Chereads / My BabyBoy (Tagalog) / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

KIM'S POV

Nakatambay ako sa hallway ng building namen paghihintay kina Jelo at Noel. Umuwi pa yung dalawa mula sa seminar ng department namin kaninang umaga. Naiinip nakong maggames sa phone ko nang lumapit sa akin yung dalawang babaeng tumili kahapon sa titigan nina Jelo at Allen sa library.

"Hi!" Pagkaway saken nung babaeng mahilig magphone kahapon, "I'm Erine, from student org. Nice to meet you." at inabot ang kamay nya saken para makipagkamay.

Nakipagkamay ako at nagpakilala din na may pagtango-tango pa nang bahagya, "Hello Erine, I'm Kim. Nice to meet you too." Syempre with matching pagpapacute smile and tantalizing eyes.

"We're looking for people to represent each college sa beauty pageant this Foundation Night. Baka naman pwede ka magrepresent ng department nyo."

"Ahmmm pag-isipan ko muna ha. Sino-sinong kasali if ever?" tanong ko

"Actually si Angelo Estella yung first choice namin na kuhaning representative nyo as per the suggestion ng representative ng College of Nursing eh"

"Ah oo si Jelo. Classmate and bestfriend ko yun." Patango kong pagsagot. Parang pinamukha nilang second option lang ako ah. "Hmmm… Sino ba yung representative ng College of Nursing?"

"Si Charles Doloromente. You know him as well, right?" singit nung kasama ni Erine.

Ahhh.. Para-paraan si Nurse Charles ha… "Ahh okay. Yes, I know him from our ROTC class. By the way, I'm sorry I didn't catch your name earlier. What is it again, Miss?"

"Ayy oo nga!" sabe ni Erine, "This is Gabby, my bestfriend. Part din sya ng student org."

Kumaway si Gabby, "Hello Kim, nice to meet you!" at inoffer nya ang kanyang kamay para makipagshake hands din saken

"The pleasure is mine. Nice to meet you both." Sagot ko habang nakikipagshake hands.

Then some great idea occurred to me, "Hmmm… Meron na ba kayong representative para sa CECS?"

Nagtinginan yung dalawa, at sumagot si Gabby, "Wala pa eh. Baket? May isa-suggest ka ba?"

"Why don't you ask Allen? IT yun eh"

"Who's Allen?" tanong niya saken

"He's the guy talking to Jelo in the library. Yung pinicturan nyo kahapon"

Nagtinginan at nanlaki ang mga mata ng dalawa, "Wait, is he from College of Computer Sciences?" tanong ni Erine, "Akala ko he's from Accountancy din at kaklase ninyo ni Jelo"

"Ah hindi. Ngayong school year lang sila nagkakilala. At first year lang si Allen, matangkad lang talaga." sagot ko

"Yiiie!" sabay na tili ng dalawa bago kinausap ni Erine si Gabby, "sabe na nga ba, I smell something fishy sa dalawang yun kahapon eh"

"Oo nga! Pero aminin mo, bagay silang dalawa. Ayiie! Bromance to the max!" sagot ni Gabby na may paghigh five kay Erine

"Oo gurl! Simula ngayon i-stalk naten lagi sila" sagot ni Erine na hindi na binitawan kamay ni Gabby at hinawakan pa yung isa pang kamay. At sabay silang tumalon nang bahagya habang tumitili.

Nangiti lang ako habang pinapanood sila, "Mga fujoshi pala kayo eh" pagdedeclare ko

Bigla yata silang natauhan at tumigil sa ginagawa, "Ay oo. Mahilig kame magbasa ng manga na yaoi eh" sagot ni Erine

"Yaoi? Outdated term na yun. It's now called Boys Love or simply BL." Pagtatama ko sa kanila

"Ay talaga?" tanong ni Gabby

"Oo, according to Jelo. Nanonood sya ng Thai BL stories eh"

"You mean?.." Nanlalaking matang pagtatanong ni Gabby, na me paghawak pa sa braso ko

"Confirmed sya?" Pagtatanong din ni Erine na humawak naman sa kamay ko

"Ay sh*t! Forget what I said!" pag-iling –iling kong sagot sa kanila sabay bawi ng mga kamay ko. Shoot! Bakit ko ba in-out si Jelo sa dalawang to?

"Hindi! Nasabi mo na eh!" pamimilit ni Gabby

"And don't worry, Jelo's secret is safe with us." sabe ni Erine

Wala na akong magagawa, nasabi ko na eh. Lagot na talaga ako kay Jelo, second time nang nangyare to eh. "Yes, pero please wag ninyong sasabihin sa iba ha. Malalagot ako kay Jelo neto eh"

"No problem!" pagtapik sa akin ni Gabby, "Kahit naman hindi mo sabihin, we kinda had the idea from Charles." Sabay wink sa akin

"Paano? Sinabe niya sa inyo na silahis si Jelo?"

"Hindi. You might not know us pero we were in the same battalion dati. Classmate ako ni Charles." sabe ni Erine, "And simula nung nagkasagutan silang dalawa noon, nag-iba ang pakitungo niya sa lahat, especially kay Jelo."

"True!" singit ni Gabby, "Tapos sinuyo pa siya nung isa pang pogi din after. Akala nga namin boyfriend nya yung lagi niyang kasama dati bukod sa inyo eh. Boyfriend niya ba yun?"

"Si Joshua? Hindi ha. Naging MU pero di naging magjowa." Naiiinis talaga ako pag naaalala ko yung lalaking yun. Anlakas ng panggagago niya kay Jelo noon.

"Well akala talage namin sila eh. At si Charles din, strikto sa amin pero naging worryrat at maalaga kay Jelo." sabe ni Erine.

"Kaya nga." pagsang-ayon ni Gabby, "E kayo nung isa pang lagi niyong kasama? Don't get me wrong ha, pero straight kayo?"

"Straight ako no! At wala pang naging boyfriend si Jelo. Ever."

"Does this sound na may prospect na siya? Yung Allen nga?"

"Yep! And I need your help in making them happen."

"OMG! Paano?" patiling pagtatanong ni Erine

"Ganto. Pipilitin ko si Jelo na siya na lang magrepresent ng college namin. In return, kailangan niyong mapilit si Allen na siya magrepresent sa College of Computer Sciences."

"Hmmm… Sounds like a good plan, pero paano kung isa sa kanila ang umayaw?"

"Kaya para sure tayo na sasali sila pareho, ang sasabihin ko kay Jelo ay confirmed nang kasali si Allen. Tapos kayo, hihikayatin niyo si Allen na sumali stating na sumali na si Jelo. That way, mahihikayat talaga yung dalawa na sumali."

"Sige. Pero if ever na napasali natin sila, what's next?"

"Andun si Charles diba?" nakangiting pagtatanong ko.

"Ah! I think I know what you're thinking. You're planning na mag-clash si Allen at Charles over Jelo?"

"Yep! Nakita niyo naman ang galawan ni Charles kay Jelo dati diba? And nasaksihan niyo din kahapon ang tinginan nina Allen at Jelo. So this is a win-win for all." Sabay kindat sa dalawa.

#AlJe

*************************

Please follow Me on Social Media

Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81

If you want, send your donation to

https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81