Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

JELO'S POV

Wala na akong nagawa. Nanakbo na sina Kim at Noel sa buong building namen na nagsisigaw na ako daw napiling maging Mr. CABEIHM sa Foundation Night. Nagpalakpakan na lahat, yung iba chinicheer ako "Congrats Jelo! Galingan mo!"

Ako naman panay sabeng "Uy joke lang nila yun. Wala pa talaga. Hoy tumigil na kayong dalawa, nakakahiya!"

Nasa hallway na kame nang nakita namen si Terror Prof at matic huminto kameng tatlo sa pagtakbo at tumahimik agad halos lahat ng estudyante. Mahirap nang mabulyawan no.

"Mr. Estella, you're here. Good, I was about to look for you. Follow me."

Nagtinginan ang dalawa nina Kim at Noel bago gumilid para mag-give way saken. Ako naman kinakabahang sumunod sa kanya. May ibang napapalingon pagkalampas ni Ms. Jean. Ano kayang nagawa ko? May hindi ba ako naipasang assignment o exam? May nakalimutan bakong project? Eto yung mga tanong na naglalaro sa isip ko while walking behind her. Maya-maya pa dumating na kame sa Dean's Office.

"I and Doc Annie have something to discuss to you" Yun lang ang sinabe nya bago binuksan ang pinto at nag-give way para paunahin akong makapasok.

KIM'S POV

Time na pero wala pa sina Jelo at Prof. Jean. Sanay na kameng dumadating si Jelo ng late o literal na "on time" pero this is the first time na late dumating sa klase si Terror Prof in our 3 years sa Accountancy.

"Ano sa tingin mo ang pinag-uusapan nila? Bakit need pang sa Dean's Office sila mag-usap?" tanong ko kay Noel

"Di ko alam. Baka pina-guidance si Jelo ah"

"Baliw! Di sana sa guidance sila nagpunta hindi kay Dean Annie"

"Hmmm… me point. Baka yung madalas niyang pagka-late kahit malapit lang siya dito."

"Baka nga. Bat naman kasi nalelate pa siya sa lapit na niya eh"

"Aba malay ko jan sa wifey mo."

"Ulol! Ga-wifey eh"

"De joke lang. At saka mabait naman si Dean Annie. Baka naman iko-congrats lang si Jelo sa pagkakapili sa kanya as Mr. CABEIHM."

Napangiti ako, "Actually pre, hindi pa talaga siya napipili." pabulong kong sabi sa kanya

"Huh? Eh ano pala yung sinabe mo kanina?"

"Shhh… Sinabi ko lang yun para mapapayag siya. Hehe"

"Gagu ka pre! Di fake news pala tayo kanina?" pabulong na din niyang tanong

"Kaya nga pinagsabe ko na, para malaman din ng iba at kumbinsihin siya. Pag ganun, mapilitan na siyang umoo."

"Sinusugo mo yun sa gyera, e alam mo namang may stage fright yun. Pag yun napahiya, magse-self pity at mas magiging reclusive yung tao lalo."

"Di yan! Isusupport naman natin siyang maigi. Basta wag mong sasabihin ha."

"Bro, sure ka ba diyan? At ano namang maitutulong natin sa kanya kung hindi taga-cheer lang"

"May contact tayo sa loob. Kakutsaba ko yung mga rep ng student org. Pinipilit nila ngayon si Allen na jumoin din"

"Gago pre! Naku talaga!"

"Hindi yan! Kaya niya yan! Ay teka pala," at chineck ko ang phone ko, "O ayan! May groupchat na kami. Ijojoin kita. Added"

Nagcheck na din ng phone si Noel, "Uy dalawang chika babe to ah!"

"Mga fujoshi yang mga yan. Supporter ng Team Jellen"

"O e di irename natin." at nagta-type na din siya, "Teaaaam Jellllllllen"

Maya-maya pa, nagsireply na yung dalawa.

Gabby: Gusto ko yung Team Jellen. Haha. Welcome po Noel.

Erine: True! Push na natin to guys!

Noel: Hi girls! Let's do this!

Kim: Ano na bang update? Pinagkalat na namin dito na si Jelo magrerepresent sa CABEIHM

Erine: Nakausap na namin si Allen. Okay daw sa kanya magjoin :-)

"Woah! Ambilis pumayag ni Allen" mahinang sigaw ni Noel.

"Oo nga no! Iba yung confidence level ah!"

Kim: Buti napapayag niyo agad?

Erine: Sabe kase namin kasali na si Jelo as pambungad na statement. So umoo, agad agad hahaha

Kim: Wait paano niyo sinabe? Need nateng coordinated para iisa statement natin.

Gabby: Ganto kase. Nakasalubong namin si Allen sa CECS building after we talked kanina. Tas sinabe nga naming magjoin siya para may kasama si Jelo. Pagsabi namin ng Jelo, nagulat at vinerify pa kung si Angelo Estella. Tapos pagkaverify niya, sabi niya lang sige daw join siya

Erine: True yan. Parang tuwang tuwa siya kasali si Jelo. My fujoshi heart melts kanina, i cannot!

Kim: O diba? Iba yung ngitian niya pag si Jelo na? Kakalanggam eh haha

Gabby: I know right! Like duh! Halatang halata!

Kim: O basta ha! Tuloy ang support natin sa Team Jellen. Alam na ba ni Charles?

Erine: Yep. Magkasama kami sa class just now. Tuwang tuwa siya nung sinabi namin na napilit namin si Jelo and asked kung kelan start ng practice. Excited much? hahaha

"Wait! Kakutsaba niyo si Charles?" tanong ni Noel

"Hindi. Pero siya nagrefer kay Jelo. And we're looking forward na i-try niyang mag-advance kay Jelo at magkakaroon ng rivalry between him and Allen"

"Hmmm…" At nagpatuloy siya sa pagtatype

Noel: E pano pala kung hindi natin makumbinsi si Jelo? Di nganga tayong apat?

Kim: Hindi yan. Tiwala lang, mapipilit natin si Jelo

Erine: Kung hindi makasali si Jelo, si Kim ang ilalaban. Hahaha

Kim: Luhhh

Erine: Magkaganon man, kasali pa din si Allen at Charles.

Gabby: Kung si Kim man ang papalit, yayain niyo na lang si Jelo mag-assist sa backstage. For sure naman, lalapit siya kay Allen at didikit naman si Charles sa kanya. For sure, magka-clash pa din

"Oh ayan! At least may Plan B tayo. Magready ka pa din pre just in case." sabe ni Noel

"Gago ka! Katos ka saken pag di natin napasali si Jelo"

"Sure ka bang okay lang sayo yang ibinubuyo mo si Jelo kay Allen?" tanong niya ulit

"E siya gusto ni Bes eh! Alangan namang ipilit natin siya kay Charles e iba naman ang gusto niya"

"Bat di na lang sayo bro?"

"Huh?"

"Di ba nagka-crush ka din naman kay Jelo noon? Nagtapat ka pa nga ng feelings mo sa kanya e, nafriend zone ka nga lang"

"Ulol! Wala na yun sakin no? Di ba nga napag-usapan naming hanggang magbestfriend lang kami?"

At naputol ang usapan namin nang biglang nagsipagbalikan sa upuan at tumahimik ang mga kaklase namin. Dumating na si Miss Jean at Jelo.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81