare? Sinagot ka na ng crush mo?" tanong kong pabulong
"Wala naman. Masaya lang nakajingle nako. Kanina pakong nagpipigil maihi eh."
"Baliw wag mo nang uuliting magpigil ha. Masama yan, baka magkabato ka."
"Baka ba naman magback-out ka pag di mo ako nakita, magbaback-out din ako pag ganun"
Napatingen ako sa kanya na para bang nagtatanong, at tumingin sya pabalik nang nakangiti
Natapos na ang lahat na magpakilala so nagsalita na ulit si Erine, "All right! Since we're done with you guys, tara na sa covered court para bigyan kayo ng idea how the stage would be set up and makilala ang iba pang organizers at volunteers."
Naglabasan na kame ng office at nagpunta sa covered court. Nakahawak sa balikat ko si Allen habang naglalakad kame papuntang covered court at nagkukwentuhan. Ang saya lang. Normal lang na kamustahan pero kinikilig na ako at the back of my mind. Hindi lang sya pogi, matangkad at maputi. Nakakahawa din ang ngiti nya. Di lang Baby Boy, Jolly Boy pa.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81