RHEK'S POV
Naglalakad ako passing by the CABEIHM building when I saw Kim talking to the two girls from yesterday. May paghawak pa sa kamay nya yung dalawa at halatang natutuwa siya sa nangyayari. Ang kapal ng lalakeng to! Ano kayang pinag-uusapan nila? Lumapit ako nang kaunti sa may edge ng hagdan para mapakinggan sila.
KIM'S POV
"Pero gaano ka ka-sure na mag-ka-clash nga sila over Jelo?" tanong ni Gabby
"Kasi si Charles, lalapit nang lalapit kay Jelo pero si Jelo bubuntot naman kay Allen. Si Allen naman mapepressure sa mga advances ni Charles kay Jelo. So sure na one of these days, magka-clash sila."
"Baka naman ma-premature development yung feelings ni Allen, baka maguluhan at umayaw siya ha? Maraming ganyan ang takbo ng story sa yaoi eh. In denial yung isa"
"Pero kita naman natin yung closeness nila, so for sure someway, somehow we can make them an item" sagot ni Erine kay Gabby
"Girls, let us play it by ear muna ha. Don't jump into ends, sa means muna. Kailangan nating mapagplanuhan tong mabuti para iwas gulo and smooth development" sabi ko na lang, "Akin na muna ang mga contact numbers nyo, para in case need nating magplano fast, we can talk online without being caught na me pinaplano tayo."
"Sige, type mo dito number mo" sabay abot ng phone niya si Erine, "Tapos gagawa ako ng groupchat nating tatlo"
"Oy isasama ko pala yung isang kaibigan namin ni Jelo ha. For sure tutulong yun sa atin"
"Siguraduhin mong tutulong yan at hindi ipapahalata sa dalawa ha." singit sa usapan ni Gabby
"Oo naman. Matutuwa yun pag nagkajowa na si Jelo" sagot ko, thinking of Noel
"Okay game na. Type mo na here ang number mo" sabe ni Erine, at nagsimula na akong magtype ng number ko"
RHEK'S POV
Hindi ko masyadong madinig ang pinag-usapan nilang tatlo. I only heard advances, denial, item, caught, number and chat. Does that mean he's making advances dun sa nag-abot ng phone sa kanya so he gave his number para magkachat sila? Ang kapal ng apog ng mokong na 'to. Siya pa yung nagpapaligaw sa babae?
"Basta secret lang naten to ha? Walang makakaalam" sabe ni Bangs
Ano kayang pinagsasabe niya sa dalawang babae? Sh*t iba na ang naiisip ko ah. I tried getting nearer by stepping into the garden pero nagslide lang ako afterwards at napaupo ako sa damuhan.
"Araaay!" Ansakit ng pagkakadausdos ko sa damuhan
"Rhek? RhekRhek!" nadinig kong isinisigaw ni Bangs at nagsimula na akong makadinig ng nagmamadaling footsteps na papunta sa akin. Talk about stealthy eavesdropping.
"RhekRhek, okay ka lang ba?" tanong ni Kim habang inooffer ang kamay niya para itayo ako, na tinanggihan ko naman while I'm struggling to stand on my own. Yung dalawang babaeng kausap niya, tumitingin sa may likuran ko.
"Miss, me ilang scratches ka on your thigh," sabi nung isa. Like duh! Natumba nga diba?
"Hindi okay lang ako" pero sinasabe ko yun nang nakasimangot
"Are you sure? We're nursing students. We can help you clean and cover that up, "sabi nung isa na nag-abot ng phone kay Kim. Pake ko kung nursing students kayo? I don't give a damn.
"Hindi. I'm fine. Thank you." I steadied myself and managed to smile a bit
"Okay sige, if you insist." sagot niya, at humarap na siya kay Bangs, "O siya Kim ha, ang usapan natin ha! We will contact you after class."
"Okay okay. Chat or txt na lang" sagot ni Bangs, bago niya ako hinawakan sa bewang at parang isasandal sa gilid niya, as to support me in standing up.
"See you around" sabe nung isa, at halos sabay silang nagwave bago umalis, na tinanguhan naman ni Kim.
Nang makalayo na yung dalawa, saka niya ulit ako tinanong, "Sure ka ba talagang okay ka lang? Andami mong gasgas oh"
"Yeah I'm fine. And get off me!" sabay tulak sa kanya
"Eto naman. Tinutulungan na nga, siya pa yung galit," kinuha niya yung kamay ko, isinakbit sa braso niya, "Alam ko masakit yan, so magpaalalay ka na sa akin"
Di ko na tinanggihan ang offer niya at nagsimula na kaming maglakad nang paika-ika sa sakit. Tumigil kami at iniupo niya ako sa bench sa tapat ng isang store sa loob ng uni. After a few minutes, lumabas siya with a bulak, a box of band aids, and a small bottle of alcohol.
"Linisin natin yang sugat mo, baka mainfection yan," sinabe niya habang binubuksan yung plastic ng bulak.
"Hindi na kailangan, okay? Kapirasong gasgas lang yan, malayo sa bituka" pero nagulat ako sa ginawa niya. Pagkabukas niya ng alcohol, pinasirit niya sa sugat ko.
"Araaay!" Sa gulat ko, nasampal ko siya.
"Araaay!" napahawak siya sa pisngi niya dahil sa pagkakasampal ko
"Sorry ginulat mo ako eh. Ang sakit kaya?"
"Oh akala ko ba hindi masakit? Akala ko ba strong ka? Bakit napapaiyak ka jan?"
"Nagulat lang ako sa sakit. Binigla mo ako eh"
"Yaan mo next time, smooth at dahan-dahan na…" sabay kindat at kagat-labi niya. At sinampal ko lang ulit siya.
"Araaay!" napahawak ulit siya sa pisngi niya dahil sa pagkakasampal ko, "Nakakadalawa ka na ha!"
"Eh ang bastos mo eh"
"Anong bastos dun? Wala naman akong sinabe ah?"
"But you're implying something else"
"Ang ibig kong sabihin, smooth at dahan-dahan na yung paglilinis ko po ng sugat mo po madam," at yumuko na siya at inilapat ung bulak sa sugat kong basang-basa sa alcohol
"Aray! Aray!" ang siya ko na lang nasasabi sa bawat dampi ng bulak sa gasgas ko
"Saglit na lang to," sagot ni Bangs, "Hindi naman masyadong madumi yung sugat eh, ipa-patch na lang ng band-aid para iwas dumi at infection" at nagsimula na nga siyang kumuha ng band-aid at takluban ang mga gasgas, "Ayan, as good as new."
"Paanong as good as new eh andami mong nilagay?" sagot ko habang tinitingnan ang mga band-aid na pinaglalagay niya sa hita ko
"Magtiis ka! Ano ba kasing ginagawa mo at nagkaganyan ka?"
Sh*t! Di niya pwedeng malaman kung bakit ako andun.
#AlJe
*************************
Please follow Me on Social Media
Facebook, Twitter, Instagram: @jelooo81
If you want, send your donation to
https://www.buymeacoffee.com/jeromeangelo81